Dalawang araw mula nang dalhin si Laura sa hospital ay napagpasyahan niyang umuwi na lang. She has not fully recovered dahil ang bakas ng kalupitan sa kaniya ay hindi pa rin nawawala. Mas ginusto niya na lang na umuwi dahil nahihiya na siya kina Badi at Mariss. Lalo na kay Aaron na ito ang gumagastos sa lahat para sa kaniya. Ngayon na na pauwi na siya sa bahay niya ay saka lang siya nagsisi kung bakit niya pa pinatulan ang tiyuhin niya. Sana pala ay umalis na siya noon sa bahay ng tiyahin niya para hindi na lumaki ang gulo. Hindi na sana siya nakipagsagutan dahil ngayon nga ay tuluyan na siyang nag-iisa. Magkatabi sila ni Aaron sa tricycle ni Badi. Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe nang magsalita si Aaron na nasa tabi niya. “Doon ka na muna sa bahay...” Seryoso ang boses nito at para

