Kabanata 52 Sabrina’s POV “You’re back, Tonyo,” sabi ko nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Bakas pa rin kay Tonyo ang pagkabigla kahit pa ilang segundo na rin mula nang niyakap ko. “Ano ang iyong ibig sabihin, Sab?” Saka ko lang ulit na-realize na hindi nga yata alam ni Tonyo na ilang araw na siyang hindi nagkakaroon ng malay. Ano kaya ang magiging reaction ni Tonyo oras na malaman niya iyon. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa pagsasabi sa kanya. “Gising ba sina Aling Teofila at Mang Luciano?” tanong ko at nilingon ni Tonyo ang loob ng kanilang bahay sa kanyang likuran. Wala naman kaming ibang nakita kundi ang dilim. Nandito pa rin kasi kami sa kanilang pintuan. Hindi na niya ako nagawa pang yayain na pumasok muna sa loob dahil nga sa pagkabigla sa pagyakap ko. “Tulog sila,

