Kabanata 34

2095 Words
Kabanata 34 Sabrina’s POV Tulad ng plano ko ay pinuntahan ko si Tonyo pagtapos kong mag-almusal. Sina daddy at Farida ay sabay nang umalis dahil hinahatid talaga siya ni daddy at ako lang ang nahihiwalay dahil may sarili naman akong sasakyan. The reason why I want to visit Tonyo is because I have to tell him some of plans habang nandito ako sa panahon ko. Yes, I have to consider na maaari pa akong mapadpad sa panahong iyon dahil sa orasan. Alam ko naman na anumang oras ay puwede akong mag-time travel ulit. Sa plano ko ay ako lamang mag-isa. But now that Tonyo is here, mas makabubuti kung makakasama ko siya dahil malaki rin naman ang kinalaman niya sa kung ano ang mga nakalatag kong plano. Nang marating ko ang farm ay naroon na nga ang mga trabahador na kasama si Tonyo. Nagbubuhat siya ng mga basket na puno ng prutas at nilalagay sa isang truck. Binati agad nila ako nang makita ako. Si Tonyo ang huling nakakita sa akin pero hindi pa niya ako nalapitan dahil tinapos niya pa ang pagbubuhat. Matapos ang ilang minuto ay napuno na niya ang truck at saka pa lamang siya nakakuha ng pagkakataon na lapitan ako. Naghubad siya ng sumbrero nang magkaharap kami. Pawis na pawis na siya kaya inabutan ko siya ng face towel at agad siyang nagpunas ng pawis. “Magandang umaga sa iyo, Sab,” bati niya. “Marami ka bang gagawin?” tanong ko. He seems so busy kaya kung marami pa siyang gagawin ay puwede ko namang sabihin na lang mamaya pag-uwi ko galing school at pagtapos na rin ng kanyang trabaho. “Maaari akong magpahinga nang ilang sandali, Sab. May mga nais ka bang sabihin?” tanong niya at tumango ako. “Kung hindi ako makakaabala sa pahinga mo, Tonyo nais kong sabihin sa iyo ang ilan sa mga plano ko.” Naglakad ako papunta sa isang puno upang kumuha ng lilim. Papasok pa ako at ayoko namang ma-haggard. “Ano ang iyong nais sabihin, Sab?” tanong niya nang makalayo kami sa iba pang nagtatrabaho sa farm. “Hindi ba at nasabi ni Lola Herminia na siya ay permanenteng nanirahan sa orihinal na panahon ni Father Sixto at si Father Sixto naman ay permanente nang nanirahan sa panahon ni Lola Herminia?” simula ko sa mga gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Tonyo ngunit sana ay maintindihan niya. “Siyang tunay, Sab.” “Nais ko sanang alamin kung ano ang nangyari sa Lola Herminia na naiwan sa panahon niya. Gusto kong malaman kung naglaho ba ang katawan niya rito o nanatili.” Tumango si Tonyo ngunit alam ko na tulad ko ay hindi niya rin alam kung papaano magsisimula. “May nalalaman ka ba sa kung paano?’ tanong niya. “Sa totoo lang ay hindi ko alam kung magiging madali ba ito pero sisimulan ko muna sa paghahanap sa mga naiwang kamag-anak ni Lola Herminia.” Hindi ko natanong sa kanya kung may mga kapatid siya dahil hindi ko rin naman akalain na mapapadpad ako rito nang biglaan. Kung alam ko lang edi sana ay inalam ko na ang lahat ng tungkol sa kanya. Lalo na ang tungkol sa address niya. Ang tanging hawak ko lang na impormasyon kay Lola Herminia ay ang kanyang pangalan. Herminia Domingo ang buo niyang pangalan pero hindi ko alam kung ilang Herminia Domingo ang mayroon sa buong Pilipinas. Sigurado ako na kung sa f******k ako magse-search ay marami ang lalabas na ganoong pangalan na account. Saan ba ako dapat magsimula? Kung alam ko lang sana kung saan nakatira si Lola Herminia ay pupuntahan ko na lang at sasadyain kahit pa malayo. Plano kong mag-post na lamang sa f******k sa kung sino ang may kakilala sa kanya oo mga kamag-anak niya. Pero hindi ko alam kung may chance ba na ma-reach ng mga plano ko ang mga taong makakatulong sa akin sa paghahanap kay Lola Herminia. Wala pa kaming maayos na plano ni Tonyo pero at least ay nalaman ko na gusto niya akong tulungan sa paghahanap ng sagot. Maging si Lola Herminia kasi ay walang alam sa mga posibleng nangyari sa kanyang pagkatao sa kanyang orihinal na taon. Nagpaalam na ako kay Tonyo at bumalik na ulit siya sa kanyang trabaho. I go to my car and started driving. Kahit sa pagda-drive ay ang paraan sa kung paano mahahanap ang pamilya ni Lola Herminia ang nasa isip ko. Kung babalik man ako sa panahon nina Tonyo ay nais kong may maibalita naman ako kay Lola Herminia. Kaya hindi ako titigil hanggang sa mahanap ko sila. Lumipas ang maghapon kong klase at namalayan ko na lang na uwian na. nilapitan ako ni Limuel nang mag-isa akong naglalakad sa hallway. “Where’s Riri and Cleo?” tanong niya. “Pupunta raw silang library,” I answered at tumango-tango siya. “Bakit hindi ka sumama?” tanong niyang muli. “May mga aasikasuhin kasi ako, Limuel.” Muli ay tumango siya. Hilig talaga naming tatlo ang pagpunta sa library dahil mas gusto namin na magbasa sa isang tahimik na lugar kaysa mag-surf sa internet. Pero hindi ako nakasama ngayon dahil nais ko munang mag-isip ng paraan. Mas mabuti kung kasama ko si Tonyo na mag-iisip at makakapagbigay kami ng idea sa isa’t isa. Gusto ring marinig kung ano ang mga nasa isip niya. Naghiwalay kami ni Limuel nang marating namin ang parking lot kaya nagpaalamb na ako sa kanya. Agad akong nag-drive pauwi. Pagpasok kop ng gate, sa pathway pa lang nakita ko na si Tonyo na nakatayo sa may fountain sa tapat ng pinto ng mansyon. Halatang may hinihintay siya. Mag-aalas sais na rin kaya alam kong tapos na siya sa trabaho. Iba na rin ang suot niyang damit kaya nakapagbihis na siya at mukhang nakapahinga na. Nang mamataan niya ang sasakyan ko ay umayos siya ng tayo. Obviously, ako ang hinihintay niya. Lihim akong napangiti. Nag-park agad ako at bumaba ng sasakyan. Sinalubong niya ako. “Magandang gabi, sab.” I smiled at Tonyo. “Sa iyo rin, Tonyo. Ano ang iyong sadya?” tanong ko. “Nais ko lamang itanong kung ano ang iyong mga magiging hakbang? Hindi ko naitanong ang kabuuan ng iyong plano kaninang umaga dahil sa aking gawain. Ayokong isipin ng aking mga kasama na ako ay lagi na lamang namamahinga.” Natawa ako sa sinabi niya at naiintindihan ko naman iyon. Ayoko rin naman na may masabi sa kanya ang ibang trabahador lalo pa at unang araw pa lang niya sa trabaho. Upang makapag-usap kami nang ayos ay niyaya ko siya sa loob. Nagugutom din kasi ako at gusto kong magmeryenda. Good thing Tonyo is here kaya may makakasabay ako. Sabay kaming naupo ni Tonyo at magkatapat na mag-uusap. Pinaghanda kami ni Manang Elsa ng pancakes at mayamaya lang ay naamoy ko ng ang amou niyon kaya mas lalo akong nagutom. “May plano na ba, Sab? May maitutulong ba ako?” tanong ni Tonyo. “Wala pa akong tiyak na plano, Tonyo ngunit mayroon naman na akong paisa-isang hakbang,” I answered at tumango si Tonyo. “Basta huwag mo akong kakaligtaan na sabihan. Nais ko rin na malama kung mayroon akong maitutulong. Sabihi mo agad sa akin.” Tumango ako. Kahit pa alam niya na mahihirapan siya sa panahong ito ay willing pa rin siyang tulungan ako. And I couldn’t be more thankful. “Oo, Tonyo. Huwag kang mag-alala.” Our pancakes were served at sabay na kaming kumain. May ilang bagay din kaming pinag-usapan tungkol sa kanyang panahon nang maiwan kami sa kusina. At alam ko na nami-miss na niya ang kanyang pamilya. Bagay na wala akong magagawa dahil hindi ko hawak ang oras. Gayunpaman ay alam ko at naiintindihan ko ang nararamadaman niya dahil minsan na akong napalayo sa pamilya ko. Kaya tulad ng ginawa niya sa kanilang panahon ay tutulungan ko siya na malibang kahit papaano at maibsan ang pangungulila na nararamdaman niya. Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko na si Tonyo sa pintuan ng mansyon at tinanaw na lamang siya habang papalayo papunta sa likod ng mansyon. Sakto namang dating nina daddy at hinalikan ko siya sa pisngi. Tinanaw niya ang tinitingnan ko ngunit wala na si Tonyo. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Dumiretso na ako paakyat sa kuwarto ko para makapagbihis at makapagpahinga na. Nang makakain ako ng dinner ay minabuti ko na rin na maghanda na sa pagtulog. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi ko na dinaanan pa si Tonyo bago umalis dahil baka maabala ko ulit siya. Mamaya na lang siguro pag-uwi. I also know he’s doing fine dahil wala naman akong nakita kahapon na problema sa unang araw niya. Wala rin naman akong naririnig na reklamo mula sa mga kasama niya at maging kay daddy so I know for a fact that everything is going smooth. Muli ay mabilis lang na lumipas ang maghapong klase. Hindi na ako nakatanggi pa kina Riri at Cleo nang yayain nila ako na pumunta ng library. Baka kasi isipin nila na nagdadahilan na lang ako. Hindi pa kasi nila nakikilala si Tonyo kaya hindi ko pwedeng basta na lang sabihin sa kanila na kailangan namin mag-usap. Ayoko rin kasing ulanin ng tanong tungkol kay Tonyo. “Akala ko ay tatanggi na naman si Sabrina, e.” May himig ng pagtatampo sa tono ni Riri kaya napangiwi ako. Kahapon lang ako tumanggi sa pagpunta ng library ganito na sila. Paano pa kaya kung naisipan ko ulit na tumanggi ngayon. “She has gotten a boyfriend, what do you expect?” Cleo is obviously mocking me kaya inirapan ko sila. “Will you guys shut up? Uuwian ko kayo.” Inirapan nila ako at nag-make face pa. Sabay-sabay na kaming dumiretso sa library. Nag-log in lang kami at dumiretso na sa loob. Wala naman akong gagawin sa library. Kaya habang silang dalawa ay may mga napili nang basahin, ako ay nandito pa rin sa pagitan ng mga nagtataasang bookshelves at naghahanap ng babasahin. Dahil walang libro ang nakakuha ng atensyon ko sa aisle na ito ay lumipat ako sa pinakadulo kung nasaan ang mga history books. Nalula ako nang makita ang bookshelves na punung-puno ng original books na sinulat noong unang panahon. Bigla ko tuloy naalala ang mga bagay-bagay sa mundo nina Tonyo. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa mga libro at pagbuklat sa ilang pahina. These books are amazing. Karamihan sa mga nakita ko ay sinulat mismo gamit ang tinta at pluma. The old and classic way of writing. I can say na iba talaga ang impluwensya ng school na pinapasukan ko. Imagine getting these original handwritten books instead of any historical museum. Sabagay, ang especialty ng college division ay journalism kaya hindi na nakakapagtakha kung ang karamihan sa mga nandito ay alumni na naging tanyag na manunulat. Marami rin kaming libro sa bahay. Pero nasa opisina ng Lolo ko na isang historian. Si daddy na ang gumagamit opisinang iyon pero hindi ko naman na Marami pa akong nakitang libro. Karamihan ay tula. Nang maubos ko ang mga librong ini-scan ko sa shelf na abot ko ay naubusan na ako ng pwedeng gawin. Nalilibang pa ako sa ganitong gawain dahil kakaiba sa pakiramdam na makakita ng sulat-kamay ng isang ninuno. Kaya imbis na umalis ay tiningnan ko ang hagdan na ginagamit ng student assistant sa pagkuha at pag-aayos ng mga libro na nasa itaas na bahagi ng bookshelf. Bawal umakyat ang hindi authorized kaya siguradong papagalitan ako. Mabuti na lang at pinakadulo ang aisle kung nasaan ako kaya puwede akong hindi mapansin. Inayos ko ang hagdan upang masiguro na hindi ako makikita at safe na akyatan. Tulad ng pinlano ko ay tiningnan ko ang mga lumang libro na kanina ay hindi ko naabot. I unfold some pages na nakakakuha ng atensyon ko sa pag-scan. Dahil sa pagkalibang ay hindi ko namalayan na nakakailan na pala akong libro na nabubuklat. Kaya bumaba ako at iniurong sa ibang pwesto ang hagdan upang muling naghanap ng mabubuklat na libro. Isang libro ang nakita ko na sa title pa lang ay nakuha na ang atensyon ko. It is compilation of poems. Hindi ako mahilig magbasa ng epistolary pero napatitig ako rito. Binasa ko mula sa bookshelf ang nakasulat na title sa spine ng libro. ‘Para sa Iniibig Kong si Sixto’ ang malinaw na nakalathala. But the author’s name was faded. Upang mabasa nang ayos at magkaroon ng komportableng pwesto ay bumaba na ako ng hagdan. Tiningnan ko ang book cover at nagulat sa nabasa ko sa kung sino ang sumulat. ‘Para sa Iniibig Kong si Sixto, sinulat Herminia Domingo.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD