Thorn's POV
Hinatid ko si duwende sa bahay nila hindi ko rin alam kung bakit ko naisip na gawin ito.Aliw na aliw talaga akong asarin siya.
"Uy! duwende ano nga pala ang totoo mong pangalan,"tanong ko sa kanya.
"Bakit ko naman sasabihin sayo,"mataray na sabi niya.
"Okay lang naman kung ayaw mong sasabihin,"gusto mo yata na duwende itawag ko sayo e,"sagot ko sa kanya.
"Catherine ang pangalan ko,"sagot naman niya.
"Thorn,"pakilala ko sa kanya.
"Kaya pala natitinik ako pag nakikita ka,thorn ka naman pala,"tsaka naman siya tumawa ng malakas.
Ang ganda pagmasdan ng mga ngiti niya,hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko gusto ko siyang makasama lagi,ang bilis niyang makagaanan ng loob.
"Diyan nalang ako sa tabi bababa,"sabi niya.
Agad ko namang hininto ang sasakyan ko sa gilid.
"Salamat tinik sa paghatid,"mapang-asar na sabi niya.
"Magpapasalamat ka nalang nang-aasar kapa,"napapailing na sabi ko.
"Sige bababa na ako,salamat ulit sa paghatid.mag-ingat ka pag-uwi mo tinik," at binuksan niya na ang pintuan ng kotse para lumabas.
Hinintay ko naman siyang makapasok sa bahay nila bago nilisan ang lugar.
Dumiretso ako sa opisina ng kaibigan ko,naabutan ko naman ang mga magulang niya sa loob.
"Hello po Tita/Tito kamusta na po kayo,"
"Okay naman kami iho,paalis na rin kami may pinag-usapan lang kami ni Bowen,"sabi ni Tita.
Agad naman silang umalis sa opisina,naiwan naman kami ng kaibigan ko.
"Anong ginagawa mo dito Thorn anong masamang hangin ang nagdala sayo rito sa opisina ko,"tanong niya.
"Aray! naman brad mukhang ayaw mo makita ang kapogian ko ah!,masama bang dalawin ang kaibigan ko,"sagot ko sa kanyang nakangisi.
"Mukhang iba ang awra mo ngayon ah! inlove kaba?,"tanong nito.
"Masaya lang inlove agad ,masama bang maging masaya paminsan-minsan,"sagot ko naman sa kanya.
Inaantay ko siyang matapos sa ginagawa niya dahil pupunta kami ulit ng bar.Nakatingala ako sa kisame habang nakadipa ang mga kamay sa sofa hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang inaalala ang mukha ni duwende.Lalo siyang gumaganda pag nakangiti siya.
Nagulat naman ako ng may tumamang unan sa mukha ko.
"Para kang t*nga diyan na nakangiti, naparami yata ang hithit mo ng katol,"sabi ng kaibigan ko.Binatukan ko naman siya ng mahina dahil sa ginawa niya.
Lumabas na rin kami ng opisina niya at sumakay ng elevator.Pagdating namin sa parking lot kanya-kanyang sakay na kami ng sasakyan namin.
After 20 minutes nakarating na din kami sa bar,pumasok kami at dumiretso sa 2nd floor.Nag order naman kami ng beer na agad din namang inihatid ng isang staff.
May mga lumapit naman sa amin na ilang mga kababaehan pero hindi kami interesado kaya pinaalis na namin sila sa table namin.
"Siyanga pala brad may party sa bahay next week birthday ng kapatid ko gusto kasing i celebrate ni Mommy kahit wala siya,hindi na kita bibigyan ng imbitasyon pumunta ka nalang,"sabi ni Bowen.
"Sige pupunta ako,"sagot ko.
Pagka ubos ng aming inumin ay nagpasya na kaming umuwi,lumabas kami ng bar at tinungo ang mga sasakyan namin.
Pagdating namin sa parking lot ay binuksan namin ang aming sasakyan at pumasok.
"Brad ingat," paalala ko sa kaibigan ko.
"Ingat din brad,"sagot naman nito.
Pinausad ko na ang sasakyan ko at tinahak ang daan patungo sa condo ko.