Thorn's POV
Pumunta ako ng restaurant kung saan nagtatrabaho si Catherine para sana kausapin siya kung pwede ko siyang isama sa party ng Pamilya Smith pero biglang uminit ang ulo ko ng makita kong binuhusan siya ng tubig ng isang customer.
Dali-dali akong pumunta sa direksyon nila,hinubad ko ang blazer ko at sinuot sa balikat niya.
Hinila ko siya palabas ng restaurant at pinasakay sa kotse ko,sumakay na rin ako at agad na pinausad ang sasakyan ko patungo sa penthouse ko.
Pagdating ko sa building ng penthouse ko bumaba na rin kami,hinawakan ko siya papasok sa building.Sumakay kami ng elevator paakyat sa penthouse ko,binuksan ko ang pintuan at pumasok kami.
Iniwan ko si Catherine saglit sa sala at dumiretso ako sa kwarto ko para kumuha ng damit.
"Magpalit ka muna ng damit mo baka magkasakit ka,"sabay abot ko sa kanya ng tshirt ko.
Pumasok siya sa banyo para magbihis,paglabas niya umupo siya sa sofa at binigyan ko siya ng cake.
"Bakit mo hinahayaan na gawin sayo yun Cath,"?dapat matuto kang lumaban wag mo hayaang aapihin ka lang,"sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot,nakayuko lang siya habang nakatitig sa hawak niyang plato na may cake.
"Salamat sa ginawa mo kanina,"sabi niya sa mahinang boses.
"Pumunta ako doon para sana makusap ka,gusto sana kitang yayain sa birthday ng kapatid ni Bowen,hindi ko inaasahan ko na ganun ang makikita ko,"sabi ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ako na may pagtataka.
"Pero hindi kasi ako mahilig sa mga party, introvert kasi ako,"sagot niya.
"Kasama mo naman ako hindi naman kita iiwan,"
Matagal naman siyang nanahimik bago tumingin sa akin at tumango.
"Sa linggo na ang party susunduin na lang kita sa bahay niyo,ako na rin bahala sa susuotin mo,"sabi ko sa kanya.
Kinuha ko naman ang cellphone number niya para may contact ako sa kanya.
"Pwede mo ba akong ihatid mamaya sa restaurant naiwan ko pa kasi mga gamit ko doon,"tumango naman ako sa kanya.
Pagkalipas ng alas tres umalis na kami ng penthouse ko para bumalik sa restaurant,pagdating namin sa lugar bumaba na siya at pumasok ng mall kung saan ang restaurant na pinapasukan niya.
Umalis naman agad ako para bumalik sa opisina ko.