Kabanata 49

2082 Words
Kabanata 49 Sabrina’s POV Dala ng pagkabigla ay hindi pa rin nakukuha ni Father ang magsalita. “Sandali lamang, Miss Sab. Tama ba ang aking narinig?” tanong pa niya at natatawa akong tumango. “Ang Lola Herminia ba na tinatawag mo ay…” “Ang Inyat na matagal niyo nang inaasam na makita.” Ako na ang tumapos sa mga sasabihin ni Father Sixto nang maging iyon ay nahirapan niyang banggitin. Mula sa ilaw ng lampara ay nakita ko ang pangingilid ng luha niya. He looks so weak. At alam kong dahil iyon sa kaba. Hindi niya talaga inaasahan ang gabing ito kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganito man ang naging reaction niya. “I’m sorry, Sab. Pasensya ka na kung ganito ang naging reaction ko. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito. All my life I have been waited for this. Pero hindi ko naman akalain na mangyayari ito in a very unexpected way.” Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Father Sixto. “Relax lang po kayo, Father. Magiging maayos po ang takbo ng gabing ito.” They both waited for this moment kaya alam ko na walang magiging problema. “I know, Miss Sab. But the anticipation is me.” Halos matawa ako sa sinabi ni Father pero mabuti na lang at napigilan ko. He is so cute. Para silang teenager ni Lola Herminia na nagliligawan pa lang. ‘Yung excitement ko tuloy ay para bang nanonood ako ng isang romantic movie. Kaya hindi ako papayag na hindi ko masasaksihan ang hinihintay nilang pagkikita. Pero ang excitement ko ay napalitan ng pagtatakha nang ma-realize ko na ilang minuto na rin ang nakalipas mula nang tawagin ko si Lola Herminia pero hindi pa rin siya nagpapakita. “Sandali lang po, Father. Pupuntahan ko lang po si Lola,” paalam ko sa kanya para puntahan na si Lola Herminia sa kung nasaan man siya. Hindi naman malaki ang bahay na ito para matagalan ako sa kaya sasadyain ko na si Lola Herminia. Hindi na rin kasi ako makapaghintay na ipakita sa kanya ang aking sorpresa. Sa kusina ako unang nagpunta para doon muna magbaka sakali. Pero nang marating ko ang kusina ay wala roon si Lola. May nakita akong lutong pagkain na mainit-init pa kaya alam ko na nanggaling siya dito. Wala pa rin itong bawas kaya sigurado akong hindi pa siya kumakain. Tamang-tama dahil makakasabay namin siya ni Father Sixto. Pero pwede rin naman silang dalawa na lang ang magsabay at kakain na lang ako pagtapos nila. Dinner date. That would be the sweetest thing I could have ever witnessed in my entire life. Kung ang uso sa panahon ko ay dinner with candle light, sa panahong ito ay lampara ang gamit. Ang dami nang naglalaro sa utak ko kahit wala pa naman si Lola Herminia sa harapan ko. Kaya bago pa mainip si Father Sixto ay pinagpatuloy ko na ang paghahanap sa kanya. Dahil wala siya sa kusina ay sunod kong pinuntahan ang kwarto niya. Sinundan lang ako ng tingin ni Father Sixto. Hindi niya magawang humakbang para sundan ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Lola Herminia. “Lola Herminia?” tawag ko sa kanya. Napakunot ang noo ko nang makailang ulit na akong tumawag pero wala pa ring sumasagot. Not trying to invade her privacy pero bahagya kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Lola Herminia. At naaninag ko naman doon ang nakasinding lampara kaya sigurado ako na nandoon siya sa loob. Nakakapagtakha lang na walang sumasagot. Nang mahalata ni Father na hindi lumalabas si Lola Herminia ay saka lamang ito nagsimulang humakbang palapit sa kinaroroonan ko. Tiningnan niya ako nang buong pagtatakha nang muli kaming magkaharap. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin naman alam kung bakit walang lumalabas o sumasagot man lang. “Lola, papasok na po ako,” sabi ko at umaasang may sasagot na. Pero tulad ng mga nauna kong pagtawag ay hindi pa rin ako nakatanggap ng ano mang sagot kay Lola Herminia mula sa loob. Doon ay nakaramdam na ako ng kaunting kaba. Dahil nagpaalam naman na ako tuluyan ko nang binuksan ako pintuan ng kwarto niya. Nang balinganb ko ang kanyang higaan ay wala akong naabutan doon. Kaya naglakad ako papasok sa loob palapit naman sa kinaroroonan ng lampara at dinampot ito. Inilawan ko ang bawat sulok ng kwarto na kanina ay hindi nahahagip ng lampara. At naramdaman ko ang halos pagkaubos ng dugo sa mukha ko nang makita ko si Lola Herminia na nakahandusay sa sahig at walang malay. “Lola!” Halos masubsob ako nang daluhan ko siya sa sahig at napatakbo naman si Father Sixto sa kinaroroonan namin. “Inyat!” tawag ni Father at sinubukang gisingin si Lola Herminia. Ilang beses niya itong tinapik sa pisngi pero nabigo ito. Hindi nagising si Lola Herminia kaya pinagtulungan namin na maiangat ito at maihiga sa kanyang kama. Hindi maialis ang kabang nararamdaman ko at ganoon din si Father Sixto. Parehas kaming takot na takot sa maaaring nangyari kay Lola Herminia. Dala ng pag-aalala ay tinapat ko sa kanyang ilong ang aking hintuturo just to check her breathing. Atv nabawasan kahit papaano ang takot ko nang maramdaman ang kanyang hininga. Pero naramdaman ko rin na hindi ito normal. Alam ko na may mali. “Humihinga pa naman siya, hindi ba?” punung-puno ng pag-aalala si Father Sixto at hindi ko mapigilan ang mas lalong maawa sa kanya. Sobrang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito na muli niyang makita si Lola Herminia pero sa ganito pang pagkakataon. Ang buong akala ko ay magiging maayos ang lahat ngayong gabi pero mukhang kabaligtaran ang nangyayari. Sana naman ay wala nang mas malalang nangyari kay Lola. Sana ay simpleng pagod lang ang naramdaman niya tulad ng unang beses namin siyang nakita ni Tonyo na walang malay. “Opo, Father. Thank God she’s still breathing.” Sa kabila ng sinabi ko ay tila hindi nabawasan ang kaba sa hitsura ni Father. Napatingin tuloy ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Lola Herminia. Para bang ayaw na niya itong bitiwan. Hindi rin nakaligtas sa akin ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. And everything I am seeing right now is heartbreaking. Hindi yata kaya ng puso ko na makita ang ganitong tagpo na sobrang salungat sa inaasahan ko. Sobra akong nalulungkot at nagi-guilty sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay kasalanan ko dahil hinayaan kong mag-isa si Lola Herminia. Pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? Humihinga pa naman si Lola Herminia. Magigising pa naman siya. We are just overreacting. Nadala lang kami ng takot at pag-aalala dahil hindi namin parehas inasahan na ganoong tagpo ang madaratnan namin kay Lola Herminia. Oo, tama. Ganoon na nga. Hihintayin na lamang namin na magising si Lola Herminia. Matanda na siya at siguro nga ay napagod lang. kaunting pahinga lang ang kailangan niya at babalik na ang malay niya. I tried hard to convince myself. Sinubukan kong ikalma ang pag-iisip ko. Masyadong mahina si Father Sixto pagdating kay Lola Herminia kaya alam ko na hindi niya magagawang kumalma agad. Kaya kung hindi niya magagawa ay mas mabuti nang ako. Hindi kami dapat parehas na magpakita ng takot. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ni Father Sixto. Hindi ko kaya ang nakikita ko kaya binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko. Ngunit kahit hindi ko siya makita ay naririnig ko naman ang kanyang mga hikbi. I tried to hold back my tears. I don’t wanna cry. “Inyat, mahal ko…” Hirap na hirap ang kalooban ni Father nang banggitin niya iyon. “Nandito na ako.” Pakiramdam ko ay tila tinraydor ako ng sarili kong mga luha dahil hindi ko na napigilan pa at nag-unahan na sila sa pagtulo. Bakit ganito kasaklap ang kanilang istorya? Ilang dekada silang naghintay pero nang sa wakas ay muli silang nagtagpo, ganito naman ang nangyayari. Kailan ba makiki-ayon ang tadhana sa dalawang taong nagmamahalan? Ganoon ba sila kahirap pagbigyan? This is so unfair. “Gusto pa sana kitang makausap, mahal ko. Gigising ka pa naman, hindi ba?” Father Sixto’s voice is cracking at talagang humahagulgol na siya. Hindi ko naman alam kung paano siya pakalmahin dahil para sa din sa akin ay mas makakabuti kung iiyak siya at mailabas ang lahat ng kanyang sakit na nararamdaman. Natatakot ako na kapag pinigilan niya ang kanyang sarili ay hindi na kayanin ng kanyang puso. Sa paglipas ng bawat minuto na hindi pa rin nagkakamalay si Lola Herminia ay hindi ko na napipigilan ang panghihina. Tinatakasan na ako ng tapang na kanina lang ay pilit kong iniipon. Lalo na sa tuwing tinitingnan ko si Lola Herminia na para bang wala nang dugo ang kanyang labi dahil sa sobrang putla. At dahil sa pagiging paranoid ko ay chini-check ko pa ang tiyan niya just to make sure na humihinga pa siya. Ilang minuto pa ang ang nagdaan pero wala pa ring malay ang kaawa-awang matanda. Noong unang beses itong nangyari kay Lola Herminia kung saan nakita namin siya ni Tonyo ay hindi naman tumagal nang ganito ang pagkakawala niya ng malay. Sa ngayon ay oras na ang lumipas pero wala man lang kaming nakikitang improvement sa kalagayan ni Lola Herminia. Hindi ko na rin alam ang dapat kong isipin. Wala akong maisip na pwede kong gawin. “Sa tingin niyo po ba, Father ay dapat na akong tumawag ng doktor?” tanong ko. Hindi ko alam kung mas okay bang tumawag na lang ng doktor o dalhin pa si Lola Herminia sa ospital. Pero ipapaubaya ko na kay Father ang pagdedesisyon sa dapat naming gawin kay Lola Herminia. Kung ano na lang ay sabihin niya ay siya ko na lamangv susundin. “Kapag lumipas pa angb ilang minuto na wala siyang malay mas makakabuti na tumawag na tayo ng doktor.” Tumango ako sa naging instruction ni Father Sixto. It only means na maghintay na muna kami ng ilan pang sandalib bago kumilos. Sa ngayon ay oobserbahan na muna namin si Lola Herminia. Kung magpapatuloy ay pagiging non-responsive niya ay agad-agad akong tatakbo palabas para maghanap ng manggagamot na maaaring tumingin kay Lola Herminia. Naghanap na muna ako ng mauupuan sa hindi kalayuan sa papag na higaan ni Lola Herminia. Tahimik kaming naghintay ni Father Sixto. Huminto siya sa pag-iyak ngunit kahit na sandali ay hindi ko pa nakikitang binitiwan niya ang kamay ni Lola Herminia. Kitang-kita pa rin sa mga hawak niya ang takot at pag-aalala. “Inyat?” Napaayos ako ng upo nang marinig kong tawagin ni Father Sixto ang pangalan nib Lola Herminia. Nilingon ako ni Father at nagsalita. “I felt it, Miss Sab. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang daliri,” masayang sambit ni Father at nagniningning pa ang kanyang mga mata habang pinamamalita iyon. Agad tuloy akong napatayo at napalapit sa kanila. “Totoo po ba ‘yan, Father?” tanong ko at sunud-sunod na tango ang sinagot niya. Hindi ko man naramdaman o nakita man lang ay nabawasan kahit papaano ang pag-aalala ko. “Totoo ang sinabi ko, Miss Sab. Damang-dama ko ang ganti niyang paghawak sa akin.” Tumango ako to tell him I believe in him. Alam ko rin naman na totoo ang sinasabi niya. Marahang hinaplos ni Fathe Sixto ang buhok ni Lola Herminia nang hindi binibitiwan ng isa niyang kamay ang kamay nito. Matiyaga siyang naghihintay ng kasunod na response ni Lola Herminia. Hindi niya rin ito inaalisan ng tingin. Bagamat maputla pa rin ang kanyang kulay, lalo na ang kanyang mga labi ay unti-unting nabawasan ang kaba ko. Nakikita kong ganoon din si Father Sixto. Hindi na siya katulad kanina na halos hindi na makausap sa sobrang tuliro. “Gising na, mahal ko…” pakiusap ni Father Sixto. “Gusto mo ba munang magpahinga? Huwag kang mag-aalala, maaari kang magpalakas na muna. At pangako paggising mo na nandito pa rin ako sa iyong tabi,” sabi pa nito. Nakita ko kung paanong bahagyang kumilos ang ulo ni Lola Herminia. At nararamdaman ko na ano mang oras ay magkakamalay na siya. Salamat naman sa Diyos kung ganoon. Hindi natinag si Father Sixto at nagpatuloy siya sa pagtitig sa nagpapahingang si Lola Herminia. Alam ko na wala siyang planong umalis sa tabi ng matanda. “Father, gusto niyo po ba na kumain muna?” tanong ko pero umiling siya. “Hindi na muna, Sab. Ayokong iwan si Inyat. Gusto ko na ako ang una niyang masisilayan oras na magkamalay siya. Hindi ko rin naman magagawang kumain. Salamat na lang.” Tumango ako at hindi na muna pinilit pa si Father na umalis saglit at tumayo para kumain. Alam ko naman na hindi siya magpapapilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD