Chapter 8

630 Words
Catherine's POV Inis na inis talaga ako sa lalaking yun kung makaasta akala mo sinong gwapo,tinawag pa akong duwende.Buti nga sa tuhod ko siya sinipa hindi sa itlog niya magiging balot talaga yun. Bumili lang ako ng gamot ni Mama may nakasalubong pa akong kapre,bw*sit na yun ang sakit tuloy ng balakang ko dahil sa pagkasalampak ko sa sahig. "Cath pahatid nga itong order sa table 45," Agad ko namang dinala ang order sa table ng customer,nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha. "Excuse me Sir, here's your order enjo... Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang itong humarap sa akin.Napangisi naman ang kapre ng makita niya ako.Sira na naman ang araw ko. "Finally,nagkita din ulit tayo duwende long time no see,"nakangising sabi nito. Hindi ko naman siya pinansin patuloy lang ako sa paglalagay ng order niya sa table,pagkatapos ko ay tumalikod na ako para bumalik sa pwesto ko.Ayaw kong masira ang araw ko dahil sa kapreng yun. Maya-maya pa may pumasok na isang lalaki nakita ko namang nagtaas ng kamay ang kapre dahilan para mapansin ito ng lalaki tsaka naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kasama ng kapre parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagtaas ng kamay ang kapre para kunin ang atensyon namin,ayaw kong lumapit sa kanya kaya si Moray ang sinabihan ko na pumunta sa table nila.Agad din namang bumalik si Moray. "Cath ikaw daw ang mag serve sa kanila,"bulong ni Moray sa akin. "Bakit ako pa e andoon kana rin naman,"sagot ko sa kanya. "Hindi ko din alam basta ang sabi ni Pogi ikaw daw ang mag serve ng order nila," Wala naman akong magawa kundi ang pumunta sa table nila,talagang sinusubukan ako ng kapreng to.gagawin ko talagang balot ang itlog niya. "Excuse me Sir,may order pa po ba kayo,"magalang na sagot ko. Napansin ko namang nakatitig ang lalaking kasama nito,hindi ko alam bakit niya ako tinititigan e hindi naman kita ang mukha ko dahil nakasuot kami ng face mask. Ilang minuto na akong nakatayo pero nakatingin parin ang kapre sa menu. "Sir oorder pa po ba kayo o tititigan niyo lang niyang menu,"gigil na sabi ko. "Ganyan ka ba sa mga customer's niyo dito?,"tanong naman niya. "Sir hindi lang naman po kayo ang customer dito,kailangan ko rin pong asikasuhin ang iba,"naiinis na sagot ko sa kanya. "Sige na Miss pwede kanang umalis inaasar ka lang nitong kaibigan ko,"sabi naman ng kasama niya.Nagpasalamat naman ako sa lalaki at umalis na. Nakakapagod man ang buong araw namin sa trabaho pero kinakaya naman namin,hindi kami magkasabay ni Moray dahil may dadaanan pa daw siya kaya ako nalang mag-isa ang nag-aabang ng jeep. Nakatayo ako sa gilid ng kalsada ng bigla akong napatalon sa gulat dahil sa lakas na busina ng kotse.Bumaba ang bintana nito at nakita ko na naman ang kapre.Inuubos talaga nito ang pasensya ko e. "Pssst, duwende hatid na kita,"sabi niya. Kunwari naman akong naggpalinga -linga sa paligid. "Ako ba ang kinakausap mo,"?turo ko pa sa sarili ko. "Bakit may iba ka pa bang duwende na nakikita?,"pang-aasar niya. Umirap lang ako sa kanya,bumaba naman siya ng sasakyan niya at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang manggas ng damit ko tsaka hinila papunta sa kotse niya. "Ano ba kapre bakit ka ba nanghihila,"inis na tanong ko. "Baka nakalimutan mo may kasalanan kapa sa akin duwende,alam mo bang nagpasa ang tuhod ko na sinipa mo.ikaw na nga tong ihahatid ayaw mo pa,"sagot niya. "Sinabi ko bang ihatid mo ako baka mamaya sumbatan mo pa ako,umamin ka nga sa akin kapre may balak ka bang maghiganti sa ginawa ko sayo,"tanong ko. "Secret,"nakangisi niyang sagot. Wala naman akong nagawa ng hilain niya ako papasok sa sasakyan niya,umikot din siya sa driver seat tsaka sumakay at pinausad na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD