Kabanata 28

2115 Words
Kabanata 28 Sabrina’s POV Matapos ang ilang minuto kong pagtambay malapit sa monumento ni Jose Rizal ay muli akong nagpatuloy sa pagda-drive. Hindi naman na ako ulit nahirapan pa sa paghahanap sa daan pabalik sa Cavite nang ipagtanong ko ang way. Hanggang sa maging diretso na ang dinadaanan ko at hindi ko namalayan na nasa alabang na pala ako. Matapos ang lahat ng mga iniisip ko magmula nang makabalik ako rito ay saka ko lamamng muling naramdaman ang pananabik sa pamilya ko. I miss dad ang Farida. Mayamaya lang ay natanaw ko na ang malaki naming gate na may arkong nakasulat na ‘Hacienda Barrientos’. The guard opened the gate for me at binati ako. I parked our van in front of our mansion. Hindi ko alam kung paano lalabas dahil sa kasuoan ko. The maids might think why the hell I am wearing these clothes. They might wonder why I am dressed like an old fashioned woman. Don’t get me wrong. I have been a fan of these clothes simula noong unang beses ko itong maisuot. Pero kahit gaano ko ito gusto isuot dito sa panahong ito ay hindi puwede. It is out of style. Ang ganitong uri ng kasuotan ay tinuturing na lamang bilang ang pambansang kasuotan ng mga kababaihna. Kahit nag-aalangan ay bumaba na ako ng van. Ganoon din naman dahil makikita rin naman nila ako sa ganitong kasuotan. Bakit ko pa patatagalin? Pagbaba ko pa lang ng van ay isang katulong na ang nakapansin sa akin. Tulad ng inaasahan ko ay hinagod niya ako ng tingin. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin niya at pumasok ako sa loob. Sobrang na-miss ko ang bahay namin kahit pa wala namang nabago. Of course, wala pa naman akong isang araw na nawawala sa bahay na ‘to. Gusto ko sanang magtatalon dahil sa tuwa pero baka mas lalong magtakha ang katulong na ngayon ay pinapanood ako sa paglilibot ko ng tingin sa kabuuan ng bahay. Para akong naiinosente sa ganda at laki ng bahay nami,. But what can I do? Totoong naiinosente ako dahil nasanay ako sa mga bahay-kubong napapasok ko sa taong nilakbay ko. Kung ganito na ako sa sarili kong bahay, paano pa kaya ang magiging reaction ni Tonyo kung kasama ko siya rito ngayon. Paniguradong mas nakakatuwa ang reaction niya dahil alam kong hindi pa siya nakakatapak o nakakakita man lang ng ganitong kalaki at ka-modernize na bahay. “Miss Sab?” I was actually waited for the maid to approach me pero ngayon niya ang nagawa. Siguro ay dahil hindi niya alam ang gagawin kanina kung lalapitan ba niya ako o hahayaan na lamang sa mga weird na kinikilos ko. Ngunit kahit in-approach na niya ako ay halata pa rin sa kanya ang pagkalito sa mga kinikilos ko. “Yes, Emily?” Buong ngiti kong tanong na mas nagpagulo sa iniisip niya. She must be thinking I’m going crazy. Pero ang hindi niya alam ay sigurado ako na baliw na talaga ako. Imagine having no one na puwede mong pagsabihan ng lahat ng nararamdaman mo ngayon. Hindi ko alam kung kanino puwedeng magkuwento nang hindi niya iisiping nababaliw na ako. “Nagugutom po ba kayo, Miss Sab?” So iniisip niya na nalilipasan ako ng gutom kaya ako nagkakaganito? Sana nga ay gutom lang ‘to. Sana nga ay nagha-hallucinate lang ako. “Hindi na, Emily. Salamat na lang.” Nguniti siya at tumango. Tinalikuran niya ako at nagtungo na siya sa kusina dahil may ginagawa pa yata siya. Ako naman ay dumiretso sa grand staircase para makapagpalit na ng damit. Dahil kahit naka-aircon na sa mansiopn ay iba pala ang init ng kasuotang ito kung ikukumpara sa pagsusuot nito sa panahong doon. I go to my room at nag-shower. Hindi pa dumarating si daddy dahil mamaya pa ang out niya galing sa opisina. Ang kapatid ko naman ay siguradong pauwi na rin galing sa birthday party ng kanyang classmate. Nagbihis na ako ng isang komportableng damit. A shorts and a sleeveless. Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba sa kusina. "Manang Elsa, pauwi na raw po ba sina Farida?” tanong ko para kumpirmahin. Mag-aalas sais na rin kasi pero wala pa siya. “Nariyan ka na pala, Sab. Sinabi ng daddy mo na ikaw na raw ang sumundo sa kapatid mo dahil hiniram niya si Simeon na mag-drive para sa kanya. Nagkaroon kasi ng emergency ang driver niya.” Kung noon ay madalas akong umaangal sa tuwing pinapasundo ni daddy si Farida ngayon ay willing ako dahil miss ko na rin ang kapatid ko. “Kanina ka pa raw hindi ma-contact ng daddy mo.” Dahil sa sinabing iyon ni Manang ay saka ko lang naalala ang cellphone ko. Sobrang laki ng naging epekto ng pagkakapadpad ko roon. Kung noon kasi ay hindi ako nakakatagal na walang cellphone, pero ngayon ay hindi ko man lang naalalang magbukas ng cellphone dahil nakasananayan ko nang hindi gumamit nun. Ngunit wala sa akin ang cellphone ko. Does it mean na totoo ang lahat? Or did I just misplaced it? Sa lalim ng iniisip ko sa maaaring nangyari sa phone ko ay naiwan ang tingin sa akin ni Manang Elsa nang hindi ako umangal sa sinabi niyang ako ang susundo kay Farida. Alam ko naman na iyon ang hinihintay niya…ang pag-angal ko. Si Manang Elsa ang pinakamatagal nang kasama namin sa bahay. Siya rin ang naging yaya ni daddy at halos nag-alaga sa aming magkapatid. Katulong siya nina Lola na naging kaibigan na rin niya. Kaya ganoon na lang niya kami kakilala dahil buong buhay namin ay kasama namin siya. “Sige po, Manang Elsa. Aalis na po ako.” Kahit halatang na naninibago ay tumango na lamanmg ang matanda at lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang isa sa sasakyanb na naka-park sa labas ng bahay na siyang gagamitin ko sa pagsundo kay Farida. Nagsimula na akong mag-drive. Habang nasa biyahe ay naisipan kong hindi lamang pagsundo sa kapatid ko ang pwede kong gawin. I want to surprise dad at daanan na rin namin siya sa opisina niya. Alam ko naman na papayag si Farida. If I’m not mistaken, ang classmate ni Farida na may kaarawan ngayon ay ang kapatid ni Limuel. Naalala kong in-invite niya kami noon nina Riri at Cleo at usapang didiretso sa kanila pagtapos naming mag-shopping. Ngunit hindi lang ako natuloy dahil hapon na ay nasa Maynila pa rin ako. Hindi ko alam kung natuloy ba ‘yong dalawa kong kaibigan since nauna silang umuwi sa akin. Pero kung nandoon man sila ay hindi ko rin naman sila masasamahan dahil may iba na akong plano. Uunahin ko muna ang pamilya ko at puwede naman akong bumawi sa kanila sa mga susunod na araw. Mabuti na lamang at alam ko ang bahay ng mga Escario dahil ilang beses na rin naman akong nakakapunta sa kanila dahil lagi kaming niyaya ni Limuel. Mabuti na lamang at hindi rin ako naligaw kahit pa malaki ang village nila. Nag-doorbell agad ako at pinapasok ako ng maid nila nang makilala ako. Maraming bisita sa bahay nina Limuel ngunit wala ang mga kaibigan ko. Baka mga tinamad na rin sila. Nagtama ang tingin namin ni Limuel at lumapad ang ngiti niya. He excuseed himself para salubungin ako sa paglalakad. “Sab, you made it!” sabi niya at nag-aalangan akong ngumiti. I don’t know how to tell him that it’s not what he thinks. Hindi ako narito para sa imbitasyon niya. “Sorry, Limuel. Pero nandito ako para lang sana sunduin si Farida.” I see a little disappointment in him pero ngumiti rin naman siya agad. This is what I like about Limuel, masyado siyang friendly. “Hindi ka ba makakapag-stay kahit kahit ilang minuto lang?” he pushes but I smiled politely. Marehan akong umiling. “Sorry, Limuel. May lakad rin kasi kami nina Farida at daddy, e.” Napanguso siya at bumagsak ang balikat. Ngunit muling ngumiti nang ma-realize na hindi ako makakapag-stay kahit pa magpumilit siya. Marahan na lamang sin siyang tumango. “Okay, Sab. I understand. Maybe next time?” Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya at tumango ako. “Sure, Limuel. Next time.” Marami pa namang next time at sigurado naman ako na mapagbibigyan ko siya sa next time na ‘yon. Nagpalinga-linga ako sa paligid at namataan ko naman na si Farida na nakikipagkuwentuhan at tawanan sa mga classmate niya. “But you might wanted to say hi to our classmates first?” Muli kong nilingon si Limuel at tumango. Sinundan ko siya kung saan nakapuwesto ang mga classmate namin. Nakita nla ako at nginitian. May kakaibang ngiti agad ang sumilay sa labi ng mga lalaki naming classmate na barkada rin ni Limuel. “Kaya pala iba na naman ang ngitian ni Limuel,” pang-aasar ni Ian kaya napakamoty ng ulo si Limuel. They were always like that sa tuwing nakikita kaming magkausap at magkasama ni Limuel. They tease us with each other at hindi naman iyon lingid sa kaalaman ko. Pero magkaibigan lang naman talaga kami kaya hindi ko alam kung saan nila nakuha ang idea na tuksuhin kami. Wala rin namang special treatment sa akin si Limuel dahil kung paano niya itrato ang mga kaibigan niyang babae ay ganoon niya rin naman ak itrato. He is Riri’s cousin kaya minsan ay nahihiya na rin ako sa pamila nila sa tuwing ganito kabulgar kung mang-asar ang mga kaibigan niya. “Are you here for a drink?” tanong ni Lucas pero mabilis akong umiling. “No, no. magda-drive ako. I only drop by para sunduin ang kapatid ko.” Nagkibit balikat na lamang si Lucas at tinungga ang dapat sana ay tatagayin ko. Nagpaalam na ako sa kanila at nilapitan ko na si Farida. She waves at me nang mamataan ako. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan at sinalubong na niya ako. “Glad you’re here, Ate. I want to go home na, e.” Dahil sa sinabi ni Farida ay mabilis na kaming lumabas ng bahay ng mga Escario at sumakay sa sasakyan. Inayos ko ang seatbelt ni Farida at niyakap siya. “Why, Ate?” takhang tanong niya nang bumitiw ako sa yakap “Wala lang. Na-miss ka lang ni Ate. Masama ka bang ma-miss?” tanong ko at ngumiwi siya. “But Ate, magkasama lang tayo kaninang umaga.” Natatawa niyang sabi kahit pa halatang naweweirduhan na siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. This longing that I’m feeling is one sided and it is so funny. Ginulo ko ang buhok ni Farida at hinawakan ko na ang manibela. I started the engine at nagsimulang mag-drive. “Hindi pa pala tayo uuwi, Farida. I’m planning to go to dad’s office the kain tayo sa labas.” Sana naman ay pumayag siya kahit pa sinabi na niya sa akin na gusto na niyang umuwi ng bahay. “That would be fine with me. Puntahan na natin si dad. But saan tayo kakain?” tanong niya nang sa wakas ay makalabas kami ng subdivision. “Ikaw saan mo ba gusto?” tanong ko at sinulyapan siya saglit at ibinalik na rin agad ang tingin ko sa daan. But she’s obviously thinking. “Sagot mo naman, no?” tanong niya at napairap na lamang ako. Alam ko naman na hindi siya gagastos. She’s just nine years old pero daig pa niya ang may binubuhay na pamilya kung magtipid. “Yea, sis. Wala kang dapat ipag-alala dahil sagot ko.” Napairap na lamang ako. Alam ko naman na sa isang fast food siya magtuturo kapag sinabi kong libre niya, e. Dahil doon siya makakatipid. “Let daddy decide na lang siguro.” Hindi na ako nagsalita pa dahil maaaring tulad ko ay wala rin siyang maisip na kainan. Pero sigurado akong iiyak ang bulsa ko kapag si daddy ang nag-decide kung saan kami kakain mamaya. Pero ayos lang din naman. Ngayon ko na lang naman ulit sila makakasamang kuain sa labas. Ngayon nalang din naman ulit magwawaldas ng pera dahil sa panahong napuntahan ko ay pinaghihirapan kong makuha ang bawat sentimong mahahawakan ko. Isang kahig isang tuka ako roon. Kaya na-miss ko rin kahit papaano ang feeling na hindi iniintindi kung paano at saan klukuha ng unod na ipanlalaman sa tiyan. Iba nga lang talaga sa pakiramdam kung ang perang iyong gagamitin ay perang masasabing pinaghirapan mo. At gusto ko sanang i-apply ‘yon sa buhay ko rito. Ayokong iasa ang lahat kay daddy kahit pa alam ko namang kaya niyang ibigay ang lahat ng gusto at luho naming magkapatid. Natanaw ko ang building kung nasaan ang opisina ni daddy. And I can’t wait to see him and hug him. I will hug him so tight tulad ng ginawa ko kay Farida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD