Kabanata 40

2109 Words
Kabanata 40 Sabrina’s POV Wala naman kaming magagawa pa dahil naiintindihan namin ang confidentiality ng tungkol sa pagbibigay niya ng personal information ng mga amo niya. Pero sana kahit isa man lang sa pamilya ni Lola Herminia ay makausap namin. “Hindi niyo po ba talaga kami matutulungan? Itatanong lang naman po sana namin kung saan nakalibing si Herminia Domingo,” sabi ko at napakunot ang noo ng matanda at dahil iyon sa pagtatakha. Sa naging reaction ay alam namin parehas ni Tonyo na kilala niya ang teenager na Lola Herminia. In his looks, parang may chance na naabutan niya ang babaeng tinutukoy namin. “Paano ninyo nakilala ang Ate Inyat?” Nagkatinginan kami ni Tonyo nang makumpirmang kilala nga ng matanda si Lola Herminia. Kung gayon ay maaari niya rin kaming matulungan kahit papaano. Pero sana ay hindi na niya kami paghinalaan pa. “Kung gayon ay kilala po ninyo siya?” tanong ni Tonyo. “Kilala ko ang namayapang bunso ng mga Domingo dahil nagtrabaho sa kanila ang aking mga magulang. Sampong taong gulang amang ako nang siya ay mamamatay. Kayo? Paano ninyo siya nakilala?” puno ng pagtatakhang tanonng niya at hindi agad kami nakasagot ni Tonyo. Hindi namin alam parehas kung ano ang dapat naming isagot. Ano nga ba ang dapat naming sabihin? Hindi naman namin pwedeng sabihin na kilala namin ang matandang Herminia Domingo. “I am studying at the school where the late Herminia Domingo studied. Nabasa ko po ang libro niya and I got curious about her. Gusto ko lang po sanang magsulat ng article tungkol sa ilan sa mga detalye sa buhay niya. Since mukhang malabo po na makausap namin ang kahit isa man lang sa pamilya niya, I could at least capture her tomb. Kahit iyon po man lang sana.” Wala na akong nagawa pa kundi ang magsinungaling. What I have said are white lies. It could not harm anyone. But lies will always be lies. Kaya nakaramdam pa rin naman ako ng guilt. Pero wala naman na kaming ibang pagpipilian. “Kung makakapaghintay kayo, pwede kong itawag sa kapatid niya ang request niyo. Siya na lang din kasi ang natitira sa mga kapatid niya. At nasa ibang bansa rin siya kaya imposible talaga na magkaharap kayo.” Mas mabuti na ang hiniling niyang iyon kaysa sa wala talaga kaming mapala. Isa naman kasi talaga iyon sa mission namin ni Tonyo ngayong araw. Sana lang ay pumayag ang kapatid ni Lola Herminia na mabisita namin ang puntod niya. Kahit puntod man lang niya ay malaman namin kung nasaan. Alam kasi namin na isa iyon sa bumabagabag kay Lola Herminia. Oo nga at nakapunta siya sa panahong ito noong nakaraan. But she’s too old so I don’t think may lakas pa siya na kayanin ang ganitong paghahanap ng kasagutan tungkol sa mga nangyari sa kanya nang mapadpad siya sa ibang panahon. Kaya kami na lamang ni Tonyo ang hahanap ng detalye at sasabihin na lang kay Lola Herminia oras na magkita kaming muli sa panahon kung nasaan siya ngayon. Binuksan ng matanda ang gate at pinaupo muna kami sa labas lamang ng bahay. Mas mabuti na rin ito kaysa sa labas kami maghintay sa kanya. Hindi pa naman kami kilala sa lugar na ito. Parehas kaming matiyagang naghintay ni Tonyo sa pagbabalik ng matanda. We are both praying na sana nga ay pagbigyan na kami once and for all. Sabay kaming napatayo ni Tonyo nang makita na naming lumabas ang matanda mula sa bahay at naglakad papunta sa kinaroroonan namin. Nang huminto ito sa tapat namin ay may iniabot siyang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isang sementeryo. Nanlaki ang mga mata ko at napatunghay sa matanda. Ngumiti ito at tumango. “Pumayag ang kapatid niya. Iyon nga lamang ay sa isang museo siya nakalibing kasama ang iba sa kanilang pamilya kaya hindi rin kayo makakalapit sa mismong puntod,” sabi niya at halos magtatalon ako sa tuwa. “Ayos lamang po. Sobrang laking tuong na po nito sa amin.” Tinuruan kami ng matanda kung paano makakarating sa mismong museo ng mga Domingo. He gave us sketch para hindi na kami ma-hassle pa sa paghahanap. Saglit lang din ay nagpaalam na kami sa matanda at labis na nagpasalamat sa naitulong niya sa amin. Naglakad na kami ni Tonyo palabas ng gate at muling sumakay ng kotse. Nagsimula na akong mag-drive papunta sa lugar na nakasulat sa papel. Parehas kaming tahimik ni Tonyo sa biyahe. At hindi na namin namalayan na nakapasok na kami ng sementeryo. Inalala ko ang naging sketch ni Mang Amador at natanaw ko nga ang museo ng mga Domingo. Huminto ako sa isang tabi at bumaba na kami ni Tonyo ng sasakyan. Naglakad kami papalapit sa museo na may itim na gate. May apat na puntod sa loob at binasa ko ang mga nakasulat na pangalan. Ang dalawang nasa gitna marahil ang mga magulang nila. Sa kanan ay ang kapatid niya at ang nasa kaliwa ay ang pangalan na hinahanap namin. Agad kong kinuha ang instax camera na dala ko at kinuhanan ng larawan ang puntod. Saglit kaming naghintay na mag-appear ang image at binulsa ko na ang larawan. Nakatanaw lang kami ni Tonyo sa mga puntod nang mag-ring ang phone ko. The number isn’t registered kaya nag-alangan pa ak kung sasagutin ko ba o papatayan ang caller. Nilingon ako ni Tonyo nang mapansin ang ingay sa cellphone ko. “May problema ba, Sab?” tanong ni Tonyo kaya nginitian ko siya at umiling ako. “Wala naman, Tonyo. May tumatawag lang sa akin. Sasagutin ko lang.” Tumango si Tonyo kaya lumayo ako sa kanya nang kaunti at sinagot ang tawag. Baka kasi emergency. Wala naman kasing ibang nakakaalam ng number kundi ibang mga kakilala ko. Pili lang din naman ang binibigyan ko ng number ko. Sa mga taong may kailangan lang ako. Kaya kung sino man ang natawag sa akin ay sigurado ako na may sadya siya sa akin. “Hello?” I answered the call. “Miss Sab?” Napakunot ang noo ko sa boses ng isang lalaki. Pilit kong kinilala ang boses niya at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko nga ito. “Father Sixto?” tanong ko at napalingon ako kay Tonyo. He is looking at me too dahil sa binanggit kong pangalan. Lumapit pa sa akin si Tonyo dahil sa curiosity. “Ako nga, Miss Sab. Sorry, pero nakakaistorbo ba ako?” tanong niya. Halos matawa ako kay Tonyo dahil nilalapit niya ang tainga niya sa tainga ko na akala mo ay maririniog niya si Father Sixto. Kaya para hindi na siya mahirapan ay ni-loudspeaker ko na lang ang cellphone ko at pinwesto sa gitna namin ni Tonyo. “Hindi naman po, Father. May sasabihin po ba kayo?” tanong ko pa. “I got your number from my asssistant. Sorry about that,” sabi pa niya. “It’s okay, Father. No big deal.” It is really fine. I don’t mind dahil ayos lang naman talaga sa akin. I know him personally so walang masama. “Thanks, Miss Sab. Makikibalita lang kasi sana ako tungkol sa plano ninyo ngayon ni Tonyo. Natuloy ba kayo? How’s everything?” tanong niya at napangiti. “Opo, Father. Natuloy po kami ni Tonyo ngayon. Ang totoo nga po niyan ay nandito na kami ngayon sa puntod ng mga Domingo,” sabi ko. Nagkatinginan kami ni Tonyo nang ilang sandali na ang lumipas ay wala kaming nakuhang sagot mula kay Father Sixto. “Padre?” Hindi na napigilan pa ni Tonyo ang tawagin siyang muli. Narinig namin ang pagtikhim niya. “I’m sorry. Hindi lang ako makapaniwala. Miss Sab, nandito ako ngayon sa Cavite. I was kinda hesitant na tawagan ka but I still did. Pwede bang malaman kung saan kayo naroroon ngayon?” Nakagat ko ang sarili kong labi. Father Sixto has the right to know. At kami lang ang pag-asa niya. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kanya. Ang kinaroroonan namin ngayon. Hindi rin naman niya gagawin ito kung hindi siya handa. He’s already here. So malamang na plano na rin niyang harapin ang puntod ni Lola Herminia. For the first time in decades, mangyayari ang pagkakalapit nilang muli. Kahit pa sabihin na buto na lamang ang teenager na Herminia Domingo. Sinabi ko kay Father Sixto ang kinaroroonan namin at ang sketch para matunton niya ang mismong museo. Agad naman siyang nagpahayag na papunta sa siya. Binaba ko na ang tawag at muli naming tinanaw ni Tonyo ang puntod ni Lola Herminia. Sa ibabaw ng puntod niya ang isang black and white na larawan at alam kong si Lola Herminia iyon. She is really beautiful at buhay na buhay ang mga mata niya. Matapos ang ilang sandaling paghihintay ay may natanaw na kami na isang sasakyan. Huminto ito sa hindi kalayuan at bumaba ang driver. Pinagbuksan niya ang nasa loob at doon na nga namin nakita si Father Sixto. Wala siyang inaksayang oras at nilapitan nioya kami. Agad naman kaming nagmano sa kanya ni Tonyo. “Magandang umaga sa inyong dalawa. Salamat at pinagbigyan ninyo ako na makasama ngayon,” sabi ni Father. “Magandang umaga rin po, Father. Oo naman po, bakit naman po namin ipagdadamot sa inyo ang pagkahanap namin sa puntod ni Lola Herminia gayong malaki po ang naitulong ng binigay ninyong impormasyon,” I said at ngumiti si Father. “Mabuti naman kung ganoon. Ang mga Domingo pa rin ba ang may-ari ng bahay na iyon?” Tumango ako sa tanong niya. “Opo, Father. Pero wala na po sila roon. Ang caretaker na si Mang Amador lang ang naabutan namin sa bahay.” Napangiti si Father sa sinabi ko. “It is a good news knowing that Amador is still alive. Ang batang si Amador ay isa sa mga nakilala ko nang mapadpad ako sa panahon nina Inyat. Pinakilala niya siya sa akin.” “Ganoon po ba? Nakakatuwa naman po. Mukha rin naman po siyang mabait. Mabuti na nga lang din po at napakiusapan namin siya. Tinawag niya sa kapatid ni Lola Herminia na nasa ibang bansa ang request namin na makabisita rito sa puntod niya.” Tumango si Father Sixto. “Hindi na ako magtatakha kung pag-aari pa rin ng mga Domingo ang bahay na ‘yon. Just like Inyat, her family are very sentimental. Siguro ay hindi nila kayang ipagbili ang bahay na iyon dahil sa mga alaala.” Tumango kami bilang pagsang-ayon. Ganoon nga siguro ang lahat. “Halika na po kayo, Padre. Hindi nga lamang tayo makakapasok sa loob ngunit tanaw pa rin naman ang lahat.” Niyaya na ni Tonyo si Father at tumango naman ito. Sabay-sabay na akming naglakad pabalik sa tapat ng gate at railings ng museo. Huminto kami nang marating ang tapat. Nilingon ko si Father at nakita kong nakatuon agad ang mga tingin niya sa larawan ni Lola Herminia. Father Sixto is smiling. At first, ipinagtakha ko iyon. Pero na-realize ko na sa situwasyon nila ngayon ay hindi na dapat pa sila humingi ng higit pa sa mayroon sila ngayon. Ang makaharap pa lang ang puntod ni Lola Herminia ay sapat na para makuntento si Father. Bonus na lang siguro kung magkikita pa sila ng personal. Nang lumapit si Father sa railings ay hindi na kami sumunod pa ni Tonyo. Nagkasundo kami na hayaan na muna si Father kaya lumayo na muna kaming dalawa. Pumunta kami sa ilalim ng isang puno at doon ay naupo at nagpahinga na rin. Dito na langb namin hihintayin si Father. Magkatabi kaming sumandal ni Tonyo sa puno. Dahil na rin siguro sa maaga akong nag-asikaso kanina para sa lakad naming ito ay nakaramdam ako ng antok. Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Tonyo nang maging ang ulo ko ay sinandal ko sa puno. “Tila inaantok ka, Sab? Nais mo bang matulog?” tanong niya. Nais ko talagang matulog dahil puyat ako. Sa kotse sana pero mas masarap umidlip at maghintay rito dahil sa sariwang hangin. Mas nakakaantok din ang liwanag ng kalangitan. “Oo, Tonyo. Sana ay makaidlip ako kahit papaano,” sabi ko at nagulat na lang ako nang maramdaman ang dampi ng kamay ni Tonyo sa aking ulo para kabigin pasandal sa kanyang balikat. I instantly felt comfortable dahil sa ginawa niya. Kanina kasi ay alam kong mangangalay ang leeg at likod ko. “Maaari kang humimbing sa aking balikat, Sab.” Napangiti ako sa sinabi niya kaya mas inayos ko pa ang pwesto ko. I close my eyes at mabilis naman akong nakatulog. Nagising na lamang ako na nararamdaman ang sakit ng likuran ko dahil sa matigas na higaas. Hindi ko magawang magmulat ng mga mata dahil labis na antok. Kaya naghintay ako ng ilang sandali para magpawala nf antok at pinakiramdaman na lang ang paigid ko. Ngunit bigla akong nagtakha sa hinihigaan ko dahil ang huling tanda ko bago ako matulog ay sa balikat ni Tonyo ako nakaunan. What happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD