Kabanata 29

2149 Words
Kabanata 29 Sabrina’s POV Sabay kaming bumaba ni Farida sa parking lot ng building na hinintuan namin. She is so excited and so am I. Kahit pagod ako dahil gaing din ako sa trabaho sa panahong nilakbay ko ay hindi ko na ininda basta makasama ko lang ulit na lumabas ang sina daddy at Farida. Nagmadali akong hinila ni Farida papasok ng building. Pinagbuksan naman kami ng guard nang makilala kami. “Nasa loob pa po kaya si daddy?” tanong ko sa guard dahil hindi ko nakita ang sasakyang minamaneho ni Mang Simeon. The guard must knew dahil banda rito nagpa-park si daddy. Malamang makikita niya kung lumabasb na ba ito ng building. “Baka po, Miss Sab. Hindi ko pa po siya nakikitang lumabas nitong building.” Natuwa ako dahil hindi kami nagkasalisi ni daddy at naabutan pa namin siya rito. Hindi sayang ang effort namin ni Farida at mas lalong hindi sayang ang biyahe at pagod ko. “Salamat po, Manong!” Ngumiti lang ang guard at muli na akong hinila ni Farida kaya mas lalo kong naramdaman ang excitement niya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa tuwa o dahil sa gutom. Imposible naman sigurong dahil iyon sa gutom dahil isang birthday celebration ang pinuntahan niya. She should be full dahil nakita ko rin naman na maraming handa ang classmate niya dahil na rin sa dami ng nakita at naabutan kong bisita nang sunduin ko siya. Nakaramdam pa nga ako ng gutom nang makita ang mga nakahain sa buffet table na parang hindi ten years old ang magbi-birthday. Dinaig pa ang isang debut party. Huminto kamib sa tapat ng pinto ng opisina ni daddy at kumatok. “Dad!” It was Farida in a high pitch. Halos matawa ako dahil para siyang bata. Well, bata pa rin naman siya pero para siyang five years old nang malaman niyang kakain kami sa labas. At isa ‘yan sa na-miss ko sa aking kapatid. She keeps on telling us na malaki na siya at dalaga na siya pero hindi niya namamalayan na lumalabas ang pagka-childish niya gaano man niya iyon itago. Pero hindi ko alam kung bakit nagmamadali siyang mag-mature. Ayaw niya munang i-enjoy ang pagkabata niya habang may chance pa siya. Ako nga ay aminadong isip bata pa rin sa maraming pagkakataon. Ayoko kasing magmadali sa pagdiskubre tungkol sa mga bagay-bagay. Dahil oras na mag-mature ako, alam kong iba na ang priorities ko sa buhay. Yes, aware ako sa adulting pero uunti-untiin ko hanggang sa ako na mismo ang magdesisyon na kaya ko nang mag-mature at mas maayos na mindset. “Come in, sweethearts!” Pumasok agad kami at pagbukas ko ng pinto ay naabutan namin si daddy na nakaharap sa kanyang laptop pero nasa ibabaw na ng table ang kanyang bag. Mukhang ready na siyang umuwi pero may pahabol lang na trabaho. Tumakbo si Farida palapit kay daddy at yumakap sa kanya kaya napatigil si daddy sa pagta-type para asikasuhin si Farida. I really admire our dad. Talagang hindi niya alam ang salitang busy kapag naglalambing kami at kailangan namin siya. Kahit pa ngayon na biglaan lang naman ang pagsulpot namin dito. Matapos yumakap ni Farida ay ako naman ang sumunod. Bigla na lamang akong naiyak nang muling maramdaman ang yakap ni daddy. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa pagkaaliw sa paglalambing naming magkapatid. “Okay, girls, what is happening here?” natatawang tanong ni daddy. Ngunit nawala ang mga ngiti niya nang makitang umiiyak ako pagkabitiw sa yakap. “Sabrina, what’s wrong, sweetheart?” nag-aalalang tanong niya. Umiling ako habang nagpupunas ng luha. “Masaya lang po ako, daddy.” Totoong masaya ako ngayon dahil muli ko silang nayakap ni Farida. Nakatkot ako noon hindi na ulit ito mangyayari. Ang buong akala ko ay hindi ko na sila muli pang mayayakap. Kaya ngayong nagawa ko ulit ang mga bagayna inakala kong hindi ko na muling mararanasan ay hindi ko na mapigil ang tuwa. “Ate is so weird, daddy. Kahit po ako ay niyakap niya kanina out of nowhere.” Natawa ako nang isingit pa iyon ni Farida. “Anong mayroon, Sab? That was terrifying. Maraming haka-haka tungkol sa ganyang pangitain.” Napanguso ako dahil sa sinabi ni daddy. Marami talaga kaming pamahiin sa bahay at pinaniniwalaan dahil na rin sa impluwensya ni Lola Elsa. “You mean like I might be gone, dad? Na namamaalam na ako?” natatawang sabi. “Sabrina, stop saying that!” Natawa akong lalo at napailing. Iyon nga marahil ang iniisip at kinakatakutan ni daddy. Kung alam lang ni daddy na nawala na nga ako. Literal na nawala ngunit wala silang idea kahit pa kaunti. Gusto ko sang ikuwento sa kanila ang lahat ng adventure at pinagdaanan ko pero alam ko naman na hindi iyon ganoon kadali. Hindi naman nila ako paniniwalaan. Kaya mas mabutin sarilinin ko na lamang muna. “Kain tayo sa labas, dad?” sabi ko at nagkibit balikat siya na tila ba wala siyang choice dahil nandito na kami ni Farida. “Okay, then. Tatapusin ko lang itong ise-send kong email.” Farida and I waited for our dad patiently. Tabi lang kaming naupo sa tapat ng kanyang table. Ilang minuto lang ang lumipas, daddy announces that we’re ready to go. Kaya sabay-sabay na kaming lumabas ng kanyang opisina. Nagpa-drive kami sa dala niyang driver at iniwa na muna namin sa parking lot ng building ang dala kong sasakyan kanina. Ipapakuha ko na lanv bukas sa driver ni daddy. Huminto kami sa isang restaurant at doon kumain. Na-miss ko rin naman ang ganitong mga pagkain. Masasarap din ang pagkain sa ibang panahon pero masaya akongmuling makatikim ng ganito lalo na ang paborito kong salad. Sobrang dami kong nakain. Gusto ko pa nga sanang kumain pero wala nang paglagyan sa tiyan ko. I’ve never been this thankful para sa isang pagakain. I always take it for granted. Noon, ang akala ko ay ayos lang basta mabusog at malamnan ang tiyan. But that truth is, eating is more than filling your tummies. It can be a bonding. Ngayon ko lang na-realize ang tunay na kahalagan ng makasama ang pamilya sa hapag. It is really a blessing na bihira lang ang nakaka-appreciate. Hindi rin lahat ay nabibigyan ng ganitong chance. Maikli lang ang buhay kaya sana ay matuto tayong mag-appreciate ng ganitong biyaya. ‘Yong iba ay wala nang kinalakihang pamilya kaya masuwerte pa rin ako dahil kahit wala na ang mommy ko ay mayroon pa rin sa aking naiwan na daddy at kapatid na maaari kong makasama. Time flies real fast when you are happy. Matapos ang walang humpay na tawanan a kuwentuhan kanina habang kumakain ay pauwi na rin kami. Dumiretso akop sa kuwarto ko at nag-half bath lang. After doing my evening rituals ay nahiga na rin ako at napatulala sa kisame. Ngayon lamang ulit bumalik sa isip ko ang mga pangyayari na hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan. Dahil sabado naman bukas ay mas makakabuti kung pupuntahan kong muli si Father Sixto sa shop at susubukan ko siyang makausap. Tulad ng lagi kong sinasabi ay wala akong plano na komprontahin ang matandang pari. I just need someone to talk to. Gusto ko lang may makausap tungkol sa mga nangyari sa akin sa panahong iyon. I don’t have Tonyo here. My heart aches the moment I think about Tonyo. Muling bumalik ang pag-aalala ko sa kanya. Kumusta na kaya siya. Sana ay ayos lamang siya at nakaligtas sa gulong naranasan namin kanina. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong may nangyari sa kanya dahil bigla ko na lang siya iniwan sa isang napakadelikadong sitwasyon. Iniwan ko siya nang hindi ko kagustuhan. Alam ko naman na maiintindihan iyon ni Tonyo pero iba kasi ang bigat sa dibdib at guilt na nararamdaman ko. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod ng katawan sa trabaho at pagod na rin ng isip. Kinabukasan ay napakaaliwalas ng gising ko. Napaka-comforting ng kamang kinahihigaan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ngunit saglit lamang ang kasarapang naramdaman ko dahil muling pumasok sa isip ko ang mga taong naiwan ko sa ibang panahon. Habang ako ay masarap na namumuhay rito habang sila naman ay namumuhay pa rin sa kamay ng mga kastila. Hindi na rin mawala sa isip ko si Lola Herminia. Paano na kaya ang pang-araw-araw niyang pamumuhay roon? Paano kaya siya makakakain? Sana ay hindi siya makalimutang i-check ni Tonyo. Sana ay bigyan niya ito lagi ng pagkain. Ayokong bumalik si Lola Herminia sa pagbubuhat ng mga mabibigat na gamit ng mga kastila kapalit lamang ng maliit na sentimo. Mabilis nang mapagod ang katawan ni Lola dahil sa katandaan. She even passed out dahil sa sobrang pagod. Baka kung ano pang mangyari sa kanya dahil mas nakakapagod ang ganoong trabaho. Naalala ko tuloy ang nakakaawang hitsura at sitwasyon ni Lola Herminia noong unang beses kong nakita si Lola Herminia. Napabuntong hininga na lamang ako at minabuting bumangon na kaysa magmukmok nang wala man lang akong magagawa tungkol sa situwasyon ko ngayon. Naliho ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba at magpaalam kay daddy na may lalakarin muna ako. Hindi ko na sinabing sa antique shop sa Claro M. Recto ako pupunta dahil baka magtakha pa si daddy dahil hindi naman niya ako inuutusan. Ayoko na rin kasi ng mahaba at maraming paliwanagan lalo pa’t hindi ko rin naman alam kung paano ipapaliwanag sa kahit kanino na hindi naman nararanasan ang nararanasan ko. Nang payagan ako ni daddy na umalis ay nag-drive agad ako at isang kotse na ang ginamit ko para magaan lang at smooth imaneho. Dahil sabado ay naging sobrang traffic ng biyahe ko. Halos tanghali na nang makarating ako sa gusaling sadya ko. Tulad kahapon ay ang assisitant ni Father Sixto ang sumalubong sa akin. “Good afternoon, Miss Sab. Ang orasan ba?” tanong ko at tumango na lamang ako kahit pa hindi naman talaga iyon ang sadya ko. Wala lang akong iba pang maaaring maging sadya kundi iyon lamang. “Naku, Miss Sab, pasensya ka na. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba si Father Sixto ngayon dito sa shop. It’s Saturday at nagsi-siesta siya. Wala rin naman akong update sa orasan dahil si Father Sixto ang tumitingin doon.” Bigla akong nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi niya. Bakit parang biglang naging mailap ang pagkakataon. Pero pwede naman akong umasa na makakausap ko ngayon si Father hindi ba? Mahaba pa naman ang maghapon at malay mo mapadaan siya ngayopn. Sana lang ay hindi niya ako sinasadyang iwasan. Kung talagang wala panaginip lamang ang napagdaanan ko sa loob ng mahigit sa isang taon ay wala siyang dahilan para iwasan ako. “Puwede ko po ba siyang hintayin na lang? Sayang naman po kasi ang binyahe ko?” tanong ko at nag-aalangan akong tiningnan ng assistant. “Ayos lang naman po, Miss Sab. Pero hindi ko po maipapanagako na makakausap niniyo si Father Sixto.” Tumango ako sa kanya. Alam ko naman iyon pero gusto ko lang subukan na hintayin siya. “Salamat po,” sabi ko at ngumiti siya. “Mahilig ka ba sa mga lumang gamit, Miss Sab?” tanong niya. May kung anong tuwa akong naramadaman sa tanong niya at mabilis akong tumango. “Maaari kang magtingin-tingin ng mga gamit. Sa bawat bagay na narito ay may kaunting history at background. Puwede mo ring bilhin kung may magustuhan ka.” Bigla akong na-excite sa sinabi niya. At tama siya. Mukhang nakakainip nga ang maghintay lalo na sa taong hinidi mo alam kung pupunta ba kaya mabuti na lamang at nagkaroon ako ng puwede kong gawin. Iniwan ako ng assistant ni Father Sixto pero tulad ng sinabi niya ay nagtingin-tingin ako ng mga gamit at tinda sa shop. Kung noon ay hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan sa lugar na ito, ngayon ay alam ko na. Iyon ay dahil mararananasan kong gumamit ng mga actual na ganitong kagamitan. Maraming tulad sa gamit na nandito ang nagamit ko na. At ngayon ay ibang kilabot na ang nararamdaman ko lalo pa’t kung iisipin ko na maaaring ang ilan sa mga gamit dito ay nakita ko na noon o hindi naman kaya ay pag-aari ng mga kakilala ko. Tiningnan ko ang isang banga at nabasang na-recover iyon taong 1899. Mayroon ding mga patalim na karamihan ay na-recover noong panahon naman ng hapon. Tama ang assistant dahil totoong nakakalibang ang magtingin-tingin. Mabuti na lamang at mayroong ganitong uri ng shop na siyang nagpapaalala sa kung gaano kakulay at kahalaga ang ating kasaysayan. Father Sixto is the owner of this shop. Iyon din siguro ang dahilan niya kung bakit niya ito itinayo. Dahil siya mismo ay minsang nanging saksi sa mga tunay na naganap noong unang panahon. Alam niya ang halaga ng bawat gamit dito at nais niyang i-preserve ang mga ito at maipasa sa mga susunod pang henerasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD