Vayden Lucero Austria

1925 Words
I never thought that I would see her again after two years pero ang mas hindi ko inasahan ay dito pa mismo sa mismong bar na pagmamay-ari ko. Hindi ko inasahang sa ganoong sitwasyon ko pa siya masisilayan ulit. Hindi ko rin alam na umiinom din pala siya pero hindi na ako nagulat nang makita ko na isa sa mga kasama niya ay si Arci dahil 'lagi naman 'yan dito madalas pa ngang kumukuha ng VIP, room. But going back to Leira, she changed she's more sexy and beautiful now than before. Pero ang hindi nagbago ay ang tingin niya sa akin dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay naiinis pa rin siya sa akin and I know the reason why, hindi lang naman kasi siya ang babaeng naiinis sa akin marami sila pero 'di hamak na mas marami pa rin ang gustong magpakalantari sa akin. Well, anong magagawa ko e biniyayaan ako ng gwapong mukha at kaakit-akit na katawan, e. To the point na pati teacher ko noon sa college ay nagkagusto na rin sa akin and she was my first experience. Eighteen pa lang ako noon pero siya thirty years old na bioda siya and her body is longing for intimate sensation so, I obliged but not for the grades just for pleasure, ganun lang. Dahil hindi lang naman ako gwapo may diskarte at talino rin ako 'yon ang 'laging sinasabi sa amin ni Mommy Vee noong mga bata pa kami kaya tumatak talaga iyon sa isipan ko. Kaya naging magaling ako bilang estudyante pero hindi lang sa klase dahil maging sa pagpapaligaya ay ganoon din. Kaya nga kahit first time ko noon sa teacher ko ay hindi ako nagpahalata. Of course I'm a man and I have my ways and since I experienced s*x ay nagustuhan ko na iyon pero hindi porket nagustuhan ko ay kung sinu-sino na rin ang kinakama ko. Nah! I'm not that cheap. Mapili rin ako at kung sino lang ang jowa ko ay siya rin ang tinitikman ko pero kahit may jowa na ako ay lapitin pa rin ako kaya nakikipagbreak ako agad sa jowa ko para makatikim naman nang bago. But one event way back and one girl changed my perspective when it comes to love. And that girl is Leira Crisostomo, dati ay isang simpleng estudyante lang naman ang tingin ko sa kanya ni wala nga akong pakialam kahit naiinis siya sa akin ng labis. As I said sanay na ako sa mga ganoong tao because I know not everyone will like me but I don't care. Ang tanging mahalaga sa akin ay sexy at gwapo ako. Pero noong nagtapat kami sa debate doon na nagbago ang lahat palaban si Leira at hindi nagpapatalo lahat nagagawan niya ng paraan and that's what I love about her. Since then sinabi ko na sa sarilli ko na siya na ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko dahil alam kong paninindigan niya ako at ipaglalaban sa kahit anumang laban. But the problem is she hates me that much, kaya naman kahit gustong-gusto ko siyang ligawan noon at mahalin ay hindi ko magawa dahil ang tigas-tigas talaga niya pagdating sa akin. Kaya hinayaan ko na lang din muna siya tutal mga estudyante pa lang naman kami noon, e. Pero sadyang nababago pala talaga ang buhay kapag tapos ka na sa pag-aaral, because the next thing you'll encounter is life. A roller coaster ride of life. Pero blessed pa rin ako dahil hindi lang biniyayaan ng kagwapohan at talino, I was also blessed sa pamilyang meron ako. I'm the only son among the three children of Elvie and Lucho Austria. Kilalang-kilala ang apelyidong Austria dahil sa Lala namin at LoloPop. Namamayagpag lang naman kasi ang mga negosyo ng aming pamilya. And as an Austria I also have one of course it runs in the family. I owned a luxury club called Xixers and I also owned an Island called Isla Amorosa at iyon ang negosyong pinapalago ko ngayon. Ang akala kong maayos at marangya kong buhay ay hindi pa pala dahil mas may ikakaayos at ikakarangya pa pala ito noong nagtagpo nga ulit ang landas namin ni Leira and even she still hates me gumawa pa rin ako ng paraan para mahanap siya. At kung siniswerte ka nga naman ay nalaman ko pang may negosyo pala ito. Nalaman ko iyon noong may dumating na mga nagagandahang couches sa firm na pagmamay-ari ni Mommy at saktong dinalaw ko siya roon. "Do you like it, Mister ko?" tanong ni Mommy kay Daddy parehas kasi silang nasa labas ng firm dahil inabangan nila ang pagdeliver ng mga couches. "Of course, Misis ko, tiwala naman ako sa taste mo, e," malambing na sagot naman ni Daddy. Maraming taon na ang lumipas pero wala pa ring nagbago sa mga magulang ko they we're both inlove with each other. At nasaksihan naming magkakapatid 'yon alam namin minsan may hindi pagkakaunawaan pero hindi nila 'yon pinapakita sa amin na hindi sila okay at alam din naming hindi natatapos ang araw na hindi sila nagiging okay. And Dad always finds a way to pursue Mommy. "Hi, lovebirds!" bati ko sa aking mga magulang habang nakangiti. "Vayden, nandito ka pala," sabi ni Daddy. "Mabuti naman at binisita mo ang Mommy mo rito," nakangiting dagdag pa ni Daddy sabay tapik ng balikat ko. Paminsan-minsan na lang kasi ako ummuwi sa aming mansion dahil nakatira na ako sa aking condo at may sarilling bahay na rin ako sa islang pagmamay-ari ko pero minsanan lang ako roon dahil mas busy ako sa Xixers. "I miss you too, My prince," malambing na wika ni Mommy sabay yakap sa akin. Mommy and my two sisters used to call me Prince when I was a kid up until now, ako lang kasi ang nag-iisang lalaki sa aming magkakapatid kaya ako ang prinsipe nila samantalang sina Ate Vida at ang kakambal ko namang si Vanna ang mga prinsesa nila. "You ordered couches, Mom?" tanong ko kay Mommy nang kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. "Yes, Anak nakita ko kasi ito sa online nagandahan ako kaya inorder ko," sagot niya. "Ang gaganda 'di ba?" tanong pa ni Mommy. "Yes, Mom ang titibay pa po, saan niyo po inorder?" pagsang-ayon ko naman sa ina, totoo naman kasing ang gaganda at ang titibay ng mga couches na inorder niya. "Dito lang 'yan sa Pinas, Vayden sa bagong bukas na furniture shop," sagot ni Mommy. "From LC Wooden Collections made by the owner herself Leira Crisostomo," dagdag pa ni Mommy, na nagpangiti agad sa akin. "What did you say, Mommy, Leira Crisostomo?" paniniguro ko kay Mommy habang hindi maalis-alis sa akin mga labi ang ngiti. "Yes, Prince, bakit kilala mo ba siya?" tanong naman sa akin ni Mommy. "Yes, Mom siya 'yong babaeng nakalaban ko noon sa debate noong college kami," salaysay ko kay Mommy na ikinamangha naman agad ng kanyang napakagandang mukha. "Talaga? Ang galing naman, siya nga pala, anak naghahanap siya ng mga investors for her new business baka gusto mong mag invest, her works are firm and beautiful." Napangiti naman agad ako sa suhestiyon ng aking ina. "You want me, Mom?" nakangiting tanong ko pa sa kanya. "Kung gusto mo lang din naman, Vayden," sagot naman niya. "E, bakit parang iba yata 'yang kislap ng mga mata mo?" mataray na tanong naman ni Ate Vida nakakasulpot lang kinatatayuan naming tatlo. "Oo nga, e, pansin mo rin pala, Vida?" pagsang-ayon naman ni Daddy sa kanya sa makahulugan nitong tono. "Dad!" saway ko naman agad sa aking ama na ikinatawa naman niya. "Bakit, Vayden may gusto ka ba sa may-ari ng LC Wooden Collections?" tanong naman ni Mommy. "Mukhang," sabat na naman ng bagong sulpot kong kakambal na si Vanna. Gusto ko sanang matuwa dahil kumpleto kami ngayong araw pero dahil sa inasta nilang dalawa ay parang gusto ko na lang sila ipasok sa sako dahil sa kadaldalan nila. Mambubuking lang naman sila tungkol sa kalokohan ko, e. "Shut up, Vanna!" umiirap kong saway sa maldita kong kakambal. "Ikinagwapo mo ang pag-irap mo, Vayden?" mataray pa niyang tanong sa akin habang nakataas ang kanyang mga kilay. "No, but it makes me sexy," mayabang ko namang sagot agad sa kanya. "Eww!!!" Siya naman ngayon ang umirap ng bongga at kinampihan naman siya ni Ate Vida. Kung hindi lang talaga sila mga babae kanina ko pa sila binatukan isa-isa. Pasalamat sila mahal ko sila. Kapagkuwan ay pumasok na kami sa loob ng firm at dumiretso sa office ni Mommy. Kasya naman kasi kami roon dahil mala condo ang laki ng office ni Mommy. "Kuya Sexy!" Tumatakbong lapit sa akin ni Shy. Shy is nine years old at inaanak siya nina Mommy at Daddy anak siya ni Tita Timmy. Parang ampon na namin itong si Shy dahil sa mansion namin ito namamalagi dahil nagtarabaho si Tita Timmy sa Macau. Single parent lang kasi si Tita Timmy kaya ito lang ang nagtatrabaho para sa kanyang mga anak. Dalawa kasi ang anak ni Tita Timmy ang isa ay nasa college na at itong bunso niya ay si Shy. "Hi, Shy!" bati ko sa aking kinakapatid sabay gulo ng kanyang buhok dahil nakayakap ito sa aking tiyan. "I miss you, Kuya Sexy," "Weh? Si Kuya Sexy ba talaga o leche flan?" singit na naman ni Vanna sa nang-aasar nitong tono. Kung ako ay mahal na mahal ng batang si Shy si Vanna naman ay kabaliktaran dahil palagi silang nag-aasaran at walang araw na hindi umiiyak si Shy dahil kay Vanna. "Vanna," saway naman agad ni Ate Vida sa kanya. "Kuya Sexy, hindi po talaga ako love ni Ate Vanna," sumbong sa akin ni Shy na kasalukuyang buhat-buhat ko na. "Uy, Shy sobra ka ha? Binilhan kaya kita ng doll noong isang araw at pinakain kita sa favorite mong fast-food chain," sumbat naman ni Vanna kay Shy. "Oh love ka naman pala ni Ate Vanna, e," wika ko naman sa bata. "Ginawa niya lang naman po 'yon kasi inasar niya po ako buong araw ginuhitan niya po ako sa face ko habang tulog ako." Aping-api naman pala itong si Shy sa mga kamay ni Vanna. "Totoo ba 'yon, Vanna?" mariing tanong naman agad ni Mommy kay Vanna. "Opo, Mommy Vee sinabihan niya lang po akong mag quite para ibili niya ako ng doll at pakainin sa favorite kung kainan," sagot ni Shy kay Mommy. Mommy Vee rin kasi ang tawag nito kay Mommy at Daddy Lucho naman kay Daddy. "Bakit ikaw ang sumasagot, Shy? Vanna na ba ngayon pangalan mo?" nandidilat na tanong ni Vanna kay Shy. "Vanna, enough!" saway ko na kay Vanna dahil umiiyak na si Shy. "Stop crying na, Shy," pagpapatahan ko sa bata. Mabuti na lang at tumahan naman agad si Shy at tumigil na rin si Vanna kakaasar sa kanya dahil sina Mommy at Daddy na talaga ang sumaway sa kanya. Dito na ako sa firm nagpalipas ng araw kasama ang aking pamilya dahil namiss ko rin naman sila ng husto. KINAGABIHAN, ay sumama sa akin si Ate Vida sa Xixers dahil gusto niya raw itong dalawin ulit kaya behave tuloy ako. Gusto ko pa sanang magsisi dahil sumama si Ate Vida pero nang makita ko ang babaeng nagpabago sa akin two years ago ay labis-labis ang tuwang nadarama ko. Tinakbuhan niya man ako pero sisiguradohin kong magkikita ulit kaming dalawa. And that day happens today, dahil nandito na ako ngayon sa tapat ng shop ng babaeng mapapangasawa ko. At ngayong nagkita na ulit kami ay hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ulit siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD