Kabanata 43

2079 Words
Kabanata 43 Sabrina’s POV “Kailan po nino napagtanto, Lola Herminia ang posibilidad na muli nga akong nakabalik sa panahon ko?” tanong ko kay Lola sa pagpapatuloy ng usapan namin. “Noong nabalitaan ko mula sa kaibigan mong si Oriang ang tungkol sa kastilang nagtangka sa buhay ninyo ni Tonyo. Nabnaggit niya na napagkamalan siyang baliw nang nahihintakutan niyang pinamalita sa lahat na ikaw raw ay naglaho na parang bula.” Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Oriang kahapon. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang marahang pagtawa. “Nakakaawa naman ang sinapit niya. Dahil sa kanyang kalapastanganan ay ganoon ang nangyari sa kanya.” Parehas kaming natawa ni Lola Herminia. “Bagay lamang iyon sa kanya, Sab. Hindi biro ang ginawa niya sa inyo ni Tonyo. Iyon ang napala niya sa paghahari-harian sa ating bayan. Ang buong akala siguro ng kastilang iyon ay mapapasunod niya ang lahat ng tagalog.” Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni Lola Herminia na napuno ng tawanan dahil hindi namin ma-imagine ang hitsura ng kastilang ‘yon habang pinamamalita at pinapakalat niya iyon sa lahat. Sobra-sobra sigurong kahihiyan iyon. “Mabuti na lamang din po at nakasunod sa akin si Tonyo sa panahon ko, Lola Herminia. Kung hindi siya nawalan ng malay rito ay alam kong manlalaban siya sa kastila.” Tumango si Lola Herminia bilang pagsang-ayon. “Siyang tunay, Sab. Nakasisiguro ako na ganyan nga ang gagawin ni Tonyo. Hindi iyon makakayag na masaktan ng sino man. Hindi iyon papayag na hindi ka niya maipagtanggol.” Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Lola Herminia. Nakakatuwa na kahit ang ibang tao ay alam kung paano ako protektahan at ipagtanggol ni Tonyo. Hindi kasi siya nagdadalawang isip na gawin ang mga gusto niyang gawin. “Ngunit hindi pa rin po nagigising si Tonyo, Lola,” malungkot kong sabi sa matanda at nawala ang mga ngiti niya. Halatang nagulat si Lola Herminia sa sinabi ko. Ang in-expect niya siguro ay sabay kaming nakabalik dito ni Tonyo. Na dahil nandito ako ay nandito na rin siya. Iyon din ang inakala ko ngunit nagkamali ako. “Ang ibig mo bang sabihin ay hindi pa kayo nagkikitang muli ni Tonyo at maaaring naiwan siya sa panahon mo?” tanong pa ni Lola Herminia bilang kumpirmasyon sa mga hinala niya. Marahan akong tumango. “Ganoon na nga po, Lola. Noong una nga po ay nag-alala ako. Pero naisip ko rin po na mas ligtas si Tonyo kung doon na muna siya panahon ko. Walang mga mapang-abusong kastila.” Hindi nakaligtas sa akin ang mga ngiti ni Lolab Herminia nang sabihin ko ang mga salitang iyon kaya nagtakha ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. “Bakit po, Lola?” Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. “Wala naman, Sab. Alam ko naman na mahalaga sa iyo si Tonyo. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ang halaga niya sa iyo. Pero dahil sa sinabi mo ay alam kong sobra-sobra kung pahalagahan mo siya dahil mas pipiliin mo pa na pansamantalang hindi makasama si Tonyo para masiguro lamang ang kanyang kaligtasan.” I smiled at Lola Herminia. “Opo naman, Lola Herminia. Sobrang mahalaga po sa akin si Tonyo dahil kaibigan ko siya. Lahat naman po ng kaibigan ko ay mahalaga para sa akin.” Tumangong muli si Lola Herminia. “Alam ko, Sab. Ngunit kaibigan lang ba para sa iyo si Tonyo?” tanong ni Lola at napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya sa tanong niyang iyon o nagbibiro lang. hindi naman nababahiran ng panunukso ang paraan niya ng pagtatanong pero nakaramdam ako ng pagkailang dahil halatang nagahihintay siya ng sagot mula sa akin. But her question hits differently with my brain cells. Parang maging ako ay napaisip. Para bang ayaw akong patahimikin ng tanong na iyon hangga’t hindi iyon nasasagot. Pero paano ko iyon masasagot kung hindi naman alam ng utak ko ang sagot dahil maging ito ay iyon din ang tanong. Ngumiti si Lola Herminia nang ma-realize na wala akong maibigay na sagot. But her smile seems like I gave her the answer that she wants to hear from me. “Magiging ayos rin ang lahat, Apo. Ang tanging maipapayo ko lang sa iyo ay pahalagahan ninyo ang bawat oras na magkasama kayo. Traydor ang oras, Sab. Baka kung kailan huli na ang lahat ay saka niyo lang mapagtatanto ang mga bagay-bagay.” Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Lola Herminia pero tinandaan ko ang sinabi niya. It was an advice from her na maaaring magamit ko. “Tatandaan ko po iyan, Lola. Maraming salamat po sa mga paaala.” Muling ngumiti at tumango si Lola Herminia. “Kumusta pala ang pagbalik mo sa iyong panahong? Nanibago ka ba?” tanong ni Lola at natatawa akong tumango. “Opo, Lola. Lalo na po pagdating sa kapaligiran. Sanay naman po ako sa mga building pero nang makabalik ako roon ay parang nag-alangan ako. Lalo na po sa usok. Ngayon ko lang po na-realize kung gaano kausok ang Maynila nang maranasan ko kung gaano kaaliwalas ang paligid sa panahog ito.” Bigla akong na-excite sa tanong ni Lola Herminia kaya hindi ko na naiwasan pa ang magkwento na parang batang galing sa field trip. “Totoo ang lahat ng iyong sinabi. Naikwento ko nga sa inyo noon ni Tonyo na napadpad ako sa iyong panahon.” Naalala ko ang sinabing iyon ni Lola Herminia. Naikwento niya agad iyon sa amin kinabukasan. “At ibang-iba nga ang kapaligiran ng panahon ngayon sa panahon ninyo roon. Kung ikaw nga na sanay mga ganoong tanawin ay nanibagong bigla, paano pa kaya ako na sa ganitong kapaligiran na tumatanda,” sabi ni Lola Herminia. “Opo, Lola. Kaya nga po hinanap ko agad si Tonyo nang malaman kong parehas pala kaming napadpad sa panahong iyon dahil alam ko po na maninibago talaga siya.” Nagpatuloy ang tawanan namin ni Lola Herminia dahil sa mga kwento ko. Hanggang sa may maalala ako na kwentong hindi ko dapat makalimutan. “Bakit, Apo?” nagtatakhang tanong ni Lola nang ang kaninang pagtawa ko ay napalitan ng biglang pagseseryoso. “May problema ba? May masakit ba sa iyo? May nararamdaman ka na naman ba?” sunod-sunod niyang tanong na puno ng pag-aalala. “May nais po sana akong sabihin sa inyo, Lola.” “Sige lang, Sab. Magsalita ka,” aniya. Gusto ko sana na ikwento ang lahat ng ito pagbalik ni Tonyo. Kaya lang, tulad ng sinabi ni Lola Herminia kanina ay traydor ang oras. Baka hindi ko na masabi sa kanya ang lahat kapag naubusan kami ng oras. Lalo pa sa sitwasyon namin na walang kasiguraduhan ang tagal ng pwede naming ilagi nang magkakasama. Gustuhin ko man na hintayin si Tonyo dahil magkasama naming inalam ang totoo ay hindi na ako magsasayang pa ng oras. It’s now or never. Alam ko naman na maintindihan niya kung sabihin ko man ang lahat kay Lola dahil iyon naman talaga ang goal ng plano namin. “Sab?” tawag muli sa akin ni Lola nang ilang sandali akong hindi kumibo. “Lola, nalaman po namin ni Tonyo ang totoong nangyari sa inyo nang permanente kayong manirahan sa panahong ito.” Nawala ang mga ngiti ni Lola Herminia dahil sa sinabi ko. Hindi niya rin talaga in-expect ang mga ganoong pangyayari sa panahon ko. “Sab…” I smile again with her. Kahit may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata ay alam ko nab gusto rin niyang malaman ang mga nalaman namin na magbibigay ng kasagutan sa kanyang mga tanong na ilang dekada niyang dinala. “Pero paano ninyo nahanap ang buhay ko noon?” tanong pa ni Lola Herminia. “Iisang eskwelahan lang po ang pinasukan natin, Lola.” Hindi naman nagulat si Lola Herminia sa sinabi ko. Siguradong alam na niya iyon noon pa man mula nang makita niya ang school ID ko na naging dahilan para malaman ni Lola Herminia ang sikreto ng pagkatao ko. “Oo, Sab. Ngunit paano mo nalaman? Alam kong matanda na ako ngunit hindi ko rin naman maalala na may naikwento ako sa inyo ni Tonyo tungkol sa kung saan ako nag-aral noong sa panahon ko pa ako naninirahan.” “Opo, Lola Herminia, hindi nga po ninyo naikwento. Hindi ko rin po sinasadya ang pagkakaalam ko sa impormasyong iyon. Aksidente ko lang pong nabasa sa yearbook ng school ang isang article tungkol sa inyo,” sabi ko habang inaaalala kung paano ko ba nalaman ang lahat-lahat. Napakunot naman ang noo ni Lola Herminia dahil sa huling sinabi ko. “Isang article tungkol sa akin?” “Opo, Lola Herminia. Nailathala kayo para sa mga tulang sinulat ninyo. Nasabi po roon na maraming awards ang natanggap ng mga tula ninyo. Kayo po ang nanalo sa isang writing contest.” Ang pagkalitong kaninan lang ay mababakas sa mukha ni Lola Herminia, ngayon ay napalitan ng tuwa. Halatang may masasayang alaala rin ang bumabalik sa kanya ngayon na mula sa kabataan niya. May panghihinayang sa kanyang mga mata ngunit walang ano mang bahid ng pagsisisi. Tanggap niya ang lahat. She just missed everything she has left. “Naalala ko nga iyon, Sab. Ang mga tulang naisulat ko dahil sa nag-uumapaw kong damidamin para kay Sixto,” sabi ni Lola Herminia at muli akong napangiti. Ang sarap pakinggan ang mga salitang iyon na mula kay Lola. Kung maririnig lang sana ni Father Sixto ang lahat ay sigurado akong mas lalo siyang matutuwa. “Kung naabutan po lamang sana ninyo ang pagsikat ng librong sinulat niyo ay matutuwa po kayo nang sobra. Naging matunog po ang pangalan ninyo sa buong campus dahil sa pagkapanalo ninyo. Everyone was curious about Sixto na siyang bida sa mga tula,” sabi ko at tumango-tango si Lola Herminia. “Sa isang panayam noon para sa mga nanalo, sinabi ko na bunga lamang si Sixto ng aking imahinasyon. Na siya ay isa lamang kathang-isip. Ngunit lahat ay hindi naniwala. Hindi ko naman akalain na ganoon nila ako hindi paniniwalaan na magiging palaisipan pa sa kanila ang pagkatao ni Sixto.” Naiiling na sabi ni Lola Herminia ngunit nakangiti siya. Hindi niya siguro akalain na magkakaroon ng ganoong impact ang mga sinulat niyang tula na magbibigay ng curiosity sa mga kapwa niya estudyante. Kahit sino naman siguro ay matutuwa kapag nalaman na may ganoon kang iniwan sa panahong nilisan mo. Ang nakakalungkot nga sa nangyari kay Lola Herminia ay hindi niya na nakita pa ang impact na dulot ng kanyang akda. That was every writer’s dream. Ang tumatak sa mga mambabasa ang kanilang mga akda. “Mas lalo pa pong naging matunog ang inyong akda at pangalan ni Father Sixto nang sumulpot at magpakita siya sa iyong burol.” Bigla na lamang nawala ang mga ngiti ni Lola Herminia at huli na nang ma-reaize ko kung bakit. I was being careless sa mga sinasabi ko at hindi ko na naisip na hindi nga pala niya alam na namatay siya sa kanyang panahon dahil sa bangungot. Hindi man lang ako nakabwelo para hindi siya mabigla. Kaya ngayon ay halata sa reaction niya ang pagkabigla. “Burol? Burol nga ba ang iyong sinabi, Sab? Tama ba ang pagkakarinig ko? Burol ko?” Napangiwi dahil sa hindi ko pag-iisip ng ayos. You are so stupid, Sab! “Lola Herminia, ganito po kasi ‘yan…” Nahalata siguro ni Lola Herminia ang pagkataranta ko kaya ang kaninang pagkabigla niya ay napalitan ng ngiti. Hindi naman peke ang ngiti niyang iyon. Siguro nga ay nabigla lang talaga si Lola Herminia. Kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Sa ngayon ay kaya ko nang ikwento sa kanya ang lahat ng mga nalalaman at natuklasan namin ni Tonyo. “Sige lamang, Sab. Magsalita ka. Nais kong malaman ang lahat. Nakahanda akong makinig. At nakahanda rin akong tanggapin ang lahat,” sabi ni Lola dahil nahalata niya yata na nagkaroon ako kanina ng pag-aalinalangan. Pero dahil sa sinabi ay naging panatag ang loob ko na magkwento. Kahit pa mismo ang tungkol sa pagkamatay niya. “Tama po ang nadinig ninyo kanina, Lola Herminia. Si Father Sixto ay bumisita sa inyong burol at doon ay nabuo ang hinala na maaari ngang hindi lamang isang fictional si Sixto dahil nagpakilala siya sa iyong kapatid.” Hindi ko alam kung paano ba maikukwento sa kanya ang lahat nang mas detalyado kaya nagsimula ako sa unang information na nalaman ko noon. “Kung gayon ako pala ay namatay,” sabi ni Lola Herminia pero wala naman akong nahimigan na ano mang pait dahil sa pagkamatay niya. She’s even casual about her death. I think she expected the worst kaya hindi na siya nagdamdam pa. tulad nga ng sinabi niya kanina ay tatanggapin niya ang ano mang ibibgay kong katotohanan. At tinatanggap nga niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD