Kabanata 30

2101 Words
Kabanata 30 Sabrina’s POV Nagpatuloy ako ng pagtingin sa shop. Tulad ng sinabi ng assistant ay nagtingin din ako ng pwedeng mabili. Kahit pa antigo na ang mga ito ay hindi naman ganoon kamahal. Hindi tulad ng sa ibang antique shop na kapag mas matagal at mas matanda na ang isang gamit ay nagiging mas mahal. Nakapdende sa tanda ang halaga ng mga gamit. “Alam mo ba Miss Sab na bago ibenta ni Father Sixto ang isang gamit dito sa shop ay nagpapa-background check muna siya?” Napalaingo ako sa aking likuran nang marinig kong nagsalita ang assistant ni Father Sixto. At nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi na dapat ako magulat pa dahil personal ang halaga ng mga ito para sa kanya. Kaya ganoon na lamang siguro ang effort ng matandang pari para masigurong nasa tamang kamay at pangangalaga ang bawat antigong gamit na nagmula rito sa shop. Ibebenta niya iyon sa mga taong alam niyang may kakayahan at may puso para sa ganitong mga bagay. “My dad must be very lucky…” I said at tumango ang assistant. Kung sa iba naibenta ang orasan, kung hindi nag-offer si daddy sa auction, malamang hindi ito mangyayari sa akin. Hindi ako makakapaglakbay sa ibang panahon. Hindi ko makikilala sina Oriang at iba pang tanyag na bayani. At higit sa lahat ay hindi ko makikilala si Tonyo. “Kaya sana naman ay maayos na ang orasan.”Iyan din ang hiling ko. Ngunit sa ngayon ay hindi ko alam kung ayos ba o hindi ang orasan dahil nandito ako. Magulo na ang status ng orasan dahil sa tuwing maaayos at masisira ang orasan ay mayroong nangyayaring glitch sa timeline naming apat. “Sana nga po.” Ngumiti ang assistant at nagpaalam na. Magpapatuloy na sana ullit ako sa pagtingin-tingin nang bigla siyang huminto at muli akong nilingon. “Siya nga pala, Miss Sab…” aniya at hinintay ko ang sasabihin niya. “Nagkita na ba kayo ng bagong tauhan ni Father Sixto?” tanong niya at bigla akong kinabahan. “Po?” Bagong tauhan? Ang bagong tauhan lang ni Father Sixto na nakilala ko ay si Tonyo. Siya ang sinabi noon ni Father Sixto na bagon niyang tauhan na may nalalaman sa pagkumpuni sa mga sirang lumang kagamitan. Kaya nga kami muling nagkita ay dahil siya ang sumubok na ayusin ang orasan. Sana ay tama ang hinala ko. Sana nga ay si Tonyo ang tinutukoy niya. “I forgot his name I only met him once. Pero halos magkasunod lang kayong lumabas ng shop kahapon.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kami ni Tonyo? Magkasunod lang na lumabas nitong antique shop. “Si Tonyo po ba?” Napangiti ang assistant at napapalakpak pa nang banggitin ko ang pangalan ni Tonyo. “Yes, Miss Sab! Naalala kong Tonyo nga ang pangalan niya!” Tonyo is here! He’s freakin’ here! Ang ibig sabihin ay nakaligtas siya sa kastilang gustong pumatay sa kanya. Tama nga ang mga hinala ko. He met Tonyo. Then Tonyo is real. Everything happened in me was real. Hindi iyon isang panaginip. I am so very happy at relieved dahil nakumpirma ko. Wala na yata akong kasing-saya dahil sa sinabi ng assistant ni Father Sixto. “But where is he?” Sinubukan kong magpalinga-linga sa paligid pero wala si Tonyo. Ilang mga pamilyar na staff lang ang natatanaw ko. “Iyon nga po ang problema, Miss Sab. Mula kahapon nang mapag-alaman niyang lumabas ka na nitong antique shop ay hinabol ka niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Kulang na kulang kami sa tao.” Napansin ko nga na maramjng customers ngayon ang antique shop kumpara kahapon at noong unang beses na pumunta ako rito. Pero hindi iyan ang problema ko. Nag-aalala ako tungkol sa sinabi ng assistant na hindi pa bumabalik si Tonyo mula kahapon nang tangka niya akong habulin. Bakit kinailangan pa niya akong habulin? Wala siyang nalalaman sa panahong ito. Baka kung mapaano siya at kung saan pa siya mapadpad. I excused myself para lumabas ng shop. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbaka sakaling nandito lang si Tonyo at hindi susubukang lumayo. Pero wala. Nilakad ko rin ang paligid nitong antique shop pero wala kahit anino man lang ni Tonyo. “Nasaan ka na ba, Tonyo? You should have stayed here…” naiiyak kong bulong sa aking sarili. Paano na lang kung pag-tripan si Tonyo sa kung nasaan man siya ngayon. Marami pa man ding mga tarantadong tambay ngayon. Alam ko naman na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya pero paano kung marami sila? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas lalo yata akong hindi mapapakali knowing na maaaring nasa paligid lang su Tonyo. Kung na-guilty ako noong iniwan ko siya sa gitna ng isang tiyak na kapahamakan kahit pa sabihing hindi ko iyon kagustuhan, paano pa kaya ngayon? Mas titindi ang guilt na mararamdaman ko oras na malaman kong dito sa panahon ko siya mapapahamak. Lagi niya akong inaalagaan at pinoprotektahan sa panahon niya kaya dapat ay sukilan ko ang mga nagawa niya sa akin noon. Kung noong unang beses niyang tapak dito ay pinagtawanan ko siya, ngayon ay tutulungan ko. Dahil ako ang mas may advantage sa panahong ito. “Magpakita ka na, Tonyo, please…” I said frustratedly. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ka nakikita, Tonyo. Kaya sana naman ay huwag mo na akong pahirapan pa nang ganito. I keep on praying to God na sana ay makita ko na si Tonyo. Kung hindi ko man siya makita ay sana ilayo na lang siya sa kapahamakan. Bigo akong bumalik ng shop at hinanap muli ang assistant ni Father Sixto para humingi ng pabor. “Ayos ka lang ba, Miss Sab?” Nag-aalalang tanong niya nang makaharap ko siya. Kunot ang kanyang noo dahil sa paghangos ko. May katagalan din kasi akong naghanap kay Tonyo sa labas at hindi inalintana ang init, pagod at uhaw. “Can I ask for a little favor, Mr. Santos?” tanong ko. “Ha? Oo naman’ Miss Sab. Ano po ba iyon?” Kahit naguguluhan ay tanong niya. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng isang maliit na calling card. Iniabot ko iyon sa kanya at buong pagtatakha niya naman iyong tinanggap. “Please call me, Mr. Santos oras na bumalik si Tonyo rito. And please don’t ever let him go. Just tell him to wait for me here.” Mas malaki ang magiging chance na makabalik siya rito kaysa ang mahanap siya dahil masyadong malaki ang Maynila. “Okay, Miss Sab. But why are you seemed so worry about him? Malaki naman na siya, Miss Sab. Well, bukod sa fact na halatang hindi siya sanay sa Maynila.” Gusto kong sabihin na sanay si Tonyo sa Maynla pero hindi sa panahong ito. Sanay siya sa Maynila pero sa Maynila na hindi nagtatayugang building ang nakikita niya. Sigurado ako na sa pagtingin at pagtingala pa lang niya sa building na nadaraanan niya ay nalulula na siya. Iyon kasi ang laging nirereklamo ni Tonyo noon sa akin. Na ibang-iba raw ang Intramuros noon. Sana naman ay nakaka-cope up si Tonyo kahit papaano. Saan kaya siya natulog? “Opo, Mr. Santos. Hindi nga siya sanay rito sa Maynila.” Hindi rin naman ako sanay sa Maynila pero kaya kong mapag-isa rito dahil may idea naman ako sa mga lugar dito kaya puwede akong magtanong. At isa pa, may sasakyan ako. Samantalang si Tonyo ay wala. Kung noon ay ayos lamang maglakad nang malayo dahil wala naman sasakyan, ngayon ay mahirap iyong gawin dahil puno ng sasakyan ang bawat kalsada. “Wala na siyang cellphone, Miss Sab? Hindi ba siya ma-contact?” tanong niya. “He doesn’t have phone kasi, Mr. Santos that’s why mas nag-aalala ako sa kanya. Baka kung saan na siya mapadpad.” Tumango-tango siya. “I understand, Miss Sabrina. Hayaan mo, oras na bumalik dito si Tonyo ay ipapaalam ko agad sa iyo,” sabi niya. “Maraming salamat po.” Matapos kog magpasalamat ay nagpaalam na rin ako. Mukhang wala rin talaga akong mapapala rito kaya mas mabuti poang umuwi na muna. Susubukan ko munang libangin ang sarili ko. Ayokong mabaliw dahil sa labis na pag-aalala kay Tonyo. Lumabas na ako at nagsimula nang mag-drive pauwi sa Cavite. Hindi biro ang pagod sa pagda-drive mula Cavite hanggang Manila at Manila pabalik ng Cavite. Kaya binigay ko na lamang sa assistant ni Father Sixto ang contacts ko para pupunta na lamang ako roon kapag may balita na sa pagbalik ni Tonyo. Mahihirapan na kasi ako sa biyahe lalo pa’t nag-aaral din ako. Hindi naman ako pwedeng magpa-drive sa mga driver namin sa mansyon dahil gusto kong iwasan ang maaaring pagtatanong ni daddy. Nang makarating ako ng Cavite ay nag-isip na ako ng puwedeng gawin. Hindi pa ako kumakain ng lunch. Ang kinain ko lamang ay ang biscuit na nasa sasakyan. Nag-park ako sa parking lot ng isang mall na napili kong kainan. Habang kumakain ay tinext ko sina Riri at Cleo para yayaing mag-shopping. This is what they wanted to do simula pa kahapon kaya pagbibigyan ko sila. Nang pumayag sila at sinabing they are on their way ay binilisan ko na sa pagkain. Bandang alas kuwatro nang magkita-kita kami at nagsimulang pumasok sa iba’t ibang store dito sa mall. Mas pinili kong mamili ng mga damit. At napapansin ko na sa tuwing may chini-check akong damit na pang-lalaki ay parehong kakaiba ang tingin nila sa akin. At alam ko ang iniisip nila. Na may lalaki akong pagbibigyan. Pero iyon naman ang totoo. May lalaki akong pagbibigyan dahil umaasa akong makikita ko si Tonyo at makakasama sa panahong ito. At lahat ng tinitingnan ko ay para sa kanya. At marami na akong nakikitang damit na sigurado akong babagay sa kanya. And I can’t wait to see him wearing these fashion trends. Bigla akong napalapit sa isang mannequin. It is wearing a mustard yellow shirt and a cotton shorts. Sa unang tingin ko pa lamang dito ay si Tonyo agad ang naisip kong lalaki na pagbabagayan nito. Muli kong nakita ang mapanuring mata ng mga kaibigan ko. “Aminin mo nga, Sab, may boyfriend ka ba?” tanong ni Riri at hindi ko naiwasan ang pagtawa. Cleo is obviously waiting for my answer, too. Natatawa akong umiling. “Wala, ano ba kayo? May gusto lang akong regaluhan.” Sabay na kumunot ang kanilang mga noo at nag-e-enjoy ako sa mga reaction nila. “At sino naman ang lalaking gusto mong regaluhan?” taas-kilay na usisa ni Cleo. “It’ for you guys to find out…” Halos malaglag ang panga nila nang binitin ko sila sa kung sino ang gusto kong regaluhan. Nagpa-assist ako sa isang staff ng shop para iosa-isang ibigay sa akin ang lahat ng nagustuhan ko. And yes, hindi lang isa ang binili ko para kay Tonyo. Ilang mga damit, shorts, pants ang even undies ang binili ko sa kanya kaya mas lalong nagulantang ang dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa pagbili ko ng undies o dahil sa presyo at binayaran ko sa counter. That’s how excited I am to see him. That’s how I am looking forward to finally find Tonyo. Sa totoo lang ay nakukulangan pa ako sa mga napamili ko kaya plano ko pa itongv dagdagan sa oras na makasama ko na si Tonyo. Gusto ko rin na siya na mismo ang pipili sa mga gusto niyang isuot. Tho I know for a fact that he’s out of style. Pero pwede ko naman siyang bilhan ng mga gusto niya kahit hindi ganoon kaganda na maaari niyang maging pambahay. “Nahihibang ka na yata, Sabrina. Briefs? Seriously?” Hindi makapaniwalang sambit ni Riri. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng bumibili ng men undergarments? Lumabas kami ng store pero kinukulit pa rin nila ako at ayaw tantanan dahil sa dalawang bagay. Una ay dahil hindi ko pa rin sinasabi ang pangalan ng pagbibigyan ko nito. Why do I have to tell them kung kahit naman sabihin ko ay hindi nila kilala si Tonyo. Oras na makilala na lang nila si Tonyo ay saka ko sasabihin. At alam ko rin na magugulat sila oras na malaman nila na siya rin ang weird na lalaking tinutukoy ko na muntik ko nang mabunggo noon sa Recto. Pangalawa ay dahil sa pagbili ko ng ilang pirasong briefs. Bakit ba big deal sa kanila ang bagay na ‘yon? “Asawa lang ang binibilhan ng underwear, Sab.” Halos matawa ako sa sinabi ni Cleo. Napailing ako habang patuloy sa paglalakad na bitbit ang ilang pirasong paper bag. Halos wala akong nabili para sa sarili ko dahil mas marami akong napamili para kay Tonyo. And I can’t wait for him to try all of these!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD