Kabanata 41

2113 Words
Kabanata 41 Sabrina’s POV “Tila gising na si Sab!” Narinig ko ang pamilyar na tinig ng isang babae. Kahit pa hindi pa ako tuluyang nakakabalik sa aking ulirat dahil sa nararamdaman kong sakit ng katawan ay nakaramdam ulit ako ng kaba nang ma-realize kung sino ang may-ari ng tinig ng babaeng narinig ko. It was Oriang. At isa lamang ang maaaring maging ibig sabihin nito. “Mabuti naman kung ganoon. Maaaring unti-unti nang bumabalik ang kanyang lakas na nawala dahil sa nangyari.” Tinig iyon ni Andres Bonifacio. Alam kong hindi ito isang panaginip. Alam ko na nakabalik na ako sa panahon nila. Ang huli kong pagkakatanda ay natulog lamang ako sa panahon ko na nakasandal pa ang ulo ko sa balikat ni Tonyo. At ngayong pagmulat ko ng mga mata ay nandito na ulit ako. Ganito rin noong unang beses na nangyari sa akin ang ganito. Ang pinagkaiba nga lang ay suot ko na ang baro’t saya na suot ko bago ako bumalik noon sa panahon ko. Nang makumpirma na narito na ulit ako sa panahon ng mga bayani ay tuluyan na akong nagmulat. Mabilis naman akong dinaluhan ng mag-asawang kasama ko at inlalayan ako ni Oriang sa pag-upo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at nakita ang pag-aalala sa kanilang mga mata. Naalala ko tuloy ang mga huling kaganapan bago ako muling mag-time travel sa panahon ko. Isang kastila ang muntik nang manakit sa amin ni Tonyo. Siguro ay sa ganoong tagpo ako nawalan ng malay at naabutan nilang dalawa iyon. “Kumusta ang iyong pakiramdam, Sab?” tanong ni Oriang nang sa wakas ay mag-sink in sa kanya na may malay na nga ako. Gaano ba kalala ang sinapit ko at ganito sila kung mag-alala. Nakaligtas naman ako sa kamay ng nagwawalang kastila. “Ayos lang naman ako, Oriang. Ano ba ang nangyari?” tanong ko kay Oriang at nagkatinginan sila ni Andres. “Sab, ikaw ay nawala nang ilang araw. Mabuti na lamang at nahanap ka nina Teodoro.” Hindi ko maiwasang maguluhan sa sinabi ni Oriang. Hindi ba at hindi naman tumatakbo ang oras namin kapag nakakatulog kaming nagta-time travel? Kaya paanong ilang araw na akong nawawala? Naalala ko ang nangyari noong si Tonyo ang nakabalik sa mundo niya. Nawala na lang siyang bigla sa antique shop noon. Kung gayon ay hindi lamang tumatakbo ang oras mo sa iyong original timeline. Kaya nang mag-time travel ulit ako mula rito ay naglaho na ako tulad ni Tonyo dahil bumalik na ako sa totoo kong katawan na nasa panahon ko. “Paumanhin sa naging abala sa inyong dalawa. Ngunit hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari,” sabi ko na lang dahil baka ulanin pa ako ng tanong at hindi ko naman alam ang mga dapat kong sabihin. “Ano ba ang iyong sinasabi riyan, Sab? Wala kang naging abala sa amin ng aking kabiyak. Kami nga ay natutuwa dahil matapos ang ilang araw na paghahanap ay nahanap ka na.” Talagang nawala nga ako dahil hinanap nila ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya ng dahil imbis na ang Katipunan ang maging focus nila ay nag-aksaya sila ng oras na hanapin ako. At ang nakakakonsensya pa ay naghahanap sila ng taong imposible nilang mahanap sa panahong ito dahil nasa ibang panahon ako. But I am touched knowing that they searched for me at inalintana nila ang pagkawala ko. “Maging ang kastilang nakabangga ninyo ay hindi mo ba natatandaan, Sab?” tanong ni Andres. Hindi pwedeng makalimutan ko ang kastilang iyon dahil sa kanya nanganib ang buhay namin ni Tonyo. Hindi lamang ako ang pinlano niyang patayin kundi pati si Tonyo. Kaya paanong hindi ko siya matatandaan? Dahil sa tanong ni Andres ay muli kong naramdaman ang magkahalong galit at takot na narmdaman ko noong mga sandaling pinagtatangkaan kami ng kastila nang walang kalaban-laban. Pakiramdam ko ay napahina ko. “Naaalala ko siya, Ka Andres. Nararamdaman ko pa rin ang takot sa kanya.” Oriang moves forward towards me at niyakap ako. Noong una ay hindi ko alam kung bakit niya ako niyakap. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pamamasa ng aking magkabilang pisngi at unti-unti ko ring narinig ang aking mga hikbi. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari ng mga oras na iyon. Akala ko aya wala lang sa akin ang mga iyon dahil nakaligtas ako at maging si Tonyo. Pero ngayong nasa panahon ulit ako kung saan nangyari ang lahat ng pagtatangka ay bigla akong natakot. “Huminahon ka, Sab. Magiging maayos rin ang lahat,” sabi ni Oriang habang hinahagod ako sa likuran. Kung alam lang sana ni Oriang na malayo at matagal pa bago maisaayos ang lahat lalo na ang situwasyon namin. Ang hirap kumalma lalo pa at naiisip ko na paano kung hindi kami nag-time travel noong barilin kami ng kastila? Hindi lamang ako ang mamamatay kundi maging si Tonyo. I was traumatized by that incident. Takot na takot ako at hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman ang takot na ito. Mga kastila ang kalaban ng pangkat ng sinalihan ko. Kaya alam ko na mali na makaramdam ng labis na takot. Pero hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para kay Tonyo. Ngayong nandito na kaming muli ay maaaring mangyari ulit sa amin ang ganoon kung saan malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Hindi tulad ng nandoon kami sa panahon ko. May kakayahan akong protektahan siya. Hindi tulad rito na parang nakagapos ang magkabila kong kamay at walang magawa para lumaban. “Kumusta si Tonyo?” tanong ko nang sa wakas ay napigil ko ang aking paghikbi. At saka lamang din ako binitiwan ni Oriang mula sa mahigpit na pagkakayakap. “Mula nang nangyari ang sakunang yaon ay hindi pa muling nagkakaroon ng malay si Tonyo.” Halos mapanganga ako sa sinabi ni Oriang. Ilang araw akong nawala pero si Tonyo ay wala pa ring malay. “Paanong nangyari ‘yon, Oriang?” naguguluhang tanong ko. “Wala ring makapagsabi, Sab. Nag-ambagan ang mga katipunero upang maipasuri sa isang eksperto si Tonyo ngunit maging sila ay walang maipaliwanag.” Napatakip ako ng bibig ko at umambang babangon na pero pinigilan ako ni Oriang. “Bakit, Oriang? Nais kong makita si Tonyo.” Muli akong umamba ng pagtayo pero muli lamang akong pinigilan ni Oriang. Wala akong masyadong lakas kaya sana ay huwag na nila akong pagbawalan pa. ayokong ubusin sa kanila ang natitira kong lakas. Kailangan ko nang makita si Tonyo. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko siya nakikita. “Hindi mo pa kaya, Sab!” matigas na sambit ni Oriang pero nagpumiglas ako sa mga hawak niya. Andres doesn’t know what to do. Hindi niya alam kung hahayaan ba niya si Oriang o tutulong siya sa pagpigil sa akin. “Nakikiusap ako, Oriang. Dalhin ninyo ako kay Tonyo!” I plead. Yes, when I was in my timeline, I looked forward na muling makabalik dito. Dahil alam ko naman na posible talagang mangyari ang mga iyon. Pero ngayong nandito na ako ay muling bumalik sa akin ang takot. Hindi ko rin naman akalain na magiging ganto ang trauma ko sa panahong ito. And the funny thing is that, hindi dahil sa sarili kong sudden death experience. Kundi dahil sa halos pagkamatay ni Tonyo. Naalala kong bigla na muntik ko nang salagin ang bala kung hindi lamang ako biglang bumalik sa panahon ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Pero kung mauulit man ang bagay na iyon ay muli kong sasagipin si Tonyo. Ilang beses nang sinagip ni Tonyo ang buhay ko. Pero ngayong siya ang nasa kapahamakan ay wala man lang akong magawa. Hindi ko man lang siya mapuntahan. Maaaring hindi pa siya nagkakamalay dahil nasa panahon ko siya kasama ko. Pero ngayong nandito na ako ay sigurado akong babalik na ulit ang malay niya. Sigurado ako na sabay kaming nakabalik dito. “Sigurado ako, Oriang. May malay na si Tonyo. Kaya hayaan na ninyo akong makita siya,” pakiusap ko pa pero umiling siya. Nauubos na ang lakas ko at alam kong wala na akong magagawa pa. “Sab, nakiusap kami kay Aling Teofila na ipabatid agad sa amin oras na magkaroon ng malay si Tonyo. Kung siya ay nang malay, agad na paparito ang kanyang ina. Kung tama nga ang hinala mo na siya ay may malay na, hintayin natin ang pagdating ni Aling Teofila. Doon ay saka ka pa lamang namin ihahatid sa kanya. Mahina pa ang katawan mo, Sab. Huwag mong sayangin ang natitira mong lakas sa bagay na wala ka namang kasiguraduhan. Ngayon kung hindi ka makapaghintay na puntahan ni Aling Teofila, magpalakas ka upang ikaw mismo ang sumadya sa kanila ngunit sa oras na malakas ka na. Hindi na ako nakapagsalita pa sa mahabang litanya ni Oriang para lang pangaralan ako. Nakuha ko rin ang punto niya kaya hindi na ako nagpumilit pa. Tama siya. Kinakailangan kong magpalakas. At ang tangi ko lang magagawa sa ngayon ay ang maghintay sa pagdating ng ina ni Tonyo. Malakas ang paniniwala ko na may malay na siya dahil alam ko na sabay kaming nakabalik dito. Sana lang ay hindi ako biguin ng paniniwala kong ito. “Magpahinga ka na muna, Sab. Bumalik ka na muna sa iyong pagkakahiga.” Dahil sa sinabi ni Andres ay mas lalo na akong walang nagawa pa dahil ayaw ko naman siyang suwayin. Inalalayan na ako ni Oriang na muling makahiga. My body feels weak. I can feel how fragile I am right now na maging sa paghiga ayb kaiangan ko ng tulong. Tama nga lamang na nakinig ako sa kanilang mag-asawa. I was carried away awhile ago at nagpadala ako sa emosyon ko kaya nagpumilit ako. Pero ngayong nahimasmasan na ako ay alam ko na tamang desisyon ang magpalakas at habang naghihintay sa pagdating ng ina ni Tonyo na alam kong illang sandali na lamang mula ngayon. “Maraming salamat, Oriang at Ka Andres.” Ngumiti si Oriang at tumango naman ang asawa niya. Matapos masigurong kalmado na ako at hindi na magpupumilit pang lumabas para puntahan si Tonyo ay lumabas na si Ka Andres ng kwarto. Isa ito sa kwarto sa kanilang bahay. Nandito ako ngayon sa kanila. Nang makalabas si Andres ay naiwan kaming dalawa ni Oriang. May balak yata siyang bantayan ako hanggang sa makatulog ako. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. “Matulog ka nang mahimbing, Sab. Huwag mo nang isipin ang kastilang nmakaharap ninyo dahil inalisan siya ng kapangyarihan ng mismong pinuno niya.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Oriang. “Anong ibig mong sabihin, Oriang?” tanong ko at ngumiti siya. “Matapos mong mawala ay halos mahibang ang kastilang yaon dahil paulit-ulit siya na ikaw ay naglaho na parang bula. Inakala ng kanyang pinuno na siya ay nasisiraan na ng bait kung kaya’t inalis na siya sa pwesto. Pinatapon pa siya sa pagamutan ng mga taong may problema sa pag-iisip.” Natawa si Oriang sa sarili niyang kwento. Maging ako man ay natawa sa sinapit ng kastilang ‘yon. Poor him. Dahil sa ginawa niya ay nagpagkamalan tuloy siyang baliw. Serves him right. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makaganti kami sa kanya. Kung alam lang sana ni Oriang na hindi nahihibang ang kastilang iyon. Totoo ang nakita niya na naglaho ako sa harapan niya na parang bula. Pero hindi ko naman iyon pwedeng sabihin sa kanya. Gayunpaman ay malaking kabawasan ang pagkakawala ng kastilang ‘yon sa mga bagay na iniisip ko sa ngayon. “Magandang balita nga iyan, Oriang,” tanging sinabi ko. “Siyang tunay, Sab.” Hinagod ni Oring ang buhok ko para sabihing magpahinga na ako. Ayoko mang makaabala sa kanya dahil sa pagbabantay sa akin ay mas mapapanatag akong matulog at magpahinga na alam kong nandito si Oriang. Kaya pumikit na ako para maghanda sa pagpapahinga. Plano ko sanang hintayin na lamang ang pagdating ni Aling Teofila mas naisip ko na mas mabuti kung makakapahinga na ako bago siya pumunta para maka-diretso na ako papunta sa kanila nang hindi na pinipigilan nina Oriang at Ka Andres dahil may lakas na ako. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hapon nang matulog ako ngunit nang muli akong magmulat ng mga mata ay nakita ko sa bintana na papasikat na ang araw. Mahaba-haba na pala ang naitulog ko kaya pala kahit papaano ay naging magaan na ang pakiramdam ko at may lakas na kahit papaano. Bigla kong naalala ang paghihintay ko tungkol sa pagdating ni Aling Teofila. Alam ko na may posibilidad na pumunta na siya rito kagabi pero hindi na ako inabala pa para tuluyang makapagpahinga. Kaya ngayong gising na ako at may sapat na pahinga ay kaya ko nang tumayo nang mag-isa. So I stand to my feet para lumabas ng kwarto at makibalita kay Oriang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD