Kabanata 35

2094 Words
Kabanata 35 Sabrina’s POV Hindi agad ako nakakilos at nakapag-isip man lang dahil sa nakita ko. It took a moment bago nag-sink in sa akin kung ano ang librong hawak ko. Kaya dali-dali akong pumunta sa table kung nasaan sina Riri at Cleo upang doon buklatin ang bawat pahina. Obviously, this is a compilation of Lola Herminia’s poems for Father Sixto. Hinanap ko kung may page ba na tungkol sa author na tulad sa ibang libro na nabasa ko. And luckily, mayroon. a picture of a teenager na mabilis kong nakilala ang mga mata. Tumanda man ang hitsura dahil marahil sa hirap na naranasan sa ibang panahon ay nanatiling ganoon pa rin ang ningning sa mga mata ni Lola Herminia. And this girl I am seeing right now is the teenager Lola Herminia, happens to be the campus poet. Yes, ayon sa nababasa ko ngayon ay nagkaroon ng call for submission at ang librong ito ay ang ipinasa ni Lola Herminia. Na isa sa awards ay magkakaroon ng chance na ma-publish into a hard copy. At ang librong ito ang nanalo. Kung ditonag-aral si Lola Herminia, malaki ang posibilidad na siya ay isang caviteña na tulad ko. But it was stated in the book na fictional lamang ang lalaking tinutukoy na si Sixto. But I know for a fact na totoo ang taong pinaglalaanan ng tula. Maaaring sinabi lamang ni Lola Herminia na fictional ang bidang lalaki dahil alam niya na magiging palaisipan sa marami kung sino si Sixto gayong wala siyang maihaharap na actual Sixto dahil nabubuhay siya sa ibang panahon. “What’s that, Sab?” kunot noong tanong ni Riri nang mapansing sobrang seryoso ko sa pagbabasa. “An old classic book?” tanong ni Cleo nang tila ay masilip ang binabasa ko. “Kailan ka pa nahilkig sa ganyan, Sab?” natatawa niyang tanong at tila hindi makapaniwala. Ganoon din ang mga ngisi ni Riri. “Ganyan yata talaga kapag in love, Ri.” Hindi mawala ang mga pang-aasar sa kanilang mga mukha at sa mga tingin nila sa akin. They are still at it. Naniniwala pa rin sila na may boyfriend ako just because I bought men’s undies. “Kailan kaya natin siya makikilala? Wala tayong kaalam-alam na may boyfriend na pala ang best friend natin.” Hindi ko alam kung hanggang kailan at kung hanggang saan aabot ang pagpaparinig ng dalawang ito kaya napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Hindi ko akalain na makikita ko ito rito. Lola Herminia studied here, too. Kaya ganoon na lamang pala ang gulat niya nang makita ang school ID ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi niya iyon sinabi. Siguro ay pilit na talaga niyang kinakalimutan ang anumang bagay na may kinalaman sa buhay niya sa pinanggalingan niyang panahon. Ilang bahagi ng tula ang sinimulan kong basahin and it is very heart touching. Hindi ko akalain na may ganitong kalalim na nararamdaman at emosyon si Lola Herminia. She is madly and deeply in love with Father Sixto. Pero huli na nang malaman niya dahil nagamit na nilang pareho ang tatlong beses na maaari silang mapunta sa ibang panahon. But I guess they both have been gone crazy nang ma-realize na hindi na sila magkikita. So they pushed their luck para muling magkita. I have that conclusion dahil ang huling tulang nakasulat ay tungkol sa risk taking just to be with Sixto. And I know that the risk she took was being with Father Sixto. But it is also stated here na hindi alam ni Lola Herminia ang magiging kapalit kung muli silang magkita sa ikaapat na pagkakataon. And I can’t help but to admire her bravery. Alam ko kasi na hindi ako kasing tapang ni Lola Herminia. Hindi ako ganoon katapang para sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang pumasok sa isip ko si Tonyo. Tila ba nararamdaman ko ang mga saloobin ni Lola Herminia ngayon na naiisip ko kung paano nga kaya kung parehas na naming nagamit ni Tonyo ang aming chance na makapag-time travel kami. Ngayon pa lang ay nahihirapan na ako. I still have two chances dahil isang beses pa lang naman akong nakakapag-time travel at napadpad sa ibang panahon. While Tonyo, nakaka-dalawang ulit na siya. Oras na makabalik siya sa kanyang panahon at tangkain niyang makabalik na naman dito ay mayroon nang kabayaran. I don’t think Tonyo would want to live here. Kaya paniguradong hindi siya susugal. “Okay ka lang ba, Sab?” tanong ni Riri at hinawakan pa ako sa braso para kuhanin ang atensyon ko. Para bang kanina pa nila ako tinatawag at kinakausap dahil may pagkainip sa kanilang mga mukha. They are both staring at me. “Yea, why?” tanong ko at sinarado ang libro. “Kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo na bang umuwi?” tanong ni Cleo. Hindi nga ako nagkamali. I spaced out dahil sa mga iniisip ko kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala nila ako. “Can we?” tanong ko at sabay naman silang tumango. Sabay-sabay na kaming tumayo at napahinto sila nang makita na bitbit ko pa rin ang libro. “Hihiramin mo?” tanong ni Riri at tumango ako. “Oo. Hintayin niyo na lang ako sa labas. Hihiramin ko lang ito sa librarian.” Tumango naman sila kaya dumiretso na sila sa labas dahil wala naman silang hihiramin at ilalabas na libro. I got to the librarian at humingi ng permit. Parang nagulat pa siya at nagtakha kung bakit at para saan kaya ko iyon hihiramin. Hindi na lang siya nagtanong pa kahit pa halata sa kanya na gustong-gusto niyang gawin. What’s wrong with it, though? Ganoon ba hindi kapansinin ang librong ito ni Lola Herminia. May mga nakita akong libro kanina na mas luma pa kung titingnan dito pero nanatiling buo ang bawat pahina. Pero itong librong ito ay may mga punit at halatang palaging ginagamit. Siguro ay marami ang nagtangkang bumasa nito noon. Pero sa paglipas ng panahon ay wala nang nagkainteres dahil iba na ang henerasyon. “Just wait for a moment, Miss Barrientos. Itatawag ko lang sa office.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ng librarian. Madalas naman akong humiram ng libro sa library lalo na kung about sports. Pero ngayon lang nagkaroon ng chance kinailangan pang ipagpaalam sa office ang permit na mailabas ang isang libro. Nagsimulang mag-dial ang librarian pero wala yatang sumasagot kaya binaba na lang muna niya ang telepono. “Sandali lang. wala pang sumasagot,” sabi nito. “I’m sorry, Miss Quintos, but why did you have to tell it to the office?” Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. She might think na chismosa ako but I could care less. Mas iintindihin ko ’yong curiosity ko kaysa sa iisipin niya. Kung sasagutin niya, salamat. Kung papagalitan man niya ako, that’s fine. “According to this school history, it was the only copy that got imprinted. Kaya iniingatan ng school. This won several literature awards kaya ganoon na lang kung i-preserve ng school.” Wow! Hindi ko akalain na ganoon pala ka-successful si Lola Herminia noong kabataan niya. To think na isa pa lamang siyang estudyante nang isulat ito. “Pero bakit ito lang po ang naging copy?” tanong ko pa. “That was the author’s personal copy na isa sa naging prize. Hindi na nagkaroon ng chance na ma-imprenta ang libro dahil walang contract signing na naganap. Walang copyright ang school admin noon sa winners,” paliwanag niya. “Pero bakit wala pong contract signing? Ayaw ba ni Lola Her— I mean ayaw ba ng author na ma-publish ang akda niya?” tanong ko pa. Marami pa akong tanong pero mabuti na lang at hindi mukhang istrikta ang librarian dito, hindi tulad ng sa mga napapanood ko. She looks approachable. Nagkibit balikat siya. “The author died.” Napaawang ang bibig ko dahil sa sinagot ng librarian. “Is that true? Ano raw pong kinamatay?” Tinaasan ako ng kilay ng librarian pero sumagot din naman. “Ayon sa narinig ko, binangungot daw.” Bigla akong natakot at nataranta sa mga nalaman ko. “Kawawa naman.” Hindi ko pinahalata sa kanya ang takot na nararamdaman ko. Ayoko ring mahalata niya na despearada na akong malaman ang lahat ng tungkol sa author at sa libro. “That’s true. Kung mapapansin mo, halatang gamit na gamit ang librong iyan…” she stated the obvious at iyon nga ang napansin ko rin kanina. “Oo nga po. Iyon ang napansin ko.” Tumango siya. “Naging popular kasi ang librong iyan lalo na noong namatay ang author. Everyone was curious about Tonyo.” Muli kong naalala ang nabasa ko kanina sa information about the author. “But it was clearly stated here that Sixto is fictional.” Ipinakita ko pa ang parteng iyon ng libro at tinuro ang eksatong salita. Of course I know that Sixto is not a fictional character. But what made them think and got curious about Sixto. “Lahat ng nakabasa ng librong iyan ay naniniwalang totoong tao si Sixto. Noong narinig ko ang istorya tungkol sa author ng mga tulang iyan, maging ako ay naniniwala na totoo si Sixto. Kung plano mo iyang basahin, sigurado ako na maging ikaw ay maniniwala na totoong tao si Sixto.” Gusto ko sanang sabihin na ang Sixto na tinutukoy sa librong ito ay pinaniniwalaan kong totoo hindi ko pa man nababasa ang kabuuan ng libro. “This makes me want to read it more. Sana ay pwede po, Miss Quintos,” I said para matulungan niya ako na makakuha ng permit para mailabas ang libro. It would take so much of my time kung araw-araw akong kinakailangang magpunta sa library para mabasa ang libro. “As you continuously read every page of the book, mas nanaiisin mong makilala si Sixto.” Mukhang naaaliw na siya sa pagkukwento tungkol sa librong hawak ko. “Lalo pang naging matunog ang pangalan niya hindi lamang sa paaralang ito kundi halos sa buong Cavite nang may isang lalaki ang pumunta sa kanyang burol na nagngangalang Sixto. Pero isang gabi lamang iyon nagpakita dahil sa mga sumunod na araw ay hindi na nakita pa ang lalaking iyon.” Maaaring ang teenager na Father Sixto nga ang nagpakita noon sa burol ng teenager na Lola Herminia. Bigla ko tuloy naisip na what if lahat ng mga namatay sa bangungot ay mga nag-time travel pala? Marami na akong iniisip tapos dumagdag pa ito. “Ngayon pa lang po ay nacu-curious na ako.” Tumango siya pero mayamaya lang ay tinaasan niya ako ng kilay nang tila ay may maalala. “Paano mo nga pala ito nakita? Nasa pinaka-itaas ito ng shelf?” I smiled awkwardly at sa mga ngiti ko pa lang ay alam na niya na kinuha ko ito sa itaas kahit pa alam kong bawal ito. Napailing siya. “I will let this one slide, Miss Barrientos.” Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Nagsabi ang librarian na tatawag na ulit siya sa office para malaman kung papayagan ba ako na mahiram ang libro ngayon o hindi. Nakausap naman niya ang office at pinayagan ako. I got the permit at sinundan na sina Riri at Cleo na siguradong kanina pa naghihintay sa labas nitong library. “God, Sab! What took you so long?” rekklamong tanong ni Riri. “Sorry girls! Natagalan sa pagbibigay ng permit, e.” I smiled to them innocently. “Pasalamat ka na lang, Sab na hindi ka namin iniwan kahit sobrang inip na kami,” Cleo utters at nagsimula na kaming maglakad. “Alam ko naman na hindi niyo iyon magagawa.” Inangkla ko ang magkabila kong braso sa mga braso nila at magkakasabay kaming naglalakad na magkakakonekta ang mga braso. “Whatever, Sab!” Umirap si Riri kaya mas lalo akang natawa. Mas lalo namang rumehistro ang inis sa mga mukha nila. “Anyway, plano sana naming pumunta sa inyo ngayon, Sab. Kaya maaga kami nagyaya umuwi.” Saglit akong napaisip sa sinabi ni Riri. Wala naman kaming usapan ni Tonyo ngayon pero gusto ko sanang ikuwento sa kanya mamaya ang mga nalaman at natuklasan ko tungkol sa mga nangyari kay Lola Herminia sa panahong ito. Bukod sa malaki ang maitutulong nito sa mga plano naming paghahanap sa pamilya ni Lola Herminia upang makapagtanong sa totoong nangyari sa kanyang katawan. Nasabi kanina ng librarian na bangungot ang kinamatay ni Lola Herminia. At nais ko sanang dalawin ang puntod ng teenager na Herminia Domingo na naiwan ang mortal na katawan sa kanyang original timeline. Pero okay na rin muna siguro kung pagbibigyan ko sila ngayon na pumunta sila sa bahay. Gusto ko na rin kasi na makilala nila si Tonyo. Gusto ko rin na magkaroon ng mga bagong kaibigan si Tonyo sa panahon ko dahil pinakilala niya ako noon sa mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD