Chapter 4

1498 Words
Kapapayag ko lang, bakit naman ura-urada kaming aalis? Atat na atat? "Tigang ka, 'no?" palatak ko. Nilingon ko ito na deretso ang tingin sa kalsada. Mabilis siyang magmaneho kaya halos madurog ko iyong hawakan sa gilid ko sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko. Mabuti at nakapag-seatbelt ako. Wala namang traffic sa dinadaanan namin kaya ganito siya katulin, o ito na talaga ang normal niyang pagmamaneho. Kapag ako nakawalang buhay pa rito, sasapakin ko talaga siya. Hindi na maipinta ang mukha ko sa nagdaang minuto. Ilang saglit pa nang huminto rin ito. Tumigil ang kotse niya sa tapat ng isang malaking hospital. Hindi pa nakakabawi sa kaninang nerbyos ay hindi ko pa magawang magulat. Habol-habol ko pa ang hininga ko. Hindi ko napansing nakababa na pala iyong lalaki, umikot siya sa gilid ko at siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin. Yumuko siya para dungawin ako. "I'll cover the cost, just get a check up," sa mababang boses na pahayag niya. Tiningala ko ito, kapagkuwan ay sinapak ang kaniyang panga. Napaatras siya at napahawak sa napuruhang panga habang gulat na gulat akong tinitingnan. Madalian kong tinanggal ang seatbelt para makababa na rin. Inayos ko muna ang sarili bago siya binalingan upang ibalik ang masamang tinging ipinupukol niya sa akin. "Gago ka ba?" "What?" maang niyang tanong. "Serbisyo ko lang ang binili mo at hindi ang buhay ko. Kapag ako namatay, kulang pa 'yang limang milyon mo." Napanganga siya. Inirapan ko ito at sa inis ko ay iniwan ko siya roon. Nauna akong maglakad kahit na hindi ko naman alam kung bakit ba kami nandito. Kailangan ko raw magpa-check up. Para saan naman? Mukha ba akong may sakit? Oo at naghihirap kami, pero nakakaya naman naming kumain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi naman ako malnourished tingnan. Animo'y nagdadabog akong naglalakad patungo sa entrance ng hospital. Kalaunan ay tumigil din at nilingon siya upang hintayin, na siya na rin naman nang naglalakad palapit sa gawi ko. "Ano ba kasi ang gagawin natin dito?" asik ko nang tuluyan siyang makalapit. "You need to get checked up." "Para saan?" Nagtaas ako ng kilay. "For possible sexually transmitted disease," simple niyang sinabi. "STD?!" Nagulat ako, literal. Bumagsak ang panga ko at animo'y may kumirot sa dibdib ko. Gusto ko siyang singhalan at sampalin ng katotohanan, pero para saan pa? Ano bang gusto kong patunayan? "Don't worry, I'll cover whatever the cost," ulit niya, pambawi siguro dahil sa naging reaction ko. "I just want to be sure..." Malakas akong bumuntonghininga. Nakaka-offend pala kahit alam ko naman sa sarili kong malinis ako. Ano ba kasi itong pinasok ko? Hay naku. "Saan ba 'yon?" malamig kong sambit. Tumahimik na ako pagkatapos no'n. Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. Pinapaupo ako sa waiting area para roon na mag-fill out, pero bago iyon ay kumuha pa ako ng isang form. Nilapitan ko ang walang hiya. Nakasandal ito sa pader habang ang dalawang kamay ay nakakrus sa kaniyang dibdib. Kanina pa siya titig na titig sa akin at sinusundan ng tingin. Binigay ko rito iyong form. "Mag-fill out ka. Hindi pwedeng ako lang ang magpapa-check up," saad ko na ikinagulat niya. "Kailangan ko ring manigurado na wala kang sakit. Mahirap na. Malay ko bang ilang babae na ang in-offer-an mo ng gano'n." Saglit na umawang ang labi niya. Napansin kong naningkit ang mga mata nito. Mukhang hindi naman na-offend, bagkus ay parang natatawa pa. "You are so smart," bulalas niya habang pinipigil ang pagtawa. "Pero ikaw lang ang inanyaya ko ng gano'n." "So, kailangan kong maging proud? Ganoon ba, Mister Five Million?" Tuluyan na siyang humagalpak ng tawa. Samantala ay gusto ko namang ihampas sa mukha niya itong hawak kong clip board. Anong nakakatawa? Ano ba kasing pumasok sa utak ko at kung bakit ako pumayag sa ganitong set up? Dahil ba sa bahay naming nakasanla? Oo, 'yun nga. Kung ipu-push kong maghanap ng matinong trabaho, hindi ako makakaipon ng milyon sa loob ng dalawang linggo. May training o seminar at magre-requirements pa ako, kaya baka one month pa bago ako makapasok. Speaking of check up, gusto ko ring ipatingin si Mama, baka may nararamdaman na kasi ito na nakuha niya galing sa pambubugbog ng amo, ipakonsulta rin sa espesyalista lalo ang mental health nito. Kaya alam kong lalo akong magagahol sa pera. "Brent Leander Salvatore," aniya, kapagkuwan ay inilahad ang isang kamay niya sa harapan ko. "That's my name." "Whatever. Mag-fill out ka, ah." Tinalikuran ko siya para makaupo na. Ganoon din ang ginawa niya. Tanaw ko pa ang napupunit niyang labi dahil sa pinipigilan niyang ngiti. Tumabi siya sa akin at doon ay sabay kaming nag-fill out. Hindi nagtagal ay natapos din kaming magsulat. Naghihintay na lang na matawag ang pangalan namin ng nurse. "Lalaine, huh?" bulung-bulong niya nang mabasa ang form ko kanina. "Manahimik ka, Brent." Natawa siya sa bandang tainga ko. Nakatagilid kasi ako at ayokong makita ang pagmumukha niya. "Miss Maria Lalaine Martinez," pagtawag sa akin ng nurse. Tumayo na ako. Nagulat pa ako nang bigla ring tumayo si Brent kasunod ko. "Sama ako. We'll do it together," baritonong boses niya. Pareho kaming gulat ng nurse. Pero kagaya ko ay hindi na rin siya nakapag-react. Tumango lang siya at iminuwestra sa amin ang pinto upang makapasok na sa loob. "Wala ka bang tiwala sa akin?" asik ko rito, ngumiti siya at umiling. "Hindi naman. Nagmamadali lang. I have a meeting later at ten." Kita mo 'to. Pupunta-punta pa kasi sa amin, inuuna pa itong walang kwentang bagay, may trabaho naman pala siyang dapat na asikasuhin. Wala na akong nagawa. Binati kami ng doctor na nasa loob. Pinaupo kami saglit at nagtanong na siya ng kung anu-anong personal. "Kailan ang huli?" aniya sa aming dalawa. Hindi pa ako makasagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Tiningnan ko si Brent, nakatanaw siya sa akin. Tila kinakalkula ang emosyon ko. Sumenyas ako rito na mauna na siya. "Last month..." Last month?? Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko. Ang init pala rito, pero may aircon naman. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang pagkakataon ko ng sumagot. "Miss Martinez," tawag pansin ng doctor. "Ahm... last... week?" patanong pa iyon, hindi pa sigurado— lintik! Tumango ang doctor. Si Brent naman ay nakita kong napangisi, parang may iniisip siya na kung ano. Nag-init ang mukha ko at nagdasal na sana ay matapos na ito. May ilan pang tanong, mayamaya ay pinatayo kami at isa-isang kinuhanan ng blood test. Hiningan din kami ng ihi para sa urine test. Huli ay pinahiga ako sa parang hospital bed, may ultrasound sa gilid at ilan pang monitor. "Tapos ka na 'di ba? Mauna ka na roon sa labas." Pinanlakihan ko ng mata si Brent dahil talagang sumunod pa siya rito. Ano, gusto niya ring makita ang perlas ko? Natawa ang doctor. Namula naman si Brent. Ayaw man niya akong iwan doon ay umalis din naman siya. Hinila ng doctor ang kurtina para mas pribado. Nang marinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto ay bumaling ako sa doctor na nakahanda na upang i-check ako. "Doc, pasensya na sa pagsisinungaling ko kanina, pero hindi po totoong may nangyari sa akin last week. As in wala talaga since birth! Huwag niyo na lang pong sabihin sa lalaking iyon. Please po, ilagay niyo na lang na clear ang lab test ko. Promise po, virgin pa ako," pakiusap ko sa doctor habang magkalapat ang dalawang palad. "I see..." Tumango siya, tila hindi nagulat o nagalit man lang. "Halata naman." "Huwag niyo pong sasabihin, ah?" Natawa na siya. "Sure." "Thank you, Doc." "Ayan, okay na. Kahit pala hindi na kita i-check. Malinis ka naman." Kung pwede ko nga lang din talaga sabihin kay Brent iyon. Pero ano pang mapapala ko? Eh, expert nga raw ako. "At kung ayaw mong mabuntis nang maaga, lalo at bata ka pa naman, twenty three, 'di ba?" Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Pwede mo siyang pagamitin ng condom for protection." "Hindi ba 'yon kaya ng pills?" Ganoon ang ginagawa ni Tanya. Nagpi-pills daw siya para makaiwas na mabuntis ng kung sinong lalaki. "Hmm, pwede... pero depende," natatawa niyang sambit. "Honestly, pills and condoms are effective methods of birth control, but they differ in their primary purpose and effectiveness. Iyong condom kasi ay nakakatulong din para hindi ka mahawaan ng sexually transmitted infections. Iyong pills ay maganda lang kapag nagamit nang maayos at walang palya, pero walang protection for STI." Namilog ang bibig ko sa pagkamangha. Marami akong natutunan kay Doc, kaya grabe rin ang pasasalamat ko. Ang sabi pa ay maghintay lang kami ng ilang minuto para sa resulta ng ginawang test sa amin. Nang makalabas ng clinic ay naabutan ko si Brent na naroon lang sa gilid ng pinto. Nakahalukipkip siya at nakaharap mismo sa pintuan, tipong mataman siyang naghihintay na bumukas ang pinto. Kaagad nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Mabilis siyang umahon mula sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. "Bumili tayo ng maraming condom," nakangiti kong suhestiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD