Kabanata 31

2085 Words
Kabanata 31 Sabrina’s POV It’s Monday today at wala pa rin akong balita na natatanggap mula sa secretary ni Father Sixto. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang bawat araw nang hindi nakikita si Tonyo. I am so damn worried. Kaya nililibang ko na lang ang sarili ko mga bagay na puwede naming gawin kapag pinagbigyan ng pagkakataon muli kaming magkita. Sinusubukan kong mag-focus sa pakikinig sa teacher sa unahan pero sobrang nahihirapan ako. Kaya nang matapos ang first subject namin ay minabuti ko na munang mag-cellphonr para mas malibang ako. I bought this new phone of mine noong nag-shopping kami nina Riri at Cleo last Saturday. Ang cellphone ko kasi ay naiwan sa ibang panahon so I had to buy one para may magamit in case of emergency. Mula nang makabalik ako sa panahong ito ay hindi pa ako nakakapagbukas ulit ng anumang social media accounts na mayroon ako. Hindi ko na rin naman hinahanap-hanap ang ganitong mga bagay. Sanay na ako na walang cellphone. For emergency use na lang talaga ang purpose ng binili kong cellphone. Pero ngayon ay kinakailangan kong magbukasng f******k para sana maglibang. I log in at nag-check ng notifications. Maraming mga bagong dating na friend requests na siyang pumuno sa notification ko. I checked all of it dahil baka may mga personal akong kakilala. Hindi kasi ako nag-a-accept ng mga hindi ko naman kakilala. Mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon lalo pa’t sa online mo lang naman nakilala. Kaya auto-reject sa akin ang mga nagse-send ng friend request na wala man lang akong idea kung sino ba sila. Nag-scroll ako para maghanap ng mga kakilala. Hanggang sa napahinto ako sa pag-scroll dahil sa nakita at nabasa kong pangalan. ‘Antonio Burgos’ Agad kong binuksan ang nakita kong account pero wala itong profile picture. Wala ring mga post at mas lalong wala man lang kahit isa ang nasa kanyang friend list. Pero iba na ang kutob ko sa isang ito. Bakit naman niya makikilala si Tonyo at bakit naman ako i-aadd. Nakalagay rin sa kanyang account na ginawa ito this July lang. Just to be sure, I go to his inbox at nagulat ako dahil nasa message request ko siya. At doon ay nabasa ko ang message niya. ‘Magandang araw, Sab. Maaari bang magkita tayo sa simbahan ng Binondo? Hihintayin kita.’ I check the date kung kailan niya sinend ang message na iyon at nanghinayan ako dahil two days ago pa iyon. He probably inbox me pagkagawang pagkagawa niya ng account. Pero walang kasiguraduhan kung si Tonyo nga ito. Hindi na rin naman kasi nasundan ang message na iyon. Pero kahit wala akong pinanghahawakan at walang kasiguraduhan kung si Tonyo nga ba iyon o hindi ay agad kong dinampot ang bag ko at tumayo mula sa aking pagkakaupo. “Where are you going?” tanong ni Riri nang sabay silang napatingin sa akin ni Cleo. “I need to go home, girls. Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Pakisabi na lang kay sir,” I lied para lang hindi na humaba pa ang usapan. “Pero Sab—” Pipigilan pa sana ako ni Cleo pero nagsimula na akong humakbang palabas ng classroom. Hindi ko na pinakinggan ang mga tawag nila hanggang sa makalayo na ako at makarating sa parking lot. Sumakay agad ako at nag-drive palabas ng campus. My knuckles turn white as tightened my grip on the steering wheel of my car. Naramdaman kong nanginginig din ang magkabila kong paa. And all of these are happening because of the anticipation I am feeling. I am so anticipated to see Tonyo. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap sa f******k at kung paano siya natuto nun. I still want to push my luck. Ayokong pakawalan ang lahat ng opportunity na makita si Tonyo kahit pa hindi sigurado kung may mapapala ba ako o wala. At least I tried. But the message was sent two days ago. Kung siya nga si Tonyo, sana ay naroon pa rin siya dahil wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Wala siyang ibang matutuluyan kaya sana ay hindi na siya lumayo pa para mabilis ko siyang makita. Dahil sa kagustuhan kong makita agad si Tonyo ay binilisan ko ang pagda-drive. Mahalaga ang bawat oras dahil oras na mahuli ng kahit isang minuto ay maaaring makalayo na naman sa akin si Tonyo. Ngunit kahit anong pagmamadali ko ay mapapatagal pa yata ako dahil sa traffic. Lalo pa at Monday ngayon na simula ng trabaho at pasok sa opisina. Rush hour pa. After feels like century, narating ko rin ang Maynila. Mabuti na lamang ang alam ko ang daan papunta sa Binondo church kaya hindi na ako nahirapan pa na marating iyon. Nag-park ako sa isang carpark malapit sa simbahan at bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam klung saan magsisimula sa paghahanap kay Tonyo. Kaya pumasok na lamang muna ako sa loob ng simbahan at nagtirik ng kandila para humingi ng tulong at gabay sa itaas upang matapos na ang paghahanap ko kay Tonyo. Pagtapak ko pa lang sa loob ng simbahan ay may mga alaala agad na pumasok sa aking isipan. Naalala kong dito ikinasal ang mag-asawang bayani na sina Gat Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. At nakatutuwang isipin na personal kong nasaksihan ang makasaysayang kasal na iyon at isa ako sa mga invited. I even got invited sa dalawang kasal nila. Isa sa simbahan at isa sa ilalim ng Katipunan rites. I go to the last pew at doon lumuhod. Tiningala ko ang crucifix sa gitna ng altar at yumuko upang magdasal. Doon ko sinabi sa Diyos ang nag-iisa kong hiling sa mga oras na ito. Nakiusap ako na sana ay pagbigyan na niya ako. Nagmulat ako at nag-sign of the cross. Nang pag-upo ko sa pew para sana magpahinga sandali bago simulan ang paghahanap kay Tonyo ay pansin at naramdaman kong mayroon pala akong katabi. Bago kasi ako lumuhod ay alam kong ako lang ang nasa pew dahil iilan ang din naman kasi ang laman ng simbahan dahil Lunes nga ngayon. Nang tingnan ko ang tumabi sa akin ay halos malaglag ang panga ko dahil tila binigyan agad ng kasagutan ng Diyos ang hiling ko. Tiningnan kong muli ang malaking crucifix sa gitna ng altar at lihim na nagpasalamat. Tumulo na lamang din bigla ang mga luha ko dahil sa sobra-sobrang pasasalamat. Binalik ko ang tingin ko sa aking katabi. I just make sure na hindi ito isang panaginip lang at hindi rin isang apparition. In front of me is Tonyo, smiling. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at napatunayang totoo nga siya. Bigla na lamang akong napayakap sa kanya. I’ve never been this relief. “Magandang umaga sa iyo, Sab,” sabi niya matapos ko siyang yakapin. “Tonyo, totoo ba ito? Nandito ka rin sa panahon ko?” tanong ko at tumango siya. “Hindi ko alam kung paano, Sab. Ngunit oo, nandito rin ako sa iyong panahon. Ilang araw na rin akong nandito.” Tumango ako. Alam kong ilang araw na siyang nandito dahil nasabi noon sa akin ng assistant ni Father Sixto na halos magkasunod lang kami ni Tonyo na lumabas ng kwarto. At hindi man lang ako nakagawa ng paraan para mahanap siya. “Sandali, kumain ka na ba?” tanong ko. Iba na ang damit ni Tonyo at hindi tulad ng mga sinusuot niya sa kanyang panahon. Nakasuot siya ng pambahay at tsinelas. “Ang huling kain ko, Sab ay kagabi. Ngunit hindi pa naman ako nagugutom,” sabi niya pero umiling ako. Hindi puwede sa akin ang sagot niyang iyon kaya minabuti kong tumayo na at hinili rin si Tonyo patayo. Hiindi naman na siya nagmatigas pa dahil hindi rin naman niya alam kung anong pinaplano ko. Dinala ko si Tonyo sa aking sasakyan at pinasakay siya sa front seat. Pag-ikot at pagsakay ko sa driver’s seat ay nakita kong namamangha niyang nilibot ng tingin ang loob ng sasakyan ko. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa reaction niya. “Nagustuhan mo ba, Tonyo?” tanong ko at saka ko lang ulit nakuha ang atensyon niya. "Nakamamangha, Sab. Ganito pala ang loob ng mga sasakyang natatanaw ko rito.” Tumango ako sa kanya. Sa dami ba naman ng sasakyan sa panahong ito ay malamang na ma-curious siya sa loob nun. At ngayon ay hindi lang labas ng sasakyan ang nakikita kundi nakapasok pa siya sa loob. Hindi ko mapigilan mapangiti sa nakakatuwa niyang reaction. Marami pa akong planong ipakita kay Tonyo. Marami pa akong planong pagdalhan sa kanya. Pero sa ngayopn ay maghahanap muna ako ng pinakamalapit na pwede naming kainan. McDonalds ang kainan na pinakauna naming nakita kaya iniliko ko agad ang sasakyan at nag-park. Maraming tao na sa loob dahil tanghali na rin at oras ng kainan. Mabuti na lamang at may napuwestuhan pa kami ni Tonyo. “O-order lang ako,Tonyo. Babalikan kita agad.” Napakunot ang noo niya dahil sa unang salitang sinabi ko pero ngunitian ko na lang siya. “Ngunit pakiusap, huwag na huwag kang lalayo,” sabi ko at tumango naman siya. Nagkaroon na yata ako ng trauma sa pagkawala ni Tonyo kaya nakiusap na ako sa kanya na huwag na niyang tatangkaing lumayo pa. Ngunit kahit pa sumang-ayon siya sa sinabi kong huwag siyang lalayo ay hindi pa rin ako napanatag. Kaya kahit nakapila na ako sa counter ay binabantayan ko pa rin siya ng tingin. And Tonyo is quietly looking at outside the glass wall. Pinapanood niya ang mga nagdaraang mga tao at sasakyan. He’s obviously not comfortable with everything that surrounds him pero wala naman akong magawa. Sa una talagaay ganyan ang mararamdaman niya dahil ganyan din ako noon sa kanilang panahon. Pero nakasanayan ko na rin ang lahat dahil na rin sa tulong ni Tonyo. At iyon din ang gagawin ko. Tutulungan ko siyang makasanayan ang buhay rito habang nandito siya. Tutulungan ko siyang mapanatag ang kanyang pag-iisip. Hindi ganoon kadali pero tutulungan ko siya. I tell my to the cashier at binigyan ako ng numero. Bumalik ako sa table kung saan ko iniwan si Tonyo. Muli lamang nabaling ang tingin niya rito sa loob nang umupo ako sa tapat niya. “Five to ten minutes daw, Tonyo,” sabi ko na pinapatungkulan ang dating ng order namin. Muli ay napakunot noo niya. “Dadalhin na rito mayamaya ang pagkain natin. Mahihintay mo pa ba?” tanong ko at tumango siya. “Oo naman, Sab. Ang masama ay ang paghintayin ang grasya.” Ngumiti ako. Siya nga si Tonyo na kaibigan ko mula sa nakaraang siglo. “Maiba ako, Tonyo. Paano mo ako nahanap sa f******k?” tanong ko. “Kung ang iyong tinutukoy ang isang kasangkapan na mayroong iyong larawan, ako ay nagpatulong lamang sa isang paslit kapalit ng barya.” Napakunot ang noo ko. “Paano?” “Ipinagtanong ko kasi sa aking nakakasalubong at isang bata ang napagtanungan ko. Ang sabi niya ay mas mapadadali ang paghahanap ko kung idadaan ko sa tinatawag ninyong Facebook.” Napangiti ako. I can't imagine Tonyo looking for a girl here in Manila who actually resides in Cavite. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng bata na gumawa ng f******k account. At sigurado rin ako na ang batang iyon ang nag-type ng message niya. Sa isang computer shop din siguro siya dinala ng bata kaya nangailangan ng barya. And I should be grateful with that kid dahil napakalaking tulong ng ginawa niya para muli kaming magkita ni Tonyo. “Ako’y labis na nagagalak at nagpapasalamat na tayo ay muling nagkita.” I smiled at him dahil ganoon na lang din kasi ang pasasalamat ko. “Ako man, Tonyo ay labis ang pasasalamat.” He smiles back pero unti-unti ring nawala ang mga ngiti niya nang tila ay may naalala siya. “Ngunit hindi ako natutuwa sa iyong ginawa, Sab.” Tinaasan ko siya ng kilay. Anomg ginawa ko ang hindi niya kinatuwa? Ang paghahanap sa kanya? “Anong ibig mong sabihin, Tonyo?” naguguluhang tanong ko. Hindi man lang ba niya na-appreciate ang mga effort ko? I even have my class today pero mas pinili ko siyang puntahan. “Ang dapat sana’y pagsalo mo ng tama ng baril gamit ang iyong katawan. Kung ikaw ay hindi biglang naglaho ay maaaring natuluyan kang tamaan.” Naalala ko ang sinabi ni Tonyo at iyon pala ang tinutukoy niya. “Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung mayroon mang masamang nagyari sa iyo, Sab.” I look at Tonyo and he’s so serious. Nahirapan akong salubungin ang kanyang mga mata kaya nabaling ang tingin ko sa crew na may dala ng tray na may pagkain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD