Chapter 23

2144 Words
Kabanata 23 Sabrina's POV Pagdating ko sa bahay ay ibinalita ko agad kay Lola Herminia ang tungkol sa pista ni San Bartolome that would happen next month. “Oo nga pala. Sa susunod na buwan na ang pista.” Ibinaba ni Lola ang hawak niyang jar kaya ibinaba ko muna ang hawak kong sampayin para tulungan siyang magsalok ng tubig. Matapos magsalok ay saka ako hinarap nila. “Masaya po ba ang kapistahan ni San Bartolome?” I asked curiously. “Masaya rin naman, Sab. Si San Bartolome ang patron santo ng mga patalim kaya sa tuwing papalapit ang kapistahan ay maraming dumarayo roon upang pabasbasan ang kani-kanilang mga patalim.” Bigla kong naalala ang revolver at lanseta na tinatago ko. I feel like I want to bring those things on that day. “Saan po ’yon, Lola?” tanong ko. “Sa Tambobong iyon, Sab. May balak ka bang pumunta?” ganting tanong ni Lola Herminia. Tipid akong ngumiti ay tumango. “Opo sana, Lola Herminia,” I admitted. “Kung talagang nais mong pumunta ay mas makabubuti kung ikaw ay magpapasama kay Tonyo.” I rolled my eyes mentally dahil sa suggestion ni Lola. Wala akong planong yayain si Tonyo dahil yayayain naman siya ni Delfa. Puwede ko namang yayain sina Oriang at Panggoy. “Hindi na po siguro, Lola. Baka makaabala lang po ako kay Tonyo,” sabi ko at ngumiti si Lola. “’Yan ba talaga ang tingin mo, Sab? Na nakakaabala ka kay Tonyo?” There's something the way she threw me that question. “Yan ba ang pinararamdam niya sa iyo?” tanong pa ni Lola. And it makes me think of the truth that I've never felt like a burden to Tonyo. Kahit pa halos sa kanya ko na iasa ang lahat ay hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanya. Hindi niya pinaramdam sa akin kahit minsan na istorbo ako at pabigat sa kanya. ’Cause the truth is it's the opposite that I feel. I feel like a priority—a top priority. “Nakakahiya po, Lola. Lagi na nga po niya akong sinasamahan kapag nagkakaproblema ako, pati ba naman po sa mga ganitong galaan ay aabalahin ko pa siya.” Ngumiti si Lola at umiling. “Magsasampay na muna po ako, Lola Herminia.” Matapos magpaalaam ay dumiretso na ako sa sampayan para patuyuin ang mga nilabhan ko. Saktong tapos ko sa pagsasampay ay halos atakihin ako sa puso nang pagtalikod ko ay nasa harapan ko na si Tonyo. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit dahil sa gulat. He laughs at my reaction kaya hinampas ko siya sa balikat. “Papatayin mo ba ako sa gulat, Tonyo?” singhal ko sa kanya ka mas lalo siyang natawa. “Paumanhin, Sab. Hindi ko akalain na ika’y mabibigla nang labis.” Itinago ko sa ilalim ng silong ang mga ginamit ko at sinundan naman ako ni Tonyo. Matapos kong isalansan ang mga gamit ay hinarap ko na si Tonyo. “Nasa ilog nga pala ako kanina para maglaba. Nang papauwi na ako ay nakasalubong ko si Delfa at nagkausap kami.” Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ibinalita ko. “And?” mataray niyang tanong habang nakataas pa ang isang kilay. At halos matawa ako dahil alam kong sa akin niya iyon natutunan. I always say that to him sa tuwing nabibitin ang kuwento niya sa mga bagay na feeling ko ay wala naman akong kinalaman. “Pinapasabi niya na samahan mo raw siya sa pista ni San Bartolome sa susunod na buwan.” Saglit na napaisip si Tonyo. Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot niya. “Nawala sa isip ko ang tungkol sa pista ni San Bartolome. Nais ko sanang pumunta ngunit maaaring wala akong oras,” sabi ni Tonyo. Mabuti na lang pala at hindi ko siya niyaya dahil hindi pala siya pwede. “Ganoon ba? Ikaw na lang siguro ang magsabi sa kanya, Tonyo.” Napangiwi siya. “Bakit? Hindi naman kailangang ipaalam sa kanya na hindi ako makapupunta. Nakasisiguro din naman ako na may iba pa siyang maaaring isama. Marami rin naman siyang mga kaibigan.” Nagkibit balikat ako. I think it would be better kung malalaman pa rin ni Delfa na hindi puwede si Tonyo sa araw na ’yon. “Mas mabuti kung magsasabi ka para hindi siya umasa, Tonyo.” It's his turn to shrug his shoulder. “Kung makikita ko siya ay sasabihin ko. Ngunit kung hindi ay hindi na ako mag-aabala pa na puntahan siya.” Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. I thought he's a gentleman? Why did he sounds like he doesn't care about a girl’s feeling? Hindi ba niya alam na nakaka-offend ang tanggihan ng isang lalaki? “Ikaw ang bahala, Tonyo.” Naglakad ako paakyat sa bahay at muling siyang sumunod. Naupo ako sa tanggapan at naupo siya sa tapaf ko. He's so at home already here in my house. Noon ay hindi siya papasok hangga’t hindi ko siya pinapatuloy. Pero ngayon ay pumapasok na siya nang diretso. Maybe because he knows that this is not my house. But I like it better. “Ako kasi ay plano kong yayain sina Oriang. Iyon ang magiging unang beses kong makakapunta sa pistahan sa panahong ito.” That is actually the reason why. It would be my first time at gusto ko rin talagang makita ang pista ng San Bartolome. Chance ko na rin iyon para mapabendisyunan ang mga patalim na mayroon ako. “Nakasisiguro ka bang nais kong pumunta?” tanong niya at tumango ako. “Oo, Tonyo.” I am actually excited. Hindi ko alam kung ano ang maaaring kaganapan doon. “Naaalala kong mayroon akong mga patalim na nais kong pabendisyunan kay San Bartolome.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tonyo. “Akala ko ba ay hindi mo balak pumunta?” takhang tanong ko. “Mas makabubuti kung may basbas ng isang patron santo ang aking mga patalim. Lalo pa at gagamitin ko ang mga iyon sa pakikidigma.” What does he mean by that? Pupunta na siya? Sasamahan na niya si Delfa? Napairap ako. “Akala ko ba ay wala kang oras?” tanong ko habang nakataas ang kilay. “Maglalaan ako ng oras, Sab. Maaari ba akong sumama sa inyo sa darating na pistahan?” Muli ay napangiwi ako sa sinabi niya. “Bakit sa amin ka sasama? Kami ba ang nagyaya sa iyo?” It's Delfa's idea na isama siya. Ang pangit naman kung sa amin siya sasama e may naunang magyaya sa kanya. Ngumuso si Tonyo. “Ngunit sa inyo ko nais sumabay sa pagparoon.” I make face at him. Para siyang bata na nagpupumilit sumama sa kanyang magulang ngunit ayaw pagbigyan. “Ayaw mo ba akong kasama, Sab?” “Gusto kitang kasama, Tonyo, ngunit—” “Sige, Sab. Kung nais mo akong kasama sa pistahan ay sasamahan ko kayo.” Napaawang ang bibig ko. He smiles playfully and evilly. “Mauuna na ako, Sab. May pagpupulong ang Katipunan ngayon. Dumaan lamang ako dahil batid kong ito ang unang taon mo rito. Siniguro ko lamang na maayos ang iyong nararamdaman at hindi nagdaramdam.” I smile at him. I actually did pero hindi ko na sinabi pa sa kanya dahil ayokong isipin pa niya ako habang nasa meeting siya ng Katipunan. Sapat na sa akin na hindi niya nakalimutan ang araw na ito. Tumayo na si Tonyo at tinalikuran ako para sana lumakad na nang bigla akong may maalala. “Tonyo…” tawag ko sa kanya kaya nahinto siya. Tumayo ako at hinarap si Tonyo. “May nasabi pala sa akin si Lola Herminia kanina.” “Anong sinabi niya, Sab?” he asked curiously. “Nakapunta siya sa panahon ko,” sabi ko at nabakas ang pinaghalong pagkalito at pagkabigla sa kanyang mukha. “May itatanong ako sa iyo, Tonyo…” “Ano iyon, Sab?” I just want to confirm something. “Matapos mong makabalik mula sa panahon ko, kumusta ang mga tao sa paligid mo? Isang linggo ka ring nawala hindi ba?” Tumango siya at nag-isip. “Oo, Sab. Isang linggo rin kasi ang inilagi ko sa inyong panahon. Ngunit pagbalik ko rito sa panahon ko ay tila walang nangyari. Nagising ako sa kung saan mo ako nabunggo. At nasa ganoong araw pa rin naman ako.” Tumango ako. Tama nga ang hinala namin ni Lola Herminia. Baka wala lamang kaming malay sa aming panahon at ang oras lamang namin dito ang tumatakbo. So what do you call this? A dream? Napatitig ako kay Tonyo dahil sa idea na baka nga panaginip lang ang lahat ng ito. Ayokong maging isang panaginip lamang si Tonyo. That would be frustrating. Masyado nang malalim ang pinagsamahan namin para lang maging panginip siya. Masyado na akong na-attach sa kanya at ayokong mawala siya na parang bula sa oras na magising ako. “Ayos ka lamang ba, Sab?” nag-aalalang tanong ni Tonyo kaya tumango ako. “Ayos lamang ako, Tonyo. Ngunit tulad ng nangyari sa iyo ay ganoon din ang nangyari kay Lola Herminia. Nasabi niya na kalahating taon siya sa panahon ko ngunit kagabi lang naman kami hindi nagkita.” Tumango si Tonyo na tila nage-gets ang point ko. “Hindi na ako magtatakha dahil ganoon din ang nangyari sa akin. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa pamilya mo. Maaaring wala silang alam na malayo na ang nalalakbay mo.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Iyon din talaga ang naisip ko simula pa lang. “May ilan lamang akong katanungan dahil sa mga nalaman ko…” “Katanungan? Tulad ng?” “Paano Tonyo kung halimbawang mapaslang ako rito? Ano ang mangyayari sa katawan ko na nasa panahon ko?” Isa iyon na naging palaisipan sa akin. Kapag ba namatay ako rito, halimbawa sa digmaan, babalik kaya ang ulirat ko sa 21st century? Mas lalo na akong nawalan ng kasiguraduhan sa mga puwedeng mangyari at posibilidad na kakahinatnan ng lahat ng ito. “Sa totoo lang, Sab ay hindi ko rin alam. Tila nangangapa tayo sa hinaharap. Mahirap manghula at sumugal lalo pa’t hindi naman pangkaraniwan ang nangyayari sa atin.” Kung may mahihingian lang sana kami ng tulong ni Tonyo ay mas mapapadali ang pag-iisip namin. But like what he said, that would be hard because we both know that this is rare. “Isa pa sa katanungan ko ay kung ano ang nangyari sa katawan ni Lola Herminia sa kanyang panahon nang permanente na siyang namalagi rito dahil nagamit nila ang tatlong pagkakataon na mapunta sa ibang panahon.” Isa sa mga naiisip kong maaaring nangyari ay ang mawala at maglaho ito na parang bula. “Ako man, Sab ay walang maisip na sagot. Ngunit isa ring katanungan ang kung ano ang sinapit ng katawan ni Padre Sixto nang permanente siyang manirahan sa panahon ni Lola Herminia.” Tonyo is right. Isa rin iyong katanungan para sa amin. Iyon ba ang actual body ni Lola Herminia o tulad ko ay hindi rin? Hindi ko na rin alam. Maraming haka-haka ngunit walang matibay na batayan. “Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano pa man, Sab. Alam kong pagod ka sa paglalaba kaya mauuna na ako upang makapagpahinga ka.” Dahil sa sinabi ni Tonyo ay naramdaman ko nga ang pagod. Naramdaman ko ang biglang pagpungay ng aking mga mata dahil sa antok. Gusto ko muna sanang kumain pero mas nangingibabaw na sa akin ang antok. Tuluyan na ngang nagpaalam si Tonyo at umalis kaya dumiretso na ako sa kuwarto. I also told Lola Herminia that I would sleep first at mauna na siyang kumain. Hindi naman ako nabigo dahil nakatulog ako nang mahimbing. Bandang alas-tres na ng hapon nang magising ako. Nabawi ko ’yong aga ng ginising ko kanina. I'm starving kaya bumangon na ako at dumiretso sa kusina. Doon ay naghain na ako at kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang pumasok si Lola Herminia sa kusina. “May naghahanap sa iyo, Sab. Pinapasok ko na sa tanggapan.” Dahil sa sinabi ni Lola ay nagmadali na ako sa pagkain para maharap ang kung sinuman ang naghahanap sa akin. Matapos kumain ay lumabas na ako ng kusina. Si Delfa ang bumungad sa akin tanggapan. Kahit nagtatakha ay nilapitan ko siya para kausapin. What is she doing here? Parang kaninanv umaga lang ay nagkasalubong pa kami, ah? “Magandang hapon, Sab.” Nginitian ko siya at hindi ipinahalata ang pagtatanong kung bakit siya nandito. “Magandang hapon din, Delfa. Ano ang iyong sadya?” Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. “Nais ko lamang itanong kung nasabi mo ba kay Tonyo ang pinapasabi ko? Nakita ko siyang lumabas kanina ritong tanghali ngunit hindi ko siya nalapitan dahil kasama ko ang aking ama.” Napangiwi ako sa sinabi ni Delfa. Talagang sinadya pa niya ako rito sa bahay para lang itanong ’yon? “Oo, Delfa, nasabi ko.” Excitement plastered on her eyes. “Tunay ba, Sab? Kung gayon ay ano ang kanyang tugon?” she asks eagerly. “Ang sabi niya ay pupunta siya pero—” “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako matatanggihan ni Tonyo. Maraming salamat, Sab. Iyon lamang ang aking sadya rito. Magpapaalam na ako dahil naghihintay sa labas ang aking ama.” “Delfa kasi—” Hindi ko na nasundan ang sasabihin ko dahil tumayo na siya at lumabas ng bahay. I was left dumbfounded without knowing how she thought that Tonyo would actually go the with her. Hindi man lang ako pinatapos ng babaeng ’yon. Napailing na lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD