Kabanata 24

2134 Words
Kabanata 24 Sabrina's POV Mabilis na lumipas ang araw at linggo. Ngayon ay ang mismong kapistahan ni San Bartolome. At masasabi kong isa sa pinakaaabangan ang pistang ito. Maraming Tagalog ang talagang anticipated para dito. Lalo na nang mga arawna papalapit ito. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay kaliwa't kanan ang naririnig kong nag-uusap tungkol sa pista. And it made me anticipated as well. Kaya ngayong araw, August 24, 1893 ay maaga akong nagising para maghanda. Inilabas ko ang mga patalim na mayoroon ako. I don't know if women having weapons in this generation is just a normal thing. But I don't think so. There's a massive gender discrimination here. Pili lamang ang mga nakakapag-aral na babae. But I don't care, though. Normal man o hindi ang paghawak ng sandata sa panahong ito ay ipapabendisyon ko pa rin ang aking mga patalim. Naligo ako at nag-asikaso. Oriang can't be with me dahil marami siyang inaasikaso. Ganoon din si Panggoy. Ang usapan namin ni Tonyo ay tutuloy kami at siya ang kasama ko. Pumayag na rin ako na sumama siya sa akin dahil wala naman akong ibang makakasama. Ayoko namang pumunta nang mag-isa dahil bukod sa first time ko iyon ay hindi enjoy ang mag-isa sa ganoong event. “Susunduin ka raw ba ni Tonyo?” tanong ni Lola Herminia nang makita niya ako na bagong ligo. “Opo, Lola.” Ngumiti siya at tumango. Matapos naming magkita noon ni Delfa rito sa bahay hindi na ulit kami nagkausap pa. Kaya hindi ko na alam kung iniisip pa rin ba niya ang pagpapasama kay Tonyo sa pista. But what she still insist to come with Tonyo? Well, that would be fine with me. Puwede naman akong hindi na lang pumunta. Yea, I was excited. But I won't go there alone and uncomfortable. So kung sasama si Tonyo kay Delfa, ngayon pa lang na maaga at nasa bahay pa lang ako ay dapat malaman ko na. Hindi kung kailan nandoon na ako sa mismong pistahan ay saka lang niya sasabihin na sasama pala siya kay Delfa. Ilang minuto pa akong naghintay kay Tonyo at sa wakas ay dumating na siya. I can't help but stare at his get up. He is wearing red pants, white top and there's a read hanky around her neck. His get up is very familiar. At hindi na ako nahirapan pang isipin kung saan ko iyon nakita. Kahit sino naman yatang Pilipino ay makikilala ang kasuotang iyon. It is very historic and iconic. It is mostly wear every August in 21st century. Tuwing buwan ng wika. Sa mga performances sa school. It is Andres Bonifacio's trademark. Ang maituturing na pagkakakilanlan ng isang katipunero. Sinusuot ng mga kalalakihang estudyante tuwing may school programs. Ngunit parang imposible naman na ipangalandakan nila na katipunero sila dahil inililihim pa rin nila ang tungkol sa pangkat. Lihim na kasuotan ba nila ’yan? Ngunit kung ang mga katipunero ay magsusuot ng ganyan, baka maraming magtakha kung pare-parehas sila ng suot. Maging mitsa pa iyon ng pagkaka-expose ng katipunan. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ko kay Tonyo. “Para sa iyong kaalaman, Sab, karamihan sa dumadalo sa pista ni San Bartolome ay nagsusuot nitong balintawak.” Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ni Tonyo. Balintawak? Isn't that a place? Somewhere in Quezon City, I think? Tonyo is wearing a Katipunero’s outfit and it’s so magical. Seeing an actual katipunero is something an overwhelming view. But I still don’t get why is he wearing that outfit gayong hindi pa naman sila handa na i-expose ang Katipunan. Suot niya ang outfit na pagkakakilanlan ng isang katipunero. “Balintawak, Tonyo?” naguguluhang tanong ko. “Itong aking kasuotan, Sab. Ito ang balintawak.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko talaga maiwasang maguluhan. “Ngunit Tonyo, ang suot mo ngayon ay pagkakakilanlan ng isang katipunero.” Napakunot din ang noo niya. Halata rin sa kanya ang pagkalito. “Ngunit walang kinalaman ang katipunan sa kasuotang ito. Kaya paanong magiging pagkakakilanlan ito ng isang katipunero?” tanong niya at nagkibit balikat ako. Wala rin akong maisagot sa mga tanong niya. Basta iyon lang ang pagkakaalala ko dahil basic na sa kaalaman ng mga Pinoy ang ganoong impression sa tuwing may makikitang ganoong outfit. Hindi ko na rin naman inaral pa ang history kung bakit ganoon ang outfit ng mga katipunero. Hindi ko naman akalain na may dahilan pala. I just thought they just want them to wear those clothes. “Sa totoo lang Tonyo ay hindi ko rin talaga alam.” I smiled awkwardly. Siguro ay napakawalang kwentang kabataan na ang tingin sa akin ni Tonyo dahil wala man lang ako gaano nalalaman sa kasaysayan. He would surely think na wala kaming pakialam sa mga sakripisyop nila. Sana naman ay hindi maapektuhan nito ang kagustuhan niyang mapalaya ang bayang ito. He might think we’re not appreciative and not valuing their bravery. Kahit pa parang ganoon na nga ang nangyayari sa panahon ko. “Bakit ganyan ang iyong hitsura, Sab?” tanong ni Tonyo nang marahil ay rumehistro sa mukha ko ang lalim ng mga iniisip ko tungkol sa panahon ko. “Tila ay malalim ang iyong iniisip?” Hindi nga ako nagkamali dahil nahalata nga niya. I wonder kung gaano na ba kakilala ni Tonyo dahil tila nararamdaman at nababasa niya ang lahat ng kung anumang iniisip ko. I’m good at hiding my thoughts, feelings and emotions ngunit tila napakadali lang para kay Tonyo na basahin ako. I became transparent for him. Wala yata akong maitatago kay Tonyo. “Wala naman, Tonyo. Naisip ko lang na baka huminto ka sa iyong pinaglalaban dahil tila walang pakialam ang henerasyon ko kung anumang hirap ang pinagdaanan ng aming mga ninuno.” Bahagyang natawa si Tonyo dahil sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko. What is he laughing at? “Nakatutuwa ka talaga, Sab. Labis mong inaalala ang kung anumang iisipin ko. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi magbabago ang aking ipinaglalaban. Ginagawa ko ito para sa inang bayan. Ginawaga ko ito para sa mga kapuwa ko Tagalog. Ginagawa ko ito para sa aking pamilya at kaibigan. Pati na rin para sa iyo, Sab.” Napaawang ako sa sinabi niya. I faked a smile. I couldn’t give him a genuine one dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. I was caught off guard. Should I thank him? But that would be sounded like I am privileged to whatever he’s doing. “Bakit naman nakasama ako, Tonyo?” I asked. Isa akong ungrateful youth na hindi man lang nagbigay ng kahit kaunting oras para pag-aralan ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan Yes, I know the basic ones. Pero ‘yong mga nababasa lamang sa libro. Wala akong naaalala na nag-exert man lang ako ng effort na mag-research tungkol sa kasaysayan. Wala akong naaalala na nagbigay ako ng oras para magkaroon ng kahit kaunti man lang na kaalaman. Iyong kaalaman na hindi itinuturo sa paaralan. Something that I’ve learnt out of my curiosity. Imagine lecturing my friends about history that they never knew. Debating with smartass schoolmates who fail when it comes to history because our schools never taught us about whatever information I researched. “Ganoon talaga, Sab. Isa na ang iyong kinabukasan ang ipinaglalaban ko. Ayokong mahirapan ka sa iyong panahon tulad ng paghihirap mo rito. Kung matatapos ang pananakop ngayon ay hindi na ninyo kinakailangang magpaalipin sa mga kastila.” Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit pa alam niyang malaya na kami sa panahon namin ay hindi siya nagpapakakampante. He wants to assure na magtatagumpay ang katipunan. “Maraming salamat, Tonyo.” I even promised Tonyo that I will do my best to teach my generation abouth the importance of our history. Ipapaalala ko sa kanila ang mayaman naming kasaysayan. I want to educate them about the sacrifices of our ancestors. Gagamitin ko ang pangalan ng aking Lolo na isang sikat na historian para makaimpluwensyang mga tulad kong kabataan na aminadong mangmang pagdating sa ating kasaysayan. Niyaya na ako ni Tonyo na pumunta sa Malabon kaya nagpaalam na kami kay Lola Herminia. Habang papalapit kami nang papalapit sa aming pupuntahan ay parami nang parami ang nakikita at nakakasalubong namin na tulad ni Tonyo ay nakasuot ng balintawak. I feel so out of place dahil mangilan-ngilan na lang kaming hindi nakasuot ng balintawak. Kung alam ko lang na may dress code pala dito sana ay pinaghandaan ko ito. Napag-ipunan ko sana at bumili ng maisusuot. Hindi rin naman kasi ako nasabihan man lang ni Lola Herminia. Hindi na bale it’s just my first time today. Wala namang mawawala kung ganito lang ang suot ko. Sa susunod ay alam ko na ang mga dapat gawin at alam ko na rin kung ano ang mga kailangan kong gawing paghahanda. Wait! Ito na naman ako sa pag-look forward sa mga bagay na mangyayari dito kahit pa matagal pa iyon. Not that I want to stay longer here. I maybe just want to have plans just in case I have to stay longer. I just want to explore and be productive in every single day of my experience here. Nilingon ako ni Tonyo kaya nginitian ko siya. Naningkit ang mga mata niya kaya alam kong alam niya na may mga naiisip na naman ako. He really knows me well. Alam na alam niya ang ibig sabihin ng bawat pananahimik ko. Umiling siya. Hindi ko alam kung para sabihin na tigilan ko na pag-iisip ko ng kung anu-ano o dahil nawi-weirduhan na siya sa akin at ang tangi niya lang magagawa ay ang mapailing. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at parami rin nang parami ang mga tao. Halos lahat ng nakakasalubong namin ay kanya-kanyang hawak ng mga patalim na siguradong kanilang pabebendisyunan. Inilibot ko ang aking paningin at nasiguro ko na ang pista ng patron santo na si San Bartolome ay isa sa pinakasikat na pista sa panahong ito. Ang dami at kapal ng mga tao ay isa nang patunay. Maraming kakilala kaming nakakasaubong ni Tonyo. Ang ilan ay talagang hinihintuan namin upang saglit na makipagkuwentuhan. We have our common friends kaya ang pagkakasulubong sa ilan naming kailala ay nakakalibang na. It’s fun having a little chitchat pero may isang tao akong iniiwasang makasalubong. Sana lang talaga ay hindi namin makasalubong si Delfa. Kahit matanaw lamang siya ay ayoko rin muna. Baka mahati ang atensyon ni Tonyo sa aming dalawa. Ayoko namang magkaroon ng kaagaw kay Tonyo sa ngayon dahil unang beses ko ito at gusto kong ma-enjoy at matanong kay Tonyo ang lahat ng gusto kong malaman about today’s event. “Sab, tila kay lalim na naman ng iyong iniisip?” Huminto kami sa tapat ng tindahan ng mga kandila nang magtanong si Tonyo. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ngunit wala sa isip ko ang itanggi ang kung anumang iniisip ko. I have all the courage to say every single thought I have right now. Gusto kong malaman ni Tonyo ang saloobin ko tungkol kay Delfa. “Iniisip ko lamang Tonyo kung anong mangyayari kung sakali mang makasalubong natin ang kaibigan mong si Delfa?” Magkahalong ngiwi at kunot ng noo ang rumehistro sa mukha ni Tonyo. He’s obviously confused. Napakagat na lang ako sa sarili kong labi dahil sa hiya. I am dead paranoid here but he doesn’t have any idea that it has been bugging me since that day I found out that Delfa wants to invite him. At ako pa talaga ang unang nakaalam na gusto pala siyang yayain ni Delfa. Sa akin pa ipinadaan ng babaeng iyon ang tungkol sa kanyang imbitasyon. But I have to admit na saglit ding sumagi sa isipan ko na huwag sabihin kay Tonyo ang pinasabi niya noon. Naisip ko ang na gusto kong malaman ang magiging sagot ni Tonyo. Luckily, hindi naman ako na-disappoint. He chose to be with me. Or baka dahil alam niyang first time ko lang ito at nakokosensya siya kung hindi niya ako masasamahan dahil alam niyang sa kanya lang ko umaasa sa panahong ito. But whatever his reason was, nagpapasalamat ako na ako ang mas piniling samahan ni Tonyo. “Sab, si Delfa ay aking kamag-aral. Hindi ko siya kaibigan.” Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kung anong manyayari sa oras na makasalubong namin si Delfa. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang sinabi kong kaibigan niya si Delfa. “Kahit pa ano ang relasyon ninyo ni Delfa ay nagpapasalamat ako na ako mas pinili mong samahan.” Ngumit is Tonyo dahil sa sinabi ko at ginulo niya ang buhok ko na parang isang bata. “Sab, ako ay narito sa iyong tabi dahil sa nais kitang makasama. Hindi lamang dahil sa nais kitang samahan.” Saglit akong napatitig kay Tonyo. Hanggang sa mayamaya ay may narinig kaming isang pamilyar na tinig. “Tonyo!” Her voice was full of excitement. Sabay naming nilingon ni Tonyo si Delfa na ngayon ay pinapanood naming humakbang palapit dito sa kinaroroonan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD