Kabanata 27

2144 Words
Kabanata 27 Sabrina’s POV “Dispensa, senyor,” sabi ko sa kastila mula sa likuran ni Tonyo. Tila hindi naman ako narinig ng dayuhan at nanatili ang tingin niya sa matatag pa ring nakatayo na si Tonyo. Hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan makikipagmatuigasan si Tonyo sa kaharap namin pero sana ay hindi na humantong pa sa madugong engkwentro. Dahil sa totoo lang ay daraan lang naman kami sa kalyeng ito at nagnanais lang na makauwi dahil parehas na kaming pagod galing sa mga trabaho namin. w'ala ito sa plano namin at hindi namin napaghandaan. Ngunit ganito nga talaga yata kadelikado sa panahong ito. Matagal na rin ako rito pero tila ba hindi pa ako sanay na anumang oras ay maaaring mangyari ang ganito. Ngunit si Tonyo ay tila ba handa anumang oras. Baon niya lagi ang kanyang tapang. Ngunit ang kanyang tapang ay mawawalan ng saysay kung siya ay mapapasalang nang walang laban. “Layas!” sigaw ng kastila kaya dali-dali ko nang hinila si Tonyo palayo sa kanya. Mabuti na lamang at nagpatangay na sa akin si Tonyo at hindi na nagmatigas pa. Kung nagmatigas pa siya ay wala akong magagawa kundi ang samahan siya dahil hindi ko naman siya kayang iwan. “Takbo, indio! Takbo!” Kinilabutan ako sa isang nakakalokong sigaw ng kastila. Akala ko ay totoong pinagbigyan niya kami na mabuhay ngunit nang lingunin ko siya nakita kong nakatutok ang kanyang revolver sa direksyon namin ni Tonyo—kay Tonyo mismo. Tila ba malalagutan ako ng hininga dahil sa situwasyon namin ni Tonyo. Hindi iyon nakikita ni Tonyo dahil patuloy siya sa pagtakbo habang nahigpit ang kapit sa aking pulsuhan. Sobrang takot ang nararamdaman ko sa maaari niyang sapitin. Anumang oras ay maaari siyang mabaril at bumulagta na lamang ngunit ang tangi kong nakikita sa mga mata niya ay ang kagustuhang mailayo ako sa lugar na ito. Muli kong nilingon ang kastila at nakita ang mala-demonyong ngisi niya at nabasa ko agad ang nasa isiip niya. I look at Tonyo. He has been protecting me and I won’t let anyone put his life in danger. Bago pa man niya mabaril si Tonyo ay tinulak ko na siya at hinayaan kong mabaril na lamang ang aking sarili. Until I heard a gunshot. Napapikit ako at hinintay ang hapdi at sakit na sa tingin ko’y mararamdaman ko oras na mabaril ako. Ngunit ilang segundo na rin mula nang marinig ko ang putok ng baril ay wala pa rin akong nararamadaman na anuman. Kaya minabuti kong magmulat na ng mata. And for the record, sa hindi na mabilang na pagkakataon sa araw na ito ay muli akong nakaramdam ng takot. Takot na hindi dahil sa mga kastila. Bigla na lamang akong kinalabutan dahil pagmulat ko pa lang kanina ay isang pamilyar na kuwarto ang nasilayan ko. Hindi kuwarto ko, o kahit saan pang kuwarto sa loob ng bahay ko. Kundi kuwarto na sa 21st century ko nakita. Ang huling kuwarto kung nasaan ako bago mapadpad sa panahon ng mga kastila. Ang kuwarto sa antique shop ni Father Sixto. Wait—kung narito na ako… Dali-dali akong tumakbo palabas ng kuwarto uopang kumpirmahin ang mga hinala ko. Paglabas ko ng kuwarto ay ang antique shop nga ang nakita ko. Ngunit wala si Father Sixto. Ang tanging narito ay ang assistant na siyang nag-assist sa amin at ilang mga customers. Nginitian ako ng assistant na tila walang nangyari. Na tila ba hindi ako nawala nang isang taon. Nilapitan pa ako nito at hinarap. “Nagustuhan mo ba, Miss Sab?” Napakunot ang noo ko dahil sa pagkalito sa tanong ng niya. “Nagustuhan? Ang alin po?” Inalala ko ang mga nangyari noon pero wala akong maalala na maaaring may konseksyon sa tanong niya. “Ang kasuotang iyan?” Napatingin ako sa suot ko at saka ko lang na-realize na suot ko pa rin ang makalumang kasuotan na suot ko bago kami magkahiwalay ni Tonyo. Does it mean everything’s real? “Father Sixto told us that you want to try one of the clothes there.” Itinuro niya ang kuwartong pinanggalingan ko. “Did I?” He frowns na tila naguluhan din. “Nasabi rin ni Father Sixto na nakatulog ka raw sa loob, Miss Sab? Hindi ka na niya pinaabala at sinabihan kami na hayaan ka muna sa loob.” Of course he would say that. Alam niya kasi na naglalakbay na ako sa panaginip ko. “Mukhang nakatulog ka habang suot iyan kaya nawala na sa iyong isipan.” Nakatulog? Wait! Paano kung panaginip nga lamang ang lahat? Sandali, noong nasa ibang panahon ako ay sigurado ako na totoong nangyayari ang lahat ng iyon. Pero ngayong nakabalik na ako sa panahon ko ay biglang hindi na ako sigurado sa kung ano ang mga totoo sa nangyari. Yes, parang totoo ang lahat ng iyon, pero madalas naman na ganoon ang nangyayari, hindi ba? Some dreams feel real. Pero kung panaginip nga lang ang lahat ng nagyari sa akin, bakit sobrang naging detelyado. Malinaw na malinaw sa isip ko ang lahat ng nangyari sa kin sa panahong iyon sa loob ng mahigit isang taon. I even don’t know kung paano makikipag-usap sa taong kaharap ko ngayon. “Where’s Father Sixto?” Kung noong unang tapak ko sa ibang panahon ay nanibago ako sa paggamit ng purong tagalog, ngayong pagbalik ko sa panahon ko ay nanibago naman ako sa dati kong nakasanayang salita. “He’s at his office. May kailangan ka pa ba sa kanya?” tanong pa ng assistant niya. “Where’s the vintage clock?” bagkus ay tanong ko. Hindi ko maalalang nakita ko iyon sa kuwartong pinanggalingan ko. “It’s at his office. Don’t worry, kung hindi man iyon maayos ngayon, Father Sixto has told your dad already na puwedeng abutin nang ilang araw ang pag-aayos. Pumayag naman ang daddy mo and said you can leave anytime you want.” But that’s not what I need to hear right now. Ang kailangan ko ay makita ang oras at si Father Sixto. Gusto kong kumpirmahin sa kanya kung totoong nag-time travel ako. Si Father Sixto lang ang makakasagot sa mga tanong ko. “Can you bring me to his office?” I tried not to sound desperate. Pero nag-aalangan akong tiningnan ng assistant at alam ko na agad ang sagot sa sarili kong tanong. “I don’t think I could help you in that one, Miss Sab. Restricted po kasi ang opisina ni Father. Kahit kaming mga staff ng shop ay hindi maaaring basta na lamang makapasok.” Sa sinabi pa lang na iyon ng assistant niya ay alam kong may iba na. Hindi ko alam kung saan at paano pero kailangan kong makausap si Father Sixto. Parang ayokong umuwi hangga’t hindi ko pa siya muling nakakausap. But I don’t think na gugustuhin niya akong makitang muli. I’m pretty sure na magugulat siya kapag nakita niya akong gising at bumalik mula sa nakaraan. Isang pambihirang pangyayari na siya ang may gawa. Pero wala akong planong komprontahin siya. Tulad ng sinabi ko kay Tonyo noon ay naiintindihan ko na kung bakit iyon nagawa ni Father Sixto kahit pa alam niyang may madadamay at maaaring masira ang buhay. Gusto ko lamang ng isang magpapatunay na totoo nga ang lahat. Gusto kong malaman na totoo si Tonyo at hindi nabubuhay sa panaginip ko lamang. Hindi yata ako matatahimik kung hindi ako mabibigyan ng kasagutan. Imagine being attached with someone then found out that he isn’t real. Hindi lamang ang pagkakakilala ko kay Tonyo ang nais kong bigyan ng linaw. I want to know kung totoo bang nakilala ko ang mga kilalang bayani na sina Emilio Jacinto, Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus na naging isa sa pinakamalapit kong kaibigan. Hindi ko na alam kung alin ang mga totoong nangyari at sino ang mga totoong tao. Pero mukhang wala talaga akong mapapala sa araw na ito. May mga bagay rin akong gustong gawin. Lumabas na lamang ako ng shop at dumiretso sa van dahil baka pagtinginan ako kung maraming makakakita sa akin na ganityo ang aking kasuotan. Saka lamang ako nakahinga nang maayos nang mahawakan ko ang manibela ng sasakyan. Ngunit muling bumalik sa aking dibdib nang maalala ang mga huling tagpo noong kasama ko si Tonyo sa panahong iyon bago ako bumalik dito. Hindi ako natamaan ng baril dahil wala naman akong sugat. Ngunit sino ang tinamaan? Huwag naman sanang si Tonyo dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya. Sa dinami-rami naman kasi ng pagkakataon na hiniling kong sana ay makabalik na ako sa panahon ko ay ngayon pa talaga kung kailan hindi man lang pumasok sa isip ko ang pagbalik dito dahil sa kagustuhan kong mailigtas si Tonyo. Kumusta na kaya siya? Sana ay nakatakas siya sa kamay ng mga kastilang bigla na lamang nag-aamok. Hindi ko namalayan na namamasa na pala ang magkabila kong pisngi dahil sa kung anu-anong iniisip ko. Makakabalik pa kaya ako roon? Para akong binitay na hindi man lang nakagkaroon ng chance na makapagpaalam sa mahahalagang tao sa buhay ko. Makikita ko pa kayang magbuntis si Oriang? Paano ang pagiging bahagi ko ng Katipunan? Baka hanapin ako ng mga member at kung hindi nila ako mahanap ay isipin nilang nag-quit ako. Ayoko naman silang bigyan ng disappointment. I shudder all my thoughts at minabuti kong magpahid na lamang ng luha. Naalala kong pinauwi ko na ang mga kaibigan kong sina Cleo at Riri kaya ako na lamang pala ang uuwi. Wala namang magiging problema kung ako lang ang uuwing mag-isa dahil sa dami ng iniisip ko ay sigurado akong hindi ako maiinip. Sana lang ay makapag-focus ako sa pagda-drive. Pero hangga’t maaari ay ayokong isipin ang mga tanong sa utak ko. Mas gusto kong unahin ang excitement ko dahil muli kong makikita ang pamilya ko. Ramdam ko ang pagkawala ko nang mahigit isang taon pero sigurado ako na ang pag-uwi ko ngayon ay isang normal ba pag-uwi lamang. Nagsimula akong mag-drive pauwi sa Cavite. Medyo naninibago ako sa mga dinaraanan ko lalo pa’t hindi rin ako ganoon kapamilyar sa kalakhang Maynila. Maging ang pagda-drive ay nakakapanibago rin. Ang mga naglalakihan at nagtataasang gusali ay nakasanayan ko nang makita bilang mga bahay-kubo. Na-stuck ako sa traffic at isa ito sa mga bagay na hindi mo mararanasan sa sinaunang panahon. Napakapayak ng buhay noon. Ang tanging balakid at kalaban mo lang noon ay ang takot sa mga dayuhan kaya hindi ka rin ganoon makakapamuhay nang matiwasay. Wala kang katahimikan at kapanatagan kung ikaw ay isang mahirap at nabibilang sa hanay ng mga alipin. Bigla ko tuloy naisip kung anong uri ng pamumuhay mayroon ang mga ninuno ko. Sa ngayon kasi ay mayroong sinabi ang pamilya namin. Pero hindi ko alam kung kanino nagsimula at ang maganda naming buhay. Kung sino ang siyang nagsikap upang maiangat ang antas ng aming pamumuhay. I was born with a golden spoon. So as my dad. Pero pagdating sa Lolo ko ay hindi ko na alam ang history ng pamilya namin. I should have asked my Lolo before he died. Ang Lola ko kasi ay namatay noong mismong araw na ipanganak ako. Wala rin naman akong pagtanungan sa side ni mommy dahil ulilang lubos na siya at namatay noong ten years old pa lang ako. I only have my daddy and my sister Farida as my family. That’s why I treasure them so dearly dahil sila na lamang ang kasama ko sa buhay. Dahil na rin yata sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung saan na ako nakarating. Alam kong nasa Maynila parin ako pero kung saan-saan na ako nagsusuot. Ang ilan sa kalsadang nadaanan ko ay hindi ko naman naalalang nadaanan ko kanina o noong mga unang nagpunta ako rito. Hanggang sa mapadpad ako sa pinakasikat na bantayog ni Jose Rizal. I am now at Luneta Park. Inihinto ko ang sinasakyan ko at napatingala sa mataas na monumento ni Rizal. Hindi ako nagkaroon ng chance na ma-meet si Jose Rizal sa panahong pinaglakbayan ko pero ang isipin pa lang na nakalagak sa monumentong iyon ang isa sa mga nakasabay kong mabuhay sa panahon na ‘yon ay mas nakakapagpaisip sa akin sa kung kumusta na kaya ang mga naiwan ko roon. Hindi ko akalain na darating ang oras na ito kung saan hihilingin kong sana ay makabalik pa akong muli sa panahong iyon. Yea, I am now praying for that. Funny, I know. Pero gusto ko lang pormal na makapagpaalam sa mga kaibigan ko roon. Naging malaking bahagi sila ng buhay ko. Pakiramdam ko rin kasi na para kong tinalikuran ang Katipunan kung mawawala ako nang wala man lang anumang pasabi. Hindi ko man masabi sa kanina ang katotohanan kung bakit kinakailangan kong mawala, at least hindi mag-iiwan ng malaking katanungan sa kanila ang pagkawala ko. Ayokong bigyan sila ng iba pang iisipin. Kung sakaling totoo man ang lahat ng nangyari sa akin doon, sana ay mabalikan ko lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD