Kabanata 51 Sabrina's POV Dahil sa nasaksihan kong nangyayari kina Lola Herminia at Father Sixto ay hindi na ako natatakot na magmahal pa. Nang mapadpad ako rito ay para bang nawala na sa isip ko ang pagnanais na makahanap ng tunay na pagmamahal dahil alam ko naman na sa sitwasyon namin ngayon ay wala kaming kasiguraduhan. Pero may bago akong nalaman. Dahil sa kanila ay panibagong kaalaman ang nagbigay sa akin ng pag-asa na magmahal ng normal nang walang inaalalang magiging balakid na panahon. Hindi pa pala huli ang lahat para pigilan ang aking sarili na umibig gaano man kakomplikado ang maaaring maging sitwasyon namin. Dahil sa bandang huli ay maaari kaming muling magkita. “Inyat, mahal ko, nais kong malaman mo na tulad mo ay ikaw lang nag-iisang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko.

