Kabanata 38

2076 Words
Kabanata 38 Sabrina’s POV “What’s your question, Miss Sab?” nakangiting tanong ni Father Sixto. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong unang itanong na hindi ako magmumukhang tanga oras na itanggi niya. I know for a fact that there is chance na hindi agad namin siya mapaamin. Kaya nag-isip agad ako ng mga salita na maaaring magpaamin sa kanya. At isang pangalan agad ang pumasok sa isip ko. “Nagkita na po ba ulit kayo ni Lola Herminia?” tanong ko na mabilis na nakapagpawala sa mga ngiti niya. He was obviously caught off guard. “Does it ring a bell, Father?” Sigurado ako na hindi niya akalain na bigla akong magtatanong nang tungkol sa dati niyang kaibigan. Yes, I know na alam niyang may sadya kami sa kanya. Siguro ay hindi niya akalain na bibiglain ko ang pagtatanonong. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa dahil walang kasiguraduhan ang oras ng pananatili namin dito ni Tonyo. Ano mang oras ay maaaring dalhin ang isa sa amin sa ibang panahon—o maaari din naman na kaming dalawa mismo ang mapunta sa ibang panahon. Kaya ayoko na rinm na kung saan-saan pa mapunta ang usapan na ito. Para din naman ito kina Father Sixto at Lola Herminia. They are old at kakaunti na lang ang natitirang oras sa mundo. Walang nakakaalam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ngb kanilang mga buhay kaya sana ay makipag-cooperate siya sa amin ni Tonyo para mapadali ang mga plano naming pagtulong sa kanilang dalawa. “Herminia?” Muling bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi nang siguro ay maka-recover siya mula sa aking pambibigla. Ginantihan ko ng ngiti ang kanyang mga ngiti. “Kilala po ninyo Father Sixto ang Herminia na tinutukoy ko.” Umiling si Fathert Sixto at alam ko na mahihirapan ako sa pagpapaamin sa kanya. “I’m sorry, Miss Sab pero wala yata akong natatandaan na Herminia.” Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ayoko naman na maging bastos at ma-offend si Father Sixto kapag pinagpilitan kong kilala niya si Lola Herminia. I smiled again at ngumiti para sa susunod kong approcah. “Si Herminia Domingo po na lihim na nagmamahal sa inyo? Hindi niyo po talaga nakikilala?” tanong ko pa at napaawang ang kanyang mga labi. I know that he doesn’t know that fact because that’s what stated here. Na hindi raw nasabi ni Lola Herminia ang lahat kay Father Sixto. Kung may ikinabigla man siya sa sinabi ko, iyon ay dahil sigurado ako na nararamdaman niya ang pagmamahal ni Lola Herminia para sa kanya noong mga panahon na magkasama pa sila. “I don’t understand, Miss Sab,” tanging nasabi niya. “Father, please po. Alam po namin ang nangyayari. Kaya nga po nandito kami ni Tonyo para tumulong sa inyo ni Lola Herminia.” Bumuntong hininga si Father at halata pa rin ang pag-aalilangan sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano siya makukumbinsi pero sana ay magtiwala siya sa amin. “Sab, walang sino man ang makakatulong sa amin kundi ang tadhana. Makailang ulit na rin akong sumubok na hanapin siya dahil baka sakaling nasa iisang panahon lang ikami ngunit wala talaga.” Sa wakas ay nagsalita rin si Father Sixto. Ngunit parang nadurog ang puso ko sa pagtingin sa kanyang mga mata habang sinasabi niya na hindi niya pa ribn nakakaharap si Lola Herminia kahit pa ilang beses na niyang sinubukan. Kitang-kita ko ang pananabik at pangungulila sa kanyang mga mata. Kung sana ay magagawa lang ako. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang usapan at sinenyasan ko na si Tonyo na ilabas ang librong kanina pa niya hawak upang ipakita iyon kay Father Sixto. Tonyo placed it over his table pero sinulyapan lang naman niya iyon. Wala pa siyang idea sa kung ano ang nilalaman ng libro at kung sinoang sumulat ng ng bawat salitang nakapaloob doon. Kumunot pa nga ang noo ni Father Sixto sa kung bakit ko iyon pinapakita. “Anong libro iyan, Miss Sab?” tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Hinayaan kong siya mismo ang magbasa ng title ng libro. He reads it at napakunot lalo ang kanyang noo nang mabasa ang pangalan niya sa hard cover ng libro. “Anong ibig sabihin nito, mga bata?” tanong pa niya sa amin ni Tonyo. Nagkatinginan kami ni Tonyo. Parehas kaming nangangapa sa kung sino ang magsasalita. Tinanguan ko siya bilang hudyat na siya na ang magkuwento ng lahat. Sabay naming muling binalingan si Father Sixto na bakas ang labis na pagkalito. “Ang aklat po na nasa iyong harapan ay aklat na inilathala ni Herminia Domingo…” I look at his reaction and his lips were quite parted. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa dahil sa pagkabigla. Sa reaction ngayon ni Father Sixto ay hindi ko na tatanggapin kung iiwasan pa rin niya ang pag-uusap na tungkol sa kanila ni Lola Herminia. His reaction isn’t normal. Hindi ganyan magiging kalungkot ang mga mata ko kung isang normal na dating kaibigan ang mabanggit sa harapanb ko. Kahit pa sabihin na ilang dekada kaming hindi nagkita. Father Sixto is still staring at the book we place over his table. Tila ba hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang nabasa niyang title ng libro. Hindi niya iyon mapaniwalaan. “Saan ninyo ito nakuha?” tanong niya. “In her old school po, Father. I just found na iisang eskwelahan lang pala ang pinasukan niya at pinapasukan ko ngayon,” sagot ko. “Hindi ko alam ang tungkol sa librong ito.” Alam kong gusto niyang hawakan ang libro pero ang hindi ko alam ay kung ano ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Not that I will let him have it that fast. Pero gusto ko lang malaman kung bakit. Is he afraid to know all Lola Herminia’s feelings for him? “Ayon sa nalaman ko po, that book gained popularity at curiosity about Sixto. And we both know, Father kung sinong Sixto po ang tinutukoy ng teenager na Herminia Domingo sa librong iyan.” Hindi agad nagsalita si Father Sixto at bigla akong nahirapan na basahin ang kanyang mga mata. “Kaya siguro ganoon na lamang ang mga nakita kong interes sa akin ng mga tao nang isang beses ay sumubok akong dumalaw ako sa burol niya.” Naalala ko ang bahaging iyon na kinwento ng librarian. Marami nga raw ang na-curious sa kanya kaya naging usap-usapan na hindi fictional ang Sixto na tinutukoy sa mga tula. “Totoo po ba father na isang beses lang kayo nakasilip sa burol ni Lola Herminia?” tanong ko at dahil isa iyon sa tumatak sa akin na sinabi ng librarian. Hindi ko kasi alam kung bakit isang beses lang naisipan ni father na dumalaw sa burol. Kasi ako, if someone dear to me will pass away, gagawin ko ang lahat para masulit ang ilang sandali na pwede ko pa silang makasama. Pero sana naman ay wala sa mahal ko ang maagang mawawala dahil sobrang sakit. “Totoo iyon, Sab.” Totoo nga na isang beses lang nagpakita ang Sixto na hinihinalang nilang si Sixto na tinutukoy sa sa mga tula. “Ngunit iyon ay dahil sa atensyon na ibinigay nila sa akin noong unang dalaw ko. I was there to grieve pero hindi ko iyon nagawa dahil mas pinagtuunan ko nila ang pansin na makilala at matanong ako.” Tumango ako dahil naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. “Pero paano po nila kayo nakilala?” tanong ni Tonyo. “I formally introduced myself to her sister upang magbigay galang sa mga namatayan. Pero maging ang kapatid niya ay nabigla sa pangalang binanggit ko. Ngayon ko lamang nauunawaan kung bakit ganoon ang atensyon na nakuha ko nang gabing iyon. Kung alam ko lamang e di sana ay hindi na ako nagpakilala pa upang nadalaw ko siya ano mang oras ko gustuhin. Ang hirap magluksa sa pagtanaw sa kanya sa malayo.” Napatitig ako dahil sa sinabi niya. “You mean, father…” Marahan siyang tumango bilang kumpirmasyon. "Hindi lamang ako muling nakasilip at nakalapit sa kanyang lamay ngunit hindi ko siya iniwan. I was there from a far.” He forced a smile at halata ang sakit sa kanyang mga mata. “I was completely broken. She left me in pain. Hindi ko alam kung paano mabubuhay nang hindi siya kasama. Ang pinakamahirap sa lahat ay wala akong alam sa panahong ito.” “Pero sa tingin niyo po ba ay alam ni Lola Herminia ang nangyari sa katawan ninyo sa panahong niyo? If the teenager Herminia Domingo died, how about the teenager Sixto?” Nagkibit balikat si father at halata sa kanya na wala rin talaga siyang idea. Hindi rin naman namin iyon natanong kay Lola Herminia noong nakakasama pa namin siya. “Hindi ko rin iyan masasagot. Pero sana ay hindi niya naranasan ang sakit ng pagkawala niya na naranasan ko rito. Kung sakali man na namatay ako sa panahong iyon, sana ay hindi siya ganoon nasaktan.” Umiling ako. “Kung mababasa niyo po ang tula, sigurado ako na maging kayo ay malalaman na masasaktan siya nang sobra sa pagkawala niyo. The title tells it all, father. She loved you, Father Sixto. How about you, father? Did you love her, too?” Hindi ko na napigilan pa ang pagtatanong. I maybe sounded like a tsismosa pero hindi na talaga ako nakapagpigil pa. Kanina pa ako nangangating magtanong. Hindi sumagot si Father Sixto pero nakatitig siya sa libro. Mayamaya ay tumulo na lamang ang mga luha. Mabiis na namasa ang magkabila niyang pisngi. I now he’s hurt pero hindi ko akalain na magiging ganito siya ka-emotional. “We’re so sorry, Father Sixto.” Bigla tuloy akong nakonsensya. Hindi ko man lang naisip na sobrang sakit balikan ang ganoong kasaklap na bahagi ng nakaraan. At kung magtanong pa ako ay walang pakundangan. Dirertso ko siyang tinatanong nang hindi muna bumubwelo. Nagpunas siya ng pisngi at pilit na ngumiti. “I’m sorry, Miss Sab, Tonyo.” Umayos siya ng upo at kinalma ang sarili. Pinipilit niyang magpakatatag. Alam ko na gusto niya rin itong pag-usapan. Sigurado ako na sa tagal ng panahon ay wala siyang napagsabihan ng ano man na tungkol dito. And I can’t imagine the pain he has been carrying for almost six decades. Sigurado ako na kung iiiyak niya ang lahat ng luhang pinigil at tinago niya sa loob ng mahabang panahon ay gagaan kahit papaano ang kanyanng pakiramdam. Kaya nang muling tumulo ang kanyang mga luha ay hindi na muna kami nagsalita pa ni Tonyo at binigyan siya ng sapat na oras para umiyak. Hindi ko namalayan na tumulo na rin pala ang luha ko at naramdaman ko rin ang bahagyang pamamasa ng aking pisngi. Tonyo reached for my cheeks at pinunasan ang luha sa aking pisngi. I smiled at him. Muli naming binalingan si Father Sixto. “Maaari po ninyong ilabas sa amin ni Sab ang lahat ng iyong saloobin, Padre. Nakahanda po kaming makinig,” sabi ni Tonyo at tumango ako bilang pagsang-ayon. “Ilang taon akong nabuhay sa sakit at panghihinayang. Wala akong mapaghingahan ng lahat ng ito dahil hindi ko alam kung paano sisimulan. Mahirap huminga sa isang tao na hindi ka maiintindihan nang buo dahil wala silang idea sa totoong nararamdaman at pinagdadanaanan ko sa aking situwasyon.” Hindi kami nagsalita ni Tonyo at hinayaan lamang namin si Father Sixto na umiyak hangga’t sa may iiiyak siya. Ilang sandali rin ang namayaning katahimikan sa buog opisina ni Father Sixto na tanging hikbi niya lang ang maririnig. “Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Inyat…” I have been dying to know it from him pero ngayong narinig ko na ay tila ba hindi na ako nagulat pa. Bagkus ay napangiti na lamang ako dahil sa wakas ay narinig ko na ang katotohanang iyon na tila ba kumpirmasyon na lang mula kay Father Sixto ang kailangan ko. “Nasabi niyo po ba kay Lola Herminia ang inyong nararamdaman?” Mapait na ngmiti si Father Sixto bilang sagot sa tanong ni Tonyo. “Hindi, Tonyo. Kung mayroon man akong labis na pinagsisisihan, iyon ay ang hindi ko man lamang nasabi kay Inyat ang lahat ng akong nararamdaman para sa kanya. Kung alam ko lamang na kami ay magkakawalay nang ganoon katagal, sana ay sinabi ko na ang lahat sa kanya.” Hindi ko maiwasan ang mas lalong masaktan para sa kanila. “Hindi ko pinahalagaan ang bawat oras na nagkasama kami. Akala ko ay sapat na ang mga panahon na magkasama kami.” Nanginginig na dinampot ni Father Sixto ang libro at tila ba mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman. Muli siyang naluha nang yakapin ang librong isinulat ni Herminia Domingo na para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD