Kabanata 26

2102 Words
Kabanata 26 Sabrina’s POV Dahil sa nangyari ay ako na ang naghanda ng hapunan namin ni Lola Herminia. Hangga’t maaari ay ako na ang laging gagawa ng gawaing bahay. Alam ko rin naman na hindi ko talaga mapipigilan si Lola Herminia pero hindi na ganoong karami ang dapat niyang gawin. Hindi niya dapat abusuhin ang katawan niya dahil hindi na siya ganoong kalakas tulad ng kabataan niya. Matapos kumain ay pinagpahinga ko na rin si Lola Herminia. Kinabukasan ay ibinalita ko kay Tonyo ang nangyari. Tulad ko ay labis din siyang nag-aalala kay Lola. Sang-ayon siya na huwag na munang gumawa ngmabibigat na gawaing bahay si Lola Herminia. “Sana naman ay makinig sa atin si Lola Herminia,” sabi ko. Kasalukuyan kaming sabay na naglalakad ni Tonyo. Ako ay papunta sa tindahan at siya naman ay papuntang bukid para tumulong sa kanyang mga magulang. Sinadya niya talaga akong daanan para may kasabay ako sa paglalakad. “Sana lang talaga, Tonyo. Pero alam mo ba na may nasabi sa akin Lola Herminia?” sabi ko nang hindi nililingon si Tonyo. Maputik sa dinaraanan namin kaya kailangan kong mag-focus sa daan. “Anong sinabi niya sa iyo, Sab?” he asked curiously. “Na hindi na raw siya umaasa na magkikita silang dalawang ni Father Sixto.” Sinulyapan ko si Tonyo at kumunot ang noo niya. “And?” Natawa ako dahil iyan talaga ang inaasahan kong sasabihin niya sa tuwing ganyan ang expression niya. “Naisip ko lamang na maaaring kailan nito lamang nawalan ng pag-asa si Lola Herminia. Kaya siya nanghihina ay dahil nawala ang isa sa dahilan kung bakit siya nabubuhay.” Tulad ni Lola Herminia ay ganoon din ang mararamdaman ko. Manghihina ako at mawawalan na ng lakas na mabuhay kung unti-unting mawawala ang saysay. What would be I living for if it wasn’t for the people I love. “Maaaring tama ka, Sab.” Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Tonyo. He knows I’m about to “Napaisip din ako, Tonyo. Na baka tulad ni Lola Herminia ay umaasa pa rin si Padre Sixto na muli silang magkikita…” Natulala sa akin si Tonyo nang tila ay ma-gets niya ang nais kong sabihin. It takes time for him to get it but he still did. “At maaaring iyon ang dahilan ni Padre Sixto, Sab?” sabi niya at tumango ako. “Maaaring sinusubukan niyang muling galawin ang oras upang muli niyang makitang at makasama si Lola Herminia dahil batid niyang parehas na silang nasa dapit-hapon ng kanilang mga buhay…” Muli akong tumango sa tinuran ni Tonyo. “Ganoon na nga, Tonyo. At ngayon pa lamang ay lubos ko nang naiintidihan si Father Sixto.” Muli ay napakunot ang noo ni Tonyo. I really love that expression of him. Dazed and confused. I smiled at Tonyo. “Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo si Padre Sixto, Sab?” tanong niya. Kung noon ay nagagalit ako kay Father Sixto dahil nagawa niyang mandamay ng mga walang kinalaman sa sumpang pinagdaraanan nila ni Lola Herminia. “Tonyo, tulad ni Father Sixto, oras na maramdaman kong nasa parehas na tayong nasa dapit-hapon ng ating mga buhay ay nanaisin kong makita ka sa huling pagkakataon.” Napaawang ang bibig ni Tonyo dahil sa sinabi ko. “Sab…” That’s all he was able to say. Nginitian ko si Tonyo. “Hindi ako magpupumilit na makasama ka, Tonyo dahil alam kong napakaimposible. Ngunit ang huling pagkakataon ay aking ilalaban.” “Kahit pa may ibang madamay?” tanong pa niya at walang pag-aalinlangan akong tumango. “Oo, Tonyo. Kahit pa may madamay.” Napabuntong hininga si Tonyo at napailing. Why? Won’t he do the same thing? Siya ang unang nagsalita na maaaring may matinding dahilan si Father Sixto kung bakit niya iyon nagawa. Ngayong sinabi kong naiintindihan ko kung bakit nagawa iyon ng matandang pari ay saka siya sasalungat sa akin? Pero kung hindi niya iyon gagawain tulad ko ay ayos lang sa akin. Hindi naman dahil lang sa handa kong gawin ay dapat gawin din niya. I have to understand his thoughts. “Patawarin ako ng Diyos, Sab ngunit tulad mo ay nais kitang makasama sa huling sandali ng aking buhay. Kahit pa may madamay na ibang tao.” Hindi ko mapigilang mapangiti sa narinig ko kay Tonyo. Akala ko ay mabibigo ako pero hindi pala. “Kung gayon ay maipapangako ba natin na magkikita tayong muli anuman ang mangyari?” tanong ko at tumango si Tonyo. Tinuruan ko siya ng pinky promise at hindi niya nagustuhan iyon dahil masyado raw mahirap. Nagpatuloy kami ni Tonyo sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay naisip ko kung nangako rin ba sina Lola Herminia at Padre Sixto sa isa’t isa. And I think the answer is a yes. Hindi naman ipagpipilitan ni Padre Sixto ang pagbalik sa nakaraan kung wala silang pangakong binitiwan. Ang pinagkaiba nga lamang nilang dalawa ay si Father Sixto ay tinutupad ang pangako, samantalang si Lola Herminia ay huminto na kakaasa. Pero sana ay muli silang magkasama sa iisang panahon. Para naman hindi masayang ang pagkakadamay namin ni Tonyo sa sumpang ito. Nakakapanghinayang kung nagulo ang timeline namin ni Tonyo tapos hindi naman pala sila muling magkikita. Sana ay pahintulutan sila ng pagkakataon. Sana ay hayaan sila ng tadhana. Nang mapadaan kami sa isang simbahan ay ipinagdal ko iyon sa aking isip. Sana nga ay magkasama sila at pakinggan ang huli nilang hingin. Tadhana ang dahilan kaya sila nagkakila, tadhana rin ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. At ngayong nais nilang muling magkita ay walang ibang makakatulong sa kanila kundi tadhana lamang. Kaya wala akong ibang magagawa kundi ipagdasal sa Diyos na pagbigyan nawa sila ng tadhana. Nang marating ang tindahan ay naghiwalay na kami ni Tonyo. Nagsimula ako sa pagtatrabaho. At sa buong araw na nasa trabaho ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko lubos maisip ang pangungulilang pinagdaanan nina Lola Herminia at Father Sixto noong mga panahong hindi sila maaaring magkasama. Ang bawat taon pa lang na lumilipas ay isang malaking sakripisyo na. Kaya ngayong matatanda na sila ay sarili naman nila ang kanilang iisipin. Hindi rin naman na ako nagtatanim ng sama ng loob kay Father Sixto dahil tanggap ko na rin naman ag aking kapalaran. Kung hindi rin naman dahil sa kanya ay hindi ako mapapadpad rito at hindi ko makikilala si Tonyo. Kaya kung ay magagawa lamang sana ako ay guston kong makatulong kung paano sila muling magkikita. Ang ipinaliwanag sa amin noon ni Lola Herminia ay hindi kami maaaring magsama-samang apat sa iisang panahon. Kaya kinakaiangan namin mapadpad ni Tonyo sa ibang panahon o kahit isa man lang sa amin. Kung isang araw ay magigising ako sa panahon ko ay hihilingin ko na nasa iisang panahon din sina Lola Herminia at Father Sixto. Hindi ko na pala namalayan ang oras at nasa harapan ko na si Tonyo. Sa tuwing sa bukid ang kanyang trabaho ay hindi niya nakakaligtaan na daanan ako rito sa tindahan para isabay sa kanyang paglalakad. Kung minsan pa nga ay matiyaga siyang naghihintay kahit pa abutin kami ng dilim sa tuwing late na kami nakakapagsarado ng tindahan. Alam kong pagod rin siya sa pagsasaka pero hindi siya nagrereklamo sa tuwing natatagakan ako at hhindi ko man lang din siya nababakasan ng anumang pagkainip. Mabuti na lamang at hapon pa lamang ay tapos na ako sa pagtitinda kaya hindi na kinakailangan pang maghintay nang matagal ni Tonyo. Maaga akong nakaalis sa tindahan at sabay na kaming naglakad ni Tonyo. He’s obviously tired pero nagagawa pa rin niyang magkuwento tungkol sa mga nangyari sa kanya sa maghapong nagdaan. I enjoy listening to his stories kahit pa halos lahat ay wala akong kinalaman at wala akong idea dahil tungkol sa pagsasaka. I just like the way his lips move and smile. Tulad ni Tonyo ay nagkuwento ako ng tungkol sa mga nangyari sa akin maghapon. I tell him about the different customers I encountered today. May masusungit man ay mayroong mababait din. “Nakasalubong ko kanina si Sergio. Batid kong sa iyo siya magtutungo ngunit hindi na sioya tumuloy dahil namataan niya ako.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Tonyo. “Paano ka naman nakakasigurado na sa akin nga pupunta si Sergio?” tanong ko. “At kung sa akin nga siya magtutungo, ano naman? At isa pa, kung sa akin nga siya magtutungo, bakit naman siya hindi tutuloy dahil lamang sa nakita ka niya?” sunod-sunod na tanong ko. Hindi naman na sumagot pa si Tonyo. Marahil ay dahil hindi na niya alam kung alin sa mga tanong ko ang una niyang sasagutin. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Tonyo hanggang sa abutin na kami ng dilim sa daan. Sa kalyeng kasalukuyan naming nilalakaran ay ilang kalalakihan ang natatanaw naming nagtatakbuhan na may hawak na mga lamapara. Kaya bigla na lamang naalarma si Tonyo at ako naman ay kinabahan. Mabilis akong ipinuwesto ni Tonyo sa kanyang likuran habang nakaabang sa pinanggagalinga ng mg takbuhan. “Mang Karding, ano hong nagyayari?” tanong nio Tonyo sa hinarang niyang isang kakilala. Humahangos itong huminto sa tapat namin at itinuro ang pinanggalingan nila. There’s a fear in his face at alam kong seryoso ang kung anumang nanngyayari. “May kastilang nag-aamok doon. Ilang tagalog na ang sugatan,” sambit nito. “Ang lalaka ng loob. Nakuha pa nilang mag-amok dito!’ Kinabahan nang bigla umamba si Tonyo na pupuntahan pa ang iniiwasan ng lahat. He is really that brave pero ako ay natatakot na para sa kanya. Kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso bago pa man siya sumugod roon. Nahihibang na ba siya? Ano bang akala niya sa sarili niya? Si Superman? Wala siyang dala na anumang armas pero buong tapang siyang susugod roon? That’s suicide. Nilingon naman ako ni Tonyo kaya mabilis akong umiling bilang pagtutol sa pinaplano niya. I hope he would listen to me. Hindi ko siya pwedeng basta na lamang hayaan na sumugod roon. “Ngunit Sab, baka marami pang madamay kung—” “Tonyo naman! Sigurado ka bang maliligtas mo sila kung susugod ka man doon? Hindi, Tonyo. Maaari ka pang madamay!” Halos sigawan ko na si Tonyo para lamang makinig siya sa akin. That’s not heroism, that’s stupidity. He could do better than that. Sayang ang tapang niya kung mauunahan siya pagiging padalus-dalos. “Nguniit mahirap na hindi sila daluhan.” I squint my eyes out of frustration. Tonyo is unbelievable. He can’t be serious. “At paano ako?” Hindi nakasagot si Tonyo. I look at him in disbelief. “Iiwan mo ako rito nang mag-isa? Nagkakagulo pero may balak kang iwan ako?” Tila natauhan naman si Tonyo sa sinabi ko at ang pursigido niyang mukha kanina ay napalitan ng guilt. He knows I’m scared, pero mas inuna pa niyang balakin na pumunta roon. Pero sa totoo lang din, kung alam kong may laban siya sa mga kastila ay hahayaan ko siyang iwan ako. Kung alam kong may makakasama siya na kabilang sa katipunero ay paaalisin ko siya kahit pa takot din ako. Pero wala. Mamamatay lamang siya roon na walang kalaban-laban. At iyon ang ayokong mangyari. “Paumanhin, Sab. Hindi ko naisip na maaaring puno ka ng takot sa ngayon. Naging masyado akong padalus-dalos. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin at galit sa mga kastila.” Ramdam ko rin naman ang sincerity sa mga mata ni Tonyo kaya tinanguan ko siya. “Hindi lamang ako ang dapat mong isipin, Tonyo. Isipin mo rin ang iyong sarili. Kung mawawala ka nang walang laban, napakalaking kawalan mo sa Katipunan. Paano ang mas nakararaming Tagalog?” Hindi na sumagot pa si Tonyo at tumango na lamang. He seems sorry about his action and I feel relief that he listened to me. Nagsimula na kaming humakbang nang mabilis ni Tonyo palayo sa kinaroroonan ng di umano’y kastilang nag-aamok. Nakipagsabayan kami sa pagtakbo ng iba pang Tagalog. Ngunit mabilis rin kaming napahinto nang may marinig kaming putok ng isang baril. Nanlaki ang mga mata ko nang bumulagta sa harapan ko ang isang lalaki at umagos ang dugo sa kanyang bibig. Napatili ako dahil sa gulat. Hanggang sa hindi ko na namalayan na isang kastila na pala ang nasa harapan ko. Nanginig ang buo kong katawan dahil sa takot. Ngunit mula sa tingin niya sa akin ay nabaling ito kay Tonyo dahil iniharang niya ang kanyang katawan sa pagitan namin ng kastila. Napangisi ang kastila nang makita ang tapang sa tindig ni Tonyo. Napasilip ako mula sa balikat ni Tonyo. Mas lalo akong natakot nang tinitukan niya ng revolver sa ulo si Tonyo. But it didn’t even make him flinch. May mga salitang kastilang binanggit ang dayuhan ngunit sa mga tingin pa lang niya kay Tonyo ay hindi na iyon maganda. Hindi na mawala ang kaba sa dibdib ko at tila gusto ko na lang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD