Kabanata 37

2114 Words
Kabanata 37 Sabrina’s POV Tulad ng pinlano ko ay bumalik ako ng library kinabukasan. Ngunit hindi para isauli ang libro. Kundi para maghanap ng ilang kasagutan sa mga tanong namin ni Tonyo. Kaya pagtapos ng klase ay nagyaya ako kina Riri at Cleo na pumunta na ng library. Sinamahan naman nila ako. Napansin ko na hindi naman na sila nangungulit pa tulad nung mga nakaraang araw. Mabuti na lang din na hindi nila binibigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Tonyo. “Ano ngang ipupunta natin sa library, Sab?” tanong ni Riri habang naglalakad na kami sa hallway papunta sa library. “May titingnan lang ako sa mga lumang yearbook,” simpleng sagot ko pero ramdam ko na agad na may mga follow-up questions pa sila. Hindi uso sa kanila ang isang tanong lang. Laging may mga kasunod. Hindi ka nila titigilan hangga’t nila nakukuha ang sagot na gusto nilang maging sagot mo. “Like gaano ka-luma?” usisa pa ni Cleo kaya napairap na lang ako. Tamad akong sumagot sa sunud-sunod na mga tanong kaya hindi ko alam kung paano ko sila natagalan nang ganito. Kung paano tumagal ang pagkakaibigan kahit pa minsan ay nakakaubos na sila ng pasensya. “Like decades ago?” I got no choice but to answer dahil hindi nila ako titigilan. Mas nakakahiya kung hanggang sa library ay tatanungin nila ako. Wala pa namang pinipiling lugar ang dalawang ito. At hindi ako papayag na mapalabas ng library dahil sa kaingayan nila dahil kailangan ko talagang makakuha ng information. Tomorrow is Friday at kailangan naming pumunta ni Tonyo sa antique shop dahil iyon ang usapan namin. Mabuti na lang din na may school program kami bukas kaya half day lang ang classes namin. Pero hindi ko pa rin maisisingit ang pagpunta sa library dahil ang biyahe pa lang sa Maynila ay malaking oras na ang kaillangan. Kaya mas mabuti talaga na ngayon ako pumunta ng library dahil masyadong hassle kung bukas ko lahat gagawin. Para sa Sabado ay wala na kaming ibang gagawin kundi puntahan ang pamilya ni Lola Herminia kung sakali man na makakuha at makahanap kami ng information. Mabuti na lang at wala ang librarian na nagpahiram sa akin libro ni Lola Herminia. Hindi ko kasi dala ang libro at wala pa akong plano na isauli iyon sa ngayon. Dumiretso ang dalawang kasama ko sa isang shelf at napahiwalay ako dahil sa mga yearbook ang target ko. Naalala kong sinabi noon ni Lola Herminia na taong 1965 siya nang mapadpad noon sa panahong 1935 kaya iyon ang hinanap ko. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa paghahanap hanggang sa mahanap ko na ito. Mabilis ko itong binuklat at hinanap kung mayroon bang record si Lola Herminia. Ngunit wala siya sa list of graduates kaya ngayon ko nasigurado na hindina nga niya natapos ang high school sa panahong ito. Gayunpaman ay pinagpatuloy ko ang paghahanap sa pangalan niya at nakita ko nga ang call for submissions na sinalihan ni Lola Herminia. Naroon ay kasama niya ang ibang awardees at siya ang nag 1st place. Kahit black and white ang picture ay kitang-kita ang tuwa kay Lola Herminia habang tinatanggap niya ang award. Binasa ko ang article sa ilalim ng mga larawan. At laking pasasalamat ko nang hindi ako binigo at nakuha ang talagang pakay ko sa lugar na ito at kung ano ito. Sa ibaba ay nabanggit na taga-Maragundon si Lola Herminia. Hindi binanggit ang eksaktong lugar pero siguro ay hindi naman ako mahihirapang hanapin ang kanyang mga naiwang pamilya. Isang pulitiko sa Maragundon ang mga magulang niya kaya sigurado ako na kilala ang mga Domingo roon. Sinarado ko ang libro at niyaya na sila na lumabas ng library dahil iniiwasan ko rin na makita ako ng librarian. Mabuti na lang at mabilis kong natukoy ang sadya ko. Bukas naman ay sa pagpunta kay Father Sixto ang pagtutuunan ko ng pansin pagtapos na pagtapos ng half day classes namin. — Kinabukasan mabilis lang natapos ang aming klase kaya agad akong umuwi para kumain at sunduin si Tonyo. Sabay kaming kumain ng tanghalian at kapwa nagmamadali. Alam namin parehas na kung hindi kami magmamadali ay anong oras na kami makakarating doon. Maaari na kaming gabihin at mapapagaitan kami ni daddy. Sana pala ay hindi na ako um-attend ng klase dahil half day lang naman at hindi na nagturo ang ilan sa mga guro. Nasayang lang ang kalahati ng araw ko sa pag-upo sa classroom. Matapos kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto bago umalis ng mansyon. Ipinagpaalam ko si Tonyo kay daddy na magpapasama ako antique shop ni Father Sixto. Ilang araw na rin naman nab nandoon sa shop ang orasan kaya naisipan na rin ni daddy na i-check na nga muna iyon. It’s Friday today, so inasahan ko na talaga ang traffic. Tonyo looks uncomfortable sa tuwing nata-traffic kami pero ngayon at medyo nakakasanayan na niya. Hindi ko siya masisi dahil sobrang aliwalas ng kalsada at kalye sa kanilang panahon. Kaya ako naman ang nanibago noon. “Okay ka lang?” tanong ko nang marinig ko ang kanyang buntong-hininga. “Oo, Sab. Ngunit naisip ko lang kung ano ang gagawinb natin oras na makaharap natin si Padre Sixto.” Bigla rin akong naisip sa sinabi niya. Oo nga at gustong-gusto namin siyang makita at makaharap. Ngunit hindi rin namin alam kung paano siya haharapin oras na maabutan nga namin siya roon. Sigurado ako na hindi naman niya alam na alam na namin ni Tonyo ang mga nangyayari. Kaya hindi rin niya aakalain na makikita niya kaming muli. Pero sigurado ako na kung nakabalik na siya ng shop mula nang makabalik ako ay alam na niya na hinahanap ko siya dahil baka nasabi na iyon ng kanyang assistant. Maaaring kinukutuban na siya kahit papaano na may nalalaman na nga kami. Pero sana lang ay hindi kami pagtaguan ni Father Sixto. Sana ay harapin niya kami dahil kailangan namin ng paliwanag. Sana naman ay maisip niya iyon. Habang papalapit kami nang papalapit sa shop ay nakakaramdam ako ng kaba. Para bang may kung anong mangyayari sa araw na ito. Kung ano man iyon ay huwag naman sanang masama. Sana ay magandang kutob ang nararamdaman ko ngayon. At sana ay iyon ay ang muli naming pagkikita ni Father Sixto. Nag-park ako sa tapat ng tatlong palapag na antique shop na ilang beses na rin akong pabalik-balik. Sana sa araw na ito ay may mapala na ako. Kahit hindi na ang tungkol sa orasan. Kahit ang makaharap lang si Father Sixto ay pagbigyan kami upang maiabot ko na sa kanya ang libro na para sa kanya. Sabay kaming bumaba ni Tonyo ng sasakyan at naglakad papasok ng shop. Mabilis naman akong namataan ng assistant ni Father Sixto. Nginitian niya kami at naglakad papunta sa amin para salubungin. Mas nabakas ang tuwa sa kanya nang makita si Tonyo sa tabi. “Good afternoon, Miss Sab. Mabuti naman at nagkita na pala kayo nito ni Tonyo. I’m so sorry. Hindi na kasi siya bumalik dito kaya hindi na kita na-contact ulit.” Ngumiti ako at tumango. “It’s okay, Mr. Santos. I still want to thank you for letting me know that Tonyo is here. Kung hindi mo iyon nasabi, I don’t think na sisimulan ko ang paghahanap sa kanya,” sabi ko. “Wala po iyon, Miss Sab. At least ngayon ay hindi ka na mag-aalala at mag-iisip ng kung anu-ano. Unlike before na sobrang taranta mo nang malaman mong hinahanap ka ni Tonyo.” Natawa ako sa sinabi niya. Sino bang hindi mag-aalala sa situwasyon ni Tonyo? Kung nalalaman ang niya ang pinanggalingan nito ay sigurado ako na kakabahan din siya para kay Tonyo. “Siya nga po pala, nandiyan po ba si Father Sixto?” tanong ko. I’m hoping for a yes pero bigla na lang ako kinabahan nang tumango siya. He’s here. Makakausap namin siya? “You are very lucky today, Miss Sab. Nandito siya ngayon. Actually, ilang araw na rin niya kayong hinihintay.” Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. So tama nga ang hinala ko na may kutob na nga si Father Sixto na may nalalaman na kami. At tulad namin, siguro ay gusto niya rin kaming makausap. “I told him I could text you since nag-iwan ka naman ng contact noong hinahanap mo si Tonyo. But he told me to not bother dahil alam naman daw niya na babalik-balikan mo angv shop na ito. Kaya hihintayin na lang niya kayo na muling pumunta. At ngayon nga ay nandito na ulit kayo.” “Nasaan po siya?” tanong ko. “Nasa kanyang opisina. Do you want me to call him? Ayos na siguro ang orasan kaya hinahanap at hinihintay na niya kayo.” I know this is not all about the vintage grandfather’s clock na tulad ng iniisip ng secretary niya. Hindi ang orasan ang dahilan kaya gusto kaming makita at makaharap ni Father Sixto. May iba pa siyang pakay. Nilingon ko si Tonyo at naglilibot lang siya ng tingin sa kabuuan ng shop. Nagpaalam ang assistant na ipapaaalam niya muna kay Father Sixto na dumating na kami. Iyon daw kasi talaga ang bilin ni Father na ipaalam agad sa kanya oras na dumating kami. Kaya nang naiwan kami ni Tonyo at sinabi ko sa kanya ang lahat. At maging siya ay hindi na rin mapakali knowing na makakaharap na namin si Father Sixto. Alam ko na maging siya ay hindi alam kung paano sisimulan ang ano mang magiging takbo ng usapan. Mayamaya lang ay natanaw na namin ang assistant ni Father Sixto na naglalakad pabalik dito sa puwesto namin ni Tonyo kung saan niya kami iniwan kanina bago siya nagpaalam. Hinintay namin na mag-appear si Father Sixto sa likuran niya pero wala kaming natanaw kahit pa anino man lang. Hinintay na lang namin ni Tonyo na makalapit ulit sa amin si Mr. Santos. Nginitan niya kami nang muli kaming magkaharap. “Please follow me. Dadalhin ko kayo sa opisina ni Father Sixto. Doon niya raw kayo gustong kausapin,” sabi nito kaya sumunod kami sa kanya. Hindi naman sa pagiging paranoid, pero hindi niya kami kakausapin nang kaming dalawa lang ni Tonyo kung wala siyang mga nais sabihin na kami lang dapat ang makakarinig at makakaalam. Parehas kaming napahinga nang malalim ni Tonyo nang huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Bigla akong nakaramdam ulit ng kaba. Matagal na namin itong gustong mangyari pero iba sa pakiramdam na mangyayari na ito. Kumatok si Mr. Santos at pinagbigay alam sa nasa loob na nandito na kami. At nagkatinginan kami ni Tonyo nang marinig ang pamilyar na tinig ni Father Sixto na nagsasabing papasukin kami sa loob. He’s here. Totoo ngang nandito na si Father Sixto. Matapos ang ilan naming subok ay wakas makakaharap na namin siya. Binuksan ng asssistant niya ang pintuan at umalis na rin. Kaya humakbang na kami ni Tonyo papasok ng opisinang pinagdalhan sa amin. Wala kaming ibang nakita kundi ang orasan sa may gilid, ilang lumang gamit, desk at swivel chair na nakatalikod sa amin. There is someone sitting there at alam namin parehas ni Tonyo na ang sadya naming pari ang nandoon. “Father…” I tried not to stutter. Hindi ko pinahalata ang kaba na nararamdaman ko. Gusto kong maging casual at tingnan ang magiging reaction niya at pakiramdaman kung hanggang saan kami dadalhin ng tagpong ito. Narinig ko ang pag-ikot ng upuan kaya umayos ako ng tayo. Saka ko lamang ulit nakita si Father Sixto nang tuluyan itong mapaharap sa amin. Kaswal itong ngumiti sa amin na tila ba walang nangyayari. I smiled at him upang kumuha ng bwelo. “Magandang hapon, Miss Sab. Sa iyo rin, Tonyo. Halika, maupo kayo.” Itinuro niya ang dalawang upuan sa tapat ng kanyang desk at naupo naman kami ni Tonyo na magkaharap sa isa’t isa. “Magandang hapon din po sa inyo, Padre,” ganting bati ni Tonyo na ikinagulat ko dahil naitago niya rin ang pagkataranta na kanina lang ay halatang-halata sa kanya. “Kumusta po?” I want to congratulate him dahil nagagawa niyang kumalma. At napapahanga niya ako sa bagay na ‘yon. Lalo na nang magawa niyang kumustahin si Father Sixto. “I’m good, Tonyo. Ikaw?” Halatang hindi nakuha ni Tonyo ang unang sinabi ni Father Sixto kaya napasulyap siya sagit sa akin. Ngunit ngumiti rin naman siya agad at sinagot ang ganting pangangamusta ni Father. Pormal at saglit kaming nagkumustahan at nagkuwentuhan. Ngunit tumatakbo ang oras kaya bago ko pa makaligtaan ang sadya namin dito ay minabuti kong isingit na ang tanong sa papalayo naming usapan. “Puwede po bang magtanong, Father?” tanong ko at nawala ang kanyang mga ngiti. Mukhang nakahalata na siya sa tutumbukin ng pagtatanong ko. Marahan siyang tumango. “Sure,” sabi pa ni Father at huminga ako nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD