Kabanata 33

2111 Words
Kabanata 33 Sabrina’s POV Matapos ang ilang minuto naming pagpapahinga ni Tonyo ay kinuha ko na ang phone ko para i-search sa history ang tungkol sa pagkamatay ni Andres Bonifacio. Mas mabuti nang gawin ko na ito ngayon bago ko na naman makalimutan. “Ano ang iyong ginagawa, Sab?” tanong ni Tonyo. “Aalamin ko kung ano nga ba ang ikinamatay ni Andres Bonifacio. Ngunit huwag kang umasa na sasabihin ko sa iyo ang dahilan dahil baka makasama.” Alam kong hindi matatahimik si Tonyo hangga’t hindi siya nakakasigurado. Kung sa digmaan nga namatay si Andres ay sasabihin ko sa kanya. Pero hindi ang detalye kung saang digmaan at kailan. Sumandal si Tonyo sa backrest ng front seat habang pinapanood ako sa pagse-cellphone. I search for Andres Bonifacio’s biography at pumunta agad sa pagkamatay niya. Grade school pa lang ay intinuturo na ang ganitong bahagi ng ksaysaysan. Kaya hindi ko alam kung paano ko nakaligtaan ang isang ito. Para tuloy akong bumalik sa grade school na nagre-research sa talambuhay ng isang bayani na binigay sa akin ng guro. Nang marating ko ang dahilan ng pagkamatay ni Andres ay sinimulan ko itong basahin. At bigla akong nanlumo sa mga natuklasan ko. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kapait ang sinapit ng isang magiting na bayaning nagsimula ng himagsikan. Nakakapanlumo at mas lalong hindi ko na yata magagawang harapin si Andres Bonifacio dahil sa kahihiyan. Isang kapuwa niya Pilipino ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Nakakahiyang isipin na ipinaglalaban niya ang karapatan ng bawat Tagalog ngunit kababayan niya rin ang siyang sisira sa kanya. Ngayon ay alam ko na. Ang Rizal day ay pagdiriwng sa araw ng kamatayan ni Rizal. Ginugunita ang kanyang kamatayan upang alalahanin ang kanyang kabayanihan dahil namatay siya sa kamay ng mga mananakop. Ngunit ang Bonifacio day ay ang pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Andres. And now I know why. Dahil nakakahiya kung ipagdiriwang ang kanyang kamatayan kung hindi naman siya namatay dahil sa kabayanihan—kundi dahil sa pagpapapatay ng kapuwa niya Pilipino na inakalab niyang kasama niya sa paglaban sa mga mananakop. That is the reality and the poor life of Andres Bonifacio. “Bakit ganyan ang iyong hitsura?” tanong ni Tonyo at mabilis kong tinapos ang pagtingin sa cellphone. I turn off my phone at sinuksok muli sa bag. Nahirapan akong tingnan si Tonyo ngunit pinilit ko para lang siya makahalata. I forced a smile. “Wala naman, Tonyo. Tulad ng sinabi ko sa iyo ay hindi ko sasabihin.” Dinilaan ko si Tonyo na parang bata kaya napangiwi siya. I compose myself para maghanda na sa pagda-drive pabalik ng Cavite. Inayos kong muli ang seatbelt ni Tonyo. “Uuwi ka na ba, Sab?” tanong ni Tonyo nang magsimula akong mag-drive at tumango ako. “Maaari mo ba akong ihatid kahit sa tapat man lang ng simbahan ng Binondo? Nangangamba akong baka muling maligaw at mahirapan na ulit tayong magkita. Iyong tandaan, Sab na hindi ako lalayo roon at—” “Tonyo, hindi ka talaga lalayo dahil isasama kita sa amin.” “Ngunit Sab, hindi katanggap-tanggap ang iyong nais. Ano na lamang ang iisipin ng iyong mga magulang kung ako ay tutuloy sa inyo?” Hinintay ko talagang matapos si Tonyo sa kanyang mga litanya. In-expect ko na rin na naman kasi na magpoprotesta siya kahit hindi pa niya naririnig ang kabuuan ng mga plano ko. Sigurado na ako na tututol siya kaya naihanda ko na rin ang sarili ko. “Tapos ka na ba, Tonyo?” biro ko sinulyapan siya at masama niya akong tiningnan. Mabilis ko na lamang na ibinalik ang mga tingin ko sa dinaraanan namin. “Pwedeng ako naman?” I tell him pero hindi na rin siya nagsalita pa. “Hindi ka naman makikitira sa amin nang libre, Tonyo.” Gustuhin ko man na hindi na siya pagtrabahuhin ay hindi pwede dahil waa akong maidadahilan kay daddy kung bakit kinakailangan ni Tonyo na makitira sa amin Kaya naisipan ko na lang na pagtrabahuhin siya sa farm bilang isa sa mga trabahador ni daddy. Alam ko naman na sanay si Tonyo sa ganoong gawain. It is much better kaysa magpalabuy-laboy siya sa Maynila. Sobrang unsafe. At least dito ay may maayos siyang matutulugan at hindi pa ako mag-aalala dahil kilala ko ang mga makakasalamuha niya at mababait naman ang lahat ng trabahador sa farm ni daddy. “Ang ibig sabihin ay kinakailangan kong magbayad? Ngunit wala akong salapi, Sab. Alam mo naman iyon, hindi ba?” Hindi ko mapigilang matawa sa pagiging paranoid ni Tonyo. Sobra talaga siyang nahihiya. Hindi niya alam na sa panahon ngayon ay pakapalan na ng mukha ang labanan. “Hindi kinakailangan magbayad, Tonyo. Ikaw pa nga ang babayaran namin kung tatanggapin mo ang iaalok ko sa iyong trabaho.” Tonyo’s face lightens up when I said I have a job offer for him. “Kung gayon ay bibigyan mo ako ng trabaho, Sab?” tanong niya at tumango ako. “Ngunit wala akong nalalaman sa mga gawain sa panahong ito. Kaya hindi ko alam kung akin bang magagawa nang tama ang kung anumang hanap-buhay ang ibibigay mo sa akin.” Bagsak ang kanyang balikat at mabilis nawala ang kaninang pag-asa sa kanyang mukha dahil lamang sa alam niya na wala siyang nalalaman sa panahong ito. “Trabaho sa bukid ang ibibigay ko sa iyo, Tonyo. Mayroon din kaming malawak na taniman ng gulay at prutas. Maaari kang magbuhat ng mga naaning produkto.” Sa isang iglap lang ay bumalik ang liwanag sa kanyang mukha. “Ayos lamang ba sa iyo ang magtrabaho sa bukid, Tonyo?” “OO naman, Sab. Walang masama sa gawaing iyon. Iyo marahil nalilimutan na akoo ay nagsasaka sa aming panahon.” Napangiti ako sa sinabi ni Tonyo. He’s definitely the most charming farmer I’ve ever known. Especially with his salakot. “Kung gayon ay tinatanggap mo ang trabahong alok ko?” Tumango si Tonyo. “Maraming salamat, Sab. Hindi ko yata alam ang gagawin ko kung hindi kita nakilala sa panahong ito.” Gusto ko sanang sabihin na ganoon din ako sa kanya pero nananahimik na lamang ako at nagpatuloy sa pagda-drive sa isang ma-traffic na kalsada. Gustuhin ko man din sanang sabihin na ibinabalik ko lang sa kanya ang mga kabutihang ginawa niya sa akin noong mga panahong nasa kanilang panahon kami pero ayokong isipin niya na isang malaking pagtanaw ng utang na loob lamang ang mga ginagawa ko sa kanya at isang pagbawi sa pangit na trato ko sa kanya noong simula. Gusto kong maramdaman ni Tonyo that I really care for him kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Wala na rin naman akong magiging problema kay daddy dahil alam kong hindi niya ako tatanggihan. Nangangailangan din kasi talaga siya tauhan sa farm and Tonyo is on the right time. Alam ko rin naman na hindi niya ako bibiguin. Dahil hindi lang ako ang magtitiwala sa kanya. Alam ko na mapagkakatiwalaan din siya ni daddy in no time. Hapon na at halos magdidilim na rin nang makapasok ang sasakyan ko sa mansyon. Bumaba kami ni Tonyo ng sasakyan at niyaya ko siya sa loob. Nakita kong muli ang pagkamangha sa mukha ni Tonyo nang libutin niya ng tingin ang kabuuan ng aming mansyon pagtapak niya pa lang sa loob. “Tunay bang dito ka nakatira Sab?” tanong niya. “Oo, Tonyo. Bakit?” ganting tanong ko. “Napaisip lamang ako sa kung paano mo napagtiyagaan ang iyong tinutuluyang bahay kubo sa aming panahon gayong napakalayo ng hitsura at laki ng bahay na iyo sa bahay na ito.” Napangiti ako sa sinabi ni Tonyo dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano. “Maging ako man ay hindi ko alam kung paano. Ngunit ganoon yata talaga kapag wala ka nang ibang pagpipilian.” Huminga ako nang malalim at dinala si Tonyo sa kusina. Hinanap ko roon si Manang Elsa. Ngunit pagdating namin ng kusina ay hindi si Manang Elsa ang nandoon. Kundi si daddy. Hahanapin ko lang naman sana si Manang Elsa upang ipakilala si Tonyo at itanong ang oras ng uwi ni daddy. Pero mukhang nagkataon na maagang nakauwi si daddy mula sa trabaho. “Hi, dad!” bati ko at hinalikan siya sa pisngi. “Hi, sweetheart and…” He looks at Tonyo na naiwan pala sa pinto ng kusina. Kaya binalikan ko pa siya at hinila palapit kay daddy na kasalukuyang nakatayo sa may mesa at nagsasalin ng tubig sa baso. He’s still on his suit kaya halatang kadarating niya lang din. “This is Tonyo, dad. A very good friend of mine.” Pakilala ko kahit pa alam kong hindi naman iyon naintindihan ni Tonyo. Uminom si daddy at nilagok at tubig sa baso. “Hi!” bati ni daddy at naglahad ng kamay kay Tonyo. Kinuha ko ang kamay ni Tonyo at iniabot kay daddy. Natawa si daddy dahil sa ginawa ko at umiling. “Magandang gabi sa iyo, ginoo,” bati naman ni Tonyo nang bitiwan ni daddy ang kamay niya. My dad raises an eyebrow at halatang dahil iyon sa pananalita ni Tonyo. Sino pa ba ang gumagamit ng salitang ginoo sa isang casual na introduction? “May gagawin ba kayo rito, anak?” tanong na lamang ni daddy at pinagsawalang kibo na lamang ang uncommon words na narinig kay Tonyo. “Yes, dad. May ipapakiusap po sana ako sa iyo.” Nginitian ko si daddy at sinenyasan ako na magsimulang magsimulang magsalita. “I just heard dad na nangangailangan kayo ng tao sa farm?” pasimula ko at tumango si daddy. “Yes, sweetheart,” sagot ni daddy. “May nahanap na po ba kayo?” tanong ko pa. At natuwa ako nang umiling si daddy. “Wala pa, anak. Why?” “Can we hire Tonyo, dad?” I batted my lashes at muling napataas ang kilay ni daddy. He’s probably wondering kung paano ko naging kaibigan si Tonyo na mamamasukan bilang isang trabahador sa farm. Not that my dad is judging Tonyo by his job. Siguro ay hindi lang niya akalain kung nagbabase siya sa circle of friends na mayroon ako. All of my friends came from elite families. “Okay, but…marunong ba siya sa mga gawain sa farm?” tanong poa ni daddy at buong kumpyansa akong tumango. Alam ko naman na hindi ako ipapahiya ni Tonyo sa pag-recommend ko sa kanya kay daddy. Nakita ko ang sipag niya sa trabaho sa kanilang panahon. “Yes, he knows, dad. Please hire him…for me?” Nagkibit balikat si daddy at tumango. Bigla akong napapalakpak at niyakap si daddy. Nagtatakha naman kaming pinanood ni Tonyo na walang kamalay-malay na may trabaho na siya. “Puwede ko na po ba siyang ihatid sa tutuluyan niya?” tanong ko at muling tumango si daddy. Nagpaalam na kami sa kanya at hinila ko si Tonyo sa likod ng mansyon kung saan tumutuloy ang mga trabahador ng farm. I introduced him to them at hinabilin na siya sa kanila. Pinakiusapan ko na sana ay pakisamahan nila si Tonyo nang maayos dahil sa kaibigan ko siya. Turuan siya ng mga dapat niyang matutunan dahil alam ko naman na madaling matuto si Tonyo sa mga bagay-bagay. Bumalik na ako sa mansyon at doon na muna nag-stay. Hanggang sa kumain at mahiga sa kama ko ay magaan ang loob ko. Ilang araw na rin mula nang makabalik ako rito pero ngayon lang ulit gumaan ng ganito ang pakiramdam ko. Ngayon ay payapa na ang isip ko at makakatulog na ako nang mahimbing knowing that Tonyo is safe at may maayos na matutulugan. Hindi ko na rin iispin kung nakakakain ba siya nang maayos at tama sa oras dahil hindi naman pinababayaan ni daddy sa pagkain ang mga trabahador namin sa farm. Kinabukasan ay hindi ko na ramdam ang bigat sa dibdib pag-aalala paggising ko. Maaliwalas ang gising ko at dumiretso na sa bathroom para maligo. Nag-asikaso ako at nagbihis ng uniform. May pasok pa ako pero pupuntahan ko muna si Tonyo mayamaya bago umalis. Bumaba na muna ako sa kusina at naroon na sina daddy at Farida. They are waiting for me para sabay-sabay na kumain. “Ang aga mo yata, ate?” tanong ni Farida nang naupo ako sa tapat niya na aking pwesto sa tuwing kakain. “I’ll visit my friend Tonyo bago pumasok.” Inamoy ko ang mabangong kape at humigop nang kaunti. “The one I saw awhile ago?” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. She saw Tonyo already? “Yes, sweetheart. That was him.” Napatingin din ako kay daddy at tiningna niya rin ako. “Nasa patio kami ng kapatid mo kanina. Pasikat pa lang ang araw pero papunta na agad siya sa farm. He must must be excited to go to work,” biro ni daddy at ngumiti. Maaga rin naman nagsisimula ang ibang trabahador pero iba kasi talaga ang aga ng simula ng trabaho ni Tonyo sa kanilang panahon. Binilisan ko na sa pagkain para mapuntahan ko na agad si Tonyo sa farm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD