Kabanata 47

2099 Words
Kabanata 47 Sabrina’s POV Hindi sila pumayag na araw-araw kong bisitahin si Tonyo dahil iniisip nila ang magiging pagod ko. Lalo na ang safety ko dahil tulad ngayon ay mag-isa akong uuwi nang mag-isa. Ayoko naman maging makulit at isipan na matigas ang ulo ko dahil hindi ako marunong makinig. Kaya susunod ako sa payo nila. Dadalawin ko na lang si Tonyo sa tuwing magkakaroon ako ng oras. Alam ko naman at sigurado ako na hindi siya mapapaano. Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay. Hindi naman ako gaano natatakot dahil marami akong nakakasabay sa paglalakad kaya alam ko na wala namang magtatangka sa akin. May ilang kakilala rin akong nakakasalubong kaya hindi ko namalayan malapit na pala ako sa bahay ko. Sa paglalakad ay nadako ang tingin ko sa lalaking dumaan sa may harapan ko. Napatitig pa ako sa likuran niya habang naglalakad ito palayo sa akin. Pamilyar ang kanyang tikas at tindig. Maging ang puti niyang buhok ay nagpapakilala rin. Namilog ang mga mata ko nang ma-realize kung sino ang nakita ko. Ngunit huli na dahil naglaho na siya sa madilim na kalsada. Kusang kumilos ang mga paa ko para habulin si Father Sixto at magbaka sakali na maaabutan ko pa siya. Kahit pa madilim ang kalyeng dinaraanan ko ay mas kumaripas pa ako ng takbo para lang maabutan siya. Dahil sa dilim ay may nakakabungguan na ako. Pero kahit anong bilis ko ay hindi ko na siya muling nakita pa. Huminto ako sa isang kanto at naghahabol ng hininga dahil sa pagod sa haba ng tinakbo ko. Hindi ko namalayan na ganoon na pala kalayo ang tinakbo ko. Pilit kong inalala at inisip mabuti kung tama ba ang nakita ko at alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. Pangalawang beses ko nang nakita rito sa panahong ito si Father Sixto. Hindi ko pa man alam na may chance siyang makarating dito ay inisip ko na agad na nandito siya. Ngayon pa kaya na alam kong malaki ang posibilidad na nandito nga siya lalo pa’t nasa panahon ko pa si Tonyo. Kaming tatlo ay hindi maaaring magsama sa iisang panahon kaya kung kasama ko rito si Lola Herminia at Father Sixto ay iyon ang dahilan kung bakit naiwan naiwan doon si Tonyo. Muli kong inisip ang nakita kob kanina. Kumbinsido ako na si Father Sixto nga ang nakita ko. Sayang lamang at hindi niya ako nakita dahil halatang nagmamadali siya at madilim ang lugar. Kailangan ng matalas na mata para maaninag at makilala ang mga nakakasalubong. Pero matanda na si Father at alam kong hindi na ganoon kalinaw ang kanyang mga mata. Kung nakita niya ako ay sigurado ako kakausapin niya ako. Dahil sa nangyari ay alam ko na daragdag pa ito sa iisipin ko. Hindi ako papatulugin ng nakita at natuklasan ko ngayon kaya gagawin ko ang lahat para mahanap si Father Sixto. Dahil sa tinakbo ko ay napalayo ako sa bahay kaya wala na akong nagawa pa kundi ang maglakad pabalik. Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Lola Herminia na nakaupo sa may bintana at halatang hinihintay ang pagdating ko. Walang kamalay-malay ang babaeng matanda na ang lalaking halos anim na dekada na niyang hindi nakikita ay naging ilang hakbang na lamangang layo sa kanya. Pero hindi na ako nagdalawang isip pa sa pagdedesisyon na huwag na munang sabihin kay Lola Herminia ang tungkol sa nakita ko. Kung ako nga ay hindi patatahimikin ng kaalaman na nandito si Father Sixto, si Lola Herminia pa kaya na talagang naghihintay sa kanya noon pa man. Hindi ko ipapaalam sa kanya ang lahat hangga’t hindi ko pa maihaharap sa kanya si Father Sixto. Ayokong dumagdag pa ito sa iisipin niya. Pero ang tanging maipapangako ko lang sa ngayon ay hindi ako titigil hangga’t hindi sila muling napaghaharap. Nagbigay man ng panibagong iisipin ang pagkakakita ko kay Father Sixto kanina ay nagpalakas naman ito sa akin ng pag-asa na muling magkikita ang dalawang matanda tulad ng kanilang pangako sa isa’t isa bago man lang sila bawian ng buhay. Sana ay magkaroon ng patutunguhan ang mga natuklasan ko ngayon. “Bakit gising pa po kayo, Lola?” tanong ko at nagmano sa kanya. “Hindi lamang ako makatulog, Apo hangga’t alam ko na nasa labas ka pa at maaaring naglalakad nang mag-isa.” Nginitian ko si Lola at iginiya na siya papunta sa kanyang kwarto. “Salamat po sa pag-aalala, Lola at pati na rin po sa paghihintay. Pero nandito na po ako kaya maaari na po kayong magpahinga,” sabi ko nang marating ang tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Tumango si Lola Herminia. “Pero teka, kumain ka na ba?” tanong niya. “Opo, Lola. Kumain na po ako. Pasensya na po kung hindi ko na kayo nasaluhan pa.” Tumango nga si Lola Herminia as a gesture na ayos lamang iyon. “Kumusta ang pagdalaw mo kay Tonyo?” tanong niya pa. “Ayos lamang po. Akala ko nga po ay galit sa akin ang mga magulang niya at sisisihin sa lahat ng nangyayari pero maayos pa rin po ang naging trato nila sa akin,” sabi ko art ngumiti si Lola Herminia. “Talagang mababait ang pamilya ni Tonyo, Sab. Aba’y kanino pa ba siya magmamana.” Natawa ako sa sinabi ni Lola at tumango bilang pagsang-ayon. Tama nga naman. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. “Sa tuwing may uuwi nga sa kanila riyan sa bahay nila ay hindi nila nakakaligtaan na dumaan dito upang makibalita kung natagpuan ka na ba. Hindi rin naman kita hahayaan na pumunta roon nang mag-isa kung alam ko na may mangyayaring hindi maganda.” Muli ay ngumiti ako kay Lola Herminia at tumango. Hanggang sa pumasok na siya sa kanyang silid. Nang masiguro kong makakatulog na siya ay pumasok na rin ako sa kwarto ko at nahiga. Kung hindi ko araw-araw mabibisita si Tonyo ay igugugol ko na lang sa paghahanap kay Father Sixto ang oras na dapat ay pupuntahan ko siya. Dito ko lang siya nakita kaya alam ko na dito ko lang din siya mahahanap. Sana lang ay hindi ako pahirapan ng pagkakataon na mahanap siya. Sana ay umabot sa oras ang paghahanap ko kay Father Sixto. walang kasiguraduhan ang tagal ng paglagi niya rito kaya wala dapat akong masayang na oras. Malakas ang kutob ko na pagbibigyan ng kapalaran ang munting hiling ng dalawang matandang nagmamahalan. Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa panibagong araw ng pagtatrabaho. Just like the usual ay sikat na ang araw nang marating ko ang palengke. Tinulungan ko sina Aling Miding at ang kanyang asawa sa pagbababa ng mga panindang gulay. Nang maibaba ang lahat ay nagsimula na kami sa pagtitinda. Sariwang-sariwa ang mga gulay na tinitinda namin kaya hindi na nakakapagtakha na marami na talaga kaming customer at ang tindahan naming ito dumidiretso ang mga mamimili. Maaga rin kaming nakakaubos lalo na nitong mga nakakaraan. “Magandang umaga, Sab. Kumusta ka?” Sa kalagitnaan ng pagtitinda namin ay isang pamliyar na boses ng babae ang narinig ko sa may gilid ko. Nang lingunin ko kung sino ay nakita ko si Delfa na abot tainga nga ngiti. I smiled back at her just to be polite. “Ayos lang naman ako, Delfa. Ikaw? Kumusta ka?” Nagawa ko pang makipagkumustahan sa kanya dahil halos kauubos lang customer namin. Halatang namimili si Delfa dahil sa bayong na hawak niya. “Ayos lamang din ako. Totoo nga ang sinabi nila na ikaw ay natagpuan na. masaya ako na nakabalik ka na.” Hindi ko naman nahimigan ng ano mang pagpapakitang tao ang sinabi niya kaya tunay na ngiti ang pinakita ko sa kanya. “Maraming salamat, Delfa.” “Ngunit bakit tila hindi kita nakikitang dumadalaw kay Tonyo? Halos araw-araw akong nasa kanila ngunit kahit minsan ay hindi tayo nagsabay.” Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero iba sa pandinig ko ang malaman na halos araw-araw niya nagagawang bisitahin si Tonyo samantalang ako ay walang magawa. Kung wala lamang sana akong trabaho ay magagawa ko iyon. Ngunit maghapon ako sa pagtitinda kaya wala na akong oras na makapunta pa sa kanya. Hindi tulad ni Delfa na walang inaalalang trabaho dahil hindi naman niya iniintindi ang pang-araw-araw na gastusin. Alam ko rin naman kasi na nakakaangat sa buhay ang kanyang pamilya. Ngayon ko lang din na-realize kung gaano ako ka-swerte sa buhay ko sa panahon ko. I took everything for granted. Masyadong secured ang araw-araw ko roon. I feel privileged at naabuso ko masyado ang pagkakaroon ng magandang buhay. Dito lang ako natutong kumilos at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngayon ko nalaman ang halaga ng pagtatrabaho kahit pa sabihin na maliit lang ang kita. Iisa ang ang layunin ng pagtatrabaho natin, iyon ay ang maka-survive sa araw-araw. Magkakaiba man ng kita, lahat tayo sa sinusubukan magtrabaho. "Dumalaw ako kahapon ng gabi sa kanila. Iyon lamang kasi ang oras na pwede ako dahil may trabaho ako. At isa pa, kagagaling ko lang. Alam mo naman siguro na hindi biro ang pinagdaanan ko.” Hindi ko alam pero bigla na lang nag-iba ang mood ko. At wala na akong pakialam kung nahalata niya ba iyon o hindi. “Ganoon ba? Sana ay magkasabay naman tayo sa pagbisita sa kanya. Sa katunayan nga niyan, Sab ay doon ako didiretso sa kanila. Heto nga at namimili ako.” Pinakita pa niya ang bayong na akala mo ay hindi ko nakikita. Sa laki ng bayong ay mukha bang hindi ko mapapansin? “Naku baka masayang lang ang mga bibilhin mong gulay. Marami akong dinala sa kanila kahapon,” sabi ko at napanguso siya. “Ganoon ba? Hindi na bale, mga sariwang prutas na lang ang dadalhin ko,” sabi niya. “Gusto sana kitang yayain ngayon ngunit nakita kong abala ka sa pagtitinda. Sa susunod na lang siguro.” Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o totoong nanghihinayang siya na hindi kami maaaring sabay na bumisita kay Tonyo ngayon. “Oo, Delfa. Sa susunod na lang.” I tried to dismiss her pero wala pa yata siyang balak na lubayan ako. Parang gusto pa niyang makipagkwentuhan. Kaya sana ay may dumating na kaming customer para may excuse na ako sa kanya. “Sana ay magising na si Tonyo, ano Sab? Pero sana oras na magising siya, sana ay nandoon ako. At kung maaari ay ako ang una niyang makikita.” Hindi ko napigilan ang pagngiwi dahil sa sinabi niya. Halata pa sa kanya ang kilig habang ini-imagine ang mga sinabi niya. Samantalang ako ay hindi ko lubos maisip kung ganoon nga ang mangyayari. Lihim akong napadasal na sana ako ang unang makita ni Tonyo oras na magising siya. “Magkano rito?” Nawala ang atensyon ko kay Delfa nang sa wakas ay may dumating na customer. May dahilan na ako para tapusin ang usapan namin na sa simula pa lang ay alam ko naman nang walang patutunguhan. “Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa iyo, Delfa ngunit tila hindi ko na magagawa dahil sa dagsa ng mamimili,” sabi ko at tumango siya. “Naiintindihan ko, Sab. Magpapaalam na rin ako.” Mabuti na lang at hindi na siya nagtagal pa at tinalikuran na ako. Inasikaso ko na ang mga namimili at sila na lang ang pinagkaabalahan. Sa pagpapatuloy ng araw ko ay hapon na rin nang makaubos kami ng mga paninda. Nagpahinga lamang ako sandali at nagpaalam na kina Aling Miding para umuwi. Alam ni Lola Herminia na hindi ako pupunta kina Tonyo kaya kung didiretso ako sa paghahanap kay Father Sixto ay baka mag-aalala siya kung uuwi ako nang late. Kaya minabuti ko na munang umuwi para makapagpaalam. Pagkarating ko sa bahay ay nagpaalam din agad ako kay Lola Herminia na mawawala ako sandali. Kinailangan ko pang magsinungaling dahil hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kong plano. Nagsimula akong maghanap sa hindi kalayuan at nagbaka sakali. Una kong pinuntahan ang eksaktong lugar kung saan ko nakita kagabi si Father Sixto. Ngunit ang buong kalyeng ito ay kasalukuyang tahimik. Mangilan-ngilan lamang ang nagdaraan kaya sumubok ako sa kasunod na kalye. Sana ay may mapala na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakaramdam ng kaba nang mamataan ko ang isang nakatalikod na lalaki. Bagamat nakatalikod ay mabilis kong nakilala ang mga puti niyang buhok. Kausap niya ang isang kastila na hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan dahil sa distansya ko sa kanila. Nagsimula akong humakbang papalapit kay Father Sixto. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya pero buong tapang akong nagpatuloy sa paghakbang. Hanggang sa nasa harapan ko na ang kanyang likuran at malinaw ko nang naririnig ang kanyang boses na nagsasalita ng wikang espanyol. “Father Sixto…” tawag ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD