Kabanata 53 Sabrina’s POV Alam ko naman na hindi ganoon kadaling tanggapin para kay Tonyo ang pagkawala ni Lola Herminia dahil wala siya noong namaalam ang matanda. Pero sa simula langb naman siya mahihirapan. Oras na maipaliwanag ko na sa kanya ang lahat ng tungkol sa pagkawala ni Lola Herminia ay magiging magaan din ang kanyang pakiramdam. Ikukwento ko sa kanya ang lahat ng detalye kung gaano naging katapang sina Father Sixto at Lola Herminia na harapin ang kamatayan. “Totoo ba ang iyong sinasabi, Sab?” Tumango ako at mas lalong nabakas kay Tonyo ang kalungkutan. I hold him in his knee and rub it. I just tried to lessen the sorrow he is feeling. “Totoo ang sinasabi ko, Tonyo. Namatay si Lola Herminia sa mismong harapan namin ni Father Sixto.” Nabakas din ang pag-aalala sa kanyang muk

