Kabanata 21

2070 Words
Kabanata 21 Sabrina's POV Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pang-aasar nila at kung hanggang kailan makakatagal si Tonyo na ngayon ay mas lalo pang namula. "Kaya kung ako sa iyo, Sab, oras na pumanhik si Tonyo ng ligaw sa iyo, paunlakan mo. Napakabait na bata nito." Inakbayan ni Andres si Tonyo. Kahit natatawa iyong sinabi ni Andres ay alam kong totoo at seryoso siya roon. And I couldn't agree more. Alam kong sobrang bait ni Tonyo. "Tapatin mo nga kami, Binibining Sab, may pag-asa ba ang kaibigan naming si Tonyo sa siya ay iyong maging katipan?" Napaawang ang bibig ko sa tanong ni Teodoro. He is so straightforward. Siya rin ang nagsimula ng usapang ito. And why the hell they would ask me. "Po?" I kind of feel awkward. Hindi dahil sa mga kasama ko kundi dahil sa mga tingin ni Tonyo. Maya't maya ang sulyap niya sa akin. Maya't maya rin ang sulyap ko sa kanya kaya nagtatama ang aming mga mata. "Nais lamang namin malaman, Sab, kahit na kaunti, may pag-asa ba si Tonyo?" seryosong tanong ni Andres. Nilingon ko sina Oriang at Panggoy para sana humingi ng tulong ngunit maging sila ay naghihintay ng sagot ko. "Magkaibigan po kami ni Tonyo." Sabay-sabay silang umiling na tila hindi kumbinsido sa naging sagot ko. What? What do they want me to answer? "Sa ngayon, Binibini. Ngunit paano kung kayo ay nasa hustong gulang na para bumuo ng pamilya?" tanong pa ni Valentin. Pinipigilan kong mapangiwi dahil sa mga tanong nila. Ayokong bigyan sila ng ganoong facial expression dahil baka ma-offend sila. Pero hindi ko alam kung bakit humantong ito sa ganito. Kanina ay kantyawan lang ngunit ngayon ay seryoso na sila kung magtanong. Yes, they are laughing and smiling, but they are obviously curious about my answer. "Kami po ni Tonyo ay magkaibigan. At mananatili po kaming magkaibigan." Tiningnan ko si Tonyo sa kanyang mga mata. "Ngunit bakit? Wala ba talaga kayong pag-asa na mag-ibigan? Makisig naman si Tonyo," sabi ni Emilio. "Hindi kami maaari, Ginoong Emilio. Ngunit kami lamang ni Tonyo ang nakakaalam kung bakit." I want this topic ends. Ngumiti si Tonyo at tumango. He knows it very well. Kahit pa anong pilit ng mga tao, alam naming parehas na imposibleng mangyari ang mga iniisip nila. "Tama si Sab. May mga bagay na kahit gustuhin mo ay hindi maaari." Napatingin ako dahil sa sinabi ni Tonyo. Nginitian niya ako. "Mga tao na akala mo malapit, ngunit ang totoo'y malayo pala. Kailanma'y hindi mo siya maaabot. Gaano mo man gustuhin, hindi mo siya maaaring makasama." Nag-iwas ako ng tingin kay Tonyo. "Tila mahirap ang suliranin mong iyan, Tonyo." Nilingon ni Tonyo si Emilio at nginitian lang ito. "Nais mo bang uminom ng alak, Tonyo?" alok ni Andres pero umiling si Tonyo bilang pagtanggi. "Hindi po, Ka Andres. Ihahatid ko pa si Sab sa kanyang tahanan." Saglit na natahimik ang mga Katipunero pero mabilis ding bumalik sa kanilang pang-aasar. "Sige, Tonyo. Ihatid mo ang iyong kaibigan." Tumawa si Ladislao. He is obviously teasing us because he emphasized the word 'kaibigan'. Napailing na lamang ako. Mabuti na lamang at hindi na sila ulit nagtanong nang tungkol sa amin ni Tonyo. Hinayaan na namin ang mga lalaki sa kanilang kwentuhan. Pumasok kami sa isang kwarto nina Oriang at doon na lamang nagkwentuhan. Hapon na nang makaramdam ako ng pagod. Hindi ko rin kasi namalayan ang oras dahil sa pakikipagkwentuhan kina Panggoy at Oriang. Sobrang dami naming napag-usapan, lalo na tungkol sa Katipunan. I stretched my neck dahil sa pagkangalay. We heard a swift knock on the door kaya nagkatinginan kaming tatlo. "Sab..." Biglang lumakas ang t***k ng puso ko nang boses ni Tonyo ang tumawag sa akin. "Paumanhin, Panggoy at Oriang. Ngunit maaari ko na bang kuhanin si Sab?" Sabay na napangiti ang dalawang kasama kong babae nang marinig iyon. Mula sa pagkakaupo sa higaan ay sabay-sabay kaming napabalikwas ng bangon. Naglakad kami papunta sa pintuan. Si Oriang ang nagbukas ng pintuan at nabungaran nga namin si Tonyo na nakaabang. I sniff silently to check kung amoy alak ba siya. True enough, hindi nga siya nag-inom. "Iuuwi mo na si Sab?" tanong ni Panggoy at tumango si Tonyo. "Oo sana, Panggoy. Malapit nang dumilim. Batid kong wala pang pahinga si Sab." Tumango si Panggoy. Alam kong marami pa siyang baong kuwento pero tila naubusan kami ng oras. Marami pa namang ibang pagkakataon. "Sige na, Sab. Baka maabutan pa kayo ng dilim sa daan ni Tonyo," sabi ni Oriang nang makalabas na kami ng kwarto. Narito pa rin ang mga Katipunero ngunit iilan na lamang sila. "Mauuna na kami ni Sab," paalam ni Tonyo sa mga kasamahan. Nahalata yata ni Tonyo na nahihiya akong magpaalam sa kanila kaya siya na ang nagsalita. I just slight vowed my head with them bilang pamamaalam at tinaguan lang naman nila ako. Magkasabay kaming nagalakad ni Tonyo papunta sa pinto at nasa likod namin sina Oriang at Panggoy para kami ay ihatid. "Tulad ni Oriang ay mauuna na rin ako, Oriang. Muli ay binabati kíta ngayong araw ng iyong pagsilang." Niyakap niya si Oriang na ginantihan naman nito ng isa ring mahigpit na yakap. “Maraming salamat sa iyo, Panggoy lalo na sa iyong pagdalo. Mag-iingat ka sa iyong pag-uwi,” sabi ni Oriang matapos bumitiw sa yakap. Nilingon naman ako ni Panggoy. “Paalam na rin sa iyo, Sab. Mag-iingat kayo ni Tonyo.” Tumango ako at nginitian siya. “Mag-iingat ka rin, Panggoy.” Matapos makapagpaalam ni Panggoy at tinanaw na lamang namin siya ni Oriang papalayo. Nang mawala na siya sa aming paningin ay humarap na ako kay Oriang. "Mauuna na rin kami, Oriang." Nagpaalam na ako sa kanya at muli siyang niyakap. “Maligayang bati na lamang ulit sa iyo, Oriang.” Bumitiw ako sa kanya sa pagkakayakap. “Maraming salamat muli, Sab. Mag-iingat kayo ni Tonyo.” Nang makapagpaalamanan na kami ay sinundo na siya ni Andres sa tapat ng bahay kaya nagsimula na kaming maglakad ni Tonyo pauwi sa bahay ko. Tahimik lamang kaming naglalakad at walang gustong magsalita. Mas mabuti na rin ’yon dahil wala rin namang akong naiisip n sabihin sa kanya. Maingay ang kapaligiran pero babibingi ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko nga rin alam kung bakit kami magkasama at kung bakit ako pumayag na magpahatid sa kanya. Maybe because I'm just afraid to be alone in every street of this timeline. Well, delikado rin naman sa panahon ko pero pakiramdam ko ay mas delikado talaga rito. “Ako na ang humihingi ng kapatawaran kung nakaramdam ka man ng pagkailang sa mga kasamahan ko kanina.” Si Tonyo ang bumasag sa aming katahimikan habang patuloy na naglalakad. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko rin in-expect ang pagsasalita niya. “Mga kasamahan natin, Tonyo. Bahagi rin ako ng Katipunan kaya kasamahan ko rin sila.” Sinulyapan ko si Tonyo at ngumiti siya. “Siyang tunay, Sab. Gayunpaman ay humihingi pa rin ako ng tawad.” Tinanguan ko si Tonyo. “Ayos lamang iyon. Unti-unti na rin naman akong nasasanay.” It's no big deal, actually. Teasing is a huge part in our circle. I have this guy friend na pilit nilang tinutukso sa akin pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang. But in Tonyo's case, I find it odd. Nakaramdam ako ng pagkailang at pagkahiya kanina. To the point na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nahirapan ako sa paghagilap ng tamang salita para masagot sila. Siguro ay dahil alam kong iba ang kahulugan nila sa ganoong klase ng tuksuhan kung ikukumpara sa panahon ko. “Ayaw ko lamang na makaramdam ka ng ilang sa tuwing nakakasama natin sila kaya hayaan mo at pagsasabihan ko sila.” Hindi ko na pinigilan pa si Tonyo sa kanyang gustong gawin. Basta sasanayin ko na lang din ang sarili ko sa ganoong tuksuhan lalo na’t si Tonyo ang iniinvolve nila sa akin. The following minutes of our walk envelops with silence again. The sun has set when we reach our doorstep. Hindi ko namalayan nan nandito na pala kami ni Tonyo. Kahit tahimik lamang kami at hindi na muli pang nag-usap ay hindi naman ako nakaramdam ng pagkainip. “Maraming salamat sa paghatid, Tonyo.” Sinilip ko ang bahay nila ngunit madilim doon. Wala yatang tao. Kung gayon ay wala pa ang mga magulang niya. He might starve kung hihintayin niya pa ang pagdating nina Aling Teofila. Nagutom ako sa paglalakad namin kaya sigurado akong nagutom din siya. “Wala pa yata ang mga magulang mo, Tonyo. Kumain na muna tayo sa bahay ko,” yaya ko sa kanya. “Hindi na, Sab. Wala talaga ang mga magulang ko dahil sa Kalookan kami ngayon. Inihatid lamang talaga kita upang masigurong ligtas kang makakauwi.” Napaawang ang bibig ko. Akala ko ay dito siya uuwi kaya minabuti niyang magsabay na lang kami dahil iisa lang naman kami ng way. Pero hindi pala dahil sa ibang lugar siya uuwi. “Kung hindi ka pala rito uuwi sana ay hindi mo na lamang ako inihatid, Tonyo. Naabala lang kita.” Umiling si Tonyo dahil sa sinabi ko. “Hindi, Sab. Hindi na kita nasundo kanina kaya hindi ako makapapayag na hindi pa rin kiya maihahatid pauwi.” Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Tonyo. Pinilit ko na lang siyang kumain sa bahay. At first, he keeps on refusing me pero sa huli ay napapayag ko rin siya. Kasama ko siyang pumasok sa loob at saktong naabutan namin si Lola Herminia na nasa kusina. “Nariyan ka na pala, Sab...at kasama mo si Tonyo.” She didn't expect na kasama ko si Tonyo kaya medyo nabigla siya. But she's obviously happy. Isa si Lola Herminia ang nagpapaalala sa akin na makipagbati na kay Tonyo dahil alam niya kung gaano na kalaki ang pinagsamahan namin dahil sa kanya lang ako kumakapit noon. “Magandang gabi po, Lola Herminia. Paumanhin po kung nabigla kayo sa aking pagdating.” Napakamot sa ulo si Tonyo dahil nahalata niya kay Lola ang pagkabigla. “Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, apo. Ako ay nagagalak na muli kang naparito. Nakatutuwang makita na muli kayong magkasama ni Sab.” Napangiti ako sa sinabi ni Lola. I know she misses Tonyo, too. She even said that she would be happy seeing me ang Tonyo being friends again. Pero sinabi ko rin naman sa kanya na hindi naman nawawala ang pagkakaibigan namin ni Tonyo. Magkaibigan kami sa kabila ng outburst ko noong gabing iyon. Nagkatampuhan lang kami. But our friendship remains. “May maitutulong po ba kami, Lola?” tanong na lamang ni Tonyo pero umiling si Lola Herminia. “Hindi na, Tonyo. Malapit na rin naman akong matapos dito. Tatawagin ko na lamng kayo kapag nakahain na ako,” sabi ni Lola Herminia. “Ngunit Lola, baka naman po mapagod kayo at—” “Hindi ako mapapagod rito. Napakaliit na gawain lamang ng pagluluto. Kaya sige na, sa tanggapan na lamang ninyo hintayin ang tawag ko.” Wala na kaming nagawa pa ni Tonyo at lumabas na kami ng kusina. Hindi rin naman magpalatalo sa amin si Lola Herminia kaya hinayaan na lamang namin siya na asikasuhin ang pagkain namin. Sa tapat ng bintana kami pumwesto ni Tonyo. Mababa pa lamang ang buwan ngunit maliwanag na. Parang gusto kong abanga ang liwanag nito mamaya ngunit nakakaramdam na ako ng antok. “Galit ka pa ba sa akin, Sab?” tanong ni Tonyo kaya hinarap ko siya. Ngumiti ako at umiling. “Hindi na, Tonyo. Naging masyado akong mababaw nang gabing iyon.” Saka ko lamang na-realize ang pagkakamali ko nang malaman ko ang concern sa akin ni Tonyo ngayon. He didn't let me go home alone. His concerns matter most. Hindi ako dapat magdamdam just because I felt him invalidated my feelings because of expressing his thoughts about our situation. Wala akong magagawa kung naiintindihan niya kung anuman ang dahilan ni Father Sixto kung bakit niya iyon nagawa. Napakaraming pagkakataon na mas inuuna ni Tonyo ang kapakanan ko pero nagalit ako sa isang beses na pakiramdam ko ay binalewala niya ako. At iyon ang pagkakamali ko. “Hindi, Sab. Naiintindihan ko ang iyong galit noon. Kaya nais ko pa ring humingi ng tawad.” Tumango ako kay Tonyo. Wala siyang kasalanan ngunit tinatanggap ko ang sorry niya. I really miss him. Ang hirap din kasi talaga niyang tiisin. Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan ni Tonyo tungkol sa mga nangyari sa amin sa loob ng isang linggong hindi kami nagkasama. Hanggang sa dumating si Lola Herminia at tinawag kami para kumain ng hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD