Catherine's POV
Parang awa niyo na po Ante kahit konting halaga lang po may pandagdag lang po ako pambili ng gamot ni Inay pagmamakaawa ni Catherine sa kapatid ng ina niya.
“Ilang beses ko ng sinabi sayo na wala akong maibibigay sayo,aba hindi ko na obligasyon ang pagpapagamot ng Mama mo baka pag binigyan pa kita bukas nandito ka na naman,sagot niya.”
“Ante babayaran ko naman po pag nakarami ako ng pinag bentahan ng gulay sa palengke.Kailangan ko lang po talaga,wala na po akong malalapitan pa,umiiyak na sabi ko.”
“Lumayas kana dito,wala akong maibibigay sayo.Kahit anong gawin nyong mag-ina hanggang dyan lang talaga kayo sa pagtitinda ng gulay,at ikaw wala ka ring mararating.Hala!sige alis na” sabay sarado ng pintuan
Umuwi akong bagsak ang balikat,hindi naman kasi kasya ang pinag bentahan ko ng gulay para pambili ng gamot ni Mama,bumili din kasi ako ng pagkain namin.
Naabutan ko pa sa loob ng bahay si Mama na nag-aayos ng mga ititinda kung gulay,.
“Ma ako na po diyan kailangan nyo pong magpahinga kaya ko na po ito”,inalalayan ko naman siyang maupo sa upuan.
“Anak pasensya kana ha,!ako dapat ang gumagawa niyan,obligasyon kitang alagaan.Patawarin mo sana kami ng ama mo kung hindi ka namin nabigyan ng magandang buhay,ni hindi ka nakapag -aral ng kolehiyo”,malungkot na sabi ni Mama.
“Ma hindi niyo po kasalanan ang lahat, kung hindi man po ako nakapag-aral ng kolehiyo okay lang po yun sa akin.Sapat na po para sa akin ang alagaan niyo ako at tinuring na parang tunay na anak,kung hindi dahil sa inyo hindi ko alam kung saan ako pupulutin.Binigyan niyo po ako ng buhay at sapat na po yun para ako naman ang mag-alaga sa inyo,wag na po kayong malungkot”,tsaka ko niyakap si Mama.
Sabi nga nila ang hirap maging mahirap,pero wala naman tayong magagawa kailangan nating magsumikap sa buhay para makaahon.