October... Katatapos lang ng finals ni Laura at naasikaso niya na ang dapat asikasuhin next sem kaya napagpasyahan niyang umuwi na lang. Hindi niya na lang ipinaalam kay Aaron ang bagay na iyon. He wants to surprise him lalo pa at birthday niya na bukas. She’s turning 16. Napangiti siya sa naisip habang namimili ng lulutuin para bukas. Hindi marami ang pinamili niya lalo pa at ang mag-asawang Badi at Marissa lang ang panauhin niya. Nasa sakayan na siya ng jeep pauwi sa kanila nang makita niya si Juliana. Iiwasan niya sana ito pero nakita na siya ng pinsan. Lumapit ito sa kaniya at sa gulat niya ay ngumiti ito nang matamis habang papalapit sa kaniya. May kasama itong lalaki at nakapulupot ang kamay ng lalaki sa baywang nito. Napatingin siya sa suot ng pinsan. She’s wearing a black pant

