Kabanata 36

2109 Words
Kabanata 36 Sabrina’s POV “So what can you say, Sab?” tanong ni Cleo nang hindi ako sumagot sa sinabi ni Riri na gusto nilang pumunta ng bahay ngayon. “Yea, pwede naman. Why not, right?” sabi ko nang makarating kami sa parking lot. They don’t bring their car kaya sa tapat ng dala kong sasakyan kami huminto. They mock me nang tila hindi sila kumbinsido sa naging sagot ko. “Parang napipilitan ka, Sab?” pang-aasar ni Riri kaya napailing na lang ako at humalakhak. Iba na talaga ang tingin nila sa akin at alam kong may pagdududa na sa kanila kahit ano pa man ang sabihin ko. Natawa na lang ako sa isip ko. Alam nilang may tinatago ako kaya ganito na lang sila kung magduda. Pero ano nga bang tinatago ko? Wala naman akong tinatago sa kanila kaya gusto kong makilala na nila si Tonyo para mawala ang pagdududa nila na may boyfriend ako. Matatahimik na ako sa araw-araw dahil matitigil na ang mga pagpaparinig nila sa akin. Malalaman na nila na ang ginagawa ko ay pagtulong sa isang kaibigan. Sumakay na kami ng sasakyan ko at nag-drive na ako pauwi sa bahay. Tahimik ang naging biyahe namin at nakarating kami sa mansyon nang halos madilim na. tamang-tama dahil sigurado ako na tapos na si Tonyo na tapos na rin ang trabaho niya sa taniman. Daddy and Farida were home already at kanina pa sila nakakain ng meryenda nila. Kaya nang dumiretso kaming tatlo sa kusina ay kami na lamang ang inasikaso ni Manang Elsa sa paghahanda ng makakain. “Manang, pakisabi naman po kay Kuya Rudy na tawagin si Tonyo saglit,” sabi ko kay manang nang matapos siya sa paghahain at agad naman siyang lumabas ng kusina. “Who’s Tonyo?” tanong ni Riri at ngumiti ako. “He’s my friend.” Tumango lamang naman sila dahil mga halatang gutom na. Sinimulan na kasi nilang lantakan ang mga inihandang meryenda ni Manang Elsa. Matiyaga akong naghintay sa pagdating ni Tonyo habang kumakain. Hanggang sa mayamaya lang ay natanaw ko na siyang nakatayo sa tapat ng pintuan nng kusina kung na halatang nag-aalangan kung tutuloy ba o hindi nang makitang may ibang tao rito maliban sa akin. “Halika rito, Tonyo.” Sabay na natigil sina Riri at Cleo sa pagkain nang makitang may kinakausap ako sa may pintuan. Sabay din silang lumingon sa tinitingnan ko at napakunot ang mga noo nang makita ang hindi pamilyar na lalaki. Kahit nag-aalangan ay wala nang nagawa si Tonyo kundi ang pumasok. Pinanood nila ang bawat hakbang ni Tonyo. He is wearing some of the indoor clothes na binili ko para sa kanya at alam kong mabilis nila iyong nakilala dahil kasama ko silang dalawa nang binili ko iyon. Kaya pagdating ni Tonyo sa tapat namin ay tiningnan agad nila ako at nagtatanong ang kanilang mga mata. Kaya tinabihan ko na si Tonyo at hinarap silang dalawa para pormal na ipakilala ang kaibigan ko. “Girls, si Tonyo. He’s a very good friend of mine at nagtatrabaho siya sa farm ni dad.” Hindi agad nakahanap ng reaksyon ang dalawa kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpapakilala sa kania sa isa’t isa. “Tonyo, ito ang mga kaibigan kong sina Riri at Cleo.” Hindi alam ni Tonyo kung paano ang approach na gagawin. He’s obviously confused and clueless kaya minabuti na lamang niyang walang gawin kaysa magkamali ng kilos. “Magandang umaga sa inyo, mga binibini. Ikinagagalak ko kayong makilala,” tanging sinabi ni Tonyo at wala naman akong nakitang awkwardness sa dalawa. That would be better kaysa noong nagpakilala kami sa isa’t isa na hinalikan niya pa ang likod ng aking palad. I’m sure that these two will freak out., “Hi sa iyo,” bati ni Riri at tiningnan ako. Pinandilatan ko sila ng mata para sabihing umayos sila ng pakikitungo kay Tonyo. Ayokong makaramdam si Tonyo ng pagkailang sa mga kaibigan ko rito. Minabuti ko na muna na paupuin si Tonyo para makasalo namin siya sa pagkain at makapakuwentuhan kami nang mabuti. I am very thankful na maayos naman ang nagiging takbo ng usapan. Kahit pa minsan ay medyo naiilang sila sa paraan ng pananalita ni Tonyo ay alam kong nag-e-enjoy sila na mag-usap. They are talking about farming. Mabuti naman at iisa ang hilig nila. Tulad namin ay may malalawak silang lupain at bukirin dito sa Cavite. Kaya nakahiligan nila ang agriculture. Sinabi ko rin sa kanila na si Tonyo rin ang tinutukoy kong weird guy na muntil ko nang mabangga ko noon at hindi rin sila halos makapaniwala. Hindi kasi nila nakita si Tonyo noong muli kaming nagkita sa antique shop ni Father Sixto dahil kumain sila at pinauwi ko nang malaman ko na maaari akong magtagal na mapaayos ang orasan. Ngayong nalaman na nila na isang kaibigan ang binilhan ko ng mga gamit ay siguro naman ay patatahimikin na nila ako sa mga mapang-asar nilang salita. Titigilan na nila ang pag-iisip na mayroon akong boyfriend na pinagbibigyan ng mga binibili ko. At sa wakas ay matatahimik na sila at hindi na magtatampo na may nililihim ako sa kanila. Matapos ang matagal naming kainan ay nagpaalam na sila. Wala na kaming ibang nagawa dito sa kusina kundi ang magkwentuhan. Mabuti na lang at may nalalaman din ako sa agriculture kaya hindi ako na-out of place sa kanilang tatlo. And I am very happy na nakasundo nilang dalawa si Tonyo. Hindi rin naman kasi ako nag-alangan na ipakilala sa kanila si Tonyo dahil alam ko naman na hindi sila mapang-mata na tao. They will not mind kahit pa trabahador lang si Tonyo sa farm. Hindi rin nila ku-kwestiyunin kung bakit at paano ko naging kaibigan ang isa sa mga trabahador. Dahil wala silang mga dalawang sasakyan ay nagprisinta na ako na ihahatid sila door to door at huwag nang tumawag sa bahay nila para magpasundo sa mga driver nila o mag-taxi na lang. Sasamahan din daw naman ako ni Tonyo sa paghahatidb para may makasama pa ako kapag pauwi na. “Salamat sa pagsama, Tonyo,” sabi ko nang nagda-drive na ako pabalik sa bahay dahil naihatid ko na ‘yong dalawa. Tonyo is sitting in the front seat at nakatanaw sa bintana. Halatang naaaliw siya sa panonod sa mga alitaptap na nadaraanan naming nagliliwanag sa madilim na kakahuyan. Nilingon niya ako at ngumiti siya. “Walang anuman iyon, Sab.” Binalikan niya ng tingin ang kalsada at nagpatuloy naman ako sa pagda-drive. Nang matanaw ko na ang gate namin ay inihinto ko ang sasakyan kaya napalingon muli sa akin si Tonyo. May sasabihin pa nga pala ako sa kanya. Baka mawalan pa ako ng chance na maikwento sa kanya ang tungkol sa mga nalaman ko kay Lola Herminia dahil baka mahirapan na ako kapag may iba na kaming kasama dahil hindi dapat marinig ng iba ang halos lahat ng mga pag-uusapan namin ni Tonyo lalo na ang tungkol sa pag-time travel namin at ang tungkol sa kanilang panahon. “Bakit tayo huminto, Sab?” takhang tanong ni Tonyo kaya hinarap ko na siya. “May ilang bagay lamang akong nais sabihin, Tonyo.” Tumango si Tonyo upang sabihin na magpatuloy ako sa pagsisimula at sabihin kung ano man ang gusto kong sabihin. Kaya kinuha ko sa drawer ang librong hiniram ko sa library at iniharap iyon kay Tonyo. Nangunot ang kanyang noo. “Paumanhi, Sab ngunit hindi ko nauunawaan ang nais mong ipabatid. Maaari bang malaman kung ano ang mayroon patungkol sa aklat na iyong hawak?” nalilitong tanong niya. “Nais ko sanang maunawaan dahil hindi mo naman iyan ipapakita sa akin kung wala akong kinalaman,” dagdag pa niya kaya binuklat ko ang libro para ipakita sa kanya ang page kung nasaan ang larawan ni Lola Herminia. Kung ako nga ay nakilala ko ang mga mata ni Lola Herminia unang beses ko pa lang itong nakita, siguro naman ay ganoon din si Tonyo. It would take a moment pero alam kong makikilala niya rin ang teenager na Herminia Domingo. Iniharap ko kay Tonyo ang larawan at saglit niya iyong tinitigan. Alam ko naman na may hinala na rin si Tonyo sa kung sino ang nasa larawan pero gusto niyang makasigurado kaya tiningnan niya muna ako to confirm. Hindi nga ako nagkamali dahil tulad ko ay nakilala niya si Lola Herminia noong kabataan niya. Tumango ako kay Tonyo bilang sagot sa hinala niya. Alam ko na agad kung sino ang nasa isip niya dahil mabilis lang makilala ang mga mata ni Lola Herminia kahit ilang dekada pa ang pagitan nila. Hindi maintindihan ni Tonyo ang mga nakasulat kaya matiyaga kong pinaliwanag sa kanya ang lahat. Maging siya ay nagulat sa sinapit ng teenager na Lola Herminia. Namatay siya sa bangungot. Ibig sabihin ay hindi na niya muling nabalikan ang kanyang totoong katawan kaya namuhay na lang siya sa napuntahan niyang panahon. But Tonyo got thrilled about the poems. Binasa ko sa kanya ang isang buong tula at nang matapos ay nilingon ko siya. I caught him staring at me while reading the poems. Ngumiti si Tonyo kaya napangiti rin ako. “May pag-asa pa kaya na magkita silang muli?” tanong niya. Sa totoo lang ay iyandin ang malaki kong katanungan sa ngayon. Nasabi noon ni Lola Herminia na hindi kami maaaring magsamang apat sa iisang panahon. Kaya maaaring kasama namin ngayon sa panahong ito ang isa sa kanilang dalawa…o magkasama silang dalawang sa kabilang panahon. I hope it’s the latter. Nakita ko na noon si Father Sixto sa panahon ni Tonyo. Ngayon ko lang nasigurong siya nga iyon. Kaya nang mga panahong iyon ay siguradong si Lola Herminia ang napadpad sa panahong ito. Pero sana ay nasa iisang panahon sila ngayon. Sigurado akong mahihirapan silang mahanap ang isa’t isa pero nasisigurado ko na may pag-asa pa rin naman na makilala nila ang bawat isa. “Sa ngayon, Tonyo ay wala tayong ibang magagawa kundi ang ipagdasal iyon.” Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sa Biyernes ay babalik ako sa antique shop ni Father Sixto. Gusto mo bang sumama?” tanong ko kay Tonyo at tumango siya. Gusto ko sanang i-check kung nandoon na siya. Gusto ko na siyang makausap at matanong. Pero bukas ay ang paghahanap sa pamilya ni Lola Herminia ang hahanapin ko. Wala rin naman kasing information ang nakalagay sa libro sa kung saan nilibing ang author. Kaya walang ibang makakasagot sa tanong ko kundi ang pamilya niya. Magsisimula ako bukas sa paghahanap ng sagot sa kung saan nakatira ang mga Domingo sa yearbooks ng school. May isang shelf doon na para sa mga yearbook kaya siguro ay may mapapala ako kung iisa-isahin ko iyon. But the problem is mukhang hindi na natapos ni Lola Herminia ang high school kaya mahihirapan ako. Pero sana ay may record siya kahit papaano since may mga achievement siya sa extra curricular activity. “Tila mas mainam din, Sab kung maiaabot natin kay Father Tonyo ang ibro upang siya mismo ay mabasa ang mga nilalaman.” Iyon din sana ang plano ko pero naisip ko na paano kung hindi na nga sila muling magkita ni Lola Herminia? Mas lalo lang nanaisin ni Father Sixto na muling makita si Lola Herminia kaya mas malaking disappoint ang mararamdaman niya. Pero naiisip ko rin naman na hindi man sila nagkitang muli ay nagkaroon naman siyang malaman ang tunay na nararamdaman ni Lola Herminia para sa kanya. Sana rin ay magkaroon kami ng chance na masabi kay Lola Herminia na naipabatid namin kay Father Sixto ang lahat ng kanyang sinulat na tula para sa kanya. “Ngunit hiniram ko lang ito sa library, Tonyo.” Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito magiging hawak. Pero dahil pinapagpapaaam pa ang librong ito bago hiramin, sigurado akong may magche-check nito at malalaman na nasa akin pa. Baka kunin na ito kapag nalaman na ilang araw na ito sa akin. “Ang silid-aklatan ba ang nais mong sabihin?” tanong ni Tonyo at tumango ako. Maging siya ay napaisip sa mga maaari naming gawin para mangyari ang mga gusto naming mangyari. He wants to help Father Sixto ang Lola Herminia badly. And so am I. Ngunit parehas kaming walang idea sa kung paano. Sana lang sa mga susunod na araw ay mayroon na at makaisip na kami ng hakbang kung paano sila muling magtatagpo o masabi man lang sa kanila ang nararamdaman ng isa’t isa. But was Father Sixto in loved with her? Siguro naman. Hindi naman siguro one sided ang kanilang love story. Pero kung ganoon nga, paano naman namin sasabihin ni Tonyo kay Lola Herminia na hindi siya inibig ng lalaking minahal niya? That would be heartbreaking. Sana kung dumating man ang panahon na magmamahal ako, sana ay sa taong mahal din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD