Kabanata 42

2136 Words
Kabanata 42 Sabrina’s POV Palagay ang loob ko na magandang balita ang sasalubong sa akin. Kaya kahit medyo hirap sa paglalakad at nangangailangan ng suporta mula sa dingding ay pinilit kong makarating sa labas sa bakuran nina Oriang. Doon ay naabutan ko siyang nagwawalis. Agad niyang binitiwan ang hawak na walis nang mapansin niya akong lumabas ng bahay. Nagmamadali siyang naglakad palapit sa akin at handa na sanang pagalitan ako pero nginitian ko siya. “Maayos-ayos na ang pakiramdam ko, Oriang. Hindi mo na kailangan akong kagalitan pa. kaya ko na.” Bumuntong hininga si Oriang dahil sa katigasan ng ulo ko. Pero wala na rin siyang nagawa kundi ang alalayan na lamang ako papunta sa isang upuan na yari sa kawayan na nasa may gilid ng kanilang bahay. “Ubod talaga nang tigas ng iyong ulo, Sab.” Pagsuko na lamang ni Oriang at nakangiti na lamang na naupo sa tabi ko dahil alam ko na hindi niya ako matitiis. I am so blessed to have a very close friend like her. The fact that she is a well-known in our history. “Nais ko lamang malaman, nagtungo na ba rito ang ina ni Tonyo?” tanong ko at bigla na lamang nawala ang mga ngiti ni Oriang. Kusa ring nawala ang mga ngiti sa aking labi dahil sa naging reaction niya dahil alam ko na yata ang ibig nitong sabihin. “Sab, hindi pa kasi—” “Ang aling Teofila talaga. Tila nalimutan na niya ang inyong usapan na agad siyang paparito oras na magkamalay si Tonyo.” Tiningnan lamang ako ni Oriang nang buong awa. “Hindi na bale, sasadyain ko na lamang sila Kalookan.” Tatayo na sana ako para maghanda sa pag-alis, but Oriang grabs my wrist. Ramdam ko na agad sa mga kamay niya ang pagtutol. Mabilis akong umiling sa kanya. Ngayong may sapat na akong lakas para puntahan si Tonyo ay hindi na ako magpapapigil pa anoman ang sabihin nila. Pupuntahan ko si Tonyo at bibisitahin sa ayaw nila at sa gusto. Pinagbigyan ko sila kahapon at nakinig ako sa gusto nila kaya sana naman ay pagbigyan din nila ako at pagbigyan sa gusto ko ngayon. “Para sa iyong kaalaman, Sab ay pinuntahan ni Andoy ang tahanan nina Tonyo upang tulad ng nais mo ay kumustahin ang kanyang lagay,” sabi ni Oriang kaya nakinig ako sa mga susunod niyang sasabihin. Mabuti na lamang at naisipan ni Andres na sadyain na siya sa bahay nila. “Kumusta ang naging lakad ni Ka Andres?” Halata sa boses ko ang pananabik sa ano mang balita tungkol kay Tonyo. Ganito na lang talaga yata ang pag-aasam ko na makita siya. At umaasa ako na isang magandang balita ang mga susunod na salitang bibitiwan ni Oriang. “Paumanhin, Sab. Ngunit ayon kay Andoy ay wala pa ring malay si Tonyo.” Tuluyan na ngang nawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Oriang. Lahat ng pag-asa ko ay naglaho. Paanong hindi pa nagkakamalay si Tonyo? Nandito na ako. Baka naman nagbibiro lamang itong si Oriang. Pero hindi na ako natutuwa sa mga biro niya. “Hindi maganda ang biro mong iyan, Oriang. Sige na, sabihin mo na sa akin ang totoo.” Hindi sumagot si Oriang at nanatili sa kanyang mga mata ang awa na nararamdaman niya sa akin. Pero hindi awa ang kailangan ko ngayon. I need a positive news about Tonyo. Wala akong ibang gusto at hiling sa ngayon kundi ang kasiguraduhan sa kaligtasan ni Tonyo. “Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman, Sab dahil kami man ay nag-aalala kay Tonyo. Kaibigan din namin siya. Ngunit iyon ang katotohanan. Wala pa ring malay ang ating kaibigan.” Hindi akko nakapagsalita at kung anu-ano na naman ang tumatakbo at naglalaro sa isip ko tungkol sa mga posibilidad na nangyari kay Tonyo. Kung wala pa ring malay si Tonyo kahit pa nakabalik na ako rito, ibig sabihin lamang nito na naiwan si Tonyo sa panahon ko. Naiwan siya sa tabi ng natutulog kong katawan at wala siyang kamalay-malay na nandito na ulit ako. Natatakot ako para sa kanya dahil wala siyang makakasama sa panahon ko. Alam ko na hindi pa siya ganoon kasanay roon. Kung tumakbo man ang oras namin doon ay huwag sana siyang pabayaan ni Father Sixto. Naisip ko ang walang malay na katawan ni Tonyo. Bigla kong na-realize na wala akong dapat ipag-alala dahil alam kong mas ligtas siya kung hindi na muna siya makakalabas. Hindi naman siya mapapahamak sa panahon ko dahil kasama niya ako at nasa isang private place kami roon. Bigla akong nakalma kaya nawala na rin ang pag-aalala ni Oriang para sa akin. “Paumanhin kung natakot kita, Oriang. Ngunit ayos na ako sa ngayon.” Kahit halatang naguguluhan siya sa biglang pagbabago ko ng mood ay ngumiti siya at tumango. “Mabuti naman kung ganoon, Sab. Nais mo na bang magpahinga na muna ulit?” tanong niya at tumango ako. “Oo sana, Oriang ngunit mas nais kong magpahinga na lamang sa aking tahanan. Labis na ang abala at pag-aalalang nagagawa ko sa inyo.” Umiling si Oriang bilang pagtutol sa sinabi ko. “Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa iyo, Sab na hindi ka abala sa amin. Ngunit kung nais mo talagang sa inyo na magpahinga ay ipakikiusap ko kay Emilio na ihatid ka pauwi. Tila mas makakagaan sa iyong pagpapahinga kung ikaw ay nasa sarili mong tahanan.” Tumango ako sa sinabi ni Oriang. Nakakahiya man din kay Emilio dahil abala pa ang pagpapahatid ko pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko ng aalalay sa akin pauwi. “Maraming salamat sa pag-aalaga ninyo sa akin ni Ka Andres, Oriang. Pati na rin ng mga katipunero,” sabi ko at ngumiting muli si Oriang. “Walang ano man, Sab. Sumumpa tayo sa ating pangkat na magtutulungan kaya wala kang dapat ipagpasalamat dahil tinupad lamang namin ang aming mga pangako. At isa pa, hindi ko yata kayang may mangyari sa iyong masama.” Muli akong nagpasalamat kay Oriang hanggang sa dumating na nga si Emilio para samahan ako pauwi ng bahay ko. “Nakahanda ka na ba, Sab?” tanong niya at tumango ako. Nagpaalam na ako kay Oriang at nagpasalamat. Gusto ko sanang hintayin na muna si Andres para personal din na makapagpaalam at makapagpasalamat pero ang sabi ni Oriang ay abala siya sa katipunan at baka anong oras na raw siya makauwi. Baka gabihin pa kami sa daan kung hihintayin ko pa siya. Kaya pinasabi ko na lang kay Oriang. Magkasabay kaming naglakad ni Emilio. “Masaya ako, Sab na ikaw nahanap na. Alam ko na hindi maiibigan ni Tonyo kung siya ay magigising na ikaw ay nawawala.” Napangiti ako sa sinabi ni Emilio. “Nag-alala kaming lahat sa katipunan, Sab. Kaya masaya rin kami na nahanap ka na.” “Salamat sa pag-aalala ninyong lahat. Ngunit ayos na ako. Ang mas kailangan nating intindihin sa ngayon ay ang kalagayan ni Tonyo.” Tumango si Emilio bilang pagsang-ayon. Yes, I know what is happening with Tonyo. Kung bakit hindi masagot ng mga eksperto sa medisina kung ano man ang nangyayari kay Tonyo. Dahil kahit ang siyensya ay hindi kayang ipaliwanag ang sumpang nangyayari sa aming apat. “Tama ka riyan, Sab. Ngayong nahanap ka na ay si Tonyo naman ang aasikasuhin namin. Muli namin siyang ipapasuri. Kung kinakailangang mag-ambagan kaming muli ay gagawin namin. Mas mainam din kung makalikom kami ng sapat na salapi na kakayaning ipasuri siya sa mga espesaylista sa ibang bansa.” Kung plano nilang ipatingin si Tonyo sa mga doctor sa abroad ay kakailanganin nga nila ng malaking halaga. Dahil ang pamasahe pa lang papunta roon ay hindi na biro. Nais ko mang sabihin na hindi na kinakaiangan na dalhin sa ibang bansa si Tonyo ay hindi ko magawa dahil baka magtakha sila kung pipigilan ko sila gayong ako itong sobra kung mag-alala noong nabalitaan ko ang kondisyon niya. Hahayaan ko na lamang sila papakialaman sa mga plano nila. Pero kung matutuloy ang plano nilang dalhin abroad si Tonyo ay saka na lamang siguro ako magsasalita. “Naniniwala ako na gagaling ang kaibigan nating si Tonyo,” sabi ko at tumango si Emilio. “Oo naman, Sab. Malakas at matapang ang ating kaibigang yaon. Kaya naniniwala ako na malalampasan niya ang lahat ng ito.” Hapon na nang marating namin ang kalye papunta sa bahay ko. At saka ko lamang naisip si Lola Herminia. Sana naman ay hindi ko siya napag-alala. Matanda na siya at alam kong hindi makakabuti sa kanya kung maging ang pagkawalab ko ay poproblemahin pa niya. "Paano, Sab? Hanggang dito na lamang. Susunod pa ako kay Ka Andres sa isang pagpupulong,” sabi ni Emilio nang marating namin ang tapat ng bahay ko. Agad akong tumango dahil ang laking abala na talaga sa kanilang lahat ang ginagaa ko. “Pasensya ka na, Emilio kung pati ikaw ay naabala pa para lang ihatid ako,” sabi ko at natawa siya. “Ano ba ang iyong sinasabib riyan, Sab? Kaibigan ko si Tonyo at batid kong makakagalitan niya ako kung hindi kita babantayan.” Ako naman ang natawa sa sinabi niya. Hanggang sa tuluyan na ngang nagpaalam si Emilio. I waved him goodbye at hinarap na ang bahay na ilang araw ko ring hindi nakita at natirahan. Sana ay nasa loob si Lola Herminia dahil marami akong iku-kwento sa kanya. Nasa labas pa lang ako ng bahay ay dinig ko na ang ingay sa loob ng bahay kaya alam ko na may tao roon. Mabilis ko ring naaninag ang nakabukas na lampara. Nang tuluyan akong nakapasok ay hindi nga ako nagkamali. Alam kong nasa kusina si Lola Herminia kaya dali-dali akong nagtungo roon. At doon ay naabutan ko siyang nagsasaing. Naramdaman niya yata na may ibang tao sa bahay kaya dahan-dahan niya akong nilingon. Noong una ay namilog lang ang kanyang mata. Hanggang sa binitiwan niya ang hawak na kahoy na kanya sanang gagamitin sa pagluluto. Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako. “Ikaw talagang bata ka!” malambing na pagalit sa akin ni Lola Herminia kaya napangiti ako sa balikat niya. Bumitiw sa yakap si Lola Herminia at muli akong hinarap. “Tulungan ko na po kayo, Lola,” sabi ko at hahakbang na sana papunta sa binitiwan niyang kahoy para sana ako na ang magparingas pero pinigilan niya ako ang umiling siya. “Halatang nanghihina ka pa, Sab. Kaya hindi ako papayag na tumulong ka pa rito.” Kung kaninang umaga ay alam kong may lakas na ako kahit papaano, ngunit ngayon ay nakakaramdam na nga ako ng panghihina tulad ng sinasabi ni Lola Herminia. Siguro dahil sa mahaba-habang lakaran na ginawa namin kanina ni Emilio. Mukhang hindi nga ako pagbibigyan ni Lola Herminia s kagustuhan kong tulungan kaya wala na akong nagawa pa. Ayoko ring pilitin ang katawan ko dahil kailangan ko na talagang magpalakas. ‘Yung dati kong lakas na hindi mabilis mapagod. Habang pinipilit ko kasi nang pinilit ang katawan ko ay mas lalo lang nagtatagal ang recovery ko. Kaya hindi na muna ako kikilos hangga’t hindi pa ako lubusang malakas. “Hintayin mo na lang ako sa kwarto mo at doon ay nais kong i-kwento mo sa akin ang ilan sa detalye ng pagkawala mo.” Tumango ako sa sinabi ni Lola Herminia at sinunod siya. I go to my room just like what she said. Nahiga ako para makapagpahinga na. Hinintay ko si Lola Herminia at ilang sandali lang ay dumating na nga siya. Naupo siya sa gilid ng kama ko. “Kumusta po kayo, Lola Herminia?” paunang tanong ko. Hindi naman kasi siya nagsasalita o nagsisimulang magtanong kaya hindi ko alam kung ano ba ang mga gusto niyang malaman. May mga baon akong kwento para sa kanya pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan. “Ayos lang ako, Sab. Ikaw ba? Kumusta ang iyong pakiramdam?” ganting tanong ni Lola Herminia. “Ayos lang din naman po ako Lola Herminia. Nag-alala po ba kayo sa akin?” tanong ko. “Oo naman, Sab. Maaari bang hindi ako mag-alala sa iyo? Nasangkot kayo ni Tonyo sa gulo. Siya ay naabutan sa pinangyarihan ng gulo na walang malay. Ikaw naman ay nawawala. Hindi mo maiaalis sa akin ang pag-aalala lalo na ang pag-iisip na maaaring kung saan-saan ka dinala ng kastila.” Nakokonsensya talaga ako sa tuwing iisipin na dumagdag pa ako sa iniiisp niya. “Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo, Lola.” Umiling si Lola Herminia. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Sab. Noong una lamang ako nag-alala. Nang mapagtanto kong maaaring bumalik ka sa iyong panahon ay nawala ang pag-aalala ko sa inyo ni Tonyo.” Medyo nakaluwag sa pakiramdam ko na hindi ganoon ang pag-aalalang naramdaman ni Lola Herminia. Mabuti na lang pala at naisip iyon ni Lola Herminia. Mabuti na lang at may nalalaman siya sa situwasyon namin ni Tonyo kaya nabawasan ang pag-aalala niya. At ngayon ay nandito nab ulit ako kaya wala na siyang iba pang iisipin kundi si Tonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD