Nang makarating sila sa Naval ay minabuti muna ni Aaron na ihatid si Laura sa NSU o Naval State University. Gusto man niyang samahan si Laura sa loob ng unibersidad ay mas minabuti niya na lang na hindi lalo pa at may mga nakita siyang estudyante na tagaroon sa kanila na magpapalista rin. May tagaroon din sa kanila na nagtatrabaho sa eskwelahan na dikit sa tiyahin ni Laura. “Babalikan na lang kita pagkatapos ng isang oras, okay lang ba?” tanong niya rito nang nasa tapat na sila ng NSU. “Nagugutom ka na ba?” Ang totoo ay pangatlong beses niya na itong tinanong at iisa lang ang sagot ng dalaga. Umiling ang dalaga. “Hindi pa.” Matamis itong ngumiti sa kaniya bago tinanaw ang gate ng school. “Excited talaga ako, Aaron, kaya kahit nagugutom ako kanina habang nasa biyahe tayo ay nawala na la

