Kabanata 45

2083 Words
Kabanata 45 Sabrina’s POV Siguro ay sapat nang sinabi ko kay Lola Herminia na hindi siya nalilimutan ni Father Sixto. Ang kung ano mang nararamdaman ni Father Sixto para sa kanya ay mas makakabuti kung sa kanya na mismo manggagaling. I have done my part. Sa kapalaran ko na nila ipapaubaya ang lahat. Hindi ko alam kung hanggang saan sila pagbibigyan pero alam ko na ipagpapasalamat nila iyong parehas. Matapos kong makipagkwentuhan kay Lola Herminia ay niyaya na niya akong kumain ng hapunan. Puro masusustansyang pagkain ang inihain niya sa aming hapag dahil iyon talaga ang mga ni-request ko. Tapos na ang misyon ko sa pagbibigay ng information kay Lola Herminia tungkol sa kanyang naiwang pamilya, si Tonyo naman ang pagkakaabalahan ko ngayon. Alam ko naman na nasa mabuti siyang lagay pero gusto ko pa rin siyang laging masilip. At hindi ko iyon magagawa kung mananatili akong mahina. Kung gusto kong madalas na makasama si Tonyo kahit pa wala siyang malay ay kinakailangan kong magpalakas. My life here must move on. Oras na makabalik ako ng trabaho sa palengke ay kukuha ako ng oras para araw-araw na madalaw si Tonyo bago ako umuwi. Ayon kina Oriang at Lola Herminia ay ilang araw akong nawala. Kaya sana ay tanggapin pa rin ako nina Aling Miding bilang tindera. Baka kasi nakahanap na sila ng bago kong kapalit habang nawawala ako. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Lola Herminia para bumalik na sa kwarto. Maaaga akong matutulog para muling makabawi ng lakas. I hope to see Tonyo tomorrow. Kaya tulad ng pinlano ko ay natulog na ako. Kinabukasan nang magising ako ay agad kong pinakiramdaman ang sarili ko. At hindi pa man ako kumikilos ay naramdaman ko na agad ang improvement. Hindi lang sa katawan ko kundi maging ang pag-iisip ko. Wala na akong dinadala na ano mang tungkol sa panahon ko dahil nasabi ko naman na kay Lola Herminia ang mga nais kong sabihin. Ngunit kahit magaan at maginhawa na ang pakiramdam ko ay alam ko na hindi ko pa kakayanin ang puntahan sa ngayon si Tonyo. Maging ang pagtatrabaho sa palengke ay hindi ko pa kaya. Hindi naman na pipilitin pa ang katawan ko na kayanin dahil baka mas lalong matagalan ang recovery ko. Kaya nanatili ako sa bahay kahit pa may mga bagay akong nais na gawin. Ilang araw din ang tiniis ko sa paglagi sa bahay para lang sa tuluyan kong paggaling. Hanggang sa alam ko na sa sarili ko na kaya ko na. Kaya ko nang magtrabaho at kaya ko na rin na daanan si Tonyo sa kanilang bahay. Kaya ngayon ay maaga akong nagising para makapag-asikaso na para sa pagpasok. Sana ay may trabaho pa akong babalikan. Pero kung may bago nang tindera si Aling Miding ay maiintindihan ko naman iyon dahil talagang kailangan nila ng makakatulong dahil hindi niya iyon kakayanin nang mag-isa. Kaya malaki talaga ang chance na humanap na siya ng kapalit ko sa mga araw na nagdaan na wala ako. Noong sabihin ko kay Lola Herminia na oras na para bumalik ako sa normal kong buhay ay medyo nag-alangan pa siya. Pero sinabi ko naman at pinaliwanag na kaya ko na. Alam din naman niya na ilang araw din akong nag-ipon ng lakas para makabalik na ako sa normal at hindi ko sasayangin ang mga araw na nagtiis akong makulong dito sa bahay. Sa ngayon ay talagang handa na ako. May sapat na akong lakas para magpatuloy. Naligo na ako at kumain ng almusal para sa pandagdag na lakas. Maliwanag na nang umalis ako sa bahay at nagpaalam kay Lola Herminia. Nagsimula na akong maglakad papunta sa palengke. Nang marating ko ito ay agad kong natanaw si Aling Miding na nag-aayos ng mga paninda. Wala namang ibang tao sa tabi niya na maaaring bago niyang tindera at kapalit ko. Lumakas ang pag-asa ko na mayroon pa rin akong trabaho. Hanggang sa madako ang paningin niya sa akin at lumapad ang ngiti niya nang matanaw ako. Mabilis niya akong sinenyasan na lumapit. Kaya kahit nahihiya ay lumapit ako sa kanya. “Diyos ko, Sab. Totoo nga ang nakarating sa akin na balita na ikaw ay natagpuan na,” sabi ko ni Aling MIding nang magkaharap kami. Nasa tapat ako ng kanyang mga paninda. “Opo, Aling Miding. Mga ilang araw na rin mula nang matagpuan ako nina Oriang.” Tumango si Aling Miding na tila ba may balak pang makipagkwentuhan sa akin. Wala pa naman gaanong mamimili kaya may oras pa siya. “Sina Oriang din pala ang nakakita sa iyo, ano? Mabuti naman at natagpuan ka na nila. Hindi talaga huminto si Oriang hangga’t hindi ka nakikita. Halos araw-araw ko siyang nakikitang naglilibot dito para lamang hanapin ka. Minsan ko pa nga siyang nakasalubong sa isang kalye. Akala ko ay namamasyal lamang silang mag-asawa. Ngunit nang kausapin ko siya ay nagbabaka sakali raw siya na magkakasalubong kayo.” Alam ko ang naging pag-aalala ni Oriang para sa akin nang dahil sa pagkawala ko. Pero hindi ko inakala na ganoon niya na lang ako kung hanapin kahit pa alam ko naman na abala rin siya sa katipunan. Hindi ko tuloy lubos maisip ang hirap at pagod niya sa paghahanap sa akin. At mas lalo pang nakakakonsensya na kahit gaano niya ako hanapin ay malabo niya akong makita dahil wala naman na ako sa panahong ito. Hindi nga nangyari sa pamilya ko ang paghahanap sa akin, ngunit nangyari naman pala sa kaibigan ko sa panahong ito. Malaki nga po ang utang na loob ko sa kanilang mag-asawa at mga kaibigan nila.” Totoo ang sinabi ko dahil paano na lang kung ibang tao ang nakakita sa akin pagbalik ko. Paano kung mga kastila? God knows kung saan nila ako dadalhin. Napakapangit ng tagpong iyon kung ganoon nga ang babalikan kong eksena. Mabuti na lamang at hindi nila sinukuan na hanapin ako. Oriang is really a good friend. Napakaswerte ko na nabigyan ako ng pagkakataon na maging kaibigan ng isang dakilang bayani. Alam ko na imposible na maging bahagi ako ng nakaraan. Isa lamang akong normal niyang kaibigan niya na walang ano mang maiaambag sa kasaysayan. “Ganoon na nga po, Aling Miding. Maging ako man ay labis ang pasasalamat na naging kaibigan ko si Oriang.” “Sandali nga lamang, ikaw ba ay tuluyan nang gumaling? Wala ka na bang nararamdaman na ano mang sakit sa katawan?” nag-aalalang tanong ni Aling Miding nang ma-realize na napapasarap na siya sa akin ng pakikipagkwentuhan. “Opo, Aling Miding. Pero kakapalan ko na po ang mukha ko at magtatanong sa inyo. May trabaho pa po ba akong babalikan dito sa tindahan ninyo? Pero maiintindihan ko naman po kung nakahanap na kayo ng kapalit ko dahil alam ko naman po na nangangaiangan kayo ng makakatulong dito. Ilang araw din po kasi akong nawala. Halos matawa si Aling Miding sa tanong ko at naiiling-iling pa. “Ano ka ba naman, Sab? Hindi ako naghanap ng kapalit mo.” Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Aling Miding. Kung napalitan na kasi ako ay sigurado ako na mahihirapan na naman akong makahanap ng bagong trabaho. Si Tonyo ang kasi ang nag-recommend sa akin kay Aling Miding. “Sanay naman ako na walang katulong dito. Hindi ba’t wala naman akong tindera noon. Tinanggap lamang kita para mabawasan kahit papaano ang pagod ko. Pero noong nawala ka ay tinulungan naman ako ng aking asawa. Pero ngayong nandito ka na ay may makakatulong na ulit ako.” “Pasensya na po kayo, Aling Miding kung hindi agad ako nakabalik sa trabaho noong magkamalay ako. Nag-ipon pa ko kasi ako ng lakas.” Mabuti na lamang talaga at nakiki-ayon pa rin sa akin ang kapalaran. Hindi pa rin ako pinapabayaan. Sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda ay mayroon pa rin namang mabubuti. Kaya thankful pa rin ako kahit papaano. “Ano ka ba naman, Sab? Syempre ay alam ko iyon.” Natatawang sabi ni Aling Miding. “Pwede na po ba ulit akong magsimula?” tanong ko at agad akong pumwesto sa tabi ni Aling Miding nang tumango siya. Hindi ko akalain na mami-miss ko ang pagtitinda kahit na ilang araw ko pa lang naman itong hindi ginagawa. Kung noon ay hindi ko akalain na magiging tindera ako, ngayon ay masaya ako na ginagawa ko na ulit ito. I really enjoyed my back to work feeling. Dahil masaya ako sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at nalaman ko na lang na ubos na pala ang mga tinda naming gulay. Parang kanina lang ay punung-puno ng paninda ang aming pwesto. Hindi ko na tinanggihan pa ang gulay na tinabi ng Aling Miding para may mai-uwi ako. “Salamat po, Aling Miding. Marami-rami po ito. Bibigyan ko na lang din po siguro sina Aling Teofila,” sabi ko dahil ilang bungkos ng gulay ang binigay niya sa akin. Sa dami nito ay hindi namin kakayaning iulam lahat ni Lola Herminia ang mga ito. Kaya imbis na malanta ay ipapamigay ko na lang din. “Kumusta nga pala si Tonyo? May malay na ba siya?” tanong ni Aling Miding habang nagsasakay ng mga gamit sa kalabaw. Alam nila ang nangyari kay Tonyo. Kung gayon ay kalat na rin pala ang nangyari sa kanya. “Wala pa po, Aling Miding,” bakas sa tono ko ang lungkot. Sa ilang araw kong pananatili sa bahay dahil sa pagpapahinga ay hindi pa ulit ako nakakarinig ng ano mang balita tungkol kay Tonyo. Kami lang ni Lola Herminia ang laging magkasama. Imposible naman na makabalita ako sa kanya dahil hindi rin naman siya nakakalabas masyado ng bahay. Hindi pa rin naman kami pinupuntahan ni Aling Teofila para ibalitang may malay na si Tonyo. Well, sina Oriang ang may ganoong kasunduan sa kanya pero sigurado ako na kung pumunta na sa kanila ang ina ni Tonyo ay ako ang unang sasabihan ni Oriang. “Tulad mo, hangad ko rin ang kanyang agarang paggaling.” Nginitian ko si Aling Miding at nagpaalam na silang mag-asawa. Kaya nagsimula na rin akong maglakad papunta naman sa bahay nina Tonyo sa Kalookan. Kung nasa Tundo lamang siya ngayon ay mas magiging madali para sa akin ang lahat. Malapit lamang ang aming bahay sa isa’t isa. Pero wala naman akong magagawa kung doon siya dinala ng kanyang mga magulang at doon hintayin na magkamalay si Tonyo. Nasa kanila pa rin naman ang desisyon. Madilim na nang marating ko ang tahanan nina Tonyo at may sindi na rin ang kanilang lampara. Pakiramdam ko ay naghahanda na sila sa pagtulog kaya nakakahiyang bigla na lang sumulpot at magpakita doon. Ngayon ko lang na-realize na medyo alanganin pala ang ganitong oras ng pagbisita. Maagang nagpapahinga ang mga tao dahil maaga nagsisimula ang kanilang araw. Bakit nga ba ngayon ko lang iyon naisip? Lalo pa at alam ko naman na maaga rin sina Aling Teofila at Mang Luciano na pumupunta sa bukid. Pero nandito na lang din naman ako ay susubukan ko na muna. Kung matutulog na sila ay iaabot ko na lamang ang mga dala kong gulay. Babalik na ang siguro ako bukas ng umaga para wala akong maiistorbo. Mas aagaghan ko na lang ang gising ko. “Tao po? Aling Teofila?” Marahan akong kumatok at narinig ko agad ang isang yabag na papalapit sa pintuan. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan at si Aling Teofila ang bumungad sa akin. Hawak niya ang lampara at tinapat pa sa akin para makilala ako. “Sab? Sabi na nga ba at ikaw ang nandito. Ayaw pang maniwala sa akin ni Luciano,” sabi ni Aling Teofila habang natatawa. Sinubukan kong sumilip sa loob ng kanilang bahay ngunit wala akong nakita dahil sa dilim. Nahaharangan din niya ang ibang bahagi ng bahay. “Magandang gabi po, Aling Teofila. Paumanhin po kung naistorbo ko ang inyong pagpapahinga,” sabi ko. “Hindi, Sab. Halos kakasimula lang namin kumain dahil gabi na rin kaming nakauwi galing sa bukid. Kailangan kasi naming mag-doble kayod ng aking asawa. Sa totoo lang ay hinihintay namin ang iyong pagbisita. Halika, tumuloy ka na muna. Saluhan mo na muna kami sa hapag.” Sa haba ng nilakad ko ay ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Kaya kahit nahihiya ay hindi na ako tumanggi pa. Pinabuksan ako ng pinto ni Aling Teofila kaya tumuloy na ako sa loob ng kanilang bahay. Kukuhanin ko na rin ang pagkakataong ito para makita si Tonyo. Maliit na bahay-kubo lamang ang kanilang bahay kaya siguro naman ay hindi ako mahihirapan na hanapin si Tonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD