Kabanata 32

2086 Words
Kabanata 32 Sabrina’s POV “Sabrina, makinig ka sa akin…” Kinuha ni Tonyo ang atensyon ko nang ma-realize niya na hindi ako nakikinig sa kanya at hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Tiningnan ko siya at ganoon pa rin ang expression niya. He is still so damn serious at may pagbabanta sa kanyang mga mata na kinakailangan ko siyang pakinggan. “Huwag mong ilagay ang sarili mo sa tiyak na kapahamakan.” Hindi ko ako sumagot. Bagkus ay inayos ko mula sa tray ang mga pagkain namin. Inilagay ko sa tapat niya ang mga pagkain na in-order ko para sa kanya. Nagsimula na akong kumain at ganoon din siya. Hindi ko pinigilan si Tonyo na kamayin na lamang ang kanyang pagkain dahil alam ko naman na doon siya mas makakakain nang ayos. Baka mahirapan siya sa paggamit ng kutsara’t tinidor. Hindi naman niya kasi nakasanayan na kumain gamit ang mga ito. Maganang kumain si Tonyo kaya alam kong gutom siya. Tama lang talaga na hindi ko siya pinaniwalaan kanina na hindi siya nagugutom. “Saan ka kumukuha ng pagkain nitong mga nagdaang araw, Tonyo?” tanong ko. Sana naman ay huwag niya sabihin na namamalimos siya o nagkakalkal ng pagkain sa kung saan. Hindi yata iyon maaatim ng konsensya ko. “Pumayag ang isang matanda na magtinda ako ng kandila at sampaguita sa tapat ng simbahan at binibigyan niya ako ng bahagi ng napagbentahan.” Nakahinga ako nang maluwag nang mapag-alaman na sa maayos nanggaling ang pangkain niya. “Mabuti na lang at doon ka lang nagtrabaho, Tonyo. Mabilis tayong nagkita.” Tumango siya at nginuya muna ang aman ng kanyang bibig bago ito nilunok. “Oo, Sab. Sa simbahan ng Binondo ko talaga piniling maghanap ng pagkakakitaan dahil nga baka makarating sa iyo ang aking mensahe. Naisip ko na oras na lumayo ako ay hindi tayo magkikita.” Mabuti na lamang talaga at naisip din ni Tonyo ang bagay na ito. Nagpatuloy ang maganang pagkain ni Tonyo. Sa sasakyan ko sana planong kumain kanina at mag-drive thru na lang pero naisip ko rin na baka mahirapan si Tonyo at masikipan sa pagkilos. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at lumabas na rin. Iniisip ko kung saan muna dadalhin si Tonyo dahil maaga pa naman. Gusto ko sanang maipasyal si Tonyo dito sa Maynila dahil madalas kami rito sa panahong pinanggalingan niya. Hindi ko rin ganoon kakabisado ang Maynila kaya kinuha ko ang cellphone. I mounted it in front of me nang maiayos ang google map. I searched for Bonifacio Shrine. Gusto kong ipakita sa kanya pinakamalaking monumento ng isa sa mga tinuturing na pambansang bayani na si Andres Bonifacio. I know Tonyo is a big fan of him kahit pa isang simpleng tao pa lamang siya. Tinitingala siya ni Tonyo dahil sa tapang at advocacy niya. Hindi naman nagkamali si Tonyo sa pagpili ng kanyang titingalain. Tinutularan niya si Gat Andres at alam kong matutuwa siya oras na malaman niyang kinikilala ng henerasyon ko ang bayaning si Andres Bonifacio. Bago ko buhayin ang makina ng sasakyan ko ay inayos ko muna ang seatbelt ni Tonyo. Habang inaayos ko ito ay tiningnan ko siya. Kumunot ang noo niya at alam kong dahil iyon sa distansya sa pagitan namin. I just smiled at him kaya mas lalong kumunot ang noo niiya. Nang mapansin ko na ang pagkailang sa mukha niya ay natatawa akong lumayo. Sinamaan niya ako ng tingin dahil alam niyang binibiro ko siya at pinagti-tripan. I just started the engine at nagsimula na sa pagda-drive. “Hindi ko mawari ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon. Tila labis ang kapusukan na kanilang taglay,” bulong ni Tonyo na halatang pinaparinig talaga sa akin kaya napahagalpak ako ng tawa. Iiling-iling naman si Tonyo na sa bintana na lamang ibinaling ang paningin. “Ano pala ang nangyari sa kastilang nag-aamok noong gabing iyon?” pag-iiba ko sa usapan nang maalala ang tungkol sa baliw na kastilang iyon. “Bago ako mapadpad rito ay napag-alaman kong lango sa alak ang dayuhang iyon kaya ganoon na lamang ang kanyang mga ikinilos.” Though Spanish that days are really cruel, iba ang kahibangan ng isang iyon. And that’s explain why. Saglit kaming nabalot ng katahimikan. “Saan tayo paroroon, Sab?” tanong niya. He’s obviously sleepy. Kaya pala siya biglang nanahimik. Siguro ay dahil wala siyang maayos na natutulugan nitong mga nagdaang gabi kaya mukha siyang puyat. Halata rin kasi sa boses niya. At isa sa dapat kong pag-isipan ay kung saan ko patutuluyin si Tonyo. Hindi naman puwedeng basta ko na lang siya dalhin sa bahay at ipaalam kay daddy na doon siya mananatili nang ilang araw. Malamang hindi iyon papayag at baka kung ano pa ang isipin niya tungkol kay Tonyo. Ayoko namang mapasama si Tonyo sa paningin ni daddy dahil baka mas lalo kaming mahirapan makapagkita ni Tonyo kung pagbabawalan kami ni daddy. Pero hangga’t maaari ay gusto kong nasa poder ko si Tonyo. Ang tanging naiisip kong paraan para hindi mapalayo sa akin si Tonyo at mabantayan siya kahit pa araw-araw ay ang posibilidad na pagtatrabaho niya farm namin. Karamihan sa trabahador namin ay tumtuloy sa likod ng mansyon namin na pinasadya ni daddy para sa kanila. Naalala kong naghahanap si daddy ng dagdag na tauhan dahil panahon na naman ng anihan. Ang ilan sa mga gulay at prutas sa farm ay sinisimulan na nilang anihin. “Maghintay ka lamang, Tonyo. Sigurado ako na magugustuhan mo ang lugar na pagdadalhan ko sa iyo.” Dahil sa sinabi ko ay hindi naman na nagtanong pa si Tonyo tungkol sa pupuntahan namin. Mabuti na lamang at pinagkatiwalaan niya ako na magugustuhan niya iyon. Na siyang dapat lamang dahil pinag-isipan kong mabuti kung saan siya dadalhin. “Nandito na tayo, Tonyo.” Nag-park ako sa hindi kalayuan at bumaba kami ni Tonyo. Hinila ko siya papunta sa isang malaking monumento. Sa una ay nagtatakha si pa si Tonyo sa kung anong ginagawa namin dito at kung anong mayroon sa lugar na ito. Kaya pumwesto ako sa likuran niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Saka ko siya iniharap sa bantayog ni Gat Andres. Tiningala ito ni Tonyo at ilang segundo rin siguro ang lumipas nang ma-realize niya ang malaking bantayog na kanyang tinitingala. Ngayon ay literal niyang tinitingala si Andres Bonifacio. “K…K…K…” namamangha niyang binasa ang nakasulat at tumabi ako sa kanya. Tumango ako at tumango. Tiningnan ko ang reaction ni Tonyo at tila unti-unting nagsi-sink in sa kanya ang kinatatayuan namin. “Napakalaki ng pagkilala ng bansang ito sa KKK, Tonyo. Ang pangkat na kinabibilangan mo,” sabi ko at ngumiti sa kanya. “At kinabibilangan mo, Sab. Ikaw ay bagahi ng Katipunan, hindi ba?” Nginitian ko si Tonyo at tumango ako. Oo, kasapi ako ng Katipunan. Kaya iba rin sa akin ang epekto ng pagtapak ko rito sa monumentong ito. Para talaga akong bumalik sa nakaraan. Damang-dama ko ang hirap at pasakit na pinagdaanan ko at ng kapwa ko tagalog. Muling tinanaw ni Tonyo ang bantayog at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. “Ngunit bakit sila nakasuot ng balintawak?” tanong niya. “Hindi ba at nasabi ko noon na iyang kasuotan na iyan ang naging pagkakakilanlan ng nga katipunero?” Tumango si Tonyo nang maalala ang mga sinabi ko noon sa kanilang panahon. Bigla tuloy akong na-curious kung bakit nga naging ganoon ang trademark ng mga Katipunero gayong matagal na pala na ganoon ang kasuotan ng mga pumupunta sa kapistahan ng kanilang patron santo na si San Bartolome. “Ang lalaking nasa gitna…” sambit ni Tonyo at tumango ako. Napangiti siya. “Oo, Tonyo. Si Ka Andres nga ang matapang na lalaking iyan.” Mas lalong lumapad ang mga ngiti ni Tonyo dahil sa kumpirmasyon ko. Mas inilibot pa ni Tonyo ang kanyang tingin sa kabuuan ng monumento upang tingnan ang bawat detalye. “Tingnan mo, Sab. Tila ang kaibigan kong si Emilio ang isangng iyon.” Itinuro ni Tonyo ang isang bahagi. Hindi ko napag-aralan at na-search ang iba pang mga bayaning nandito kaya hindi ko sigurado ang sinasabi niya. Pero kung titingnan nga ang tinutukoy niya ay para ngang nahahawig kay Emilio Jacinto ang isang iyon. “At iyon…” Itinuro pa niya ang isang bahagi. “Tila ako ang isang iyon!” Tinitigan kong mabuti ang mga tinutukoy niya at napangiti ako nang ma-realize na maaaring si Tonyo nga ang nasa isang bahagi ng monumento. “Kung gayon ay bahagi ako ng kasaysayan, Sab. Nakatutuwa naman.” Hindi nga maitago sa mga mata ni Tonyo ang tuwa sa kanyang natatanaw. Tama nga lamang ang desisyon ko na dito siya unang dalhin. Hindi ko rin naman alam na kasama siya sa mga nanditong bayani. Pero deserve din naman ni Tonyo ang maihanay sa mga kilalang bayani. Tulad nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay naiiba rin talaga ang pagnanais niya na mapalaya ang bayan. Ang kanyang tapang ay maihahalintulad sa tapang ni Bonifacio. “Iyan ang bunga ng iyong pagsusumikap na mapalaya ang bayan, Tonyo.” Tumango si Tonyo at mas lalo kong nakita sa kanyang mga mata ang pagnanais ipaglaban ang bayan. “Ngunit mayroon mang ganitong klaseng pagkilala o wala ay akin pa ring ipagpapatuloy ang pakikibaka.” Tumango ako kay Tonyo. Maging ako man ay ipagpapatuloy pagsapi sa Katipunan kahit pa nandito na ako sa panahong ito. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa panahon nina Tonyo ngunit kung makakabalik man ako ay hinding-hindi ako titiwalag sa pangkat. “Sa tapang ni Ka Andres, nasisiguro ko na isang madugong digmaan ang naging dahilan ng kanyang pagkasawi.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Tonyo. Pero iyon din ang hinala ko. Na sa isang madugong digmaan siya namatay. Hindi ko pa kasi nase-search pero siguro naman ay ganoon nga iyon. Mukhang bata pa si Andres Bonifacio nang mamatay kaya hindi dahil sa katandaan. Malusog din naman ang kanyang pangangatawan kaya imposibleng sa isang sakit at malubhang karamdaman. Ngunit dahil hindi ako sumagot ay tila naghihintay si Tonyo ng kumpirmasyon mula sa akin na magsasabing sa isang digmaan nga namatay ang matapang na bayani. “Sa totoo lang ay hindi ko pa nalalaman ang tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Ka Andres. Hayaan mo, Tonyo mamaya pagbalik natin ng sasakyan ay agad kong aalamin.” Ngumiti si Tonyo at ginulo ang aking buhok. Muli na lamang niyang tinanaw ang monumento. I hold my instax camera na nakasabit sa aking leeg. “Kukuhanan kita ng larawan, Tonyo.” Noong una ay hindi alam ni Tonyo ang gagawin ngunit nang ipwesto ko na siya sa tapat ni Andres Bonifacio ay umayos naman siya ng tayo. Lumayo ako para makuhanan si Tonyo kasama ang buong Bonifacio Shrine. Nang ma-click ko ang camera at lumabas ang film ay hinintay kong mag-appear ang larawan ni Tonyo. Iniabot ko ito sa kanya at ipinakita. Namamangha naman niya iyong tiningnan at alam kong nagustuhan niya iyon. Para siyang isang fan boy na nagkaroon ng chance na magkaroon ng picture kasama ang kanyang idol. Biut he can be the luckiest fan boy dahil nakakasalamuha niya ang kanyang idol. “Napakainam, Sab. Ngunit maaari bang magkaroon din tayo ng ating larawan na tulad nito ay aking mahahawakan?” sabi niya. “Oo naman’ Tonyo.” Tinaas ko ang camera at pinangiti si Tonyo tulad ng ginawa namin sa Puno ng Soberanya. Nang lumabas ang aming larawan ay agad ko iyong iniabot sa kanya. Agad naman niyang tinago sa kanyang damit ang dalawang larawan. Matapos ang ilan pang minuto na pagtambay namin ni Tonyo sa monumento ay bumalik na kami sa sasakyan. Kahit nasa loob na kami at nagpapahinga na ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa labi. At natutuwa ako na nagustuhan niya ang munti kong sorpresa. “Maraming salamat sa araw na ito, Sab. Labis akong nasiyahan.” I smiled at Tonyo. “Natutuwa ako na nagustuhan mo ito, Tonyo. Nais ko lang din kasing bumawi dahil hindi naging maayos ang pakikitungo ko sa iyo noong unang beses na mapadpad ka rito.” Natawa si Tonyo nang tila ay maalala ang tagpong tinutukoy ko. “Kung saan halos mabunggo mo na ako ng sasakyang iyong minamaneho na hindi hamak na mas malaki pa rito?” Sabay kaming tumawa ni Tonyo dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na parang kailan lang iyon. Pero totoo naman na kailan lamang iyon. Wala pa yatang dalawang linggo. Hindi ko na kasi talaga alam kung kanino timeline ang susundin. Nandito kasi ako sa aking original timeline pero maraming nangyari sa akin sa ibang panahon kaya hindi ko masasabi na kailan lamang ang mga nanyari dahil hindi biro ang paglagi ko roon ng mahigit sa isang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD