Catherine's POV
Ilang araw ng lumipas ng magkita kami ni Hazel sa restaurant kung saan ay binuhusan niya ako ng tubig hindi ko na siya muli pang nakita na kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.
Hindi ko alam kong bakit ganun ang naging ugali niya o baka naman nasobrahan siya sa pagiging spoiled sa mga magulang niya.Alam ko naman na may pera sila kahit hindi sila kasing yaman katulad ng iba,naging maunlad naman ang negosyo ng Papa niya at makikita din silang umaattend sa mga party ng mga mayayamang negosyante.
Ang pagkakaroon naman ng pera at yaman ay hindi dahilan para apakan mo o insultuhin ang isang taong mababa kaysa sayo.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko,tiningnan ko kung sino ang tumatawag nakita ko ang pangalan ni Thorn sa screen.Hindi ko ito sinagot nagtipa lang ako ng message na hindi ako pwedeng makipag usap dahil nasa gitna ako ng trabaho.
Nagreply naman ito na hihintayin daw niya ako mamaya sa labas,naalala kong bukas na pala ang party na sinasabi niya.Hindi pa naman ako sanay na pumunta sa mga ganung okasyon,bahala na si batman bukas hindi naman siguro ako pababayaan ni Thorn at isa pa siya ang nagyaya sa akin, subukan niya lang akong iwan bukas sa party hindi ko talaga siya papansinin kahit kailan.
Sumapit ang alas singko ng hapon kaya tulong-tulong kaming nagliligpit sa loob ng restaurant.Nang matapos kami lumabas na ako nakita ko namang nakasandal si Thorn sa kotse niya habang nakapamulsa.
"Tired?tanong nito ng makalapit ako sa kanya.
"Hindi naman,"sagot ko sa kanya.Bakit ka nga pala nandito,"?
"Dinala ko ung susuotin mo para bukas,"at binuksan nito ang passenger seat.
Nakita ko naman ang malaking box na nakapatong sa upuan ng sasakyan niya.
"Ihahatid na kita,"sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse sa unahan,papasok na sana ako ng may lalaking tumawag sa pangalan ko nakita ko naman ang isang lalaki na papalapit sa direksyon ko.
"Hi,Cath pwede bang makuha ang number mo,"sabi nito,magsasalita pa sana ako ng bigla akong hinila ni Thorn at pinapasok sa kotse.
"Aray naman bakit ka nanghihila,"inis na sabi ko sa kanya.
"Wag kanang makipag-usap nagmamadali ako,"tsaka niya sinara ang pintuan ng kotse.
Nakitingin lang ang lalaki sa amin umikot naman si Thorn sa driver seat at pumasok,tiningnan niya pa ako ng masama bago niya pinaandar ang kotse niya at pinausad.
Siraulong kapre to ako na nga ang hinila niya, siya pa ang may ganang magalit.
"Sino ang lalaking yun na lumapit sayo,"?basag niya sa katahimikan
"Hindi ko alam,hindi ko nga kilala,"sagot ko sa kanya.
"Hindi mo kilala?talaga lang ha!," hindi ko nalang siya pinansin,malay ko ba kung bakit ako kilala ng lalaking yun.
Nakarating kami sa harap ng bahay na walang imikan,bumaba ako sa kotse at ganun din siya.Binuksan niya ang passenger seat at kinuha ang malaking kahon na may lamang damit.Kinuha ko ito sa kanya pero kinuha niya rin pabalik sa akin.
"Ako na ang magdadala hanggang sa pintuan niyo mukhang hindi mo kayang buhatin ang kahon,dapat nong bata ka uminom ka ng cherifer para tumangkad ka,"pang-aasar na naman nito sa akin.
Sipain kaya ang itlog nito para maging balot ng makita niya ang hinahanap niya.
"Baka gusto mong hindi ako sasama sayo sa party bukas,"inis na sabi ko sa kanya.
"Baka gusto mo ring buhatin kita para lang maisama ka s party,"sagot niya.inirapan ko lang siya.
Binigay niya ang kahon sa akin,kinuha ko naman ito at pumasok sa loob ng bahay.Pag ako talaga tumangkad who you ka talaga sa aking Thorn ka.
Ang tanong tatangkad pa kaya ako?Ay!ewan ko sa sarili ko kung ano-ano na lang ang naiisip ko.