Kabanata 39

2096 Words
Kabanata 39 Sabrina’s POV Bakas nga ang labis na pagsisisi sa mga mata ni Father Sixto. Hindi ko yata kayang mabuhay nang ilang dekada na puno ng panghihinayang. Hindi ko yata kayang mabuhay na pinipilit balikan ang nakaraan kahit pa alam niyang imposible na. Father Sixto is too old. Tumanda siya nang ganito na walang kasiguraduhan kung maitatama pa niya ang lahat ng kapabayaan niya noon. He still finds way to see Lola Herminia. Kaya nga muli niyang pinakialaman ang orasan at nalagay kami ni Tonyo sa ganitong sitwasyon. Hindi niya iyon gagawin kung wala na ang pag-asa sa kanya. So obviously, Father Sixto is still hoping. Nasa kanya pa rin ang determinasyon. And we are here to support him. “Humihingi ako ng tawad kung nadamay man kayo. You can call me selfish but I want to see her again. Nasa dapit-hapon na kami ng aing aming buhay at nais ko sanang muli kaming magkita kahit sandali upang masabi sa kanya ang lahat bago kami mawala sa mundong ibabaw. Ayokong dalhin sa hukay ang sakit ng panghihinayang.” Nagpunas ng luha si Father Sixto. “Naiintindihan po namin, Father Sixto. Sabihin niyo lang po kung may maitutulong kami ni Sab,” ani Tonyo at tumango si Father Sixto. “Sa ngayon ay wala akong ibang nais hilingin kundi ang hiramin ang librong ito. Nais kong basahin ang bawat pahina nito. Batid ko na maaaring umgting ang pagnanais kong makita siyang muli oras na mabasa ko ito pero mas mabuti na iyon. Baka hindi na kasi kami magkaroon ng chance na magkita kaya kahit ito man lang ay malaman ko. It’s now or never.” “Sure, Father Sixto.” Gustuhin ko man na ibigay na lang sa kanya ang librong iyon dahil para sa kanya naman talaga iyon. Kaya lang ay hindi ko iyon basta pwedeng ibigay dahil hiniram ko lang din iyon sa library. Baka hanapin sa akin ng librarian lalo pa at restricted ang librong iyon. Ang ilang araw sigurong pagpapahiram ko ng libro kay Father Sixto ay magagawan ko ng paraan at magdahilan sa librarian kung bakit hindi ko maisaui. Pero ibang usapan na kapag hindi ko na naisauli ang libro. Alam ko rin naman kung gaano nila iniingatan ang librong iyon. “Maraming salamat sa inyong dalawa. At pasensya na ulit sa lahat ng abalang ito. Pasensya na rin kung natakot kayo sa inyong kinalagyang sitwasyon. Naalala ko tuloy bigla nang mga nasa ganyang edad rin kami ni Inyat. Kaming dalawa lamang ang naging magkasangga. Sana ay ganoon din kayo, mga bata. Gawin ninyong kakampi ang isa’t isa. Because at the end of the day, kayong dalawa lamang ang magkakaintindihan. Alam ko na marami kayong differences pero huwag sanang maging hadlang iyon para magkasundo kayong dalawa,” sabi ni Father Sixto. “Opo naman, padre. Pakatatanda po namin iyan ni Sab.” I smiled at Tonyo. Ilang minuto rin naging tahimik ang buong opisina ni Father Sixto dahil lahat kami ay pilit na ina-absorb ang mga bagay na aming pinag-usapan sa ngayon. Hindi nga ako nagkamali dahil sa pag-uusap na ito, kahit papaano ay naging magaan ang aking pakiramdam. Nagkaroon na kasi ng kasagutan ang ilan sa aming mga katanungan. Sa ngayon ay makukuntento na muna kami sa aming mga nalaman. “It’s getting late, kids. Alam kong malayo pa ang uuwian ninyo.” Bigla tuloy akong napatingin sa orasan at nakitang mag-aalas kwatro na nga. Kung magpapatuloy kami sa pag-uusap ay baka gabihin na kami sa daan pauwi. May iba pa naman sigurong mga araw na puwede kaming magkita ni Father Sixto kaya doon na lang namin ipagpapatuloy ang pag-uusap. Sa ngayon ay magpapaalam na muna siguro kami ni Tonyo. “Hindi na po natin namalayan ang oras, Father. Napasarap po ang kwentuhan natin. We better get going.” Naunang tumayo si Father Sixto kaya sumunod na kami ni Tonyo sa pagtayo. “Maraming salamat ulit sa pakikinig ninyong dalawa. Napakalaki ng niluwag ng aking dibdib. Nailabas ko ang lahat ng mga saloobin ko sa loob ng ilang dekada. Sana ay hindi ito ang huli nating pagkikita.” Father Sixto extends his arm for a handshake at malugod naman namin iyong tinanggap ni Tonyo. “Maraming salamat din po, Padre. Nakaluwag din po sa aming isipan ang malaman ang tunay na kwento ninyo ni Lola Herminia. Nagkaroon kami ng kalinawan. At ngayon ay wala kaming ibang hangad kundi ang muli ninyong pagkikita,” sabi ni Tonyo at ngumiti si Father. “Maraming salamat. Sana ay pagbigyan ng Diyos at tadhana ang munti nating hiling.” “Sana nga po,” sabi ko. “Kailangan na po muna siguro naming magpaalam sa ngayon, Father. Maaga pa po kasi ang lalakarin namin ni Tonyo. Baka masyado na po kaming gabihin sa biyahe. Plano po kasi naming hanapin bukas ang mga kamag-anak ni Lola Herminia.” Napakunot ang noo ni Father nang sabihin ko ang plano namin ni Tonyo. “Ano ang dahilan at bakit ninyo nais hanapin ang pamilya ni Inyat?” tanong ni Father. “Nais po sana naming bisitahin ang puntod niya, Padre,” sagot ni Tonyo. “Ganoon ba? I’m sorry, kids kung hindi ko kayo matutulungang malaman kung nasaan ang puntod niya dahil maging ako ay hindi ko na rin alam. Inilipat kasi siya ng sementeryo ten years after she died.” Nakakalungkot man na hindi niya kami matutulungan pero mas nakakalungkot ang sitwasyon ni Father. Hindi na niya nasabi pa ang nararamdaman niya kay Lola Herminia ay mas pinahirap pa ang lahat nang kahit ang puntod nito ay hindi na niya alam. Ilang dekada na siyang nagluluksa nang wala man lang puntod na pinupuntahan para madalaw man lang. “Naiintindihan po namin, Father.” “Pero alam ko ang dati nilang tahanan. Hindi nga lamang ako sigurado kung doon pa rin ba nakatira ang mga Domingo,” sabi ni Father at bigla akong nagkaroon ng pag-asa na mapadali ang paghahanap namin sa mga kamag-anak ni Lola Herminia. Ang information pa lang na iyon ay malaking tulong na. Kahit pa sabihin na hindi na doon nakatira ang mga Domingo ay maaari na kaming magtanong-tanong. Siguro naman ay marami pa rin ang mga matatagal nang nakatira sa lugar na iyon na naabutan ang mga Domingo roon. “We can try, Father. Wala naman po sigurong masama at mas lalong walang mawawala kung susubukan namin at magbabaka sakali na may mga naiwan siyang pamilya roon.” Tumango si Father at kumuha ng isang kapirasong papel. He writes something there na sigurado akong address ng bahay ng teenager na Herminia. Iniabot sa akin ni Father Sixto ang kapirasong papel at binasa ko ang nakasulat. Sa isang bayan sa Cavite ang nakasulat na address pero hindi ako pamilyar sa lugar na iyon. Pero desidido ako na matunton sila kaya wala akong ibang choice kundi ang pumunta roon kahit pa walang kasiguraduhan. Tuluyan na kaming nagpaalam ni Tonyo kay Father Sixto at umuwi ng Cavite. Maging si Tonyo ay maganda raw ang kutob na mayroong magandang mangyayari sa mga plano namin at mababawasan ang mga iniisip namin. Maging ako man ay hindi maitatanggi ang magandang kutob na nararamdaman ko. Alam ko na finally ay may mapapala na kami. Salamat sa impormasyon na binigay ni Father. Kinabukasan ay alas otso na nang makaalis kami ni Tonyo sa mansyon. May ilang trabaho pa kasi siyang tinapos kaya hinayaan ko na lang muna na unahin niya iyon. Ayoko naman na may masabi sa kanya ang mga kasamahan niya kahit pa ipinagpaalam ko siya kay daddy na hihiramin ko muna si Tonyo sa farm para magpasama sa pupuntahan ko. Pumayag naman siya pero si Tonyo na mismo ang nagsabi at nag-request sa akin na tutulong muna siya sa farm kahit ilang oras lang dahil gusto niyang tumulong kahit papaano. Wala namang problema sa akin dahil may exact address naman na kaming pupuntahan at hindi magsasayang ng oras paghahanap kung saan-saan. “Sa tingin mo ba ay mayroong magiging pag-usad sa mga plano natin?” tanong ni Tonyo sa kalagitnaan ng biyahe namin. Alam ko na nakakaramdam siya ng pag-asa pero hindi maiaalis ang doubt sa lahat ng ito lalo pa’t matagal-tagal na rin kaming sumusubok sa paghahanap. “Sa ngayon, Tonyo ay wala tayong ibang magagawa kundi ang magdasal na maging maayos ang lahat.” Tulad ni Tonyo ay malaki ang pag-asa ko sa lakad naming ito pero ayokong sabihin sa kanya dahil baka mabigyan ko lang siya ng false hope. Hahayaan ko na lang siya sa mga pakiramdam niya. Huminto ako nang matanaw ang address na sadya namin. Ilang sandali rin ako napatitig sa bahay. It is actually an old house. Lumang bahay na ang ilang bahagi ay yari sa bato. Mula rito ay halatang hindi natitirahan ang bahay. It is still looks sturdy, though. Halata na inaalagaan ang bahay sa kabila ng kalumaan nito. “Iyan na nga kaya, Sab?” tanong ni Tonyo at saka lang nawala sa bahay ang mga tingin ko. I can see anticipation in Tonyo’s eyes. He’s staring at the old house, too. Binalik ko ang tingin sa bahay. “Siguro, Tonyo. Sana nga ay iyan na.” I am quietly praying na sana nga ay dito na matutuldukan ang paghahanap namin. I badly want to visit teenager Herminia’s tomb. Hindi ko rin alam kung bakit ngunit hindi yata ako matatahimik hangga’t hindi ko iyon nagagawa. “Halika na?” mayamaya ay sabi ni Tonyo at nagkatinginan kami. Marahan akong tumango at sabay kaming bumaba ng sasakyan. Kahit parehas kaming kinakabahan ay buong lakas ng loob kaming naglakad papunta sa gate na yari sa kahoy. Bawat hakbang namin ay alam namin na papalapit kami sa katotohanan. Nang marating namin ang tapat ng gate ay saglit ulit kaming nagkatinginan ni Tonyo at nagpakiramdaman sa mga susunod naming hakbang. Hanggang sa tinanguan ko siya as a sign na kumatok na siya. He nods back at sinimulan ang pagkatok kahit pa hindi namin alam kung may magbubukas ba sa amin para harapin kami. “Tao po?” paulit-ulit na tawag ni Tonyo sa loob. Padungaw-dungaw kami sa loob ng gate at umaasa na may magbubukas. “May tao po ba sa loob?” Habang tumatagal ay lumalakas ang tawag ni Tonyo. “Tao po?” Hanggang sa hindi nagtagal ay maging ako ay nakitawag na rin. Sana lang talaga ay hindi masayang ang laway namin sa kakasalita at kakatawag. Unti-unti na kasi kaming nawawalan ng pag-asa dahil kanina pa kami tumatawag sa loob pero walang response mula roon. Mukhang isa na naman itong normal na araw na wala kaming mapapala. Our instincts disappointed us. Umasa kami sa maganda naming kutob. Pero hanggang kutob lang pala ‘yon. Nang ma-realize namin ni Tonyo na wala na kaming mapapala at walang magbubukas ng gate ay napagdesisyunan na naming umalis. Habang naglalakad pabalik ng sasakyan ay napahinto kami nang marinig ang langitngit ng binubuksang gate. Muli kaming napasulyap doon at nakita namin ang isang matandang lalaki na nakatayo roon. Nagpapalinga-linga siya sa paligid na tila hinahanap kung nasaan ang mga kumakatok. Kaya halos madapa na kami ni Tonyo para lang agad na makalapit sa matanda at nang marating namin ang harapan niya ay nagtatakha niya kaming tiningnan. “Magandang umaga po,” bati ko sa matanda at tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. Halatang inaaral niyang mabuti ang pagkatao namin para sa maaari naming maging sadya. “Sino kayo, mga bata? Kayo ba ang kumatok?” tanong niya nang ma-realize na harmless kami. Sabay kaming tumango ni Tonyo. “Kami nga po iyon,” sabi ni Tonyo at marahang tumango ang matanda. “Ano ang inyong sadya?” tanong niya. “Pwede po bang magtanong?” I ask. “Ano iyon, ineng?” “Gusto lang po naming malaman, taga-rito po ba ang mga Domingo.” Saglit na natahimik ang matanda. Halatang nag-aalangan siya kung sasagutin niya ba kami o hindi. “Pag-aari nga ito ng mga Domingo. Pero hindi na sila rito nakatira. Ako si Amador, ang cartaker ng bahay.” Nagkatinginan kami ni Tonyo. Wala man dito ang mga Domingo ay napakalaking tulong na sa paghahanap namin ang impormasyon na sa kanila pa rin ito. “Saan na po sila pwedeng makausap?” tanong ko. Nag-aalangang umiling ang matanda. “Wala yata ako sa posisyon para magbigay ng ganyang impormasyon tungkol sa mga amo ko.” Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Why did I even hope that he might give us some confidential information? Baka ikapahamak pa ng matanda at makagalitan siya ng mga amo niya. Pero hindi naman kami masasamang tao kaya sana ay makumbinsi namin siya. “May mga katanungan lang po kami sa kanila. Sana ay matulungan niyo kami. Hindi po kami masasamang tao,” sabi ni Tonyo pero umiling muli ang matanda. Mukhang wala siyang planong sagutin kami. Nakakapanghinayang man ay naiintindihan namin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD