Chapter 15

731 Words
Catherine's POV Nakaharap ako sa salamin habang nakatitig sa sarili ko na suot ang isang gown na binigay ni Thorn,kulay cream ito na may spaghetti strap,simple lang tingnan pero bumagay naman sa akin.Ang sabi ni Thorn maaga niya akong susunduin dahil aayusan pa daw ako sa hotel. Binuksan ko ang isang drawer at kinuha ang maliit na box sa loob nito ay ang kwentas na pinaka iniingatan ko,ang kwentas na makapagtuturo sa totoo kong pamilya.Kinuha ko ito at isinuot sa leeg ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa. "Ang ganda-ganda mo anak bagay sayo ang suot mo,"puri nito sa akin at hinawakan ang kwentas ko.Alam ko kung ano ang iniisip ni Mama,kung darating man ang araw na mahanap ko ang totoo kong pamilya hindi ko naman siya kakalimutan. Bigla namang may kumatok sa pintuan ng bahay namin,lumapit si mama para buksan ito at nakita kong si Thorn ito.Nagpaalam na ako kay Mama para makaalus na kami. Inalalayan niya naman akong pumasok sa loob ng kotse niya tsaka siya umikot sa driver seat at pumasok din,agad niya namang pinausad ang sasakyan. Nakarating kami sa hotel ilang minuto lang ang nakalipas,bumaba si Thorn at pinagbuksan pa ako ng pintuan,sana all pinagbubuksan ng pintuan. Medyo hindi naman ako komportable sa suot ko hindi naman kasi ako sanay sa ganitong kasuotan.Pumasok kami loob ng hotel at dinala ako ni Thorn sa isang kwarto para doon ayusan. Pagkatapos akong ayusan pinaharap nila ako sa salamin,hindi naman ako makapaniwala sa ginawa nila sa mukha ko,ang ganda ng pagkaka make up nila sa akin.Naka bun naman ang buhok ko na bumagay naman sa akin. Nagtext ako kay Thorn na tapos na akong ayusan,maya-maya lang may kumatok na sa pintuan bumukas nman ito at nakita kong nakatayo si Thorn sa harapan ng pinto.Nakatulala pa siyang nakatitig sa akin. "Nakatulala ba ang ganda ko,"?pabiro kong tanong sa kanya,nag-iwas naman ito ng tingin at kunwaring inaayos ang kurbata niya. "Let's go,"hinawakan niya naman ako sa kamay.Kinakabahan naman ako habang papalapit kami sa venue.Para akong naiihi na hindi naman,ganito siguro talaga ang pakiramdam pag first time dumalo sa mga party. Pagpasok namin sa loob namangha ako sa kagandahan nito,may nakalagay na malaking screen sa stage,kulay gold ang mga upuan na may nakalagay na wine sa bawat lamesa.ang sosyal din ng mga pagkain ganito pala magparty ang mga mayayaman. Dinala naman ako ni Thorn sa isang kwarto para ipakilala daw sa mga magulang ng kaibigan niyang si Bowen pero ang sira ulong kapre parang naghihila lang ng kambing alam niya namang hindi ako sanay magsuot ng heels. "Sandali nga muna kapre," tsaka ko hinila ang kamay ko na hawak niya."Hila ka ng hila sa akin alam mo namang nakaheels ako,anong akala mo sa akin kambing,"inis na sabi ko sa kanya. "Maiiksi kasi ang mga biyas mo kaya ang bagal mong maglakad,"sagot naman nito."Aba dapat pala sinabi mong walking contest pala to e di sana nag rubber shoes ako."mataray na sagot ko sa kanya. "Halika na hinihintay na ako ni Bowen,"sumunod naman ako sa kanya.pumasok kami sa isang kwarto nakita ko isang babae at lalaki na medyo may edad na baka sila ang sinasabi ni Kapre na mga magulang ni Bowen. "Hello po Tita/Tito,"bati ni Thorn sa kanila,niyakap naman siya ng mga magulang ni Bowen. "Buti naman nakasama ka kay Thorn dito,"biglang sabi naman ni Bowen,ngumiti naman ako sa kanya. Lumapit rin ako sa mga magulang ni Bowen para batiin sila,nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin pero bakit ganun ang pakiramdam ko parang kayakap ko lang ang Mama ko. "Ang ganda mo naman iha,"ilang taon kana,"?tanong ng ina ni Bowen. "Salamat po,25 na po ako,"ngumiti naman siya sa akin. Halos 30 minutes din kaming nagtagal sa isang kwarto bago sila mag desisyong lumabas na dahil ilang sandali na lang ay magsisimula na ang party. Nang makapasok kami sa venue ng party iginiya ako ni Thorn sa isang table na kasama ang pamilya Smith.Madami namang malalaking tao sa larangan ng negosyo ang lumapit at kumausap sa kanila. Tumayo naman ako para pumunta ng banyo,pumasok ako sa isang bakanteng cubicle para umihi.Lalabas na sana ako ng marinig ko ang ilang kababaihan na pumasok sa loob ng banyo,nakilala ko naman ang boses ng isang babae walang iba kundi si Hazel. Hinayaan ko muna silang makaalis bago ako lumabas,naghugas ako ng kamay ko at bumalik na rin sa party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD