Kabanata 19

2078 Words
Kabanata 19 Sabrina's POV Kinagabihan ng araw na iyon ay umuwi ako sa bahay. Tonyo is not there. Wala ring liwanag ng lampara bahay nila nang madaanan ko kanina kaya alam kong walang tao roon. Naabutan ko si Lola Herminia na nakatanaw sa bintana. Muli akong nakaramdam ng guilt dahil sa inasal ko sa kanya kanina. Wala pa si Andres nang iniwan ko roon si Oriang. Kaya marahil ay nasa meeting si Tonyo kasama ang mga katipunero. I still don't get why I am fuming mad at him but curious about his whereabouts at the same time. Ngayon ko lang nare-realize na sa bawat gabing abala siya sa katipunan ay ang pag-aalala kong maaari siyang mapahamak. "Sab, nariyan ka na pala." Nakita ko kung paano nawala ang pag-aalala sa mukha ni Lola Herminia nang lingunin niya ako rito sa pintuan. Hindi niya siguro ako natanaw kanina sa bintana. May kalabuan na rin kasi ang mga mata ni Lola. Nginitian ko siya at lumapit ako sa kanya. "Pasensya na po kayo sa akin kanina, Lola Herminia. Alam ko pong maling-mali ang inasal ko." Inako ko ang pagkakamali dahil kasalanan ko rin naman talaga. I became too emotional. Pero hindi naman ako nagsisisi na nag-burst out ako kanina dahil gumaan din naman kahit papaano ang pakiramdam ko. Kinakailangan din talaga natin minsan na maglabas ng sama ng loob para sa pagluwag ng ating nararamdaman. "Kami ang dapat humingi ng paumanhin, Sab. Alam namin ang pinanggalingan mo. Dapat ay naging maingat kami sa usaping ito." Hinagod ako ni Lola Herminia sa likod para i-comfort. I smiled at her. "Maraming salamat po sa pag-intindi, Lola. Ngunit hindi ko pa po kayang makita si Tonyo." Tumango si Lola Herminia. "Naiintindihan ko, Sab. Ngunit kung nakita mo lamang kanina ang hitsura ni Tonyo matapos ninyong magtalo. Labis din siyang nagsisi." Pilit akong ngumiti kay Lola. The damage has been done. I still care about Tonyo, though. But I can resist him for now. "Gusto ko na po sanang magpahinga, Lola." "Sandali, kumain ka na ba?" "Opo, Lola. Kumain po ako kina Oriang bago umuwi rito." Oo, nakakahiya man ngunit nakikain ako kina Oriang ng tanghalian at hapunan. Tanghalian lang talaga dapat ako kakain dahil hindi ko na kinaya ang gutom. Ngunit kaninang pauwi na ako ay pinilit niya akong kumain bago umuwi. "Oh siya, sige. Magpahinga ka na." Iniwan ko na si Lola Herminia at pumasok na ako sa kuwarto ko. I would always care about Tonyo but I won't let this one slide. — Matapos ang pagtatalo namin ni Tonyo ng araw na iyon ay hindi ko na ulit siya nakita sa loob ng ilang araw. Maybe it's because we're both avoiding each other. At sa paglipas ng mga araw na iyon ay inaamin kong nami-miss ko siya. He's my friend, though. Kaibigan pa rin naman ang tingin ko sa kanya, of course. Normal lang naman sa isang kaibigan ang ma-miss. And it's normal for me to miss Tonyo. "Sab, halika na at mag-agahan."Narinig ko ang mahinang katok ni Lola Herminia sa kwarto ko kaya kahit inaantok pa ay bumangon na ako. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay nalinis na yata ni Lola ang buong bahay. Nakaramdam ako ng hiya dahil habang siya ay nagpapakapagod sa paglilinis, ako naman ay sarap na sarap sa pagtulog. Paggising ko pa ay may nakahanda nang almusal. Ganito rin naman ang buhay ko sa twenty first century pero katulong namin ang gumagawa nito sa akin. And Lola Herminia isn't my maid. "Nais mo bang linisin ko ang iyong kuwarto?" tanong niya matapos punasan ang isang jar. "Hindi na po, Lola Herminia. Ako na lang po ang maglilinis. Maraming salamat po sa agahan." Naglakad na ako papunt sa kusina para kainin ang sinabi ni Lola na inihanda niya. "Dumaan pala kanina si Andres, Sab. Pinaaabot ang mensahe ni Oriang na ikaw dumalo ngayong kaarawan niya." Nahinto ako sa pagkain nang sabihin iyon ni Lola. I almost forgot. Nang huling beses kaming magkita ni Oriang ay niyaya niya ako sa kanyang birthday dahil magdaraos yata ng kaunting salu-salo si Andres para sa kanya. Mabuti na lamang at napadaan pala rito si Andres para ipaalala sa akin. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na iyon naalala. And I know for sure that Oriang will be upset. Maaari din siyang magtampo sa akin kapag hindi ako nakapunta. Lalo pa’t sinabi niya noon na akong ang kauna-unahan niyang sinabihan tungkol sa plano nila ni Andres para sa kanyang kaarawan. Ano kaya ang magandang iregalo kay Oriang? Ano ba ang gusto ng mga babae sa panahong ito? Makapaghanap na lang mamaya sa bayan. Siguro naman ay mayroon doon na pwedeng panregalo na siguradong magugustuhan ni Oriang. "Kumusta naman ang pagkakaroon ng mga bayaning kaibigan, Sab?" Lola Herminia playfully asked at sinaluhan ako pag-aalmusal. I smiled awkwardly. Lola Herminia has an idea about them. "Nakakatuwa po, Lola pero nakakapangilabot din po." Inamin ko ang nararamdaman ko. That was my first impression when I met them. "Ako man, Sab. Nakadaupang palad ko pa nga ang ina ni Andres nang siya ay nagdadalang tao rito." Wala akong idea tungkol sa ina ni Andres. "Nabigla ako nang mapag-alaman na ang kanyang isisilang ay ang tanyag na bayani." I can imagine Lola's Herminia's face sa kung paano man niya iyon natuklasan. "Nakatutuwa lang po sa pakiramdam, Lola. Isang napakalaking karangalan." Tumango si Lola bilang pagsang-ayon. Nang matapos kumain ay mabilis lang akong nagpahinga at naligo na. Mataas na ang sikat ng araw nang pinasyang kong pumunta na muna sa bayan para bumili ng panregalo kay Oriang. Ilang sandali rin ako naghanap hanggang sa makakita ako ng pamaypay. Isang abaniko na alam kong babagay sa babaeng tulad ni Oriang. I get my coin purse at binayaran na. Nang masiguro ang nabili ko para sa aking kaibigan ay dumiretso na ako sa palengkeng pinagtatrabahuhan ko. Mabuti na lamang at maaga pa ako nang ilang minuto. Kaagad ay tinulungan ko si Aling Miding sa pag-aayos ng paninda naming gulay. Ang asawa niyang si Mang Kaloy ay nagbababa naman ng mga naani rin nilang prutas. "Napag-alaman kong kaarawan ngayon ni Oriang, Sab?" aniya nang pumwesto ako para magtinda. "Opo, Aling Miding. Sa katunayan nga po ay doon ako didiretso pag-ubos nitong paninda natin," sabi ko. Sinalansam ko ang mga gulay at prutas na aming ititinda. "Maari kang makauwi nang maaga. Ang kalahati sa mga paninda nating ito ay pinakyaw ng isang espanyol kaya kakaunti na lamang ang ating ititinda." Bigla akong na-excite sa sinabi ni Aling Miding. Ibig sabihin ay hindi ako gagabihin sa daan sa pagpunta roon. "Naku mabuti naman po kung gayon. Siguradong matutuwa si Oriang kung maaga akong makakapunta roon." Tumawa si Aling Miding nang hindi maitago ang excitement sa akin. I was like a student hyping because of the classes are suspended. Mabuti na lamang at mabait pa rin sa akin ang tadhana. Nakikisama sa mga plano ko. Dahil alam kong maaga akong makakauwi ay mas ginanahan ko ang pagtitinda. "Ginang na marikit, baka nais mo ng gulay? Nakasisiguro akong maiibigan ito ng iyong asawa." Nahinto ang ginang na inalok ko at sinuring mabuti ang mga tinda ko. "Sariwang-sariwa. Bagong pitas at bagong ani ang mga paninda namin. Madali pang lutuin." Saglit na nag-isip ang ginang pero bumili rin naman. Pinag-alukan ko pa ang mga natira naming paninda at wala pang tanghali ay ubos na ang mga ito. "Nakatutuwa ka naman, Sab. Sige, narito ang iyong kita. Ipaabot mo na lamang kay Oriang ang malugod kong pagbati." Iniabot sa akin ni Aling Miding ang kinita ko ang sweldo ko ngayong araw. Hindi ganoon kalaki pero higit na makatarungan kaysa sa kinita ko noon sa pier. "Makakarating po, Aling Miding. Salamat po sa pasahod. Mauuna na po ako." Dinampot ko ang abanikong ireregalo ko kay Oriang at naghanda sa pag-alis. "Mag-iingat ka, Sab." Kumaway ako sa mag-asawang pinagtatrabahuhan ko at nagpatuloy na sa paglalakad bitbit ang supot na pinaglalagyan ng abaniko. Malayo-layo na rin ang nalalakad ko nang may humintong kalesa sa aking gilid. Tumabi ako sa daan dahil ang akala ko ay nasasakop ko ang dinaraanan niya ngunit nakatabi na ako sa gilid ay nakahinto pa rin ang kalesa. Dahil sa pagtatakha ay nag-angat ako ng tingin. Ang nakangiting si Sergio ang tumambad sa akin. "Como esta, Binibining Sab." Sa paglipas ng panahon ay paganda nang paganda ang pakikitungo sa akin ni Sergio. Sa tuwing nagkakasalubong kami noon ay tinatanguan niya lang ako. Hanggang sa ang pagtango niya ay may kasama nang ngiti. Ngunit ngayon ay muli na niya akong nilapitan. "May kailangan ka ba, Senyor?" tanong ko. Hindi niya ako basta lalapitang kung wala siyang pakay sa akin. The last time he approached me, he asked me questions like where was I at that specific date he gave. And it's kinda creepy ’cause the answer to his question was the time me and Tonyo first met. "Saan ang iyong tungo, Binibini?" tanong niya. He's talking to me nicely. There's no hint of mockery so I think I have to equal the niceness of his treatment. "Sa kaarawan ng aking kaibigan, Senyor." Nanatili akong nakatingala sa kanya dahil hindi naman siya bumababa ng kalesa. And he's looking down at me. "Ang kaibigan mo bang si Oriang ang iyong tinutukoy?" usisa pa niya at tango na lamang ang isinagot ko. "Hindi ba’t siya ay taga-kalookan?" "Sa Calle Anyahan na sila naninirahan ng asawa niyang si Ka Andres." Tumango si Sergio. "Kung sa Anyahan ang iyong tungo ay malayo pa rin iyon mula rito. Nais mo bang sumabay na lamang sa akin at—" "Hindi na!" Bigla akong nataranta sa alok niya. There's no way in this world I would say yes. I would never trust a Spanish like him. Okay, not tryna be racist but I'm scared of them. Paano kung hindi niya naman ako ihatid sa pupuntahan ko? "Nakikita ko ang takot sa iyong mga mata, Sab. Nakalulungkot na hindi ko magawang makipagkaibigan sa mga indiong nais kong maging kaibigan dahil sa ako’y isang creoles." He smiles bitterly. "Hindi mo kami masisisi." I have to tell him frankly. Iba talaga kapag may lahing espanyol. "Ngunit nais ko lamang malaman mo, Sab, na bata pa lamang ako ay isa na akong creoles. Malaking bahagi na ng pagkatao ko ang bayang ito. Nais ko ring makabuo ng isang pagkakaibigan." I watched his lips move. His accented deep voice was mesmerizing. "Hindi ba’t magkaibigan kayo ni Tonyo?" Well, that's what I knew. They're not really friends, nasabi lang niya noon na minsan siyang tinulungan ni Tonyo. We're at least they were sort of friends. "Maging si Tonyo ay batid kong mayroong pag-aalinlangan sa akin. Ngunit tulad ng sinabi mo ay hindi ko siya masisisi." Muli ay ngumiti siya nang mapait. "Ngunit nais talaga kita maihatid sa iyong paroroonan, Sab. Matindi na rin ang sinag ng araw. Sana ay mapagbigyan mo ako kahit ngayon lamang." I don't know why he needs and wants to bring me there but I can see sincerity in his eyes. Ang pag-aalala niyang malayo pa ang aking lalakarin ay mukha namang totoo. I slightly nodded my head at nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata nang pumayag ako. Hindi ko napigilan ang matawa sa naging reaksyon niya. Mula sa pagkabigla ay unti-unti itong nagliwanag. Agad siyang naglahad ng kamay at tinanggap ko naman iyon. I hop in and sit next to him. "Sa Anyahan tayo," sabi niya sa nagpapaandar ng kalesa at pinatakbo na niya ang kabayo. Saglit lang din ay narating na namin ang tapat ng bahay nina Oriang. Kung naglakad siguro ako malamang na aabutin ako siyam-siyam. "Maraming salamat, Ginoo." Tiningnan ko si Sergio at ngumiti siya sa akin. "Maraming salamit din sa pagpapaunlak sa aking hiling, Binibini." Tumango ako sa kanya. "Mauuna na ako." Tumango siya at naghanda na ako sa pagbaba. Ngunit pagharap ko sa babaan ng kalesa ay halos malaglag ako nang nakaabang na pala sa akin sa baba si Tonyo. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagtatanong ang mga mata. Sinulyapan niya lang nang mabilis si Sergio sa likuran ko at ibinalik agad sa akin ang kanyang tingin. He didn't say a word, he just offer his hand so that I could climb off. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at bumaba na ako sa kalesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD