Chapter 2

377 Words
Catherine's POV Pagdating ko sa palengke inumpisahan ko ng ayusin ang mga paninda kung gulay,sinapin ko muna ang sako tsaka isa-isang inayos.Kailangan kung maibinta to lahat para makabili ako ng gamot ni Mama. Uy! Cath kamusta na kana ?biglang sulpot ng kaibigan kong si Marie.Siya ang naging suki ko dito ng mga gulay sa palengke,,sa akin siya parating bumibili para sa restaurant nila kaya naging mag kaibigan na rin kami. “Okay lang naman ako,”sagot ko. “Bibilhin ko na ang lahat ng paninda mong gulay ng makauwi kana”sabi ng kaibigan ko.”Masaya naman ako dahil mabibili ko na ang gamot ni Mama.,inilagay ko sa isang malaking plastic bag ang mga gulay na binili niya at iniabot ko ito kasama niya.,tsaka naman siya nagpaalam na aalis pagka-abot niya ng bayad sa akin. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko para makauwi na ako pero dadaan na muna ako sa botika para bilhin ang gamot ni Mama. Nang makalabas ako ng palengke tumawid ako sa kabilang kalsada para pumunta ng botika,pumasok ako at pinakita ang resitang dala ko,sinabi naman ng pharmacist na kung magkano ang isang piraso,kasya naman ang pera ko kaya sinabi kung bilhin ko na lahat ang nasa resita,pagkatapos kung mabili ang gamot lumabas na ako at nag-abang ng jeep para makuwi na. Nang makarating ako sa bahay deritso na akong pumasok,nakita ko si Mama sa sala na nakaupo at mukhang malalim ang iniisip ni hindi niya nga naramdaman ang pagpasok ko. "Ma tawag ko sa kanya,nagulat pa siya ng makita ako",may problema po ba bakit parang ang lalim ng iniisip niyo tanong ko sa kanya." "Wala naman anak namiss ko lang ang papa mo,sagot niya".Nginitian ko lang siya at dumeritso na ng kusina para makapag luto na ng pagkain namin,sumunod din pala si Mama sa kusina.Nilabas ko na ang isda na binili ko kanina sa palengke,sabawan ko nalang ito at lagyan ng talbos ng kamote.Iniabot ko naman kay Mama ang binili kung gamot niya. Pagkatapos kung magluto ay kumain na rin kami,ako na rin ang nagligpit ng pinag kainan namin.Sabi ko kay Mama na magpahinga nalang siya,kahit anong inom niya ng gamot hindi parin matigil- tigil ang ubo niya.Wala naman kaming sapat na pera para mapatingnan siya sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD