Kabanata 20

2059 Words
Kabanata 20 Sabrina's POV Umaandar nang muli ang kalesang naghatid sa akin ngunit nanatiling nakatayo si Tonyo sa tabi ko at nakatanaw sa papalayong kalesa. Nilingon ko si Tonyo ngunit hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Is he mad because I'm here? The last time O check, ako ang may ayaw siyang makita. Ayaw niya rin ba akong makita? "Hindi man lamang siya nag-abalang bumaba para alalayan ang isang babae," mahinang sabi nito ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Napako na yata ang tingin niya sa sinasakyan ni Sergio. "Kaya ko naman kasi, Tonyo." Hindi ko alam kung kausap niya ako o ang sarili niya pero sinubukan ko na ring sumagot. "Hindi ko alam na nagkakapalagayan na kayo ng loob ng creoles na si Sergio?" Sa pagkakataong ito ay saka niya lamang ako nilingon. And he just looked at me dahil wala na sa paningin niya ang kalesa. Nakalayo na iyon nang tuluyan. "Hindi niya lamang ako, Tonyo. Nagmabuting loob lamang ang kaibigan mong si Sergio." Sinalubong ko ang mga tingin ni Tonyo at parang gusto ko na lang matunaw. His eyes are burning at nagsisi akong sinalubong ko iyon. Hindi ko na mabawi pa ang tingin ko dahil ayokong isipin niya na hindi ko kaya ang mga titig niya. "Hindi ko siya kaibigan!" I was shock with his response. I know that there's a possibility na sabihin niya iyon. Ngunit hindi ko akalain na ganito niya iyon itatanggi. Bahagya kasing tumaas ang boses niya. Para bang ipinaiintindi niya sa akin na hindi niya talaga iyon kaibigan. "Okay?" I don't get why is he being defensive now. May ilang araw kaming hindi nagkita tapos susungitan niya ako sa hindi ko alam na dahilan. "Bakit ganyan ka?" Hindi naitago sa tanong ko ang pagkairita. Siya ang may atraso sa akin pero bakit parang ako ang may malaking kasalanan sa kanya. Is he still mad at me? Wait—did he feel mad at me? The nerve of this boy! Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya sa akin? "Huwag kang magtiwala sa tulad ni Sergio, Sab—" "Oo na!" I almost shouted in front of his face at mabibigat ang hakbang akong naglakad papunta sa bahay nina Oriang. Naabutan ko sa sa kanilang tanggapan na inaasikaso ang pagkain ng ilang katipunerong nandito. Agad siyang ngumiti nang makita kong pumasok sa pintuan. "Si Sergio ba ang nakita kong kasama mo sa kalesa?" Nabigla ako dahil sa tanong niya. He saw us? Marahan akong tumango dahil sa hiya. Binigyan ako ni Oriang ng isang mapanuring tingin. "May namamagitan ba sa inyo, Sab?" Hindi ko mapigilang matawa sa tanong niya kaya napatingin sa akin ang mga bisita nila. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pagkakakuha ko sa atensyon nila. Maging si Tonyo na ngayon ay nasa tabi na ni Andres ay napatingin sa akin. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagkakakunot ng noo sa akin pero inirapan ko lang siya. Ngayon pa niya ako bibigyan ng ganyang attitude kung kailan handa na akong makipagbati sa kanya. Kung ayaw niyang makipag-ayos, I'm cool with that. Pero huwag niya asahang mauuna akong makipag-usap sa kanya. Muli ko na lang ibinaling ang atensyon ko kay Oriang na nasa harapan ko. "Namamagitan?" Mahina akong tumawa. "Walang namamagitan sa amin, Oriang. Nagmagandang loob lamang si Sergio na ako’y ihatid rito upang hindi na ako mapagod at mabilad sa initan." I tried to explain ngunit maging ako man ay nahalata ang pagiging defensive sa tono ko. "Walang creoles na magmamagandang loob sa isang indio, maliban na lamang kung may nais itong ipahiwatig." Napangiwi ako sa sinabi niya. Alam ko na rin kasi kung saan ito papunta kaya ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa kanya na wala lamang iyon. "Wala lamang ’yon, Oriang." Hindi na ulit ako nagsalita pa ng tungkol kay Sergio at iniabot ko na sa kanya ang supot na pinaglalagyan ng regalo ko. "Ano ito, Sab?" takhang tanong niya. "Munting regalo para sa iyo, Oriang. Pasasalamat na rin dahil isa ka sa naging sandalan ko sa panahong ito." Ngumiti si Oriang dahil sa sinabi ko. "Maraming salamat sa iyong handog, Sab. Ngunit ang pagkakaibigan natin ang isa sa pinakamagandang kaloob sa akin na natanggap ko. Hindi yaon matutumbasan ng anumang bagay sa mundo." I bacame teary-eyed after hearing what she said. She treasure our friendship. And I couldn't be more thankful. Kung may pagkakataon nga lamang ay nais kong ipagtapat sa kanya ang tunay na kong pagtao. Ngayon pa lamang ay naiisip ko na ang maaari niyang maging reaction. Pero sa tuwing naiisip ko rin na hindi iyon ganoon kadaling paniwalaan ay nagdadalawang isip na ako. She might think I must be crazy. "Sana magustuhan mo ’yan, Oriang. Ako mismo ang pumili niyan." Iba pa rin pala talaga kapag ikaw ang kumilatis at pumili ng regalo para sa taong importante sa iyo. Matagal na rin kasi mula nang huli ko iyong ginawa. Sa panahon kasi namin ay online na lang naghahanap at namimili. Hindi mo makikilatis nang mabuti. Hindi mo actual na makikita kaya pagdating sa iyo at na-i-deliver na, hindi kasing tulad ng inaakala mo. Expectation versus reality talaga siya. Hindi tulad ng nagawa ko ngayon para kay Oriang. Talaga ako ang pumili. Sigurado ako na walang damage at ayos ang quality. Hindi nakakahiya sa pagbibigyan. Sana lang ay magustuhan niya. Sinilip ni Oriang ang nasa loob ng supot at inilabas ang abanikong napili ko para sa kanya. Nakita ko nang tila magningning ang mga mata niya pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa gamit na iyon. And it flutters my heart. Her reaction was priceless. Kahit hindi pa niya sinasabi ay alam kong nagustuhan niya iyon. "Napakaganda nito, Sab. Ikaw ba ang pumili nito?" tanong niya. "Oo, Oriang. Siniguro kong magugustuhan mo ang aking mapipili." Sunud-sunod ginawa niyang pagtango. "Oo, Sab. Nagustuhan kong tunay. Gustong-gusto ko ito." Niyakap ako ni Oriang kaya niyakap ko siya pabalik. "Maligayang kaarawan sa iyo, aking kaibigan," I said lowly. "Maraming salamat, Sab." Bumitiw kami sa pagkakakayakap sa isa't isa at nilapitan kami ni Andres. Sa tabi ni Andres ay si Tonyo. "Tingnan mo, mahal ko. Hindi ba’t kay ganda ng handog sa akin ni Sab ngayong kaarawan ko?" Hindi ko mapigilang mapangiti nang ipagmalaki niya iyon kay Andres. "Siyang tunay, mahal ko. Maraming salamat, Binibining Sab. Iyong tunay na napaligaya ang aking mahal na kabiyak," saad pa ni Andres kaya tumango ako. "Wala pong anuman, Ka Andres. Masaya po akong napasaya ko si Oriang kahit papaano." "Alam mo bang kanina ka pa niya hinihintay? Kaya ang mabuti pa ay samahan ka na niyang kumain. Kukuha lamang kami ni Tonyo ng aming maiinom." Tumango ako kay Ka Andres at iniwan na nila kami ni Oriang. Hanggang sa yayain na niya ako sa kanilang kusina para kumain. Marami akong nakain dahil galing pa ako sa trabaho ko. Siguradong mas marami akong makakain kung hindi ako nagpahatid kay Sergio at nagmatigas ako na maglalakad na lamang. I would be exhausted and starving for sure. Habang kumakain ay may ilang bagay din kaming napagkwentuhan ni Oriang. Hindi namin pinapansin ang ingay ng kwentuhan ng mga lalaki sa kanilang tanggapan dahil parang may sarili kaming mundo ni Oriang. "Alam mo ba, Sab, malayo pa lamang ay natanaw ko na ang kalesang sinasakyan ninyo ni Sergio mula sa aming bintana." Kaya pala ang tanong agad niya sa akin ay kung si Sergio ba ang kasama ko ay dahil nakita na niya kami. "Ganoon ba, Oriang?" tanging nasabi ko. "Alam mo ba na kanina ka pa hinihintay ni Tonyo?" This one caught my attention. I can't help but slightly scoff. I don't think so. Kanina pa niya ako hinihingay pero pagdating ko pa lang ay sinungitan na niya agad ako. "Parang hindi naman, Oriang," biro ko na lamang. "Totoo, Sab. Nang matanaw ko kayo ni Sergio ay pinlano kong biruin si Tonyo na nagkakamabutihan na kayo ni Sergio ngunit nang tingnan ko siya ay nakatanaw rin siya sa papalapit na kalesa." Nahinto ako sa sinabi ni Oriang. So malayo pa lang din pala kami ni Sergio ay natanaw na kami ni Tonyo. "Ganoon ba?" Sinilip ko si Tonyo sa puwesto nila at nakita kong nakikipagtawanan siya sa ibang katipunero. Nakikinig siya sa kwentuhan at sasabay sa tawanan. Bigla na lamang siyang lumingon sa pwesto ko kaya mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay Oriang. Kahit mabilis ang ginawa kong pag-iwas ng tingin ay sigurado akong ganoon din siya dahil nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata nang nakita niyang nakatingin din ako sa kanya. "Hanggang sa lumabas siya ng aming tahanan at pagsilip ko sa kanya sa labas ay nakita kong inip siyang naghihintay." Muli kong sinulyapan si Tonyo ngunit mabilis na lamang dahil baka mahuli niya ulit ako. So that's it. Inabagangan niya talaga ang pagdating namin ni Sergio kanina. I thought he just arrived, too at nagkasabay lang kami ng dating kaya tinulungan na rin niya akong makababa dahil napansin niyang hindi ako tutulungan ni Sergio. "Sa tingin mo, Sab, bakit ganoon na lamang ang inasta ni Tonyo?" Tiningnan ko si Oriang at seryoso ang kanyang hitsura. There's something in her question. May nais siyang ipahiwatig na hindi ko naman makuha kung ano. I've been trying to read her simula pa kanina pero hindi ko siya maintindihan. "Hindi ko alam, Oriang. Ngunit hindi ba’t alam mo naman na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan noong mga nagdaang araw." Alam iyon ni Oriang dahil pagtapos kong pumunta sa puno ng Soberanya ay sa bahay nila ako dumiretso. Naikwento ko sa kanya ang pagtatalo namin ni Tonyo ngunit hindi ang dahilan dahil alam kong hindi niya iyon paniniwalaan. Kaya hindi ko alam kung bakit nagtatakha pa si Oriang sa inasta sa akin ni Tonyo kanina. "Panggoy, nariyan ka na pala." Napalingon ako sa pintuan nang tawagin ni Oriang si Panggoy. Mabuti na lamang at nakadalo rin siya. May makakasama na kami ni Oriang. Pinakain muna ni Oriang si Panggoy at hinintay namin itong matapos. Nang natapos ay lumipat kami sa tanggapan nina Oriang na malapit sa mga lalaki. As I walk to my seat, I feel so uneasy ’cause of this awkward feeling that someone's watching me. I know it's Tonyo. Kaya kahit gusto ko mang i-confirm na siya nga ang nanonood sa paglalakad ko ay hindi ko na lang tinangka pa. Mahirap salubungin ang mga tingin niya ngunit mahirap ding bawiin. I don't know. But when it comes to Tonyo, there's always a confusion. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makaupo na ako. Mali pa yata ang napili kong pwesto dahil natatanaw namin ni Tonyo ang isa't isa. Hindi ko naman magawang makipagpalit kay Panggoy dahil baka mahalata ni Oriang ang pag-iwas ko kay Tonyo. "Sab, manunuyo ka na ba na pumapanhik sa inyong tahanan?" Nagulat ako sa tanong ni Teodoro Plata kaya nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. "Po?" "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa tanong ng aking pinsan, Sab," sabi ni Oriang at sinamaan ng tingin si Ka Teodoro. "Teodoro, magtigil ka nga!" suway niya sa kanyang pinsan. "Paumanhin, Sab, ngunit kami’y nagtatakha lamang dito kay Tonyo. Matagal-tagal na rin naman kayong magkaibigan ngunit hindi man lamang naiisipang pumanhik ng ligaw." Nagtawanan ang mga Katipunerong kasama namin dahil sa pangangantyaw nila kay Tonyo. "Ka Teodoro!" suway ni Tonyo. "Magkaibigan lamang po kami ni Sab." Hindi siya pinakinggan ng mga kalalakihan at tuloy-tuloy ang ginawang pang-aasar sa kanya. "Iyon na nga ang sinasabi namin sa iyo, Tonyo. Bakit hanggang kaibigan lamang? Wala ka bang pagtangi sa magandang binibini?" dagdag pa ni Ladislao. "Magkaibigan lamang po kami," ulit ni Tonyo to convince them. "Marami rin naman akong kaibigan na babae, Tonyo, ngunit hindi ko laging bukambibig." Muling nagtawanan ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi ni Valentin. I look at him and his face reddens. "Maiibigan ni Sab ’yan, magugustuhan ni Sab ang kulay niyan, hindi kumakain si Sab niyan, gusto ni Sab ang amoy niyan..." Hindi ko mapigilang matawa nang pati si Andres ay nakisali sa pang-aasar kay Tonyo. Pero magkaibigan lang talaga kami. Hindi kami maaaring humigit pa roon dahil may timeline na hahadlang sa amin. Kaya ngayon pa lamang ay alam na namin na hindi kami pwede. He has a special part in my life...and in my heart. But that's already it is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD