Kabanata 44

2101 Words
Kabanata 44 Sabrina’s POV Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Lola Herminia ay mula noon hanggang ngayon ay nanatili siyang matatag. Pinagdaanan niya ang lahat ng pinagdaanan ko. Hindi biro ang tanggapin na ikaw ay isang time traveller. Lalo na kung ang panahong napuntahan mo ay ang Spaniard colonial era. Pati ang pagmamalupit ng mga kastila ay kinaya niya. Then all of a sudden, malalaman mo na pinagluksa ka na ng mga mahal mo sa buhay. While they were grieving because of your death, ay naghihirap ka pa pala sa kamay ng mga dayuhan. “Mas mabuti na rin siguro na namatay ako sa panahon ko at hindi naglaho nang bbasta lamang.” Tiningnan ko si Lola Herminia na nanatiling nakangiti. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero may sinasabi ang mga mata niya. And it was a relief. Her eyes are now full of relief na maaaring dahil sa mga nalaman niya. “Bakit po, Lola?” tanong ko. “Kung naglaho ako na parang bula, hindi ko sila mabibigyan ng kapayapaan ng pag-iisip. Alam ko na hindi sila titigil hangga’t hindi ako nahahanap. Sobrang lapit naming pamilya kaya alam ko na gagawa at gagawa sila ng paraan para hanapin ako. Baka maubos ang oras nila sa paghahanap sa akin. Nakakaawa ang pamilya ko kung ganoon nga ang mangyayari dahil maghahanap lamang sila wala. Kahit gaano katindi ang gawin nilang paghahanap ay hindi nila ako makikita dahil nasa ibang panahon na ako.” Na-realize ko ngang boiglka ang sinabi ni Lola Herminia. At sumang-ayon ako sa sinabi niya. I couldn’t take that frustration knowing that my family is struggling finding me without them knowing that they will not see me again. “Tama po kayo, Lola Herminia. Maging ako man ay hindi ko iyon gugustuhing mangyari sa pamilya ko.” Masyado nang maraming pinagdaanan ang pamilya ko para pagdaanan pa ang ganoong walang kasiguraduhang paghahanap. Hindi pa nawawala kay daddy ang sakit ng pagkawala ni mommy. And I don’t think na may pag-asa pang mawala ang sakit na iyon. He can move on, and he already did. Pero siya na rin ang nagsabi na habang-buhay niyang dadalhin ang sakit ng pagkawala ni mommy. “Ipagluluksa nila ako ng ilang buwan o taon. Pero oras na matanggap nila ang katotohanang wala na ako sa mundong ibabaw ay pwede na ulit silang magpatuloy sa kani-kanilang buhay.” Muli akong tumango. I really admire Lola Herminia for her unconditional love and for being selfless. Ayos lang na magdusa siyang mag-isa rito basta may peace of mind ang kanyang pamilya. “Marami pa po akong kailangang ikwento sa inyo, Lola Herminia,” sabi ko. I can see the anticipation in her eyes nang sabihin ko iyon. Ilang taon siyang walang naging balita sa kanyang pamilya kaya hindi ko siya masisisi kung ganito siya kasabik sa mga baon kong kwento. “Magsalita ka lamang, Sab,” she demands. “Si Mang Amador po pala ang nagturo sa amin ng iyong libingan, Lola.” Nabasa ko ang tuwa sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni Mang Amador kaya alam ko na kilala niya ang matandang tumulong sa amin. “Nasa pamilya pa rin pala namin ang batang si Amador. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya noon dahil gusto kong magkaroon ng nakababatang kapatid. Kung hindi mo kasi naitatanong, Sab ay ako na ang bunso sa aming magkakapatid,” sabi ni Lola. “Opo, Lola. Nasabi niya noon at nagpakilala siya bilang caretaker ng bahay. Mukhang sa pamilya na ninyo siya tumanda. Siya rin po ang nakipag-usap sa kapatid ninyong nasa ibang bansa para makahingi kami ng permiso na mapuntahan ang museo ng inyong pamilya.” Tumango si Lola Herminia. Tila ba alam na niya kung sino sa kanyang mga kapatid ang nasa ibang bansa. “Nakasisiguro ako na si Ate Aida ang kinausap niya dahil alam kong pangarap niyang makapag-ibang bansa,” sabi nib Lola Herminia na hindi ko naman na kinontra. Tatlo lamang silang magkakapatid. At hindi naman Aida ang pangalan ng kapatid niyang nabasa ko sa lapida na kasama nila sa museo. Bigla tuloy akong muling nakaramdam ng kaba at pag-aalinlangan kung sasabihin ko rin ba at ikukwento ang tungkol sa isa pa niyang kapatid na namatay na rin. Pero siguro naman ay matatanggap din ni Lola Herminia ang balitang iyon tulad ng kanyang sinabi. “May gusto ka pa bang sabihin, Sab?” tanong ni Lola Herminia nang ilang sandali akong hindi nagsalita. Pero hanggang ngayon ay medyo nag-aalangan pa rin ako. Pero dahil halatang naghihintay si Lola Herminia ng saabihin ko ay wala na akong magagawa pa kundi ang magsalita. “Tungkol po sa is pa ninyong kapatid, Lola Herminia…” Hindi ko alam kung paano durugtungan ang sinisimulan ko. Hindi ko alam kung paano ang tamang bwelo at kung ano ang tamang salita na bibitiwan ko para hindi siya mabigla. Pero wala naman yatang tamang bwelo at tamang salita sa ganitong balita. Kahit ano yatang sabihin ko at gaano ako ka-kalma sa pagbabalita ay magugulat ang sino mang kaanak. So I clear my throat bago magsalita. “Noon pong puntahan namin ang inyong puntod ay nakita namin ang tatlo pang puntod na kasama ninyo sa museo.” Iyon pa lamang ang sinasabi ko pero bumagsak na ang mga balikat ni Lola Herminia. Pero wala na akong oras para bawiin ang mga nasimulan ko kaya itutuloy ko na. “Ang inyong mga magulang at isa pa ninyong kapatid.” Nabakas ang sakit sa mga mata ni Lola Herminia. I feel sorry for her. Ilang dekada siyang naghangad ng balita tungkol sa mga naiwan niya sa kanyang panahon, only to find out na patay na pala ang kanyang pamilya at isa na lamang natitira. Ngunit hindi kalaunan ay muling nagkaroon ng sigla at buhay ang kanyang mga mata. “Hindi ko maiwasang malungkot sa binalita mo, Sab. Ngunit matanda na ako. Hindi naman na ako ganoon umaasa na kumpleto pa aking pamilya. Nakakalungkot lang na nawala sila ang wala ko sa tabi nila. Hindi ko man lang sila naipagluksa.” Naintindihan ko ang pinanggagalingan ng sakit na naramdaman ni Lola Herminia nang ibalita ko iyon. At masakit nga na hindi maipagluksa ang mga namatay na pamilya. “Alam ko po na naiintindihan iyon ng inyong mga magulang at inyong kapatid, Lola.” Tumango si Lola. “Ang malaman na may buhay pa sa amin ay isang bagay na dapat ipagpasalamat.” Mas lalo akong humanga sa positivity ni Lola Herminia. She’s always looking on the bright side. “May isang bagay pa po pala akong dapat sabihin, Lola…” Sa lahat ng binalita ko sa kanya ay ang isang ito ang hindi ko dapat malimutan. This will be the highlight of this storytelling. “Ano iyon, Sab? Makikinig ako.” “Hindi lamang po si Mang Amador ang nakita namin doon na kakilala ninyo.” Lola Herminia smiles sa muling pagsisimula ko. She is really eager to know more pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya sa susunod kong bibitiwan. “Sino pa, Sab? Nakakatuwa naman, Sab. Kahit tila binibitin mo ako ay mas lalo akong nasasabik sa mga nais mo pang ihayag.” Muntik na akong matawa sa sinabi ni Lola Herminia na tila ay binibitin. Pero dahil may mga pag-aalinlangan ako ay parang ganoon nga ang nangyayari. Ang hirap kasing diretsuhin lalo pa at matanda na siya. May mga bagay na maaaring hindi niya kayang kayanin. Kaya mabuti na ‘yong dahan-dahan. “Lola, doon po ay muli naming nakita si Father Sixto.” Nakita ko kung paanong unti-unting nawala ang mga ngiti ni Lola Herminia. Hindi ko alam kung paano ang tamang transition para bitiwan iyon pero wala na akong oras para mag-isip. Habang tumatagal ay mas lalo kong naiisipang huminto na kaya binitiwan ko na agad para wala nang atrasan pa. “A-ano?” Sa lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kanya ngayon ay dito lamang sa balitang siya nag-react nang ganito. Tila ayaw mag-sink in sa kanya ng balitang ito dahil halatang hindi niya ito inaasahan. Ang buong akala niya siguro na tungkol lamang sa kanyang pamilya ang mga bagay na sinabi kong ikukwento ko. Ilang sandali na ang lumilipas pero hindi pa rin nakukuhang magsalita ni Lola Herminia. She is still at the state of shock. “Ayos lang po ba kayo, Lola?” nag-aalalang tanong ko. She looks fine but obviously bothered. Halatang maraming tanong ang naglalaro at tumatakbo sa kanyang isip. “Ayos lamang ako, Sab. N-ngunit—” Kusang nahinto si Lola Herminia at hindi siguro alam kung paano itutuloy ang mga sasabihin. Naiintindihan ko ang mga nararamdaman niya at maging ako man alam ko na ganito ang magiging reaction ko kung mangyari man sa akin ang mga bagay na ito. “Ayos lamang po iyon, Lola. Naiintindihan ko po. Alam ko po na nabigla kayo.” Alam ko rin naman na iba talaga ang magiging impact ng balitang ito sa kanya kaya in-expect ko ang ang ganitong reaction mula sa kanya. Lalo na at base sa libro na mahal na mahal niya si Father Sixto. “Halos anim na dekada, Apo. Halos anim na dekada akong naghangad ng ano mang balita tungkol sa kanya ngunit wala akong nakuha,” sa wakas ay sabi ni Lola Herminia. Hindi maitatago ang nagbabadyang mga luha sa magkabila niyang mata. “Iba ang pag-aasam ko sa balitang tungkol sa kanya at sa balita tungkol sa aking pamilya. Sa aking pamilya ay nakasisiguro ako na hindi nila ako makakalimutan,” sabi ni Lola at tuluyan na ngang tumulo ang kanyang mga luha. Mabilis niya iyong pinunasan. “Ngunit si Sixto. Hindi ko alam kung naaalala pa ba niya ako at ang mga pinagsamahan namin.” Hindi ako makapaniwala sa tumatakbo sa isip ni Lola Herminia. Iyon ang kinakatakot niya? Kaya hindi siya mapalagay nang sabihin kong may balita kami tungkol kay Father Sixto ay dahil baka sabihin ko at malamanb niya nalimot na siya nito? That’s far from reality. Kabaligtaran pa nga iyon ng iniisip niya dahil hindi tumitigil si Father Sixto na gumawa at humanap ng paraan para muli silang magkita bago sila tuluyang bawian ng buhay. Hindi ko alam kung nasa posisyon ba ako para ako na ang magsabi ng mga bagay na ito kay Lola Herminia pero baka wala na silang chance. Pero may parte pa rin sa akin ang umaasa na muli silang magkikita kaya hindi ko na lang ibibigay ang buong detalye sa mga inamin sa amin ni Father Sixto tungkol sa totoong nararamdaman niya para Lola Herminia. “Lola, gusto ko lang pong malaman ninyo na hindi tumitigil si Father Sixto para muli kayong magkita.” Muli ay hindi nakapagsalita si Lola Herminia sa sinabi ko. Muling naglandas ang kanyang mga luha pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya iyon pinigil at pinunasan pa. hinayaan lamang niya ang patuloy na pagtulo ng kanyang luha. Bumangon ako para yakapin si Lola. Alam ko na kailangan niya ito at walang ibang gagawa kundi ako. Ako lang din kasib ang nakakaintindi pinagdaaraanan niya ngayon. “Hindi po kayo nakakalimutan ni Father Sixto, Lola.” Tumango si Lola sa balikat ko. Naririnig ko ang bawat niyang hikbi kaya natatakot ako na baka hindi niya kayanin at bigla na lang siyang mag-breakdown. Pero mas nakakatakot kung hindi niya mailabas ang lahat ng nararamdaman niya. “Iiyak niyo lang po ang lahat, Lola. Makakatulong ‘yan para gumaan ang pakiramdam ninyo.” Bumitiw si Lola mula sa yakap kaya hinarap ko siya. “Naniniwala po ako na muli kayong magkikita ni Father Sixto.” Tumango si Lola. “Ako rin, Sab. Naniniwala ako na muli kaming magkikita. Malakas ang kutob ko.” Masaya ako na ganoon din ang nararamdaman ni Lola Herminia. Kahit papaano ay may instinct siyang pinanghahawakan. “Nabasa na po pala ni Father Sixto ang ilang bahagi ng tula sa librong sinulat ninyo para sa kanya,” sabi ko at ngumiti siya. “Nasa pangangalaga po ng school ang libro. Hiniram ko po iyon. At nang mahiram ko po iyon ay pinahiram ko naman kay Father. Okay lang po ba, Lola?” Natawa si Lola sa sinabi ko. “Oo naman, Apo. Walang problema sa akin. Iyon naman talaga ang layunin ng tulang iyon kung bakit ko iyon nasulat. Upang ipaalam ang nararamdaman ko para kay Sixto. Hindi man makarating sa kanya, ay mabasa man lang ng iba at malaman ang aming istorya. Nakakatuwa lang na nabasa na ng ibang tao ay nabasa pa ni Sixto.” Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Lola Herminia. At batid kong dahil iyon sa dalawang bagay. Una, dahil nalaman niya na hindi pa rin siya nalilimutan ng lalaking minahal niya sa loob ng ilang dekada kahit hindi na sila magkasama. Pangalawa ay dahil panatag siya na alam ng lalaking iyon ang lahat ng kanyang nararamdaman, hindi man niya personal na nasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD