Kabanata 22

2079 Words
Kabanata 22 Sabrina's POV I didn't wake up this morning with the same feeling I always feel. This day is different. It's July 20, 1893. Exactly one year ago, I time-travelled here. And yes, tumagal ako nang isang taon. Tumagal ako sa pananakop ng mga espanyol. Tumagal ako nang hindi nakakasama ang pamilya ko. Tumagal ako sa isang napakahirap na uri ng pamumuhay. And yes, tumagal ako nang hindi ko nalalaman kung paano. How did I survive this kind of living? Well, the first answer came in my mind was Tonyo. Of course, he has been making my life here easier. Sa simula pa lang ay si Tonyo na ang sinasandalan ko. Minsan nga ay pakiramdam ko nagiging pabigat na ako sa kanya. He wants to focus on Katipunan pero minsan ay nakukuha ko ang ilan sa mga oras niya na dapat sana ay nakatulong siya sa aming samahan. I always told him na kaya ko naman ang sarili ko even though kailangan ko talaga siya. Pero para bang kilalang-kilala na niya ako kaya alam niyang lagi akong nangangailangan ng tulong. Kaya minsan pinapatatag ko na lang ang sarili ko dahil alam kong hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako anumang oras na kailangan ko siya. He even skips attending some meetings just to check me up. I don't know, it makes me feel guilty because I feel like he couldn't fulfill his duty. But fluttered at the same time because he really finds way babysitting me. Hindi ko alam kung paano mapapasalamatan si Tonyo. Kulang ang salitang salamat para sa lahat ng nagawa niya sa akin. But I can't be sentimental just because it's my first year here. I must move at kinakailangang simulan ang panibagong araw. I miss my family but I refuse to look at our pictures. I stand to my feet instead and storms out my room. As what I expected, I saw Lola Herminia at the window. Nakatulala siya roon na tila ay may malalim na iniisip. Ayoko sana siyang istorbohin ngunit hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. “Lola…” mahina kong tawag sa kanya. Hindi niya agad ako nilingon kaya ang akala ko ay hindi niya ako narinig. I open my mouth para sana muli siyang tawagin ngunit nahinto ako nang marinig ko siyang nagsalita. “Matagal ba akong nawala, Sab?” tanong ni Lola Herminia na sa bintana pa rin nakatanaw. Hindi napigilan ang pagkunot ng noo ko dahil sa pagkalito sa naging tanong niya. “Po? Nawala po?” tanong ko. Naglakad ako papunta sa bintana para makalapit pa ako kay Lola Herminia. Nang magkatabi na kami ay saka pa lamang niya ako hinarap. “Oo, Sab. Kailan mo ako huling nakita bago ang ngayon?” Kahit naguguluhan ako sa tanong ni Lola ay inalala ko pa rin. At hindi naman ako nahirapang alalahanin iyon dahil kagabi ko lang naman siya huling nakita nagkuwentuhan pa nga kami. “Kagabi po, Lola. Hindi po ba at nagkuwentuhan pa tayo sa naging buhay ninyo noong mga unang taon ninyo sa panahon pong napuntahan ninyo?” Medyo naguguluhan na talaga ako. Ano ba ang gustong sabihin ni Lola Herminia? Muling lumalim ang iniisip ni Lola kaya dahil sa naging sagot ko. She stares at me na tila may nais sabihin. “May problema po ba, Lola?” Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. “Nakarating ako sa iyong panahon, Sab.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Lola. She did? “Po? Kailan po?” tanong ko sa matanda. “Matapos natin magkuwentuhan kagabi ay minabuti kong matulog na. Ngunit paggising ko ay napunta ako sa ibang panahon. Nalaman kong iyon ang kasalakuyang taon mo nang ipagtanong ko.” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa ibinalita ni Lola. Naiinggit ako kasi nakarating siya sa panahon ko gayong ako ang nananabik na makabalik doon, o magpapasalamat dahil hindi nabawasan ang chance ko na makabalik sa panahong ito dahil limitado lamang kung ilang beses lang kami pwedeng mag-time travel. “Mabuti na lamang po Lola at ilang oras lamang kayo roon. Kung hindi po ay siguradong mahihirapan kayong makapag-adjust,” sabi ko. Oo nga at namuhay si Lola Herminia sa taong 1960’s pero mas mahaba ang inilagi niya sa panahong ito. Plus the fact na hindi pa naman ganoon ka-modernize ang taong iyon. “Nagkakamali ka, Sab. Inabot ako roon ng kalahating taon.” Namilog ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Paanong tatagal si Lola Herminia roon e magdamag lang kaming hindi nagkita. “Sigurado po ba kayo, Lola? Paano po iyon mangyayari kung halos isang buong gabi lang po tayong hindi nagkia?” Saglit na napaisip si Lola Herminia. She's analyzing things about what happened. “Kung hindi ako nagkakamali, Sab, maaaring tulog lamang tayo sa tuwing tayo ay naglalakbay sa ibang panahon. At kahit gaano pa tayo katagal sa mundonv pinagdalhan sa atin ay hindi mababago sa mundong pinanggalingan mo.” Maging ako ay napaisip sa sinabi ni Lola Herminia. Kung tama nga ang hinala ni Lola Herminia ay maaaring oras na magising ako dahil sa pagbalik ko sa aking panahon ay may posibilidad na ganoong araw pa rin ang aking babalikan. Ang ibig sabihin laman niyon ay ang oras lamang sa panahong pinagdalhan sa akin ang umuusad at hindi ang sa panahong pinanggalingan ko. Kung gayon ay maaaring tulog lamang ako sa panahon ko at ang oras ko lang dito ang tumatakbo. Maaaring hindi ako hinahanap ng pamilya ko dahil hindi pa naman ako ganoon katagal nawawala. Ang alam lamang sa bahay ay nasa Recto ako para ipa-restore ang orasan. I don't know if it's a good news or what. But I don't want to be selfish. Kaya mas mabuti na rin ’yong ganoon kaysa mabalot sila ng pag-aalala kung hindi ako makakauwi ng isang taon. “Ngunit ang ibig po ba sabihin nito, Lola, na sa panahong pinanggalingan ninyo ay natutulog lamang din kayo?” I asked. “’Yan din ang unang pumasok sa isip ko nang mapagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari ngunit dito na kasi ako nabibilang, Sab, dahil naubos ko ang pagkakataong makabalik sa panahon ko.” May punto si Lola Herminia. They used those chances kaya na-stuck na siya rito at ito na ang permanente niyang taon. “Ngunit sa tingin po ninyo, Lola, bakit po kaya muli kayong naglakbay?” tanong ko. “Patawad, Sab. Ngunit sa tingin ko’y muli na namang pinapakialama ni Sixto ang orasan.” I don't get him. Bakit tila hindi siya tumitigil. Ano ba ang gustong mangyari ni Father Sixto? Pinapahirapan niya lamang kaming lahat. “Sana nga lang po, Lola Herminia na mayroon talagang matinding dahilan si Father Sixto sa lahat ng ito.” Tipid na ngumiti si Lola dahil sa hiya. And I don't get why she has been sorry about everything. Hindi naman niya kontrolado ang pag-iisip ni Father Sixto kahit pa naging magkaibigan sila. “Ang mabuti pa, Sab, kumain na muna tayo. Hinintay lamang kitang magising para sabay na tayong kumain.” Naglakad kami ni Lola Herminia papunta sa kusina. At tulad ng nais niya ay sabay kaming kumain ng almusal. It's my rest day today at wala naman akong plano maghapon. Gusto ko sanang gamitin ang araw na ito para maglaba ng mga damit ko. Lola Herminia won't let me do her laundry. She does mine pero ayaw niyang ipaglaba ko siya. Right after our breakfast ay bumalik ako sa kuwarto ko para ihanda ang mga lalabhan ko. Kumuha ako batya na yari sa yero at palu-palo na siyang gagamitin ko. “Lola, maglalaba po muna ako sa ilog.” Bitbit ang batya na nakasukbit sa aking tagiliran ay lumabas na ako ng bahay. Kinakailangan kong magmadali dahil papasikat na ang araw. Mahirap maglaba kapag maaraw na kaya habang madilim-dilim pa lang dapat ay simulan na. May mga natatanaw na akong nagsisimula sa paglalaba sa kahabaan ng ilog kaya nang makakita ako ng pwesto ay agad kong inihanda ang mga gamit at lalabhan ko. “Magandang umaga, Sab,” bati ng ilan sa mga kakilala ko na nakasabay ko sa paglalaba. Ang ilan sa kanila ay madalas kong makakwentuhan sa tuwing ako ay maglalaba rito. “Magandang umaga rin sa inyo,” ganting bati ko. Nagsimula ako sa paglalaba habang nakikipagkuwentuhan. Masarap din sa pakiramdam ang maglaba sa ilog. Hindi mo mapapansin ang pagod dahil nalilibang ka sa pakikipagkuwentuhan sa nakakasabay mo. Hindi mo mapapansin ang oras at mare-realize mo na lang na tapos ka na pala sa mga labahin mo. Kung sa panahon ko ito, kahit gumamit ka ng washing machine ay mapapagod ka at maiinip. Sobrang layo ng experience. Kitang-kita ang gap ng panahong ito sa panahon ko. Nang matapos ako sa paglalaba ay isinalansan ko na sa batya ang mga nalabhan ko. Sa bahay na lang ako magsasampay. Puwede naman dito sa ilog at hintayin ko na lang matuyo pero wala akong dalang pagkain at nagugutom na ako. “Mauuna na ako, Salbe, Iska!” Kumaway ako sa kanila at ganoon din ang ginawa nila sa akin. Naglakad na ako palayo sa ilog at nagmadali para agad na makapagpatuyo ng sinampay. Sa paglalakad pabalik sa bahay au nakasalubong ko si Delfa. She is Tonyo's classmate in Letran noong nag-aaral pa ito. Delfa is from a family of ilustrados kaya nagagawa niyang makapag-aral. I met nang minsan namin siyang makasalubong ni Tonyo galing sa meeting ng Katipunan. I can say that they are actually close dahil marami silang napag-usapan noon. Maganda ang bihis ni Delfa kung ikukumpara sa typical na babaeng nakakasalamuha ko rito. Lalo na kung ikukumpara sa tulad kong may bitbit na batya sa may tagiliran. “Sab?” Lalagpasan ko na sana siya at magkukunwaring hindi siya nakita ngunit siya ang naunang bumati sa akin. Ang plano kong hindi pagpansin sa kanya ay hindi ko nagawa dahil nilapitan pa niya ako. “Delfa.” Nagkunwari akong nabigla nang makita siya kaya napangito siya. “Ako ito, si Delfa. Kaibigan ako ni Tonyo.” She makes me try to remember her without knowing that I didn't forget her. She is actually pretty. Ang tipo ni Delfa ang kung tawagin sa panahon namin ay ‘it girl’. She has the class and a beauty that stands out. “Oo, Delfa, naaalala kita.” I tried to sound interested but the truth is I am not. Hindi ko siya feel. May pagkamaarte kasi siya at iba ang tabas ng dila. Kung makipag-usap din siya kay Tonyo ay parang inaakit niya iyon. Hindi ko na rin alam kung paano natiyaga ni Tonyo na makipag-usap sa kanya noon nang ilang minuto na wala namang ibang bukambibig si Delfa kundi reklamo niya sa pag-aaral. He wants Tonyo back in school dahil wala na raw nagtuturo sa kanya. Tinatamad na raw siyang mag-aral dahil pagdating naman daw ng panahon na mag-aasawa na siya ay sa bahay lang naman siya dahil iyon daw ang trabaho ng mga babae. Tonyo kept on saying na babalik siya sa pag-aaral soon pero sobrang kulit ni Delfa. Kaya mas pinasya niyang magpaalam noon kay Delfa at niyaya na akong magpatuloy sa paglalakad. I don't know But the bottomline is I don't like Delfa. “Mabuti naman kung ganoon, Sab.” She chuckles. “Nakita mo ba si Tonyo?” Napataas ang kilay ko sa tanong niya. “Hindi, eh. May kailangan ka sa kanya?” Pinanood ko kung paano rin napataas nang bahagya ang kilay niya dahil sa pang-uusisa ko. Pero ngumiti rin naman siya. “Nais ko lamang siyang imbitahan sa susunod na buwan. Nalalapit na ang kapistahan ni San Bartolome.” Why is she inviting him? I thought ladies these days are playing hard to get? Bakit siya ang magyayaya kay Tonyo? Hindi ba’t dapat ay si Tonyo ang magyaya sa kanya? But would Tonyo even invite her? Who knows? Maybe. At kailan mga ulit ’yon? Next month? Sa anong lugar ba patron santo si San Bartolome? Wala naman masama kung pupunta ako sa pistahan next month, ano? Oo, tama. Yayayain ko si Oriang o hindi kaya ay si Panggoy. Sana ay puwede sila, o kahit isa man lang sa kanila. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong makapagsaya. The one was Oriang's birthday. Hopefully this one ay mag-enjoy ako. Gusto ko sanang imbitahan si Lola Herminia pero baka mapagod lang siya kaya huwag na lang siguro. “Sasabihin ko si Tonyo kapag nakita ko siya,” I said just to get rid of her. Nagpasalamat lang siya at umalis na rin. Finally, she's gone. I'm true to my words when I said I would tell Tonyo about her invitation. Si Tonyo na lang ang bahala kung sasamahan niya si Delfa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD