Eksaktong dalawang araw mula nang puntahan siya ni Aaron sa bahay ay nawala ang lagnat niya kaya alas-singko pa lang ng umaga ay papunta na siya sa bahay ng tiyahin niya. Nakangiti pa si Laura na para bang masaya pa siya dahil nagkasakit siya. Truth to be told, kasi masaya nga siya dahil kung hindi siya nagkasakit ay hindi siya magkakaroon ng paglakataon na makausap si Aaron. “Grabe, ang weird mo naman, Laura,” bulong niya pa sa sarili. Ilang minuto pa ay narating niya na ang bahay ng tiyahin niya. Gising na ang Tiya Siding niya at Tiyo Lucio. Nang sulyapan niya ang tiyuhin niya ay nakangisi pa ito nang nakakaloko. Hindi niya iyon pinansin. Useless kasi kung sabihin niya ang totoo sa tiyahin niya dahil hindi ito maniniwala sa kaniya. But she woke up na magaan ang pakiramdaman kaya

