Payo

1683 Words
Pagpasok ko sa loob ng shop ni Leira ay agad siyang hinanap ng mga mata ko pero hindi ko ito nakita. "Good afternoon, Sir!" bati sa akin ng isang babae at sa tingin ko ay tauhan siya rito sa LC Wooden Collections. "Hi, Good afternoon! I'm looking for Leira Crisostomo," ganting bati at tanong ko na rin agad sa kanya. "She's on break at the moment, Sir sino pa sana sila?" magalang na tanong nito sa akin. "I'm Vayden Lucero Austria." Kitang-kita ko agad ang pagkamangha sa mukha ng babaeng kausap ko nang marinig nito ang buong pangalan ko. "May idea po ba kayo kung anong oras siya makakabalik dito?" tanong ko dahilan para mapukaw ang isip nito. "Hindi ko po alam, Sir, e kasama niya rin po kasi ang mga kaibigan niya," sagot niya. "Ano po ba sana ang talagang sadya ninyo sa kanya?" tanong naman niya. "I'm here to invest," turan ko. "Ay, Sir you need to set an appointment po muna bago kayo mag invest. Hindi po kasi nag e-entertain si Ma'am Leira ng surprised investor," pahayag naman niya. "Gan'on ba? Sige ganito na lang can you just call her and tell her that I'm here," suhestiyon ko. Agad naman siyang sumang-ayon sabay kuha ng cellphone niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon at agad na tinawagan si Leira. "Sir, ano nga po ulit first name ninyo?" tanong sa akin ng babae habang kausap si Leira sa kabilang linya. "Pakisabi si Vayden Lucero Austria her future sexy husband," nakangiting sagot ko. Bakas man ang gulat sa mukha ng babaeng tauhan ni Leira ay sinunod pa rin nito ang sinabi ko even the word future sexy husband "I think she's on her way, Sir," wika niya sa akin nang maibaba na niya ang kanyang telepono. "Thank you, Ms—?" "March po, Sir ako po ang secretary ni Ma'am Leira," pagpapakilala niya sa kanyang sarilli. "Thank you again, Ms. March," pasalamat ko ulit sa kanya. "Sige po, Sir maiwan ko na lang po muna kayo rito may aasikasuhin pa po kasi ako sa taas," paalam naman agad niya. "Sure, Ms. March ako na ang bahalang maghintay sa mapapangasawa ko," May katiyakang sagot ko sa kanya. "Sir, mawalang galang na po ha? Boyfriend po ba kayo ni Ma'am Leira?" nahihiyang tanong niya sa akin. "I'm more than just her boyfriend, Ms. March," nakangiting sagot ko sa kanya. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" muling tanong niya sa akin. "As I said I'm her future husband you'll see that, Ms. March," pinal kong sagot sa sigurado kong boses. "Sana nga po, Sir papayag si Ma'am Leira na kayo ang magiging asawa niya," sabi pa niya. "Siyempre naman, Ms March nasa akin na ang lahat, gwapo, sexy, yaman at kabaitan, o 'di ba saan ka pa?" Alam kong mayabang na ang tingin ngayon sa akin ni Ms. March dahil sa confident na meron ako pero 'yon lang kasi ang paraan ko para ipaalam sa kanya ng totoong-totoo ako pagdating sa boss niya. I love Leira and I will do anything just to prove my love and faithfulness to her. Ganoon ako kabaliw kay Leira Crisostomo. Pagkuwa'y tuluyan na ako nitong iniwan sa dito sa baba and the next thing I noticed is kung paano magtilian at kiligin ang iba pang mga trabahante ni Leira dahil sa taglay kong kagwapuhan. But I ignore them, baka mapagalitan pa ako ng mapapangasawa ko, e. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Leira and as usual ay sobrang naiinis at naiirita na naman ito sa presensiya ko. Pero hindi ako nagpatinag dahil alam kong lilipas din 'yang inis at iritasyon niya pagdating sa akin pero itong nararamdaman ko para sa kanya ay mananatili ito hangga't humihinga pa ako. At ginawa ko nga ang lahat para makapag invest lang sa shop niya and I succeed. Pagkatapos ng tagpong iyon ay tuwang-tuwa ako habang pauwi ako sa mansion ng aking mga magulang doon ako didiretso para ibalita kay Mommy na nakapag invest na ako sa LC Wooden Collections. "Kuya Sexy!" Si Shy agad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng bahay dahil ang bulinggit na ito ang nagbukas sa akin ng pintuan. "Hello, Shy!" Agad ko naman itong binuhat at ginulo ang kanyang buhok. "Vayden?!" bulalas ni Vanna nang makita niya ako. Siya na lang kasi at itong si Shy ang kasama nina Mommy at Daddy dito sa aming mansion dahil kami ni Ate Vida ay nakatira na sa aming sarilling mga bahay. "What brings you here?" mataray agad niyang tanong sa akin habang nakataas ang kanyang kilay. "Gusto ko lang bisitahin kayo," tugon ko na ikinairap lamang niya. Ang taray talaga nitong kakambal ko. "Wala pa sina Mommy at Daddy, Vayden nasa firm pa si Mom at si Dad naman ay may meeting pa sa Luch's," litanya niya. "Ganoon? Sige hintayin ko na lang sila," sagot ko. "Kuya Sexy, luto tayo leche flan," wika ni Shy na ikinairap lamang ulit ni Vanna. "Again?" may halong lambing kong tanong sa kanya. "Yes po, Kuya Sexy please." Pinagsiklop pa nito ang dalawang palad niya kung kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. I just changed my clothes then headed to our kitchen to make leche flan and Shy is with me, dahil ako lang naman ang kakampi ng bulinggit na ito sa aming mansion kung wala sina Mommy at Daddy. Nakakapagtaka tuloy kung ano ang nangyayari sa aming mansion kung sila lamang ni Vanna ang magkasama rito. Masyadong sutil kasi si Vanna palibhasa bunso. Pagkatapos kong gumawa ng leche flan ay kumain na kami ni Shy dinamihan ko na rin para pati mga katulong namin at si Vanna ay makakain din. Pagkatapos naming kumain ni Shy ng leche flan dito sa pool area ng bahay ay nagpaalam na agad ito sa akin na papasok na sa kanyang kwarto para tapusin ang kanyang pinapanuod ng cartoons. At maya-maya lang din ay dumating na rin sina Daddy and just like Vanna's reaction they were also shocked when they saw me visiting them here in mansion during weekdays. "Hi, My prince!" nakangiting bati sa akin ni Mommy. "Hi, Son!" bati rin sa akin ni Dad. "Hello, lovebirds!" ganting bati ko rin sa aking mga magulang at sinalubong ko sila ng halik at yakap. "Where's Vanna and Shy?" tanong ni Dad sa akin. "Si Shy po nasa kwarto niya si Vanna naman po nasa dining kumakain ng ginawa kong leche flan," sagot ko. "Hi, parents!" bati ni Vanna sa aming magulang nang makalabas siya mula sa dining area. "Isn't it surprising, Mom, Dad? Kasi Monday na Monday pero napadpad dito si Prince," mataray nitong wika. "Oo nga, anak," pagsang-ayon naman agad ni Mommy sa sinabi ng kakambal ko. "Gusto ko lang po kasing sabihin sa inyo, Mom na nakapag- invest na po ako sa LC Wooden Collections," nakangiting sagot ko kay Mommy. "Aba ang bilis naman yata," patawa-tawang sabi naman ni Daddy sa akin. "Of course, Dad baka maunahan pa ako nang iba riyan, e." Kitang-kita ko agad kung paano kumunot ang noo ni Mommy at mapanuring tingin pa ang pinukol nito sa akin. "What do you mean, Vayden?" tanong ni Mommy. "Gaya na naman ng dati," sabad naman ni Vanna. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Mommy na playboy ako noon dahil may mga iilang babae na ang pumunta rito noon sa mansion at umiiyak dahil iniwan ko sila. "Vayden?" nambabantang tawag agad sa akin ni Mommy. "Mom, huwag po kayong maniwala riyan kay Vanna tinapos ko na po sa pagiging playboy ko," pagtanggol ko naman sa sarilli ko. "E, ano na naman ang plano mo roon sa babae, abir?" mataray na namang tanong na kontrabida kong kakambal. "Aasawahin." "What?!" gilalas nilang tatlo. "Vayden, umayos ka nga," saway ni Mommy sa akin. "I am, kaya nandito rin po ako ngayon para ipaalam na agad sa inyo na si Leira Crisostomo na po ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang ako ay nabubuhay pa," litanya ko na ikinailing lamang nilang dalawa ni Vanna, while Dad is just smiling. "Lucho, kausapin mo nga 'tong anak mo, mukhang kayo ang magkakasundo niyan, e," utos pa ni Mommy kay Daddy. "Of course, Misis ko, like father like son," Dad proudly said. "Mag-ama nga kayo," umiirap na sagot naman agad ni Mommy. Pagkuwa'y nagpaalam na muna si Mommy sa amin dahil kailangan na nitong magbihis maging si Vanna ay sumama na rin sa kanya sa taas. "Vayden, seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina?" nagdududang ni Daddy ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa sala. "Yes, Dad mahirap man paniwalaan pero papatunayan ko po sa inyo and sooner or later ay dadalhin ko na siya rito sa ating mansion," may katiyakang sagot ko sa aking ama. "Well, hindi kita pipigilan sa ganiyan, anak but I really hope na sana hindi ka na magpapalit-palit ulit ng mga babae. Dahil hindi naman talaga 'yon nakakatuwa, e so be a man this time, anak at kapag ready ka ng ipakilala sa amin ang babaeng papakasalan mo mayaman man siya o mahirap hindi namin siya huhusgahan." Naantig ang puso ko sa mga sinabi ni Daddy sa akin. Ang swerte ko talaga sa pamilyang meron ako dahil wala sila tumitingin sa estado ng tao lalo na sa mga magiging kasintahan namin. "Thanks, Dad, " sinserong sabi ko. "Pakasalan mo anak ha?" "Of course, Dad so be ready sa pagiging Lolo mo," pabirong wika ko pa. "Anak nga kita, Vayden galingan mo nang matuwa sa'yo ang asawa mo," payo pa ulit niya na ikinatawa ko naman agad. "Ay talaga lang, Lucho ah? Gustong-gusto mo talagang igaya si Vayden sa'yo," sabad ni Mommy dahil tapos na pala ito sa pagbibihis. "Ops!" Mas lalo lamang akong natawa dahil sa naging reaksiyon ni Dad halatang takot kay Mommy. "Takot ka kay Mommy, Dad?" patudyong tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ganoon, Vayden sadyang nagmamahal lang ako. Soon, anak maiintindihan mo rin itong nararamdaman ko at masasabing mong normal lang matakot tayo sa asawa natin dahil nirerespeto lang natin sila," litanya pa ni Dad na ikinangiti naman ni Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD