Kabanata 48

2088 Words
Kabanata 48 Sabrina’s POV “Father Sixto…” Nakita ko kung paano napapitlag ang magkabilang balikat ni Father Sixto nang marinig ang boses ko. Sa reaction niya ay alam ko na nakilala niya ang boses ko na naging dahilan ng paghinto ng kanyang pagsasalita. Maging ang kastilang kausap niya ay napasulyap din sa akin. At nang makilala ko ang kastila ay doon ko lang na-realize na Sergio pala iyon. Nagulat pa si Sergio nang makita ako. Mukhang alam niya ang nangyari sa akin at hindi pa nakakarating sa kanya na nahanap na ako. “Sab?” gulat pa niyang sabi. “Ako nga, Sergio. Bakit?” Hindi naman na sumagot si Sergio kaya binalingan ko na si Father Sixto. Nilingon naman nito si Sergio at kinausap sa wikang espanyol na hindi ko naman na nasundan. Gamit pa rin ang wikang espanyol ay batid kong nagpaalamanan na silang dalawa. Nang makalayo sa amin si Sergio ay saka lamang ako hinarap ni Father. Nasa mga mata pa rin niya ang pagkabigla sa pagkikita namin dito. Ang buong akala niya siguro ay siya lamang ang nag-time travel at naiwan kami ni Tonyo sa panahon ko. Ang hindi niya alam ay kasabay niya ako at si Tonyo lamang ang naiwan at napahiwalay sa aming apat. “Miss Sab, hindi ko alam na…” Hindi naituloy ni Father ang sasabihin dahil nagpapalinga-linga siya sa paligid upang tingnan kung may makakarinig ba sa amin. May ilang tao ang naglalakad sa harapan namin kaya mas pinili niyang hindi na muna magsalita. “Hindi ko rin po alam na sabay tayong bumalik dito, Father. Until I saw you last night. I tried to chase you pero nawala po kayo agad,” sabi ko at inalala ni Father Sixto ang mga nangyari sa kanya kagabi. Tumango siya nang maalala iyon. “Mukhang ang tinutukoy mo ay ang pagmamadali ko nang isang kastila ang sumita sa akin. Nakamasid kasi ako sa aking naiwang tahanan ngunit hindi naman ako makatuloy dahil kita ko mula sa loob na may naninirahan doon.” Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Father Sixto. Hindi ko alam na banda rito lang pala siya nakatira noon. “Bakit hindi po kayo kumatok? Bahay po ninyo iyon.” Umiling si Father Sixto. “Halos walang pinagbago ang bahay ko ngunit maaaring hindi na iyon sa amin. Ayoko naman bigla na lamang sumulpot doon nang ganoong oras dahil baka mapagkamalan pa ako na masamang loob. Kaya ipinagpabukas ko na lamang. Kaya heto akong muli,” sabi niya. Tama nga ang naging desisyon ko na sa malapit lamang maghanap. “Ang ibig po bang sabihin ay papunta na po kayo roon?” Tumango si Father. “Pero paano po ninyo nakilala si Sergio? Kilala niyo po ba talaga siya?” Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. Curious lang ako dahil hindi ko iyon inaasahan. “Siya ang sumita sa akin kagabi. Nakamasid din siya sa bahay ko na halatang nais pumasok. Kakilala niya yata ang naninirahan doon. Kaya nang mamukhaan niya ako ay muli niya akong tinanong. Naniwala lamang siya na hindi ako masamang loob nang mapatunayan niyang kakilala kita,” sabi ni Father. “Kakilala mo ba siya, Miss Sab?” tanong pa ni Father at tumango ako. “Opo, Father. Kaibigan siya ni Tonyo.” Tumango si Father. “Gusto niyo po ba na samahan ko kayo sa bahay ninyo?” tanong ko. Kita pa sa mukha ni Father ang pag-aalangan pero tumango rin naman siya. “I think that would be better, Miss Sab. Hindi ko na rin kasi kilala ang mga naninirahan dito. Baka mapagkamalan ako,” natatawang biro ni Father pero alam namin parehas na maaaring mangyari iyon. Mas mabuti nang samahan ko siya para na rin sa kapanatagan ng loob ko. Hindi ko naman pwedeng basta na lang pabayaan si Father Sixto na mag-isa. Matanda na siya at hindi na rin sanay sa panahong ito. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang tungkol kay Lola Herminia. Pwede ko naman siyang patuluyin sa bahay ko. Malapit na rin kasing dumilim kaya mas makakabuti kung pupuntahan na muna namin ang dati niyang bahay bago dumiretso sa bahay ko. Maaaring umaasa si Father Sixto na may kamag-anak pa siyang makikita kaya gusto niyang magtanong-tanong na rin sa mga bagong may-ari ng bahay. Maaaring may idea sila sa kung saan na nakatira ang mga iyon. Nagsimula kaming maglakad ni Father Sixto. Naghahanda ako ng maaaring sabihin sa may-ari ng bahay niya nang hindi nila kami pag-iisipan nang masama. Sa pagpapatuloy ng paglalakad namin ni Father Sixto ay napansin ko na pamilyar na ang mga bahay na nadaraanan. And I just realized na nasa kalye na kami kung nasaan ang bahay ko. Kung dito lang pala ang bahay ni Father Sixto ay maaaring kakilala ko ang bagong may-ari kaya hindi na kami mahihirapan sa pagtatanong. Karamihan kasi sa mga taga-rito ay kakilala ko na at nakakakwentuhan. Natanaw ko na ang bahay ko. Mula rito ay tanaw ko na ang nakasinding lampara dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Mukhang nagsindi na si Lola Herminia. Mamaya ko na ipapaalam kay Father na iyan ang bahay ko dahil plano ko siyang sorpresahin sa pagkikita nila ni Lola Herminia. Nang marating namin ang tapat ng bahay ko ay nagulata ako nang huminto si Father Sixto. Hindi ko plano ang huminto pero napahinto rin ako. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya bahay ko. Kinabahan tuloy ako dahil baka nakita na niya si Lola Herminia. Baka biglang masira ang plano ko. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay pero wala naman si Lola Herminia. Hindi rin naman siya nakatanaw mula sa bintana. Kaya napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakha kung bakit bigla siyang napahinto. Nilingon kong muli si Father. He smiles at me. Hanggang sa namilog ang mga mata ko nang ma-realize kung bakit nga ba kami huminto rito. Napaawang ang bibig ko para sana magsalita pero walang salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla. “Father…” “Ito ang munti kong tahanan noon, Sab. Dito ako lumaki. Kakilala mo ba ang bagong may-ari nito?” tanong niya. Hindi ko pa rin nakuhang magsalita kaya napakunot ang noo ni Father Sixto at nagsalubong ang puti niyang kilay dahil sa pagtatakha sa pananahimik ko. “Miss Sab?” tawag niya sa akin at doon pa lang ako maka-ilang ulit na pumikit. “Father…d-dito po? As in dito sa bahay na ito kayo noon naninirahan?” Natawa si Father sa tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. “Oo, Miss Sab. May problema ba?” tanong niya. Muli kong nilingon ang bahay at ganoon din si Father. “Sa bahay na iyan po ako nagising, Father. Ang bahay na iyan po ang nagsilbi kong tahanan mula nang mapadpad ako rito. Ako po ang nakatira diyan.” Agad na napalingon sa akin si Father Sixto at bakas sa kanya ang pagkabigla. Hindi ko siya masisisi dahil maging ako man ay sobrang nabigla. Kahit na minsan ay hindi sumagi sa isip ko na siya pala ang sagot sa tanong ko noon pa man na kung kaninong bahay ito. “Totoo ba ang sinasabib mo, Miss Sab?” tanong niya at tumango ako. “Opo, Father. Isang malaking katanungan talaga sa akin na sa dinami-rami ng bahay sa panahong ito ay dito ako nagising. Ngayon ay alam ko na dahil konektado pa rin pala ito sa iyo,” sabi ko. “Wala ka bang naabutang tao noon nang magising ka rito?” tanong niya at umiling ako. “Wala po, Father. Mag-isa lang po talaga ako. Abandonado po siguro ang bahay dahil natuwa ang mga kapit-bahay ko nang malaman nila na may titira na sa wakas sa bahay na iyan.’’ Inalala ko ang mga nangyari noong unang beses akong nagising sa bahay na iyan at iyon agad ang naging reaction ng ina ni Tonyo dahil siya ang pinakauna kong nakita paglabas ko ng bahay. “Bakit kaya ganoon? Lumipat ba ang mga magulang ko nang mawala ako?” tanong niya. Sasagot sana ako pero na-realize ko na hindi pala ako ang kausap niya. He’s talking to himself. May lungkot din sa mga mata ni Father Sixto sa panghihinayang nang malaman niya na wala na matagal nang walangv naninirahan dito. His family left this house. “Ayos lang po ba kayo, Father?” tanong ko at bigla akong nahiya. Pakiramdam ko ay sobrang insensitive ng tanong ko dahil halata naman kay Father na hindi siya okay. “Ayos lamang ako, Sab. Huwag mo akong alalahanin.” Kahit nakangiti iyong sinabi ni Father Sixto ay alam ko na hindi siya okay at nagsisinungaling siya sa kanyang sinabi para lang hindi na ako mag-alala. “Sigurado po ba kayo, Father? Baka po gusto niyo munang pumasok sa loob. May natutuluyan po ba kayo ngayon, Father?” tanong ko. Sigurado ako na wala nang kakilala si Father Sixto sa panahong ito. Kung mayroon man ay sigurado ako na hindi na siya makikilala dahil sa katandaan. Hindi rin naman siya pwedeng basta na lang sumulpot dahil hindi namin alam kung ano ang nangyari sa teenager na Sixto. Baka mamaya ay tulad siya ng teenager na Herminia na namatay. “Wala akong natutuluyan dito, Sab. Kagabi ay natulog ako sa loob ng simbahan.” Bigla akong nakaramdam ng awa sa sinabi ni Father Sixto. Maganda ang buhay niya sa panahon ko kaya sigurado ako na nahirapan siyang mag-adjust sa dinanas niya kagabi. Kung sana ay naabutan ko lang siya kagabi ay hindi ako makakapayag na mangyari iyon sa kanya. “I’m so sorry, Father. Wala po akong nagawa para matulungan kayo kagabi.” Natawa si Father sa sinabi ko. “Huwag mo nang isipin iyon, Miss Sab. Hindi ko rin naman planong tumuloy sa iyong bahay.” Napangiwi ako sa sinabi niya. Seryoso ba si Father? “Pero sa inyo po ang bahay na ito, Father. Tama lamang po kung dito kayo tutuloy.” Mas lalong hindi kakayanin ng konsensya ko na habang ako ay komportableng nagpapahinga sa hindi ko bahay ay nasa isang hindi komportableng tulugan ang siyang may-ari ng bahay. “Matagal nang wala sa amin ang bahay na ito. Tulad ng sinabi mo ay tila abandonado na itong dati naming tirahan. Dito ka nagising kaya sa iyo na ito. Hindi naman ako tututol, Miss Sab. Sa katunayan nga ay masaya ako na nasa iyong pangangalaga pala ito. I just wanted to meet the new owner. Na nakilala ko naman na pala.” Parehas kaming natawa nang ma-realize ang coincidence na nangyaring ito. Coincidence nga ba ang lahat ng ito? Aminin man namin o hindi, lahat ng nangyayaring ito ay konektado sa aming apat. “Kahit ano pa po ang sabihin ninyo, Father ay hindi po ako papayag na muli kayong matulog sa hindi komportableng tulugan. Tumuloy na muna po tayo sa loob upang kumain,” yaya ko kay Father. “Iyan ang hindi ko tatanggihan, Sab. Nakakahiya man ngunit aaminin ko na nagugutom na ako.” Natawa kami ni Father. “Ngunit may nailuto na bang hapunan? Maaari akong magluto kung wala pa.” napangiti ako sa sinabi ni Father at umiling. “Hindi na po kinakailangan, Father. May nagluluto po para sa akin. Sa tuwing darating ako galing ng trabaho ay may pagkain na akong nadadatnan.” Tumango-tango si Father at alam ko na hindi niya makukuha ang point ko. Lalo na kung sino ang nagluluto para sa akin. “May kasama ka palang naninirahan diyan, Sab?” tanong niya at tumango ako bilang sagot. “Kung gayon ay halika na? Madilim na at baka hinihintay ka na ng kasama mo sa bahay.” Tumango ako at pinauna na ako ni Father sa paglalakad. Nakikita ko ang excitement sa kanyang mga mata na muli niyang mapapasok ang bahay na kinalakihan niya. Ang hindi niya alam ay hindi lamang ang dating bahay ang sasalubong sa kanya. Wala siyang kamalay-malay na ang babaeng hinahangad niyang makita sa loob ng halos anim na dekada ay nasa loob ng bahay. Ilang hakbang na lamang ang layo nila sa isa’t isa. “Tuloy po kayo, Father…” Pumasok ako sa loob at binuksan ang pinto para imbitahan si Father na pumasok na sa loob kasabay ko. Pumasok naman siya at nilibot ng tingin ang kabuuan ng bahay. Lola Herminia isn’t here. Siguro ay nasa kusina. Kung hindi man sa kusina ay siguradong nasa kwarto niya siya. “Lola?” tawag ko sa kanya nang maisarado ko na ang pinto. Pero walang sumagot. “Lola Herminia?” Muli kong tawag. Kahit madilim ay naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Father Sixto dahil sa pagkabigla sa pangalang tinawag ko. Nilingon ko si Father at bakas sa kanya ang pagkalito. I smiled at him. At ang pagbagsak ng kanyang panga ay ang sign na naintindihan na niya ang nangyayari at maaaring mangyari sa gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD