Kabanata 50 Sabrina’s POV Gustuhin ko man na hintayin munang magising si Lola Herminia bago kumain ay hindi ko na magagawa dahil hindi ko na kaya ang gutom. Kaya nagpaalam na muna ako kay Father at sumang-ayon naman siya na kumain na muna ako dahil baka malipasan pa ako ng gutom. Maluwag na rin naman ang loob ko at panatag na kahit papaano dahil unti-unti ay nagiging responsive si Lola Herminia. Sapat na siguro iyon para asahan na magiging mabuti na ang kanyang lagay sa mga susunod na oras. At isa pa, sa tingin ko ay kinakailangan ko rin talaga na umalis sa kwartong iyon para magkaroon si Father Sixto ng oras na silang dalawa lamang ni Lola Herminia. Alam ko na gusto niyang ma-solo ang matanda dahil na rin sa pananabik at sa tagal ng hindi nila pagkikita. At ayoko naman ipa

