Kabanata 46

2090 Words
Kabanata 46 Sabrina’s POV Mabilis kong hinanap si Tonyo sa kabuuan ng kanilang bahay pero wala akong nakita. May namataan lamang akong isang kwarto at hinihinala ko na maaaring nandoon siya. Hindi naman ako makapagtanong agad kay Aling Teofila. Mamaya na lang siguro kapag nakakuha na ako ng bwelo. Susubukan ko habang kumakain kami. Nang marating namin ang hapag ay naabutan ko roon si Mang Luciano na tahimik na kumakain. Nag-angat lamang siya ng tingin nang maramdaman ang pagdating namin. Saka lamang siya ngumiti. “Magandang gabi po, Mang Luciano,” bati ko nang huminto siya sa pagkain. “Magandang gabi rin naman sa iyo, Binibining Sab. Halika at saluhan mo kami sa pagkain.” Nahihiya man ay naupo ako sa tapat nila ni Aling Teofila. Doon ay tahimik kaming kumain. Pilit ko silang pinapakiramdaman dahil hindi sila nagsadalita. Alam ko naman na tahimik talaga silang kumain pero iba ang ambience ng hapag ngayon. Mabigat ang dala ng ng nakakabinging katahimikan. Nawala ang saya at gana ko kapag sila ang kasabay kong kumain. At alam ko kung bakit. Normal na sa kanila ang pagiging tahimik pero hindi maitatago ang lungkot sa kanilang mga mata. Plano ko pa naman sanang itanong kung kumusta na si Tonyo pero baka mas lalong magbalot ng katahimikan ang pagtatanong ko. Sa pagpapatuloy ng aming pagkain ay mas lalo kong nararamdaman ang kagustuhan na makapagtanong. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Oras na maramdaman kong hindi sila komportable sa magiging takbo ng aming usapan ay agad kong ihihinto ito. Bago ko sinimulan ang pagtatanong ay pasimple ko munang tiningnan ang mag-asawa na kasabay kong kumakain. Hanggang ngayon ay tahimik sila. Binalik ko ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan. Until I clear my throat to get their attention. Hindi naman ako nabigo dahil naramdaman ko ang pag-angat nila ng tingin sa akin. Sinalubong ko ang kanilang mga tingin. I smiled at them pero hindi ko pinahalata ang kaba na kanina ko pa nararamdaman. “Ang sarap po ng mga inihain ninyo ngayong gabi, Aling Teofila,” sabi ko. Hindi ko alam kung paano ipapasok ang mga tanong ko pero sisimulan ko nang humanap magandang tiyempo. Bahagyang nawala ang kaba ko nang sabay na ngumiti sang mag-asawa dahil sa sinabi ko. “Maraming salamat, Sab. Pinagtulungan naming iluto iyan ng aking asawa. Salamat din pala sa mga sariwang gulay na dala mo,” sabi ni Mang Luciano. Kahit tahimik kami ay kaswal naman ang aming pag-uusap. “Wala pong ano man iyon. Salamat po sa pagyaya sa akin na kumain dito ngayong gabi. Nakakahiya man po ay hindi na ako tumanggi pa dahil nagutom din po talaga ako sa paglalakad mula palengke hanggang dito,” pag-amin ko at parehas silang marahan na tumawa. Nakakahiya man ay inamin ko na rin iyon para lang magtuloy-tuloy ang aming usapan. “Oo nga pala, Sab. Mabuti na lang din at sakto lamang ang iyong dating,” sagot naman ni Aling Teofila. “Opo. Alam ko rin po kasi sa sarili ko na hindi ko na kakayanin ang muling maglakad mula rito hanggang sa aming bahay sa Tundo nang walang laman ang tiyan. Halos kagagaling ko lang din po kasi.” Nagkatinginan silang dalawa dahil sa mga huli kong sinabi. And I think na alam na nilang parehas kung bakit kagagaling ko lang. “Kumusta ka, Sab?” tanong ni Mang Luciano. He is so serious pero halatang nag-aalala. “Ayos na po ako. May gusto lang po sana akong itanong. Na sa totoo lang po ang siyang sadya ko rito.” Hindi ko alam pero bigla akong nakaipon ng lakas ng loob na aminin na ang sadya ko at hindi na magpaliguy-ligoy pa. “Sige, Sab. Magsalita ka lamang.” Sa tono ni Aling Teofila ay alam ko na alam na nila ang totoong pakay ko. Hindi lamang nila basta nahulaan kundi in-expect na nila. “Kumusta po si Tonyo?” Hindi na akong nagdalawang isip pa na itanong iyon. Nakita kong ngumiti si Aling Teofila na hindi naman din nagdalawang isip na sumagot. “Wala pa ring malay ang kaibigan mong si Tonyo, Sab. Hanggang ngayon ay nakaratay siya sa kanyang higaan,” sabi niya. So tama nga ako. Na nasa kwartong iyon si Tonyo. I don’t want to push my luck pero sana ay payagan ako nina Aling Teofila na makita ko si Tonyo sa kanyang kwarto. “Patawad po sa inyo kung wala man ang akong nagawa para tulungan si Tonyo noong mga panahong pinagtatangkaan ang mga buhay namin,” sabi ko pero umiling ang ginang. “Wala kang kasalanan, Sab. Alam namin na maraming pinaglalaban ang anak namin. Kung ang iba nga ay kaya niyang ipagtanggol, ikaw pa kaya na alam namin kung gaano kahalaga sa kanya. Masaya kami nang malaman namin mula kay Andres na ikaw ay kanila nang natagpuan. Patawad kung hindi na kami nakatulong sa paghahanap sa iyo dahil inaasikaso namin si Tonyo.” Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya. Bakit naisipan pa nilang tumulong sa paghahanap sa akin gayong ako ang dahilan kung bakit nalagay sa kapahamakan ang kanilang anak. Maaaring hindi nila sinasabi pero alam ko sa sarili ko na kung hindi dahil sa akin ay hindi malalagay sa peligro ang buhay ni Tonyo. “Ayos lang po iyon. Wala po kayong obligasyon na hanapin ako. Ako po ang nakaabala sa inyong pamilya kaya hindi niyo po kailangan na pagmalasakitan ako,” sabi ko at ngumiti si Aling Teofila. “Kailanman ay hindi ka naging abala sa aming pamilya, Sab. Huwag mong sasabihin iyan dahil tiyak na magagalit si Tonyo. Ang mahalaga ngayon, Sab ay nasa mabuti ka nang kalagayan. Hindi nasayang ang ginawang pagtatanggol sa iyo ni Tonyo. Masaya kaming mag-asawa na nahanap ka na,” sabi ni Mang Luciano. “At sigurado ako na natutuwa ngayon si Tonyo na binisita mo siya,” sabi naman ni Aling Teofila. “Alam ko na nais mo siyang makita, Sab. Pagtapos nating maghapunan ay ihahatid kita sa silid na kinaroroonan ni Tonyo,” dagdag pa niya. Bigla ko na lang tuloy na ginustong tapusin na ang aking pagkain dahil sa sinabi niya. Hindi ko na pala kailangang magsabi sa kanila dahil sila na ang nagkusa. At nagpapasalamat ako na hindi nagbago ang trato nila sa akin. Kung paano nila ako pakisamahan noon ay ganoon pa rin nila ako pakisamahan ngayon. At mas lalong nakaka-guilty ang ganoon. “Maraming salamat po sa inyong mag-asawa sa patuloy na pagtanggap sa akin. Sana po ay maging ayos na si Tonyo. Sana po ay bumalik na sa dati ang lahat,” sabi ko. Kahit pa alam ko na ligtas si Tonyo sa kung nasaan siya ngayon ay hindi maitatanggi sa pagka-miss ko sa kanya at pag-aasam na muli na sana siyang makita. “Walang ano man, Sab. Sige na at magpatuloy ka na sa iyong pagkain upang madala na kita sa silid ni Tonyo.” Tulad ng sinabi ni Aling Teofila ay nagpatuloy na ako sa aking pagkain. Mas mabilis akong kumain kumpara kanina na halos wala na akong gana. ‘Yong tipong kung hindi lamang ako gutom ay hindi ko na iisipin pang kumain. Mabuti na lamang din at masasarap ang pagkain na inihahain nila sa akin. Kahit pa noong unang beses akong makakain sa kanila ay sobrang sarap na sarap na ako. Naalala ko tuloy bigla na ang unang kain ko sa panahong ito ay sa kanilang tahanabn dahil niyaya agad ako ni Aling Teofila at kinilala bilang bago nilang kapit-bahay. Nang matapos akong kumain ay muli akong nagpasalamat sa kanila para sa isang napakasarap na hapunan. Nagpahinga na lamang muna kami sandali hanggang sa tumayo na si Aling Teofila at niyaya ako na puntahan na nga si Tonyo sa kanyang kwarto. Matapos kong tumulong sa pagliligpit ng hapag ay lumabas na kami ni Aling Teofila ng kanilang kusina. Nang muli kong natanaw ang kwarto kung nasaan si Tonyo ay nakaramdam ako ng tuwa na matapos ang ilang araw kong paghihintay ay muli ko na siyang makikita. Kurtina lamang ang pagitan naming dalawa at naaaninag ko ang lamparang nakabukas doon. Sumunod ako kay Aling Teofila nang maglakad na siya palapit sa kwarto. Hinawi niya ang kurtina at mabilis kong nakita ang higaan ni Tonyo. Doon ay nakita ko ang walang malay niyang katawan. Hindi ako nakaramdam ng ano mang takot at pag-aalala dahil una ay alam kong ligtas siya at muli ring magkakamalay. Pangalawa ay para lamang siyang natutulog. But yes, natutulog lang naman talaga siya. Tulad ng pagkakatulog ko ngayon sa aking panahon. Ang pinagkaiba lang namin ni Tonyo ay tumatakbo ang oras dito ni Tonyo at ang sa akin ay hindi. Pero bigla na lamang akong napaisip. Kung maaari palang tumakbo ang oras dito ni Tonyo ay maari ding tumakbo ang oras ko roon. Kung tumatakbo ang oras ngayon ni Tonyo ay tumatakbo rin sa akin. Bigla akong nag-alala sa maaaring maging reaction ng pamilya ko kapag matagal akong nawalan ng malay. Isa pa sa kinakatakort ko ay ang maaari nilang maging hakbang. Alam ko na ipapasuri nila ako sa mga eksperto. Walang kasagutan sa biglaang pagkawala ng malay ko. Kaya kung hindi mabibigyan ng sagot dito sa Pilipinas ang nangyari sa akin ay hindi malabong dalhin nila ako sa ibang bansa. I know my dad can actually do that. At isa pang iniisip ko ay kasama ko roon si Tonyo. I was with him that moment at ayokong madamay siya. Kung bigla na lang niyang sasabihin na nawalan ako ng malay at hindi na nagising pa ay baka hindi maniwala si daddy at pag-isipan niya ng kung ano si Tonyo. Ayoko naman na sumama ang tingin niya kay Tonyo. Sobrang unfair no’n para sa kanya dahil maayos ang pakikitungo sa akin ng pamilya niya samantalang siya ay pagbibintangan sa amin. Nilapitan ko si Tonyo at naupo ako sa gilid ng kama niya. Pinagmasdan ko ang pagtulog niya. He is so close yet so far. Literal na sobrang lapit namin sa isa’t isa pero alam ko na sobrang layo ng pagitan namin. Mahigit isang siglo ang kinakailangang lakbayin para magtapo kaming dalawa. Pero ganoon pa man ay masaya ako na muling nakita si Tonyo. Sa ngayon ay makukuntento na muna ako sa pagtingin sa kanya. Maaari naman naming bawiin ang mga oras na magkasama kami sa oras na bumalik ang ulirat niya. Huwag lang sanang maging magkasalungat ang pagbalik namin. ‘Yong tipong bumalik nga siya rito pero bumalik naman ako roon sa panahon ko. Hindi iyon maaaring mangyari dahil kapag nagkataon ay mababawasan ang chance na makabalik ako rito. This was my second. Kaya sana ay nandito pa rin ako oras na makabalik si Tonyo. Matapos kong makita si Tonyo nang ilang minuto ay nagpaalam na rin ako sa mga magulang niya. Baka mahirapan na akong makauwi kapag lalo pang lumalim ang gabi. Kaya habang may mga tao pa sa labas ay uuwi na ako. “Ihahatid na kita, Sab,” sabi ni Mang Luciano pero agad akong umiling para tumanggi. “Naku, hindi na po, Mang Luciano. Kaya ko naman po.” Hindi ako nagbigay ng abiso kaya kahit hindi nila sabihin ay alam ko na naabala ko sila. At ayokong dagdagan pa ang abala na nagawa ko ngayong gabi. Alam ko rin naman kasi na pagod sila sa maghapong pagtatrabaho sa bukid at hindi biro ang lalakarin ni Mang Luciano kung ihahatid niya pa ako at at babalik din dito. “Sigurado ka ba, Sab? Alam kong magagalit sa amin si Tonyo kapag nagising siya at nalaman ito.” Natawa ako sa sinabi ni Aling Teofila. “Kailangan din po ninyo ng pahinga. At kung ihahatid po ako ni Mang Luciano ay mawawalan kayo ng kasama. Huwag na po kayong mag-alala. Ako po ang bahala kay Tonyo kung malaman niya.” Natawa rin sila sa sinabi ko. “O siya, sige. Basta mag-iingat ka, Sab. Alam mo naman kung gaano kadelikado ngayon,” sabi ni Mang Luciano. Tumango ako at ngumiti. “Maraming salamat po ulit sa masarap na hapunan. At maraming salamat din po sa pagpayag na makita ko si Tonyo. Gusto ko lang po sabihin na magiging ayos lang ang lahat. Wala pong masamang mangyayari kay Tonyo.” Gusto ko man na sabihin sa kanila ang lahat para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala sa kanila ay hindi ko naman iyon pwedeng gawin. “Sana nga, Sab. Gabi-gabi namin iyong pinagdarasal. Maraming salamat din sa mga dala mong gulay. At maraming salamat din sa iyong pagbisita. Mag-iingat ka.” Tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanilang mag-asawa at nagsimula na sa paglalakad. Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay muli kong nakita si Tonyo. Sana sa susunod kong bisita ay may malay na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD