Kabanata 25

2108 Words
Kabanata 25 Sabrina’s POV Nilingon ko si Tonyo kaya mula sa papalapit na si Delfa ay nabaling sa akin ang kanyang atensyon. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. He is looking at me as if he knows what I’m thinking and I should stop to overthink. Binalikan niya ng tingin si Delfa nang makalapit ito sa amin. Tiningnan ko rin si Delfa na iba talaga ang pananamit kung ikukumpara sa tuad namin na simpleng kasuotan lang ang laging sinusuot. In our generation, I am one of the trendsetter in our campus when it comes to fashion. Kaya kong makipagsabayan sa mga kilalang tao dahil nakakaangat din naman kami sa buhay. Pero sa panahong ito ay wala akong sinabi sa mga babaeng nasa alta sociedad dahil mahirap makipagsabayan lalo pa’t hindi ko kayang sustentuhan ang magkaroon ng magarang kasuotan. Ibang-iba ang cost of living ko rito kumpara doon. “Magandang umaga, Sab at Tonyo. Nakatutuwa naman na nagkasalubong tayo rito.” I rolled my eyes mentally. Hindi ako natutuwa na nakita namin siya rito. She’s the last person I wanted to see today. She's not even on the list, anyway. Pero wala naman na akong magagawa pa dahil nagkasalubong na kami. I will try my very best to be nice and polite with her. Wala rin naman siyang ginagawa sa aking masama para hindi siya pakisamahan nang ayos. I just don’t want her around, period. Pero kung no choice na ako na nariyan na siya, I will try to be civil. Hindi naman siguro siya mahirap pakisamahan. She’s jolly so I guess I can be civil. “Magandang umaga rin, Delfa,” I greeted her back. It was very formal and I’m so proud of myself that I was able to be sounded natural. “Tila mag-isa ka yata, Delfa?” tanong ni Tonyo. Kung mag-isa nga si Delfa, hindi naman siguro niya yayayaing sumama sa amin, hindi ba? “Siyang tunay, Tonyo. Mamaya pa kasi ang dating ng mga kaibigan ko. Sa katunayan nga ay kanina pa ako nainip sa paghihintay sa kanila.” Halata sa tono ng panannalita ni Delfa ang pagpapaawa kay Tonyo. “Ganoon ba? Hayaan mo, Delfa, ilang sandali na lamang din siguro ay darating na ang mga kaibigan mo. Libangin mo na muna ang iyong sarili sa pagtingin sa mga nakikita sa paligid at nasisiguro kong maiibsan ang iyong pagkainip.” Bumagsak ang balikat ni Delfa dahil sa sinabi ni Tonyo. She was obviously expected na yayayain siya ni Tonyo na sumama sa amin sa pamamasyal at paglilibot namin sa pistang ito. I was expected that too. Mabuti na lamang at hindi siya niyaya ni Tonyo. Talagang madi-disappoint ako kung ginawa iyon ni Tonyo. “Maaari ba akong sumama sa inyo pansamantala, Tonyo?” Kung kanina ay tila nagpaparinig lang siya kay Tonyo ngayon ay hindi na siya nagdalawang isip na direstuhin ito na gusto niyang sumama sa amin. I wonder kung may lakas ng loob ba si Tonyo na’ tanggihan si Delfa dahil babae pa rin ito. Maaaring maawa at makonsensya si Tonyo lalo pa’t alam ko kung gaano ka-gentleman si Tonyo. “Paumanhin sa iyo, Delfa ngunit nais ko sanang ibigay ang aking buong araw sa pagsama kay Sab dahil ito ang unang beses na nakapunta siya rito. Maaari kang maglibot at marami kang makikitang kamag-aral natin na maaari mong samahan.” Dahil sa sinabi ni Tonyo ay hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang pag-ismid ni Delfa. Ngunit mabilis itong lumingon sa akin at bahagya akong nginitian. Isang sobrang tipid na ngiti lamang ang ibinato niya sa akin kaya alam kong pilit lamang iyon. Wala naman akong pakialam sa kung anong sasabihin at iisipin niya kaya hinayaan ko na lamang. I don’t mind her fake smile dahil ang marinig kong tanggihan siya ni Tonyo ay sapat na sa akin. I feel sorry for her. Babae rin ako kaya alam kong masakit talaga iyon sa feelings pero wala na rin akong magagawa dahil nagsalita na rin naman si Tonyo. “Sige, mauuna na siguro ako.” Hindi na nagtagal pa si Delfa sa harapan namin ni Tonyo dahil na rin siguro sa kanyang ego. Medyo nakakahiya ang ginawa ni Tonyo kaya maging ako man ay ganoon din ang gagawin ko. “Hindi ba nakakahiya ang ginawa ko kay Delfa?” tanong ni Tonyo. “Nagsisisi ka ba, Tonyo na tinaggihan mo siya? Puwede naman natin siyang tawagin ulit at—” “Hindi, Sab. Hindi ako nagsisisi na tinanggihan siya. Ang iniisip ko lamang ay ang maaari mong isipin tungkol sa akin dahil sa nagawa ko sa isang babae. Maaaring mag-iba ang tingin mo sa akin.” Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Tonyo. Kinunutan niya ako ng noo kaya napailing na lang ako. Kung alam lang sana niya kung gaano ako kasaya sa ginawa niya. At isa pa ay hindi naman na normal sa akin ang pag-reject ng isang lalaki. Sa panahon ko ay talagang nagfi-first move na ang mga babae kaya hindi talaga maiiwasan ang rejection. Sa pagpapatuloy ng pistahan ay marami pa kamning nakita at nakasalubong ni Tonyo. Kaya naging sobrang saya ang araw na ito. Na-enjoy ko ang lahat ng puntahan namin. Maging ang pagpapabendisyon ng mga patalim ay inabangan ko rin. Nagtirik din kami ng kandila ni Tonyo at nag-alay ng dasal para sa patron santo na si San Bartolome. Matapos ang isang nakakapagod na araw ay minabuti na namin ni Tonyo ang umuwi. Tulad ng nakagawian namin ay inihatid niya ako. Unti-unti nang binabalot ng kulay kahel ang kapaligiran habang naglalakad kami ni Tonyo. Mabagal lamang ang lakad namin dahil parehas na kaming nakakaramdam ng pagod. At isa pa ay hindi pa ako handang tapusin ang araw na ito. I hope Tonyo enjoyed this day, too. Bigla tuloy akong na-curious kung na-enjoy nga ba ni Tonyo ang buong araw na kami ay magkasama. Sana ay naging masaya tulad ng sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. “Tonyo…” I called his name nervously. “Hmm?” tanging sagot niya na nanatiling nasa daan ang paningin. He didn’t even bother to look at me. But that’s okay, I would still aske him. “Naging masaya ka ba ngayong araw, Tonyo?” tanong ko at huminto siya sa paglalakad. Kaya naman napahinto rin ako. Tiningnan niya ako at kinunutan niya ng noo. “Bakit kinakailangan mo pa akong tanungin, Sab? Mukha ba akong hindi naging masaya ngayong araw?” Tinaasan niya ako ng kilay at napanguso ako. Nagsisigurado lang naman ako. At saka gusto ko lang din naman malaman mula sa kanya mismo na naging masaya nga siya ngayong araw na ako ang kasama niya. Pero hayaan na nga lang. He would not get din naman ang gusto kong mangyari kaya hindi ko na ipipilit sa kanya na sabihin at iparinig sa akin ang mga bagay na gusto ko sanang marinig. Sobra-sobra na ang sayang nararamdaman ko kaya hindi ko na yata kakayaninb pa kung madaragdagan pa ang kung anumang nararamdaman ko ngayon. Baka sumabog na ako kung sakali man. Halos magdidilim na nang marating namin ang tapat ng pintuan ng aking bahay. Hinarap ko si Tonyo at nginitian siya. “Maraming salamat sa araw na ito, Tonyo!” sabi ko at ngumiti siya. “Maraming salamat din, Sab. Paano, mauuna na ako dahil nasa kalookan ang aking mga magulang at doon ay nakasisiguro akong hihintayin nila ako.” Tumango ako kay Tonyo at nagpaalam na. Tulad ng dati ay pinauna niya akong makapasok sa loob ng bahay at hindi siya umalis hangga’t hindi ako nagsasarado ng pinto. Bago ko tuluyang isinarado ang pinto ay tinanaw ko muna si Tonyo sa ibaba sa tapat ng hagdan at kinawayan. He waves back at me hanggang sa maisarado ko ang pinto. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kusina para hanapin si Lola Herminia. Sa kusina ko siya unang naisipang hanapin dahil ganitong oras siya madalas na nagluluto ng aming hapunan. “Lola Herminia—” Pagpasok ko ng kusina ay lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ang nakabulagtang si Lola Herminia. Nakadapa siya sa sahig at walang malay. Bigla akong kinabahan kaya napatakbo ako palapit sa kanya dahil sa sobrang kaba at pag-aalala sa maaaring sinapit ng kaawa-awang matanda. Itinihaya ko si Lola Herminia to check if she’s still breathing. Itinapat ko ang aing hintuturo sa kanyang ilong at nakahinga ako nang maluwag nang maramdamang humihinga pa siya. Tumakbo ako papunta sa bintana para sana silipin ang daraanan ni Tonyo at humingi sa kanya ng tulong pero hindi ko na siya matanaw. Maaaring mabilis na siyang naglakad dahil nasabi niyang hihintayin siya ng kanyang mga magulang. Ngayon ay hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Binalikan ko na lamang si Lola Herminia at inakay ang mahina niyang katawan papunta sa kanyang kuwarto. I have a strong stamina kaya hindi naman ako nahirapan. Sanay rin ako sa trabaho sa tindahan at hindi rin naman ganoon kabigat si Lola. Inihiga ko siya sa kanyang papag at hinintay na magkamalay. Sa paglipas pa ng mga minuto na hindi bumabalik ang ulirat ni Lola Herminia ay bumabalik ang kaba sa aking dibdib. Napatayo lamang ako mula sa aking pagkakaupo sa gilid ng kanyang hinihigaan nang maramdaman at makitang kumilos si Lola Herminia. Para akong nabunutan ng tinik nang makitang dahan-dahan niyang iminumulat ang kanyang mga mata. “Lola Herminia, ano po ang nangyari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya. Kahit bakas sa kanya ang hirap at pagod ay ngumiti siya. Pinilit niyang makaupo kaya inalalayan ko siya. “Ayos lamang ako, Sab. Napagod lamang siguro ako. Alam mo na, Sab. Tumatanda na ang Lola Herminia ninyo,” biro ni Lola at mahina siyang tumawa. Mukha namang totoo ang sinabi ni Lola Herminia na dahil lamang sa pagod kaya siya nawalan ng malay. Hindi dahil sa kung anumang karamdaman. Ngunit gayunpaman ay nakakabahala pa rin ang nangyari sa kanya. Isa lamang iyon patunay na hindi na kaya ni Lola ang gumawa ng mga gawaing bahay. Nakakakonsensya tuloy na habang ako ay nagsasaya sa pistang pinuntahan namin ni Tonyo ay nahihirapan na pala si Lola Herminia rito sa bahay. “Patawad po, Lola. Mas inuna ko pa po ang magsaya kaysa tulungan kayo.”Marahang tumawa si Lola at umiling. “Ano ka ba naman, Sab. Kailangan mo rin namang maglibang lalo pa’t alam ko ang pinagdaraanan mo. Sadyang hindi lamang kinaya ng katawan ko ang pagod kanina.” Ako naman ang napailing sa sinabi ni Lola Herminia. “Kasalanan ko po, Lola. Dapat ay hindi ko kayo hinahayaang gumawa nang mabigat dito sa bahay.” “Sab, apo, mas manghihina ako kung hindi ako kikilos dito sa bahay. Ito ang nagpapalakas sa akin.” I guess it is really their thing. Lahat ng matatandang kilala ko ay sinasabing mas lalo silang manghihina kapag wala silang ginagawa. Siguro ay dahil sanay sila sa mga gawain. It’s their excerise. Sanay sila na nagbabanat ng buto dahil hindi pa uso ang technology noong panahon nila. Even my Lolos and Lolas were like that. “Pero mas makakabuti po Lola Herminia kung babawasan ninyo ang inyong gawain. Kaya ko naman po kayong tulungan kahit galing po ako sa trabaho.” I know Lola Herminia won’t listen to me at pilit ang ginawa niyang pagtango. She just nodded para hindi na ako mag-alala pa. “Nag-alala ka ba, Sab?” tanong ni Lola Herminia at marahan akong tumango. “Paumanhin, Sab kung pinag-alala pa kita. Siguro nga ay talagang tumatanda na ako. Anumang oras ay maaari na akong bawian ng buhay.” “Huwag po kayong magsalita ng ganyan, Lola Herminia. Mahaba pa po ang buhay ninyo.” I tried to cheer her up. Ayoko rin talaga sa idea niya na malapit na siyang mawala sa mundo. Isa siya sa mga taong nakakapitan at nalalapitan ko ngayon. Hindi ko yata kakayanin ang mawalan ng isang mahalagang tao sa aking buhay. “Hindi na ako naghahangad pang mapahaba ang aking buhay noon, Sab dahil wala naman na akong dahilan para mabuhay. Ngunit nang makilala kita at malaman ang iyong kalagayan ay ninais kong tulungan ka at gabayan habang narito ka sa panahong ito.” Napayakap ako kay Lola Herminia dahil sa sinabi niya. “Salamat po, Lola Herminia.” “Ikaw na lamang ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay, Sab. Matagal ko nang itinigil ang pag-asang muli kaming magkatagpo ni Sixto dahil kapuwa nasa dapit-hapon na kami ng aming mga buhay at wala na kaming sapat na oras para muling magkita.” Ngumiti nang buong pait si Lola Herminia at tila naramdaman ko ang kanyang panghihinayang. Ako man ay iyon din ang nanaisin ko. Oras na makabalik ako sa aking panahon ay nais ko ring makitang muli si Tonyo bago man lang ako mawalan ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD