Para silang magnanakaw na kailangang tingnan ang paligid dahil baka may nakatingin sa kanila. That’s the exact term to use for them. Paano ba naman, kahit nai-excite si Laura na makasama si Aaron ay hindi mawala sa kaniya ang kaba at takot na may makakita sa kanila at magsumbong sa tiyahin niya. Kapag kasi nagkataon na may makakita sa kanila, tiyak na lagot siya. But I will seize this enchanting moment, whatever it costs... piping bulong niya sa sarili habang naliligo. Sa Spillway sana sila magkikita ni Aaron. Pero dahil natatakot nga siya na may makakita sa kaniya ay mas minabuti na lang niya na sa Naval sila magkita ng binata. Baka nga ay nakasakay na ito sa jeep papunta sa Naval. Matapos maligo ay naghanap siya ng damit pero wala siyang makitang matinong damit niya. Mga luma na

